Chapter II

NAKANGITING bumaba si Tryna sa sinakyan nitong jeep nang makarating siya bahay ng magiging amo niya. Tiningnan pa niya ng mabuti ang address na nakasulat sa papel bago tumingin sa malaking bahay---este mansion sa harap niya. Halos hindi siya kumurap ng makita ang mataas na gate. Kulay ginto ang gate at masyado iyong mataas para maakyat ng kung sino man kung sakali. Hindi niya akalaing napakayaman pala ng lalaking iyon.

Inayos na lang niya ang suot niya bago pinindot ang doorbell. Nakakailang doorbell lang siya at agad na bumukas ang gate. Napanganga pa siya dahil kusa lang iyong bumukas.

'Wow! Magic!'

Aniya sa isip at sumilip sa loob. Halos malula ata siya sa laki ng bakuran bg mansion na iyon.

"Tao po?" May kalakasan ang boses na sigaw niya.

"Pasok ka, hija!" Rinig niyang sigaw ng isang lalaki.

Napalunok muna siya bago pumasok. Never pa kasi siyang nakapasok sa ganoong kalaki na bahay. Napakalaki pa ng bakuran.

Napatingin siya sa may gilid kung saan may guard house. May nakita siyang may katandaang lalaking panot roon kaya lumapit siya.

Magandang hapon ho, Manong." Magalang na bati niya sa matanda.

"Magandang hapon din, hija. Ikaw ba si Miss Layzon?" Nakangiting tanong nito.

Nakangiting tumango siya.

"Ako nga, ho!" Masiglang sagot niya.

Natawa ang matanda bago lumapit sa kaniya at iginiya siya nito papunta sa may kalayuang malaking bahay. Dalawang palapag ang bahay at kita rin ang rooftop sa itaas.

"Manong, ano ho ba ang magiging trabaho ko?" Magalang na tanong niya.

Hindi kasi niya alam kung ano ba talaga ang trabaho niya. Pero kahit ano pa iyon ay tatanggapin niya.

Nakasunod lang siya sa matanda habang panay ang tingin niya sa paligid. Wala siyang ibang makita sa harap ng mansion kundi ang tatlong fountain na nasa magkabilang gilid at gitna.

"Ang sabi ni Sir Mark ay hintayin mo na lang daw siya sa loob. Siya na ang magsasabi kung ano ang trabaho mo." Sagot ng matanda.

Napatango na lang siya hanggang sa may pinindot ang matanda at biglang bumukas ang main door ng mansion.

'Wow! Ang taray!'

Aniya sa isip habang manghang nakatingin sa pinto. Ni hindi niya napansing nakapasok na sa loob si Manong kundi pa siya tinawag nito.

"Nandiyan na po!" Balik na sigaw niya at agad na pumasok.

Sumalubong sa kaniya ang magarbo at eleganting sala ng mansion. Napalunok pa siya ng makita ang malaking Chandelier sa itaas.

"Pag iyan nahulog nako! Patay ako niyan panigurado," bulong niya na narinig naman ng matanda.

Natatawang napailing ang matanda bago nagsalita.

"Dito ka na muna sa loob, hija. Kapag nagutom ka, kumain ka lang." Bilin nito bago lumabas.

Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng sala. Napasimangot na lang siya bago ibinaba ang dalang bag na naglalaman ng iilang damit niya.

"Ang laki-laki ng bahay na ito pero walang katao-tao." Mahinang bulong niya.

Imbis na maupo ay naisipan niyang suyurin ang buong bahay. Nagtungo siya sa mahabang staircase at umakyat sa taas. Napatakbo pa siya nang makita ang malaking veranda.

Binuksan niya ang sliding door at lumapit sa sandalan. Napapikit siya nang dumampi sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin. Nakaka-relax ang dampi ng simoy ng hangin sa magandang balat niya. Maya-maya ay tiningnan niya ang buong second floor. Talagang pang mayaman ang style ng bahay. Hanggang sa makaramdam siya ng gutom kaya bumaba siya.

Pumasok siya sa kusina at halos malaglag ang panga niya sa ganda at laki ng kusina.

"Lahi ra jud ning dato," tanging lumabas sa bibig niya.

(Translation: " Iba talaga 'pag mayaman,")

Nangalkal na lang siya sa ref at naghanap ng makakain. Pagabi na rin kasi kaya magluluto na lang siya ng panghapunan. Para kapag umuwi ang boss niya ay kakain na lang ito.

___

BADTRIP na umalis si Keen sa restaurant kung saan nakipag business meeting siya sa isang investor na gustong mag-invest sa kompaniya niya. Hindi niya nagustuhan ang naging proposal nito kaya hindi niya itinuloy ang pakikipag-deal. Idagdag mo pang hindi pa nawala ang hang over niya mula kagabi. Naparami ang inom niya sa birthday party ng kaibigang si Zach doon sa Golden bar.

Tsk!

Imbis na umuwi sa bahay ay tinungo niya ang bahay ng ama niya. Lunch break pa lang naman kaya dadalawin na lang muna niya ang ama. Halos isang linggo na rin mula ng huling dalaw niya roon.

Nang makarating ay pinagbuksan siya ng gate ng isa sa mga personnel ng mansion. Pumasok siya sa loob habang nakapamula. Naabutan niya ang ama na nasa sala at nagbabasa ng dyaryo.

"Dad!" Tawag niya sa ama sabay lapit dito.

Nilingon siya ng ama at sumilay ang munting ngiti sa labi nito. Naupo siya sa tabi ng ama matapos itong yakapin.

"Why are you here, son?" Tanong ng ama.

"I just want to pay you a visit, Dad." Sagot niya.

Mahinang natawa ang ama niya bago napapailing. Ibinaba nito ang hawak na dyaryo at hinarap siya.

"Son, you don't need to visit me all the time. I know, you're so busy with your business." Mahinahong saad ng matanda.

Napahinga siya ng malalim sabay sandalan sa sandalan ng sofa at tumingala sa malaking Chandler na nasa itaas na gitnang bahagi ng sala.

"I'm just worried abou you, Dad." Mahinang tugon niya.

Tinapik ng ama ang balikat niya kaya napalingon siya rito. There's something inside his father's eyes. There's sadness and worriedness in his eyes.

"Son, you don't need to worry about me. I'm doing fine." Anas ng ama.

Marahas na nagbuga siya ng hangin at hindi na lang nagsalita. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng ama. Lagi naman iyon ang sinasabi nito tuwing palagi siyang bumibisita roon.

Alam niyang ayaw ng ama na mag-alala siya rito. Pero hindi niya maiwasan ang hindi mag-alala. Ilang beses na itong dinala sa hospital dati kaya ngayon ay siya na mismo ang bumisita sa ama.

Hindi na lang siya nakipagtalo sa ama. Nagpalipasang siya ng hapon doon at pagsapit ng gabi ay umuwi siya sa sariling mansion niya sa Forbes village sa Makati.

Pagpasok niya sa loob ng mansion ay nagsalubong ang kilay niya ng makitang nakapatay ang ilaw sa sala. Dahang-dahan siyang naglakad palapit sala para sana i-on ang switch ng ilaw biglang may humampas sa kaniya dahilan para mapamura siya nang malakas.

"Magnanakaw!" Malakas na sigaw ng isang babae ta muli siyang hinampas at tumama sa noo niya.

"Fvck!?" Malutong na mura niya umalingawngaw sa buong sala.

"Wahh!! Umalis ka! Magnanakaw! Layas! Layas!" Sunod-sunod na sigaw ng babae habang patuloy ito sa paghampas sa kaniya.

Panay ang ilag niya habang napapamura.

"Fvck!? Stop! Shit!" Galit na sigaw niya.

Nahawakan niya ang panghampas nito bago iyon hinablot. Mabilis na kumilos ang mga paa niya at lumapit sa switch ng ilaw. Nang bumukas ang ilaw ay napapapikit siya.

Ang sakit ng noo niyang natamaan ng hampas ng kung sinong may lakas na loob na hampasin siya.

"Sir Keen?!" Rinig niyang gulat na bulalas ng babae.

Nagmulat siya ng mata at tumambad sa mukha niya ang magandang mukha ng dalaga. Malalaki ang mga matang nakatingin ito sa kaniya habang nakatakip ng bibig sa gulat.

Shit!

"Tryna?" Kunot-noong tanong niya.

"A-ako nga ho," nauutal na sagot ng dalaga.

Bakas ang kaba at guilty sa mukha nito. Nanginginig pa ito sa takot habang nakatingin sa mukha niya. Doon niya lang napagtantong madilim ang mukha niya sa galit dahil sa humampas sa kaniya kanina---which is ang dalaga pala.

Agad na umiba ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kaninang madilim ay naging malambot sa 'di niya alam na dahilan---o baka naman para hindi matakot ang dalaga.

Huminga siya nang malalim bago nakangiwing umupo sa sopa. Ang hapdi ng noo niya. He can feel the hot liquid from his forehead.

"S-sir, d-dumudugo po ang noo niyo." Hindi mapakaling sabi nito.

He look at her pale face. She look so scared and nervous. Hindi niya alam pero lihim na napangiti siya.

Shit!

Napatikhim na lang siya para alisin sa isip niya ang dapat alisin. Ipinikit niya ang mga mata sabay sandal sa sopa.

"Why did you hit me?" Mahinahong tanong niya.

"A-akala ko po kasi may magnanakaw na nakapasok, eh. Hindi ko naman alam na ikaw pala iyon." Nauutal na sagot nito.

Natahimik siya sa sagot nito. Mukhang mabilis makiramdam ang dalaga.

'Interesting'

Hinawakan niya ang noo niya dahilan para mapamura siya sa sakit. Nakalimutan niyang may sugat pala siya roon. Narinig niyang biglang tumakbo paalis ang dalaga.

Nanatili siyang nakapikit hanggang sa bumalik ito. Naramdaman niyang lumapit ito sa kaniya. Hindi siya nagsalita o kumilos. Hinintay niya lang ang bawat galaw nito.

Parang nakakaramdam siya ng kung anong excitement sa bawat kilos nito.

"What the fvck!?" Malutong na sigaw niya ng maramdam ang hapdi sa noo niya.

Napamulat siya ng mata at nakita niya ang takot na mukha nitong nakatingin sa kaniya. May hawak itong bulak.

"P-patawad po, gusto ko lang sana gamutin ang sugat mo." Nakayuko ng sabi nito.

Nervous and guilty were visible in her beautiful face. He sighed heavily and hold her chin up.

"It's ok. Don't be scared." Aniya niya. "You can continue now," utos niya.

Agad na sinunod nito ang sinabi niya. Pinigilan lang niyang mapangiwi at mapamura tuwing idadampi nito ang bulak na may alcohol.

Napatitig siya sa mukha nito. She look so innocent and soft. There's tenderness written on her face. His eyes land on his soft natural red lips.

His cock hardened while he stare at her lips. His fist clenched to stop himself from claiming her lips.

'What the fvck! Why did I feel like this?'

Tanong niya sa isip. Hindi naman kasi siya ganun tuwing may kaharap siyang babae. Kahit nga nakikipagtalik siya sa iba't ibang babae ay never siyang nakaramdam ng kakaiba kapag tinitigan niya ang labi ng mga babaeng naikama niya.

'Shit!'

'What happened to me?'

Usisa niya sa isip. Ilang araw pa lang mula ng makilala niya ang babae. He never felt like this before.

"Ayan, tapos na." Nakangiting anas ng dalaga.

Napaiwas siya ng tingin dahil parang hinahatak siya palapit ng ngiti nito.

"Thanks." Tanging sabi niya.

Nakita niyang niligpit nito ang first aid kit sabay tayo at pumasok sa kusina.

Nakaramdam siya ng gutom kaya tumayo siya at sumunod sa dalaga. Hindi kasi siya nag-dinner sa bahay ng ama kanina.

"Gusto mo po bang kumain, Sir? Nagluto po ako ng panghapunan." Alanganing tanong nito ng makita siya.

Naupo siya sa isa sa upuan sa harap ng mesa sabay tango. Hinayaan niya lang itong maghain at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kitchen. Doon niya lang napansin na mas lalong naging malinis iyon at nakaayos lahat ng gamit. Mula sa malit na gamit hanggang sa malalaking gamit. By color ang arrangement nito.

"Kanina ka pa ba dumating?" Tanong niya.

"Opo, kaninang hapon pa," magalang na sagot nito.

He smiled secretly.

Mukhang pinalaki ng mabuti ang babaeng nasa harap niya.

"Did you clean my house?" He asked again.

Nag-angat ito ng tingin sa kaniya nang maglagay ito ng pinggan sa harap niya at nilagyan iyon ng kanin.

"Dito lang po sa loob ang nalinis ko. Hinihintay ko po kasi kayo pagkatapos kung magluto kanina." Magalang na sagot nito.

He stared her face. Nginitian siya nito dahilan para bahagyang umawang ang labi niya.

"Stop smiling at me." Wala sa sariling anas niya.

"Hah?"

"I said, stop smiling at me. I'm afraid that I can't hold myself from claiming your lips." He said out of nowhere.

Natigilan naman ang dalaga. Halata sa mukha nitong naguguluhan ito at doon niya lang napagtanto ang pinagsasabi niya.

"Shit!" Mahinang mura niya.

"Huwag ka pong magmura sa harap ng pagkain." Biglang sita nito sa kaniya.

Napatanga siyang nakatingin dito. Hindi siya makapaniwalang may sumita sa kaniya sa pagmumura sa hapagkainan.

No one can do it before. No one dare to stop him from cursing in front of anything.

Only her. But it was strange that he didn't get mad at it.

"Sorry." Tanging lumabas sa bibig niya.

At iyon ang kauna-unahang nag-sorry siya sa mababaw na dahilan. Hindi siya madaling mag-sorry sa kahit na sino.

'Shit! What happened to me?'

"Ayos lang po iyon. Huwag niyo na lang po ulitin." Nakangiting sabi nito. "At kung puwede ho sana ay magtagalog kayo. Mahina po ako sa english," nahihiyang dagdag pa nito.

Halos matampal niya ang sarili dahil sa sinabi nito. Oo nga pala, sinabi na nitong mahina siya sa english.

Tumango na lang siya at nagsimulang kumain. Bahagya pa siyang natigilan nang matikman ang ulam.

'It was so damn delicious!'

"H-hindi po ba masarap ang luto ko?" Biglang tanong ni Tryna.

Tumingin siya rito at umiling. Biglang nalungkot ang mukha nito. Shit!

"Pasensiya na po. Sinarapan ko pa sana lalo kanina," Mahinang anas nito.

He can't get off his eyes with her.

"I mean, masarap ang luto mo. Ito ang unang beses na may nagluto sa akin dito sa bahay ng ganito ka sarap na ulam." Komento niya.

Agad na nagliwang ang mukha nito.

"Talaga?" Masayang tanong nito.

"Mmm,"

"Gusto mo po bang araw-araw kitang ipagluto?" Masiglang tanong uli nito.

He stilled for a moment. Parang gusto niya ang ideyang sinabi nito. Nang sa ganun ay hindi na siya magpapaluto sa restaurant ng kaibigan niyang si Darshan.

"Sure." Sagot niya at lihim na ngumiti.

Nagpatuloy siya sa pagkain at halos nasa kalagitnaan na siya nang mapatingin uli siya sa dalaga. Nakatingin lang ito sa kaniya.

"Kumain ka na ba?" He asked.

"Opo, tapos na. Nagutom kasi ako kanina kaya kumain na lang ako." Nakangiting sagot nito.

Agad na umiwas siya ng tingin sabay tango. Kumain lang siya nang kumain hanggang sa matapos siya. Halos ubusin niya lahat ng ulam na nakahain para sa kaniya.

Agad namang niligpit ng dalaga ang pinagkainan niya. Hinayaan niya lang ito sa ginagawa at lumabas siya ng kusina.

Umakyat siya sa taas at pumasok sa kwarto niya. Napatingin siya sa kabuuan ng silid niya. Nakaayos ang malaking kama niya at ganun din ang mga gamit. Mula sa maliit hanggang sa malalaki. Nakaayon din sa bawat kulay.

Naghubad siya ng damit at tanging boxer lang ang natira. Binuksan niya ang closet at ganun na lang ang pag-awang ng labi niya ng makita ang arrangement ng mga damit niya.

Naiiling na kumuha siya ng damit bago inilagay sa kama at pumasok sa banyo. Naligo siya at nagbihis pagkatapos ay nakarinig siya nang katok mula sa labas ng pinto.

"Come in!"

Bumukas ang pinto at inuluwa nun si Tryna.

"What do you want?" He asked casually.

Napakamot ng noo ang dalaga bago pumasok at isinara ang pinto sabay lapit sa kaniya.

'Cute'

"Ah, may itatanong lang ho sana ako, Sir." Nahihiyang sabi nito.

"Spill it out---I mean, ano yun?"

"Ahm... ano po ba ang magiging trabaho ko?" Inosenting tanong nito.

"My bed warmer." Sagot niya.

"Po?" Takang tanong nito.

Mahinang natawa siya sabay iling.

"I mean... ikaw ang magiging personal maid ko." Sagot niya sabay upo at sandal sa headboard ng kama.

"Ahh, yun pala." Tanging sabi nito.

Napakunot ang noo niya. Hindi ba nito nagustuhan ang magiging trabaho nito?

"Ayaw mo bang maging personal maid ko?" Tanong niya.

Mabilis na umiling ito at ngumiti.

"Gusto ko po. Kailangan ko kasi ng trabaho para matulungan ang pamilya ko." Nakangiting sagot nito.

Napahinga siya nang maluwag sabay tango.

"Good. Puwede ka nang magpahinga." Aniya.

"Saan po ba ako matutulog?" Tanong nito.

"Gamitin mo iyong silid na katabi nitong kwarto ko." Sagot niya.

"Sige po. Goodnight!" Masayang sabi nito bago lumabas.

For the second time around, he stiffend. It was the first time that a girl says 'goodnight' to him inside of his room.

He didn't used to it since before. The last time he remembered, only his mother did it. But not until she cheated.

Tsk!






A/N: Woah! Sa wakas naka-update na rin ako. Sorry for the late update Blueeems! Busy sa school ang author niyo. Halos mababaliw na ako sa thesis namin. I hope you'll understand guyss.🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top