chapter V
TANGHALING tapat na ng magising si Keen. Kundi pa kumalam ang tiyan niya ay hindi pa sana siya magigising. Bumaba siya ng kama bago lumabas ng kuwarto. Pagbaba niya ay malinis na ang buong sala at nakaayos ang lahat ng mga gamit. Wala siyang makitang dumi o kahit ano. Mukhang maagang nagising ang katulong niya. Pumasok na lang siya sa kusina para magtimpla ng kape at kumain. Pero nasa pinto pa lang siya ay nakita na niya si Tryna nakaupo sa isa sa mga upuang naroon at nakangiting nakaharap sa hawak nitong mobile phone. Kinukuhanan nito ng litrato ang sarili.
Pinagmasdan niya lang ang dalaga habang nakasandal sa pinto. Bawat galaw nito ay hindi nakatakas sa paningin. Dinaig pa niyang CCTV camera.
"Gwapaha jud nako uy." Rinig niyang bulalas ng dalaga.
(Translation: Ang ganda ko talaga.)
Napakunot ang noo niya. Ayan na naman ito sa salitang alien na hindi niya maintindihan. Napapailing na lang siya at dahan-dahang lumapit sa dalaga. Tumayo siya sa likuran nito dahilan para pati siya ay masali sa pagkuha nito ng litrato.
Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kuha nitong litrato sa cellphone. Lihim natawa na lang siya bago kumuha ng mug para magtimpla ng kape.
"Are you done?" Tanong niya sabay upo sa tabi ng dalaga.
"B-boss," nauutal na anas nito.
"Tsk! Give me some food to eat." Utos niya rito na agad naman nitong sinunod.
Tahimik na umiinom lang siya ng kape habang binabasa ang natanggap niyang text mula kay Roshan. Napapailing na lang siya sa text nito bago ibinaba ang hawak na mobile phone.
Pinipilit na naman siya nito na bilhin ang isang isla nito sa Palawan ang EL Nido. Ilang beses na niya itong tinanggihan pero sadyang makulit ito. Worst, ginawan na nito ng file of ownership na nakapangalan sa kaniya para hindi na siya makahindi.
Palibhasa ay abogado ito kaya madali lang sa kaniya ang pag file ng ownership.
Roshan is a cunning and wicked man in terms of business. Well, they are all the same.
Tsk!
"Kain ka na, boss," nakangiting saad ng dalaga.
Tiningnan niya ito. Naalala niya ang mga pinagsasabi nito kagabi habang tulog sa couch. Ipinilig na lang niya ang kaniyang ulo upang iwaglit sa isipan ang mga iyon.
"You can eat with me. Take your seat," aniya at nagsimula na siyang kumain.
Naramdaman pa niya itong nagdadalawang isip pero kalaunan ay naupo rin ito at sinabayan siya sa pagkain. Naparami pa ang kain niya dahil wala siyang agahan kanina. Hanggang sa matapos at umakyat siya sa taas para tawagan ang sekretarya niya na hindi siya papasok sa kompaniya ngayon.
Nang dumako ang hapon ay naligo siya upang puntahan ang makulit niyang kaibigan.
Roshan wants to meet him right now to discuss about the island. He has the right to refuse but inorder to shut his mouth, he made up his mind to buy the island.
Nang matapos maligo't magbihis ay bumaba siya dala ang wallet at susi ng kotse niya. Naabutan pa niya si Tryna na nakaupo sa couch at nanunuod ng Tv. Naramdaman ata ng dalagita ang presensiya kaya lumingon iti sa kaniya.
"May lakad ka, boss?" Tanong nito.
"Mmm. Do you want to come with me?" Balik tanong niya.
Mabilis na tumango ang dalaga na parang excited na sumama. Bakas ang tuwa sa mga mata nito habang in-off ang tv.
"Sasama ako, saan ba tayo pupunta?" Nakangiting tanong nito.
Naiiling nanatawa na lang siya. "Magbihis ka na muna, mamaya ka na magtanong." Sagot niya sabay upo sa couch.
"Aye, aye, captain!" Sigaw nito at mabilis na tumakbo papuntang second floor.
"Pfft! I am a seaman not a captain." Bulong niya.
***
SALUBONG ang mga kilay ni Keen habang papasok sila sa loob ng golden bar na pag-aari ng kaibigang si Arbby. Madilim ang mukha niyang tinataliman ng mata ang bawat lalaking nangangahas na tumingin sa katabi niya. Kung nakakamatay lang ang matalim na tingin ay malamang kanina pa nakabulagta ang mga ito sasahig. Kulang na lang ay lapitan niya ang mga ito at sapakin hanggang mawalan ng malay. Napatingin pa sa kaniya si Tryna nang hapitin niya ang beywang nito palapit sa kaniya.
"Ayos ka lang, boss?" Inosenteng tanong nito.
Tumiim ang bagang niya upang ikalma ang sarili. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito.
He seems like a possessive boyfriend.
"I'm fine. But if they don't stop staring at you, I might kill them." Mariing bulong niya.
Napanganga ang katabi niya habang napapakurapkurap na nakatingin sa kaniya.
"B-bakit mo naman gagawin yun?" May bahid ng takot sa boses na tanong nito.
Natigilan siya dahil sa tanong nito. 'Yeah, right. Why the hell would I do that?' Napabuntong-hininga na lang siya hanggang sa makita nila ang table kung saan nakaupo ang kumag niyang kaibigan.
"Hey! Come here!" Pagtawag sa kanila ng kaibigan.
Tinaliman lang niya ito ng mata hanggang sa makalapit sila sa table. Nanunuksong tiningnan pa siya ni Roshan ng makita nito ang kasama niya.
"Oh! May kasama ka pa lang magandang chick's, dre." Nang-aasar na wika ng kaibigan.
Mas lalong tumalim ang mga mata niyang nakatingin dito.
"Shut the fvck up, Jovavich!" Walang kabuhay-buhay na sita niya sa kaibigan.
Tinawanan lang siya nito bago iminuwestra ang upuan. Napahinga siya ng malalim bago pinaghila ng upuan ang kasama niya na tahimik lang habang nakatingin kay Roshan.
His fist clenched.
"Stop staring at him or else I'll kiss you." He whispered.
Takang nag-angat ng tingin sa kaniya ang dalaga kaya napaiwas na lang siya ng tingin.
"Tsk! Possessive, huh. Mukhang magiging meyembro ka ni Limorthone, Azzarry." Nanunuksong segunda na naman ni Roshan.
"At mukhang gusto mo ring makita si kamatayan, Jovavich." Matalim ang tinging ganti niya.
Napangiwi ang kaibigan sabay lagok ng alak na nasa baso nito saka nagsalin ng panibago. Nagsalin na lang din siya ng alak habang nagsasalita.
"Give me a fvcking reason why should I buy your island?" Panimula niya.
Roshan smirk while looking at the girl beside him before turning his gaze on him.
"Well... you might use it someday... for your girl." Nakangising sagot nito.
Nagsalubong ang kilay niya sa sagot nito."Don't try to fool me, psychopath." Mariing aniya.
"No. I'm not fooling you, dumbass." Natatawang depensa ng kaibigan. Inis na ibinato niya rito ang hawak na baso na agad namang nasalo ng huli.
"A-ahm... Boss, sa cr lang muna ako, ah." Biglang sabat ni Tryna dahilan para mapalingon siya rito.
Matamang tinitigan pa niya ito bago tumango. Nagpaalam pa ito sa kaibigan niya bago tuluyang umalis. Nakasunod pa rin ang tingin niya sa dalagita ng magsalita si Roshan.
"Ehem!" Tikhim nito, "sure ka ba talaga na katulong mo lang siya?" Mahinahong tanong ng kaibigan.
Mabilis na bumalik ang tingin niya rito.
"What else do you think?" Blankong balik tanong niya.
"I think... you like her." Pabiting sagot ng kaibigan.
Sandaling natigilan siya habang nakatingin sa basong hawak na may lamang alak. Nanunuring tinitigan pa siya ng kaibigan dahilan para matauhan siya.
"She's just my maid." Giit niya sa kaibigan.
Nagkibit-balikat na lang ang huli sabay inom ng alak nito. "Sabi mo, eh." Tanging lumabas sa bibig nito.
"Tsk!" Pasinghal na aniya.
"So... bibilhin mo ba ang isla ko?" Tanong ni Roshan.
"Fvck you! How can I say 'no' if you had already the documents of ownership?" Puno ng sarkastiko sa boses na balik tanong niya rito.
Napakamot ng batok ang kaibigan sabay lapag ng isang envelope sa harap niya. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang laman nun upang basahin.
"Name the price," malumay na wika niya.
Napasipol si Roshan na animo'y nanalo sa lotto kung makangiti ito. Minsan nahihiwagaan talaga siya sa kaibigan. Hindi lang siya, kundi pati ang iba pa nilang kaibigan.
He's weird sometimes.
"Well... mura lang yun para sa'yo. Magkaibigan tayo, eh." Nakangiting sabi nito.
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Mukhang sinapian ang kaibigan dahil himalang ibebenta nito ang isla sa murang halaga.
Tsk!
"How much?" He asked.
"Hmm... twenty billion only," wala sa oras na naibuga niya ang alak na nasa bibig niya deretso sa pagmumukha ng kaibigan.
"Shit!" Mura ni Roshan sabay punas ng mukha nito. His facial expression turn into dark while looking at him.
"What the fvck!? Twenty billion 'only? Is it considered to be a cheaper price, Jovavich?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
Parang sandaling tumigil ang pag-inog ng mundo niya sa murang presyo na sinasabi nito.
"Oo naman. Iyon ang pinakamurang presyo tuwing nagbebenta ako ng isla," kalmadong sagot ng kaibigan. Bunalik na sa dati ang ekspresyon ng mukha nito.
Napahilot na lang siya sa sintido niya. May balak atang gawin siyang hampaslupa sa laki ng presyo ng isla nito.
Well... aaminin niyang mayaman siya pero gahot din sa bulsa ang presyo nito. Akala pa naman niya tutuhanin nitong ibenta sa kaniya ng mura ang isla.
Tsk!
"Sa'yo na lang iyang isla mo, Jovavich. Patayuan mo ng mansion na hindi madilim na parang kuweba sa ka-wirduhan mo." Nakangiwing sabi niya.
Tinaasan siya ng gitnang daliri ng kaibigan dahil sa sinabi niya. Well, totoo naman ang sinabi niya. Weirdo minsan ang kaibigan.
Madalang itong lumalabas, iyon pa tuwing tungkol sa kanilang magkakaibigan ang pag-uusapan. Pero kapag hindi tungkol sa kanila, hindi ito umaalis sa bahay nitong dinaig mo pang nasa kuweba sa sobrang dilim.
Idagdag mo pang napakalaki ng mansion nito at ang daming pasikot-sikot. Ikaw na baguhan ay siguradong maliligaw ka sa bahay nito. Kung hindi ka mag-iingat ay panigiradong makakabasag ka sa mga gamit nito.
Wala silang ibang alam dito bukod sa kaalamang mas nagiging active ang kulay asul nitong mata sa dilim. Ayon pa sa kaibigan, mas nakaka- concentrate ito kapag madilim at tahimik ang paligid tuwing may trabaho ito tungkol sa mga pinanghahawakan nitong kaso.
In short, he has a special ability. All of them has their own ability, but Roshan's ability is one of the most weird ability for them. Including Zachary Shan Limorthone, he has the same ability with Roshan but he rarely used it since he got married.
Nagagawa ng pag-ibig, eh.
"El Nido is one of the best island in the Philippines, Azzarry. Hindi masasayang ang pera mo dahil kompleto ang isla ko. It has a resort, blue cristal clear sea, white sand, beautiful tourist attractions, village, hotel and etc." Proud na saad ng kaibigan. "You can even meet some beautiful girls their," nang-aasar na dagdag pa nito.
Napangiwi na lang siya sa kaibigan. Actually, hindi pa niya napuntahan ang El Nido na pag-aari ng kaibigan dahil busy siya minsan tuwing pupunta roon ang huli.
Napabuntong-hininga na lang siya at inubos ang laman ng baso. Napatingin siya sa suot na relo ng mapansing medyo natagalan ang personal maid niya sa cr.
***
Nakaramdam ng ginhawa si Tryna matapos mag-cr. Kanina pa kasi siya naiihi at hindi na siya makatiis pa kaya nagpaalam siya sa boss niya. Matapos maghugas ng kamay ay lumabas na siya ng cr at baka hinahanap na siya ng boss niya. Akmang pabalik na siya kung saan si Keen nang biglang may humarang sa kaniya na lalaki. Mukha itong lasing pero halata namang nasa tamang pag-iisip pa ang lalaki. Unang tingin pa lang ay mahahalata mong isa itong banyaga.
"Hey, Miss!" Tapik nito sa kaniya na ikinapitlag niya "Do you want to drink with me?" Halata ang pagiging amerikano base sa tuno ng pananalita nito.
"Ah, sorry po pero hindi ako umiinom," nakangiting saad niya.
Halatang hindi naman naintindihan ng banyagang lalaki ang sinabi niya dahil bakas ang lito sa mukha nito. Pero kalaunan ay ngumisi ito at dahan-dahang lumapit sa kaniya.
Napaatras siya hindi dahil natatakot siya, kundi dahil sa baho ng bibig nito.
"Ang baho ng hininga mo," inosenteng wika niya.
Nakarinig pa siya ng tawanan sa paligid at doon lang niya napansin na marami na pa lang mga lalaki at kababaihan ang nakatingin sa kanila.
"What?" Takang tanong ng lalaki.
Imbes na sagutin ay mas napalayo pa siya lalo rito ng makitang namumula ang mga mata nito.
"Are you scared with me, Miss beautiful?" Nakangising tanong ng lalaki.
"Oo, ang pula ng mata mo, oh. Takot ko lang mahawaan ng sore eyes mo." Sagot niya sabay takip ng mata niya.
Ang sabi kasi ng nanay niya ay nakakahawa raw ang sore eyes. Dapat ay mag-ingat siya dahul mahirap magkaroon ng sore eyes.
Naghagalpakan ng tawa ang mga nakarinig sa sinabi niya. Ang banyagang lalaki naman ay bakas na ang irita sa mukha nito dahil hindi nito naiintindihan ang lahat ng sinabi niya.
"What the heck are you talking about? Could you speak English–––" napatigil sa pagsasalita ang lalaki nang biglang may sumapak dito.
"You don't have the right to shout and scold her, dumbass!" Rinig niyang malalim at mariing puna ni Keen sa lalaki.
Mabilis na inalis niya sa pagkakatakip sa mata ang kaniyang kamay. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang pumutok ang gilid ng labi ng bangyang lalaki.
"What the hell––"
"Speak and I'll cut your tongue." Walang halong birong banta ni Keen sa binata.
Blanko ang mga mata nito at walang ekspresyon ang mukha. Ang sexy nito tingnan habang nakipagtagisan ng tingin sa lalaking may sore eyes kuno.
Nanlamig ang katawan niya sa alalahaning may sore eyes ang lalaki tapos nakipagtagisan ng tingin ang boss niya rito. Walang isang segundong hinila niya palayo sa lalaki si Keen sabay takip sa mata nito.
"Huwag mo siyang titigan, baka mahawa ka sa sore eyes niya, boss." Bulong niya rito.
Biglang tumawa nang malakas si Roshan na malapit lang sa kanila't nakarinig sa sinabi niya. Si Keen na halatang nagpipigil na matawa kaya tumaas na lang ang sulok ng labi nito.
"Bakit ka tumawa? May mali ba sa sinabi ko?" Inosenteng tanong niya kay Roshan.
"You're so funny, Miss Layzon. You are really innocent, huh." Nagpipigil tawang sabi ng binata.
Napakamot na lang siya ng noo dahil hindi naman nito nasagot ang tanong niya kaya tumingin siya kay Keen.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Bulong pa niya rito.
Pinisil ni Keen ang tungki ng ilong niya bago bumulong sa kaniya. "They have, sweety." He whispered. Hinarap nito ang lalaki na ang sama ng tingin sa kanilang dalawa ni Keen.
"You." Turo ni Keen sa lalaki. "Nakalimutan mo atang nasa pinas ka at hindi sa America. Mind your words here if you don't wanna go back to your country without your tongue." Seryusong sabi nito.
Natinag naman ang lalaki at halatang natakot sa sinabi ng boss niya. Parang nawala bigla ang kalasingan ng lalaki at biglang namutla.
"Boss, huwag mo ng takutin," pigil niya rito.
"No. I should warned him so that he'll know his limitation." Matigas na giit ni Keen.
Napanguso na lang siya at hinayaan ang boss niya. Nakaramdam siya ng awa sa banyaga pero binalewala na lang niya iyon. Takot niya lang mapagalitan ng boss niya.
"Next time, huwag na huwag mong utusan ang kahit sinong Pilipino na mag-english para lang maintindihan mo." Mariing sabi ni Keen. "Wala ka sa America. Ikaw ang nandito sa bansa namin kaya magtagalog ka." Dagdag pa nito.
Hindi nakapagsalita ang banyaga dahil halatang kahit ni isang salita ng tagalog ay wala itong naintindihan.
"Boss, english-in mo na lang para maintindihan niya." Bulong niya kay Keen.
"No. We're not the one to adjust in our country. He's the one to adjust 'cause he's in our country." Matigas pa ring giit ng binata.
Napakurap-kurap na lang siya habang nakatingin sa binata. Hindi raw mag english pero ang lahat ng sinabi nito ay English.
"Hindi raw mag-english pero nag-english, ano ba talaga, dre?" Sarkastikong tanong ni Roshan.
Sinamaan lang nito ng tingin ang kaibigan bago ulit tumingin sa banyaga na namumutla pagkatapos ay hinila siya nito paalis.
"Hey! Where are you going?" Pasigaw na tanong ni Roshan.
"Go home," maikling sagot ng binata.
"Bayaran mo muna ako uy!" Muling sigaw ng kaibigan.
Kinawayan lang nito ang kaibigan hanggang sa makalabas sila ng bar. Dumeretso sila sa parking lot at pinagbuksan siya nito ng pinto. Pagkatapos ay umikot at pumasok sa driver's seat. Akmang bubuhayin na nito ang makina ng kotse nito ng mapatingin ito sa kaniya.
"By the way, that guy has no sore eyes." Naiiling sabi nito.
Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa binata. "Why are you silent?" Taka g tanong nito.
"Puwede magtagalog ka naman? Kanina pa ako nahihirapan sa kakaintindi ng english, eh." Nakangusong wika niya. Kunti pa lang kasi ang alam niya sa English.
Iyong mga itinuro nito sa kaniya lang ang alam niya. Hindi siya makakapagsalita or intindi ng tudo sa english. Fast learner naman siya kaya lang minsan tinatamad siyang mag-aral ng english.
Pero mukhang kailangan na talaga niyang pagtuonan ng pansin ang pag-aaral ng english. Lalo na't panay english ang boss niya.
"Pfft! You're so cute. I can translate billions of English words as long as it's you." Natatawang bulong ng binata na hindi naman niya narinig.
"Anong sabi mo?" Curious na tanong niya sa ibinulong nito.
"Nothing. Sabi ko, walang sore eyes ang lalaking iyon kanina," bagkus ay paliwanag nito.
"Eh bakit namumula ang mga mata niya kung wala siyang sore eyes?" Puno ng kyuryusidad na tanong niya.
"Dahil gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang lalaking iyon." Sagot niya at nagsimulang magmaneho pauwi.
Napatango-tango siya ng maintindihan ang ibigsabihin nito. "Ang dami mo talagang alam, boss." Tanging naibulalas niya.
"Well... it's me, Keen Mark Azzarry, the genius." He proudly replied.
Ngumiti na lang siya sabay sandal sa upuan niya at pumikit. Inaantok na kasi siya kaya iidlip na muna siya. Alam niyang genius ang boss niya pero minsan nasusobrahan sa hangin ang amo niya.
'Nagagawa ng sobrang talino, ayan tuloy, minsan sablay.'
A/N: Yayss! May update na rin sa wakas. Sorry for the late update. Busy lang ako dahil andaming performance task tas' malapit na rin ang exam namin. I hope you'll understand, blueeems.🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top