chapter VI

HUMAHANGOS na inilapag ni Tryna ang mga pinamili nito sa ibabaw ng mesa sa loob ng kusina. Paano ba naman, galing siya sa merkado para bumili ng mga kakailanganin nila. Tapos nag-commute lang siya pauwi at binagtas niya lang ang layo ng main gate sa mansion ng amo niya dala ang mga pinamili kanina. Siya lang kasi ang namalengke dahil may lakad si Keen. May kikitain lang daw ang binata kaya siya naiwan sa mansion nito at naisipang mamalengke na lang.

Nang makapagpahinga na siya ay sinimulan niyang ayusin ang mga pinamili niya. Pagkatapos ay nagluto ng pananghalian. Wala naman siyang natanggap na text mula sa boss niya kung kaya't kumain na lang siya.

Dumako ang hapon at hindi pa siya tapos sa paglalaba ng mga damit ng boss niya. Matapos kasing mananghalian ay naisipan niyang maglaba dahil wala naman na siyang ibang gagawin pa. Akmang sasabunan na niya ang hawak na boxer ng makita niya ang desenyo niyon.

"Doraemon?" Inosenteng bulong niya.

Hindi niya akalaing mahilig pala sa Doraemon si Keen. Wala pa kasi siyang ibang alam tungkol sa binata bukod sa seaman at businessman ito. Mahilig sa ahas at ginawa pang pet.
Sa halos isang buwan na pananatili niya sa mansion kasama ang binata ay mangilan-ngilan lamang ang alam niya.

Napatigil lamang siya sa pagmumuni-muni nang may marinig siyang doorbell mula sa main gate. Tumayo siya at nagtungo sa gate na panay ang ingay.

"Sino naman kaya ito?" Takang tanong niya sa sarili.

Hindi naman niya masabing si Keen iyon dahil may sariling remote control ang boss niya para sa buong access nito sa mansion. Ang taray kasi ng boss niya, napaka-hitech ng mansion nito.

Nang makarating sa gate ay binuksan niya ang maliit na gate. Sumilip siya sa labas at nakita niya ang isang matangkad na babae na nakatalikod habang kinakalikot ang cellphone nito.

"Psstt!" Sitsit niya sa babae na agad namang lumingon sa kaniya.

Napamaang siya ng makita ang babae. Parang nakakita siya ng anghel na hinulog mula sa langit.

"Ang ganda mo naman," wala sa sariling bulalas niya.

Tiningnan siya ng babae mula upo hanggang paa. Kapag kuwan ay napataas ang kilay nitong lumapit sa kaniya habang nakangiwi.

"I know, right." Puno ng kompiyansang sagot ng babae.

Ngumiti siya rito at nilakihan ng bukas ang maliit na gate bago nagsalita. Hindi niya pinansin ang mataray na mukha nito.

"Sino ka po ba?" Magalang na tanong niya.

Pinasadahan na naman siya ng tingin ng babae at halatang parang pinandidirihan siya nito. Napatingin siya sa sarili at doon niya lang napansin na basa pala siya.

"I should be the one asking you that question," lintaya nito, "who are you? Why are you here? I am looking for Keen, so where is he?" Sunod-sunod na tanong nito.

Napakamot ng batok si Tryna sa panay english ng babae. Naintindihan naman niya kahit papaano ang tanong nito, kaya lang nakaka-nosebleed ito.

"Hey! Are you deaf?" Mataray ang boses na tanong ng babae nang hindi agad siya nakatugon sa mga tanong nito.

"Ito naman ang taray," bulong niya na halatang narinig ng babae dahil tinaliman siya nito ng mata.

Abah! Mukhang anghel na maldita ang nakaharap niya ngayon. Sayang ang ganda nito kung mataray at suplada naman pala ito. Naalala niya bigla ang payo ng kaibigan niyang si Mia. Napahinga siya ng malalim bago nagsalita.

"Unang-una sa lahat, Tryna ang pangalan ko. Pangalawa, nandito ako dahil katulong ako rito. Pangatlo, kung hinahanap mo si Sir Keen ay wala siya rito. Pang-apat, hindi ako bingi, okay?" Sagot niya sa mababang tono.

Ikinukumpay pa niya sa ere ang kabilang kamay niya dahilan para mapatingin doon ang babae. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito.

"What the..." anas nito.

"Oh? May problema ka na naman?" Takang tanong niya.

Salubong ang kilay na utinuro ng babae ang kamay niya.

"Bakit mo hawak ang boxer ni Keen?" Matalim ang mga matang tanong nito.

Takang napatingin siya sa kamay niya at halos mabitwan niya iyon ng makitang hawak nga niya ang boxer ni Keen. Pero ano naman ngayon kung hawak niya iyon.

"Naglalaba kasi ako, alangan namang susuotin ko tulad nito." Aniya sabay suot ng boxer sa ulo niya.

"What the heck..." nakangangang bulalas ng babae.

Nginitian na lang niya ito bago inalis sa ulo ang boxer ni Keen. "Gusto mo ikaw na lang maglaba? Halika, pasok ka sa loob ng masimulan muna," Wika niya sabay hila sa babae papasok.

Ngunit mabilis na hinila ng babae ang kamay nito sabay tulak sa kaniya dahilan para mapasalampak siya sa lupa. Napaigik pa siya dahil sa pagtama ng puwet niya sa lupa.

"You! You're stupid woman!?" Inis na sigaw ng babae bago nagdadabog na umalis.

Napanguso na lang siya sabay tayo. Hinilot niya ng marahan ang pang-upo niya dahil sa kirot.

"Maka-stupid naman 'to," nakangiwing bulong niya bago sinilip ang babae na nakaalis na bago isinara ang gate.

Bumalik siya sa paglalaba habang may malalim na iniisip. Iniisip niya kung kaano-ano ni Keen ang magandang babaeng iyon kanina.

"Hindi kaya siya ang girlfriend ni boss?" Tanong niya sa kawalan.

Parang nakaramdam siya ng bigat ng loob sa kaisipang girlfriend iyon ng boss niya sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa matapos siyang maglaba at sumapit ang gabi ay hindi pa rin umuwi si Keen.

Nakapagluto na rin siya ng hapunan at hinihintay ang binata. Hanggang sa maisipan niyang umakyat sa taas. Akmang papasok na siya sa kuwarto niya ng mapatingin siya sa pinto ng kuwarto ng boss niya.

Naisipan niya biglang pumasok doon upang alamin kung totoo ba ang hinala niyang girlfriend talaga ng boss niya ang babaeng iyon kanina. Nang makapasok sa loob at maingat  na isinara ang pinto ay tumingin-tingin siya sa loob.

Ilang beses na siyang pumapasok sa kuwarto ng binata lalo na kapag naglilinis o kumukuha siya ng maruming damit nito. Pero ni minsan hindi niya naisipang makialam sa mga naroon sa silid nito.

Napadako ang mata niya sa picture frame nito. Nakangiting kinuha niya iyon at bahagyang pinalandas ang palad niya sa litrato nito. Nakasuot ito ng uniforme ng seaman at sa likuran nito ay ang malaking barko. Nakapamulsa ito habang nakangiting nakatingin sa kumukuha sa kaniya ng litrato noong time na iyon.

"Ang guwapo mo talaga, boss. Ang tangos ng ilong at dinaig pa ang pilik mata't kilay ko sa ganda." Nakangiting anas niya.

Matapos pagsawaan ang frame nito ay ibinalik niya iyon sa dating ayos at nagpatuloy sa pagtitingin-tingin sa mga naroon. Nakuha ng atensiyon niya ang isang kulay asul na album na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito.

She was about going to pick it up when she heard Keen's car noise.

Mabilis na tumakbo siya palabas ng silid at bumaba. Sinalubong niya sa pinto ang binata.

"Magandang gabi, boss. Kumain ka na ba?" Nakangiting tanong niya rito.

"Not yet," he answered.

Parang medyo lasing ito base sa boses nito.

"Lasing ka ba?" Tanong niya.

"Just a little tipsy." He answered.

Naupo ito sa sofa habang nakapikit. Bahagyang namumutla rin ang mukha nito.

"Ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?" Nag-aalalang tanong niya.

Dahan-dahang nagmulat ng mata ang binata sabay tingin sa kaniya. Malumay ang mga mata nito na animoy may iniinda ito.

"Are you concerned with me?" Mahinang tanong nito.

Mabilis na tumango siya. Tinitigan siya nito na para bang binabasa ang laman ng isip niya.

"Malamang concerned ako sa'yo, baka mamatay ka pa tapos hindi na ako magkakasahod ng malaking halaga." Saad niya na ikinaawang ng labi nito.

"What did you say?" Halos pabulong na tanong ng binata.

"Sabi ko, malamang concerned ako sa'yo, baka mamatay ka pa tapos hindi na ako magkakasahod ng malaking halaga." Pag-uulit niya sabay hipo sa noo nito.

Ganun na lang ang pag-aalala niya nang maramdamang napakainit nito. Kulang na lang ay lagyan niya ng itlog ang noo nito.

"Teka, napakainit mo naman! May lagnat ka pala!" Hindi mapakaling anas nito. "Saan ka ba kasi galing at ano ang ginagawa mo't nagkalagnat ka!" Puna niya rito.

Hindi nagsalita si Keen at nakatitig lang ito sa kaniya. Animo'y kinakabisado nito ang bawat sulok ng mukha niya. Pero binalewala niya iyon.

"Sandali, dito ka lang at kukuha lang ako ng pampunas––"

"Just bring me to my room," pigil nito sa kaniya.

"Pero––"

"No buts. Just follow what I said," he whispered.

Halatang nanghihina na ito. Napalabi siya upang magpasalamat sa Diyos na kahit papaano ay nakauwing ligtas ang binata.

Wala siyang nagawa kaya inakay niya ito patayo. Inalalayan niya itong maglakad paakyat sa taas at inihatid sa kuwarto nito. Buti na lang at nakayanan niya ang bigat ng binata.

"Dito ka lang muna, ah. Kukuha lang ako ng pampunas at maligamgam na tubig sa baba." Bilin niya matapos itong maihiga sa kama.

Kinumutan niya ito ng makapal na kumot dahil nanginginig na ito. Hindi umimik ang binata kaya lumabas siya ng silid. Agad na kumuha siya ng kailangan niya bago bumalik sa silid nito.

Naupo siya sa gilid ng kama at pinunasan ang noo't mukha nito. Hanggang sa makaidlip ito. Nilagyan na lang niya ng bimpo ang noo nito bago uli bumaba. Nagluto siya ng sopas para ipakain sa binata.

Lumipas ang ilang minuto ay naluto na ang sopas kaya nagsalin siya sa bowl bago inilagay sa tray. Nagdala na rin siya ng isang basong tubig at gamot. Nang makapasok sa kuwarto nito ay nanginginig pa rin ang binata. Narinig pa niya ang mahinang ungol nito. Inilapag niya sa tabi ang tray saka ginising ito.

"Sir Keen, gumising ka muna para makakain ka ng sopas at makainom ng gamot." Tapik niya rito.

Umungol lang ito at mas lalong nagtalukbong ng kumot. Niyugyog niya ang balikat nito para gisingin uli pero nagmamatigas ito.

"Wuy! Gising na," pangungulit niya.

"I won't eat and drink medicine." Rinig niyang bulong nito.

"Hindi puwede, kailangan mong kumain at uminom ng gamot." Pangungulit niya at pilit itong ginising.

"No, I won't." Matigas na saad nito.

Parang mas lumala ang lagnat nito dahil mas lalo itong nanginig.

"Babangon ka't kumain o papatayin ko iyong alaga mong ahas." Pananakot niya rito.

"I know, you can't." Mahinang sagot nito.

'Abah!'

"Paano mo namang nasabing hindi ko kaya?" Tanong niya.

"You're afraid of snake." Paos ang boses na sagot nito.

'Oo nga 'no?'

Napakamot na lang siya ng noo habang nakatingin dito. Mukhang matigas ang ulo ng amo niya. Ano ba'ng puwedeng gawin para kumain at uminom ng gamot ang binata.

Mga limang minuto na hindi siya umimik habang nag-iisip nang magsalita ang binata.

"Why are you silent?"

No response.

"H-hey! Why are you silent?"

No response again.

"Fvck! Talk to me, woman!" Pilit pinapalakas ang boses na wika ng binata.

"Kakausapin lang kita kapag kakain ka na," kunwaring wala siyang paki sabay tayo.

"I don't want to eat." Giit nito.

"Sabi mo, eh." Tanging sabi niya at akmang aalis kunwari nang magsalita uli ang binata.

"Fine! Feed me," pagsuko nito.

Mabilis na humarap siya rito nang may malaking ngiti sa labi. Inalalayan niya itong bumangon at sumandal sa headboard ng kama nito.

"Good boy," matamis ang ngiting anas niya sabay subo ng sopas.

Bakas sa mukha nitong napilitan lang itong kumain pero hinayaan na lang niya iyon. Ang mahalaga ay kumain na ito. Halos maubos nito ang sopas nang umayaw na ito.

"I can't finish it all." Lintaya nito.

Itinabi niya ang bowl sabay kuha ng gamot at tubig.

"Inumin mo 'to," aniya sabay umang ng gamot sa bibig nito.

"No way! I won't drink it." Mabilis na tanggi nito.

"Bakit? Takot ka sa gamot?" Curious na tanong niya.

"Nope." He answered.

"Di ka marunong lumunok ng gamot?" She asked.

"Y-yes," nakaiwas tinging sagot nito. "Besides, it's bitter thought." He added.

"Asus! Marunong ka nga raw'ng lumunok ng katas ng babae, gamot pa kaya." Kaswal na sabi niya na ikinamura ni Keen.

"What the fvck!" Halos paos na mura nito. "Saan mo naman nalaman yun?" Nakaiwas tinging tanong ng binata.

"Si Charm, narinig ko nung minsan kayong nag-usap." Balewalang sagot niya.

"Fvck him!" He cursed again.

Mahinang natawa siya rito. Napaisip rin siyang kalalaking tao 'di marunong lumunok ng gamot. Ang astig at manly nito tingnan tapos takot naman pala sa pait.

"Kalalaki mong tao 'di ka marunong lumunok ng gamot?" Napapailing na anas niya.

"Tsk! I don't usually drink medicine when I'm sick." Pagdadahilan nito.

Ayaw talaga nitong uminom ng gamot. Nag-isip siya ng ibang paraan para mapainom ito ng gamot nang biglang pumasok sa isip niya ang itinuro ni Mia sa kaniya.

"Pumikit ka," utos niya kay Keen.

Kahit nanghihina ay nagtatakang tiningnan siya nito.

"Why? What would you do?" Takang tanong nito.

"Basta pumikit ka na lang." Pagpupumilit niya.

Walang nagawa ang binata kundi ang pumikit. Inilagay niya ang gamot sa loob ng bibig niya sabay inom ng tubig. Kapagkuwan ay lumapit siya sa binata at walang pasabing inilapat niya ang labi sa labi ng binata.

Napaawang ang labi ng binata sa gulat dahilan para gawin niya iyong pagkakataon na ilagay sa loob ng bibig nito ang gamot at tubig. Naramdaman niyang napainom ang binata na ikinangiti niya bago lumayo rito.

"Ayan, marunong ka naman pa lang lumunok ng gamot." Natatawang sabi niya.

Hindi nakagalaw ang binata habang nakatingin sa kaniya. Bakas ang gulat at hindi pagkapaniwala sa mukha nito. Iniligpit na lang niya ang tray at inilagay sa gilid. Nang lingunin niya ang binata ay nanginginig na naman ito. Tinulungan niya itong mahiga uli at inayos ang kumot nito.

"Ang lamig," bulong nito.

Hinipo niya ang noo nito pero hindi pa bumababa ang lagnat nito.

"Fvck! My body were shaking. It's too cold," panay ang ungol ng binata.

Nakaramdaman siya ng awa habang nakatingin dito. Ngayon niya lang nakitang ganito ito ngayon.

'Body heat'

Bigla niyang naisip ang laging sinasabi ng ina niya noon kapag nilalagnat sila ng kapatid niya.

Mabilis na hinubad niya ang suot na t-shirt at tumabi ng higa sa binata sabay hila ng kumot. Pagkatapos ay niyakap niya ito. Naramdaman niyang natigilan si Keen sa ginawa niya pero hindi niya iyon pinansin. Mas idinikit niya ang katawan niya sa katawan ng binata.

"W-what are you doing?" Nauutal na tanong nito.

"Tumabi ng higa at yumakap sa'yo." Simpleng sagot niya.

"Damn! Alam ko." Wika nito at humarap sa kaniya.

Halos mahalikan na siya nito sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Napalabi pa siya at inirapan ito.

"Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa," mahinang saad niya.

"What I mean is, this is not appropriate position." Nakaiwas tinging sabi nito.

"Hay naku, tumigil ka na nga lang. Effective ang body heat sa lagay mo." Lintaya niya.

"But––"

"Teka, ano yung matigas na tumutusok sa tiyan ko?" Inosenteng tanong nito.

Napatigalgal si Keen habang nakatingin sa mukha niya. Umigting pa ang panga nito na animo'y nagpipigil lang ito sa kung anumang puwede nitong gawin.

Narinig pa niya itong napamura ng mahina pero wala roon ang atensiyon niya. Nasa matigas na bagay na nasa tiyan niya ang atensiyon niya kaya gumalaw siya.

"Fvck! Stop moving, woman!" Mabigat ang hiningang sita ng binata sa kaniya.

"Ba't ba? Titingnan ko lang, eh." Inosenteng anas nito na ikinamura ulit nito.

"Fvck! Don't!" Mabilis na bulalas ng binata.

Pero sadyang matigas ang ulo niya dala na rin ng kyuryusidad ay ibinaba niya ang isang kamay niya upang kapain at hawakan ang matigas na tumutusok sa tiyan niya.

***

Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Keen nang tuluyang kapain at hawakan ni Tryna ang naninigas na alaga nito. Parang napugto ang hininga niya sa kanina pa niyang matinding pagpipigil sa sarili na dakmain at halikan ito kahit na may lagnat siya. Hindi pa nakakatulong ang walang saplot na pang-itaas nito habang nakadikit sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang cocomelon nito sa matigas niyang dibdib.

'Fvck!'

"Bakit ang haba?" Rinig niyang bulong ng dalaga sabay pisil sa alaga niya.

"Uhm," mahinang ungol niya. Sunod-sunod na napamura siya sa isip dahil sa ginawa ni Tryna.

"Ang laki naman nito. Puwede patingin?" Walang bahid na biro o malisya sa boses na tanong nito.

Sandaling nakalimutan niyang huminga sa tanong ng katulong niya. Kundi pa siya naghihikalos na huminga ay hindi pa sana siya hihinga.

"Fvck! Spare me with your fvcking innocence, my maid." Halos walang boses na bulong niya at mabilis na lumayo sa dalaga.

Halos mahulog pa siya sa kama makalayo lang dito. Pakiramdam niya ay hindi na niya mapipigilan pa ang sariling sunggaban si Tryna kapag nasa ganung posisyon pa silang dalawa.

She respect her because she's different from other girls who became his flings. She's perfectly innocent and puerile.

May pagka-isip bata minsan kung umakto ang dalaga. He admit that for the past months he's been attracted to her. Kaya minsan ay iniiwasan niya ito.

"Anyare sa'yo, boss?" Takang tanong nito.

"You shouldn't do it again. You don't know what are you doing a while ago." Mariing anas niya pagkatapos at nagtalukbong ng kumot.

Parang mas lalong nadagdagan ang init ng katawan niya imbes na bababa ang lagnat niya.

"Sus! Ang arte mo naman. Parang hawak at pisil lang, eh. Big deal ba 'yon?" Nakalabing maktol nito. "Tsaka, ano ba yun? Bakit ang tigas naman ata?" Curious na dagdag pa niya.

Napapikit na lang siya ng mariin sa kainosentihan ng dalaga. Ano ba'ng nagawa niyang kasalanan sa past life niya't isang inosente't isip bata ang nakasalamuha niya?

O baka naman ay parusa na iyon sa kaniya dahil sa pagiging playboy niya. Pero hindi naman niya kasalanan kung maraming nahuhumaling at gustong makipaglaro ng apoy sa kaniya.

'Tsk!'



______
A/N: Please kindly vote and comment. Thank you 🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top