Chapter IX
Tryna's Pov.
Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti sa sobrang saya at mangha nang makarating kami sa daungan ng barko. Nalula rin ako sa laki ng barko na sasakyan namin papuntang Amsterdam, nagulat nga ako nang ipasok ni Boss ang porsche nitong sasakyan sa loob ng malaking barko. Para akong isang batang tuwang-tuwa sa mga nakitang kamangha-mangha sa paningin. Natuwa pa sa akin ang mga taong nakatingin sa akin kanina habang tumalon-talon ako sa sobrang saya. Sa totoo lang, ito pa ang unang beses na nakasakay ako ng barko. Wala kayang barko sa bukirin namin sa Bukidnon. Hehehe.
"Wow!" Manghang bulalas ko nang makarating kami sa 5th floor kung saan kitang-kita ang mga nangyayari sa ibaba.
"Hey! Come here!" Biglang tawag sa akin ni Boss.
Dala nito ang maleta ko't maleta niya. Grabe! Ang gentleman naman pala ng babaero kong amo. Yes! Alam kong babaero siya, kung sino-sino ba naman kasi ang lumalapit sa kaniyang babae, eh. Yung iba ay inaaway ako minsan kapag nakita nilang magkasama kami ni Boss.
Ang sarap ngang minsan, pero dahil mabait ako, hindi ko na lang pinapatulan. Masisira lang kasi ang image ko niyan. Oh, 'di ba, may painag-image na ako ngayon. Marunong na ako mag-english uy! Tingnan niyo...
"Why? Do you want me to bukas the door so you can pasok-pasok on the inside?" Nakangiting tanong ko sabay lapit dito.
Pinangkitan naman niya ako ng mata bago ito napapailing ngunit may munting ngiti sa labi nito. Ayay! Natuwa sa english ko si Boss, ah.
"You sound's funny," naiiling na sabi nito.
"Anong funny? Ang galing kaya ng english ko. You turo-turo me, remember?" Nakangusong saad ko bago hinawakan ang mga maleta para siya na magbukas ng pinto.
Siya kaya may hawak ng card para i-scan daw sa scanner. Hindi kasi ako marunong gumamit nun. Wala yun sa bundok namin, eh. Not counted.
"Are you just gonna stand up there?" Untag ni Keen sabay hila ng mga maleta papasok.
Akmang ipapasok niya rin yung sa akin nang pigilan ko ito. Abah! Akin yun, eh!
"Saan ang kuwarto ko?" Nakalabing tanong ko.
"Inside," maikling sagot nito.
Ang sungit. Kanina pa ako hindi kinakausap nito ng maayos, eh. Mukhang galit pa rin dahil sa si Monmon ang kasama kong nanood ng sine kanina. Minsan talaga ang weird ni Boss, minsan nagagalit kapag may nakasama ang lalaki. Kunti na lang iisipin kong may gusto siya sa akin. Char! 'Di ko sure.
"Sandali, paanong nasa loob ang kuwarto ko?" Takang tanong ko.
"Tsk! Alangan namang sa labas, right?" May sarkastiko sa boses na saad nito.
Napakamot na lang ako ng batok at ngumiti sa kaniya. Mahirap na baka't magalit na naman ang tigre. Baka tuluyan na akong kainin ng buhay nito.
"Sir Keen, share ba tayo ng kuwarto?" Kapagkuwan ay tanong ko.
Malay ko ba'ng iisa lang kuwarto namin. Ang sabi ni Inay sa'kin ay bawal daw matutlog sa iisang kuwarto ang babae't lalaki kapag hindi sila mag-on, o' kaya naman ay mag-asawa.
"Why do you asked? Gusto mo ba'ng makasama ako sa iisang kuwarto?" Kaswal na balik tanong nito.
Napaisip naman ako. Tiningnan ko siya habang nag-iisip ng isasagot, siya naman ay naghihintay ng sasabihin ko.
"Hindi. Hindi naman tayo mag-asawa, eh." Anas ko at muling hinila palabas ang maleta ko pero ako yung hinila nito.
Napasubsob ang mukha ko sa matigas na dibdib nito. Ang sakit ng ilong kong tumama sa dibdib niya.
"Bakal ba iyang dibdib mo at ang tigas?" Maktol ko sabay himas ng ilong ko.
"Tsk! You're really unbelievable," nakangiwing sabi nito bago lumapit sa isang nagarabg sopa.
"Bakit naman?" Curious na tanong ko habang iginagala abg mga mata ko sa loob ng malaking silid.
Napanganga ako ng makita ang disenyo ng silid. Napakagara at talagang pang mayaman lamang ang silid na kinaroroonan nila. Nakaayos ang mga mamahaling gamit at may mga frames na nakasabit sa bubong.
May malaking chandelier pa sa gitna ng sala. Napatingin ako sa dalawang pinto, ito ba ang ibigsabihin ni Sir Keen kanina? Dalawa pala yung kuwarto rito sa loob. Ang gara naman kung ganun.
"Dahil kung ibang babae pa yung nakadikit sa dibdib ko ay malamang nahimatay na sa kilig." Mayabang na sagot nito sa tanong ko.
Napaikot naman ako paharap sa kaniya nang may inosente'ng tingin.
"Bakit naman kuno kikiligin at hihimatayin?" Naningkit ang mga matang tanong ko.
Napakurapkurap na tumingin ito sa akin. Bahagyang nakaawang pa ang labi nito na animo'y hindi makapaniwala sa tanong ko.
May mali ba sa tanong ko?
"Fvck!? Nakalimutan kong inosente ka nga pala," mahinang bulong nito na narinig naman niya.
Medyo naiirita na rin ako minsan tuwing lagi nitong binigkas ang salitang 'inosente' ako. Napanguso na lang at pasalampak na naupo sa sofa.
"Bakit ba palagi mo na lang sinasabing inosente ako?" Malumay na tanong ko.
"Seriously, you're too innocent for me." Masuyo na ang boses na tugon nito.
"Bakit nga?" Pangungulit ko.
"Because you're not open minded," sagot nito.
Hindi ako open minded? Bakit naman? Napahipo ako sa sintido ko.
"Nabubuksan ba yung utak?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.
Biglang humagalpak ng tawa si Sir Keen dahilan para mapatingin ako rito. Bakas ang aliw sa mukha niti habang napapahawak sa tiyan dahil sa kakatawa.
"Ba't ka tumatawa?" Naguguluhang tanong ko.
"You..." turo nito sa akin, "you're so funny." Dagdag nito saka umayos ng upo.
Psh!
Palagi naman akong nakakatawa para sa kaniya, eh. Humuba ang nguso kong sumandal sa sofa bago nagsalita.
"Bakit ba kasi lagi akong nakakatawa at inosente sa paningin mo." Maktol ko.
Kunti na lang iisipin kong clown ang mukha ko, eh. Ang ganda ng life ko. Hays.
"Because you're always act like one." Nakangiting sabi nito.
"Di mo sure." Nakangiting saad ko.
"Really? Sige nga, para saan ang condom?" He asked.
Napaisip naman ako sa tanong niya. Condom? Parang narinig ko na yun kay Mia noon. Sabi niya sinusuot daw iyon ng lalaki. Pero hindi naman nito sinabi kung para saan yun. Hindi kaya...
"Para sa lalaki," nakangiting sabi ko.
"Aanhin yun ng lalaki?" May nakaukit na malokong ngiti sa labi nito.
"Kakainin!" Mabilis na sagot ko dahilan para humagalpak na naman siya ng tawa.
Napanguso ako sa kaniya. Napapamura pa ito sa kakatawa na animo'y tuwang-tuwa.
"Hoy!" Sita ko sa kaniya.
"Fvck! Kailan pa naging pagkain ang condom." Rinig kong bulalas ni Sir Keen.
"Bakit ba? Ano ba yung condom? Para saan ba yun?" Naguguluhang tanong ko.
"It is use by a men for protection when having sex with someone." Natatawang sagot nito.
Napatango-tango naman ako. Ganun pala yun. Kala ko naman kakainin, eh. Mmm... ano kayang hitsura nun? Tsaka, para sa sex? Ang bastos naman.
"Aray!" Daing ko nang biglabg pitikin ni Sir Keen ang noo ko. "Ba't ka namimitik?" Hindi mapinta ang mukhang tanong ko.
Ang sakit kaya.
"You're spacing out," nakangiwing sagot nito.
Inirapan ko na lang siya bago nahiga sa sopa. Ang lambot kasi, eh. Para akong hinihila pahiga kaya hihiga na lang ako. Tumagilid ako at tumingin kay boss.
"Oo nga pala, Sir Keen, puwede bang paturo?" Nakangiting tanong.
"Teach of what?" Kunot-noong tanong nito.
"Kung paano maging open minded, tulad ng sabi mo." Sagot ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata. Nanunuri at may pag-aalinlangan ang uri ng tingin nito.
"Why?" Kapagkuwan ay tanong niya.
"Anong why? Para nga hindi mo na ako lagi tatawaging inosente." Nakalabing sad ko.
"Tsk! I swear, you're asking the wrong person, my maid." Nakapikit ng sabi nito.
Napabangon naman ako at lumapit sa kaniya bago naupo sa tabi nito. Niyugyog ko ang balikat nito para kulitin.
"Sige na please..." anas ko at patuloy itong niyugyog.
"Fvck! Stop it." Sita nito.
Napakagat-labo na lang ako at umalis sa tabi niya.
"Ang damot naman. Parang paturo lang naman, eh." Bulong ko, "kay Monmon na lang ako paturo." Dagdag ko pa at akmang uupo ak osa kabilang sopa nabg biglaakong hilahin ni Boss.
Napapaupo sa kandungan nito sa sobrang gulat sa paghila niya. Nang tingnan ko siya ay parang nanlilisik ang mga mata nito sa hindi malamang dahilan.
"Don't you dare go to him, Tryna. I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya." Nagbabantang anas nito. Napakalalim at lamig ng boses nito.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis abg tibok ng puso ko imbes na matakot sa mga sinabi nito. Nakatitig lang ako sa guwapo nitong mukha.
Pakiramdam ko ay hindi ako magsasawang titigan ang mukha nito. Lalo na ang light black eyes nito. Para akong hinihila ng mga mata niya palapit sa kaniya.
"Bakit nakapaguwapo mo, Sir Keen?" Bulong na tanong ko.
Tumaas ang isang kamay ko at nakangiting sinundot ang tungki ng matangos na ilong nito.
"Tanungin mo ang magulang ko." Malamyos na ang boses na sagot nito.
Inilahad ko naman ang kamay ko sa harap niya. "Akin na phone mo," sabi ko.
"Why?" Takang tanong nito.
"Sabi mo, tatanungin ko magulang mo." Nakalabing sagot ko.
Mahinang natawa siya sabay pisil ng ilong ko. Ang guwapo niya talaga kapag tumatawa o ngumingiti.
"Silly girl, I'm just joking around." Wika niya.
Umayos ako ng upo nagpapa-cute na tumingin sa kaniya. Nag-puppy eyes pa ako para talaga maawa siya sa akin.
"Ikaw na lang magturo sa akin kung ayaw mong magpaturo ako kay Monmon." Nakangiting sabi ko.
Napaiwas naman ito ng tingin at bahagyang napatikhim ito.
"I'll think of it." Tugon niya.
"Bakit naman?"
"Baka hindi lang pagtuturo ang magagawa ko sa isang magandang katulong tulad mo." Sagot niya.
Pakiramdam ko nagdiwang ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko nang marinig ang sinabi niya.
Wahhh! Maganda daw ako. Yieee!!
"I swear, I am a playboy and I do love doing some kinky things." Dagdag niya.
****
Hindi ako mapakali habang hinihila pababa ang suot kong dress na kulay itim. Hubog na hubog ang katawan ko na siyang ikinailang ko. Paano ba naman, biglang pumasok sa kuwarto ko kanina si Sir Keen para pabihisin ako ng ganito. Siya rin ang nagbigay ng dress at hindi ko alam kung para saan pa't nagbihis ako. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto at lumabas. Saktong paglabas ko ay nakita kong nakaupo si Sir Keen sa sofa habang nagbabasa ng libro. Nakabihis na rin ito ng pormal na damit at nakasalim pa na bumagay naman sa kaguwapuhan nito.
"Sir Keen," kagat-labing tawag ko sa kaniya.
Dahan-dahan naman itong nag-angat ng tingin sa akin. Nakita ko kung paano ito natigilan habang nakatingin sa akin.
"M-maganda ba?" Nahihiyang tanong ko.
Napaiwas ito ng tingin at bahagyang tumikhim sabay tango.
"You look fabulous," komento nito na ikinangiti ko.
Nawala yung kaba ko at lumapit sa kaniya. Muntik pa akong madulas dahil sa suot kong heels. Hindi naman kasi ako marunong magsuot ng heels, eh.
"Saan ba tayo pupunta, Sir? Bakit kailangan ko magbihis ng ganito?" Tanong ko.
Ibinaba nito ang hawak na libro sabay tayo. Lumapit siyasa akin at bahagyang inayos ang ilang hibla ng buhok kong nasa mukha ko.
Ang sweet naman.
Aniya ko sa isip. Nabasa ko kasi sa Facebook na kapag ginagawa raw iyon ng isang lalaki sa babae, ibigsabihin ay sweet ito. Jung anu-ano pa yung nalaman ko kundi lang kumatok si Boss kanina sa kuwarto ko.
"We'll be attending one of my friends birthday party." Nakangiting sagot nito.
Nagningning naman ang mga mata ko. Iilan pa lang sa mga kaibigan ni Boss ang nakilala ko. Nakaramdam ako ng excitement na makita ang kaibigan niya.
"Let's go?" Yaya nito sa akin sabay abot ng braso nito.
Nakangiting kumapit ako sa braso niya at sabay kaming lumabas ng unit namin. Nang makarating sa lobby ay napapatingin sa amin ang lahat na animo'y nakakita ng sinong kamangha-mangha.
Tiningnan ko si Boss bago ulit tymingin sa mga kababaihan na nagtitilian. Iyon pala ang boss ko ang tinitingnan nila. Iba talaga si boss, nakakapagpakilig nga siya--
"Fvck those men who are staring at you." Malutong na bulong ni Sir Keen.
Napaigtad pa ako nang hinahin niya ako padikit sa kaniya. Nagtatakang tiningnan ko siya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
"I'm not. I want to take off their eyes away from you." Mariing sagot nito.
Kinabahan tuloy ako. Kakaiba naman pala magalit ang isang to. Baka pati ako kuhanan niya ng mata. Tumahimik na lang ako at yumakap sa beywang niya.
Naramdaman kong natigilan ito pero hindi ko na pinansin pa. Sus, takot ko lang din makuhanan ng mata. Minsan talaga napapaisip ako kung bampira ba itong si Sir Keen. Hanggang sa makarating kami sa 6th floor ng barko at sumalubong sa amin ang maraming tao. Kadalasan ay mga banyaga at mayayamang tao ang nakikita ko.
Napamaang pa ako sa ganda ng mga nakita ko. May mga coffee shop at restaurants akong nakita. Grabe, napakalaki pala nitong barko dahil pati mga iyon kasya rito.
"Sir Keen, ang laki pala nitong barko sa inaakala ko." Pabulong na sabi ko pa sabay tingin sa buong paligid.
Nakakamangha talaga ang mga tanawin. May mga cute na bata pang naglalaro habang binabantayan ng mga magulang nila. Yung iba naman ay kinukuhanan ng litrato ang sarili.
"Yeah. Actually, the owner of this ship is one of my best friend." Tugon nito.
Gulat na napalingon naman ako sa kaniya. "Talaga?"
"Yep. We'll going to meet him later on here." Sagot niya.
Napapalakpak ako sa tuwa sa sinabi niya. Paniguradong guwapo rin katulad niya ang mga kaibigan nito. Pero syempre, mas guwapo pa rin siya para sa akin. Hehehe.
"Sir Keen, ano nga pala yung NVM?" Tanong ko uli dahil narinig ko iyon sa isang babae na nadaanan namin kanina.
"Nevermind," tugon niya.
Napanguso ako sa sinabi niya. Nagtatanong lang , eh. Ang sungit talaga minsan ni Boss.
"Ito naman ang sungit. Kay Monmon na nga lang ako magtatanong." Bulong ko.
"What the..." bulalas nito at biglang tumigil sa paglalakad saka sinamaan ako ng tingin.
"Oh? Bakit na naman?"
"NVM means 'nevermind' and that's exactly my answer to your question." Napapabuntong-hingang paliwanag niya.
Napakamot naman ako ng batok sabay ngiti sa kaniya. Yun pala yun. Akala ko sinungitan na naman ako.
"Hehehe. Sorry naman," nahihiyang saad ko.
Napapailing na lang ito bago kami pumasok sa isang malaking pinto. Pagpasok namin ay sumalubong saamin ang malaking silid. Kalahati ata ng buong floor ang laki ng silid.
"Ano 'to?" Curious na tanong.
Iginala ko sa buong silid ang panigingin ko. Halos naka pormal suit at dress ang mga narito. Mayayaman ata lahat sila, eh maliban sa akin.
May mga partner din kadalasan ang mga babae't lalaki na may hawak na wine glass habang nag-uusap.
"Ito ang pribadong silid ng may-ari nitong barko para sa mga malalaking okasyon tulad ng kaarawan ng kaibigan ko." Paliwanag naman nito.
Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas nagtagalog din. Nano-nosebleed na ako sa kaka-english nito. Pasado alas-otso pa naman ng gabi at halatang nag-eenjoy ang mga narito.
Lumapit kami sa malaking table kung saan may mga iilang taong naroon. Sa tingin ko ay mga businessman ang mga ito tulad ni Boss. Guwapo nila, grabe! Mga anghel ba ang mga 'to?
Wahhh!
"Yow, man!" Bati ng isang singkit na lalaking lumapit sa amin.
"Mmm... kanina pa kayo?" Tanong ni Boss.
"Yup. Kanina pa namin kayo hinihintay. Si Zach lang ang hindi ata makakapunta. Alam mo na, brokenhearted ang isang yun." Natatawang sabi nito.
Napapailing na lang si Sir Keen sabay tingin sa kaniya at ipinakilala siya sa lalaki.
"By the way, this is Tryna," pakilala niya sa akin. "Tryna, this is the owner of this ship, Eldian Karl Yoshiko." Pakilala ni Boss sa kaibigan niya.
Nakangiting tumingin naman ako sa lalaki. Ang cute nitong tingnan. Mas lalong sumingkit ang mga mata nito tuwing ngingiti.
"Oh, I finally meat you." Nakangiting anas ni Eldian. "No, wonder why he's being crazy because of you." Natatawang dagdag pa nito.
Takang tiningnan ko naman sigya.
"Shut the fvck up, Yoshiko!" puna niya sa kaibigan.
Nginiwian lang siya ni Eldian bago nagpatiunang naglakad at lumapit sa malaking table. Halos malula ako sa daming guwapo na nakikita ko. Hindi ko alam kung sino ang unang titingnan ko.
Jusko po!
"Hey! Watzup, seaman boy!" Nakangiting bati ng isang guwapong lalaki nang makalapit kami.
Nakasuot ito ng itim na tuxedo na bumagay naman dito. Kulay light emerald green ang mga mata nito. Napakaganda ng mata niya. Nakakabighani na animo'y tinutukso kang tumingin sa kaniya.
"Tsk! Maligayang kalibugan, Eryx Shawn MacCalester," bati ni Boss.
"Psh! Iyan na ba ang bagong salita ng pagbati ngayon?" Sarkastikong tanong ng lalaki.
Para silang hindi kaibigan kung mag-usap. Ganito ba umaakto ang mga magkakaibigang lalaki? Ang gulo kasi kausap, eh.
"Yes, it is. Bear with me, man." Natatawang tugon ni Sir Keen.
Tahimik na nakatingin at nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa mapatingin sa akin ang nagngangalang Eryx.
"Woah! May bago ka na namang chixs, Azzarry?" Parang manghang sabi nito. "Infairness, she look cute and gorgeous, man." Nakangiting komento nito.
Nahihiyang ngumiti na lang ako.
"It's not his chixs, MacCalester, it was his dearest cute maid, right, Azzarry?" Nanunuksong singit ni Eldian.
Tumayo pa rin ang iba at lumapit din sa amin. Biglang inabot ng isang lalaking may kulay pulang buhok ang kamay nito para makipag- shakeshands nang biglang tapikin ni Sir Keen ang kamay nito na ikinangiwi ng lalaki.
"Back off, Kamzatti, if you don't wanna fvck off!" Matalim ang matang sita ni Boss sa lalaki.
"Naks! Possessive ang playboy nating kaibigan!" Sigaw ng isa pang lalaki na kulay asul ang mata.
Nakaupo ito sa upuan nito habang nakapandikuwatrong nakatingin sa sa'min.
"Shut up, Emerson!" Puna ni Sir sa kaibigan.
"Mukhang ikaw ang unang magiging kampon ni Limorthone, Azzarry!" Sabi naman ng isang lalaking may kulay brown na buhok.
Ang guwapo nito tingnan. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay ng buhok niya. Idagdag mo pa ang kulay damo nitong mata. May mga lahing banyaga pala kadalasan ang mga kaibigan ni Boss.
"Tsk! She's just my maid, Clarkson," matalim ang matang sagot ni Boss.
Parang nakaramdaman naman ako ng kunting lungkot sa sinabi nito sa hindi malamang dahilan. Napayuko na lang ako.
"Really? Pero sa nakikita ko sa'yo, hindi lang katulong ang tingin mo sa kaniya." Nang-aasar na sabat ng isa pang lalaking may golden yellow na kulay ng buhok.
"Houstone's right, Azzarry, your eyes tell us you like her." Nakangising sang-ayon naman ng lalaking kulay abo ang mata.
"Tsk! I'm not, Vandross," nakaiwas tinging tanggi ni Boss.
Napakagat-labi na lang ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Ngunit napaangat ako nang may nag-abot ng kamay sa akin.
"Hi, I'm Roshan Jovavich, how about you?" Nakangiting tanong nito.
"Ako nga pala si Tryna," nahihiyang pakilala ko.
Aabutin ko na sana ang kamay niya para makipagkamay nang hilahin ako ni Boss sa tabi niya at siya ang nakipagkamay kay Roshan.
"Don't test my patience, Jovavich." Bulong niya sa kaibigan na narinig naman naming lahat.
Nagtawanan ang lahat at tinukso si Boss na madilim ang mukha.
"Tell us you still don't like her, Azzarry." Naningkit ang mga matang singit ng isang lalaking kanina pa tahimik habang kinakalikot ang hawak nitong cellphone.
"Huwag mo nang pilitin, Clinton, baka iiyak pa 'yan." Nang-aasar na sabi naman ni Eryx.
Isang matalim na tingin naman ang ibinato ni Sir Keen sa kaibigan pero tinawanan lang din naman siya nito. Hanggang sa inaya kaming maupo at pinaghila ako ng upuan ni Boss.
'Ang gentleman naman pala ng boss ko.'
A/N: Naka-update din sa wakas. Napaka-busy ng author niyo kaya heto lang muna. By the way, I just wanna share that my section won the four dance performance. As in, hinakot ng section namin ang pagiging champion sa bawat sayaw.🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top