chapter I

TAHIMIK na nakaupo si Keen sa harap ng table nito sa opisina niya habang nakatitig sa hawak niyang band-aid na hello kitty na kulay pink. Halos hindi maalis ang mga mata niya roon habang iniisip ang babaeng tumulong sa kaniya noong nakaraang gabi. Pagkatapos kasi gamutin ng dalaga ang sugat niya ay sinamahan siya nitong pumunta sa hospital para magpatingin sa doctor. Pagkatapos nun ay bigla na lang itong umalis nang maihatid siya sa hospital sa Davao doc.

Hanggang sa makabalik na ulit siya rito sa Manila ay hindi mawala sa isip niya ang magandang dalaga. Ang matamis na ngiti nito. Hindi rin siya nakapagpasalamat ng maayos sa dalagita. Marahas na napapailing siya para iwaglit sa isip niya ang dalaga.

"Damn! Bakit ko ba iniisip ang babaeng yun?!" Inis na bulong niya bago tumayo.

Inilagay niya sa bulsa ang band-aid bago lumabas ng office. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang itapon ang band-aid na hello kitty.

"Nasisiraan na ata ako ng bait," nakangiwing bulong niya bago pumasok sa private elevator niya.

Wala pang kahit sino ang nakapasok sa elevator niya maliban sa secretary niya. Kapag nagdadala siya ng babae sa opisina ay doon sa main elevator siya sasakay.

Hanggang sa makababa siya. Binati pa siya ng mga empleyado at tinanguan lang niya ang mga ito. Agad ba sumakay siya sa kotse niya bago pinaharurot papuntang mall. Bibili siya ng regalo para sa kaarawan ng kaibigang si Zach.

Nang makapasok siya sa loob ay biglang nagtitilihan ang mga kababaihang nadaanan niya. Kinindatan lang niya ang mga ito bago nilagpasan.

Well, normal lang sa kaniya ang ganun. He has this kind of charm to get every girls attention.

"Good afternoon, Sir. What do you want to buy?" Nakangiting tanong ng saleslady sa men's shop.

Tsk!

Tumingin-tingin siya ng expensive watch nang bigla niyang maalala ang jewelry shop ng kaibigan ni Dwight.

Nakapamulsang lumabas siya ng shop at tinungo sa second floor ng mall ang Twain's Jewelry shop. Agad na pumasok siya sa loob at lumapit sa mga stall ng men's watch.

"Excuse me," tawag pansin niya sa babaeng nakita niya.

Hindi niya alam kung ito ba yung secretary assistant ng may-ari ng shop.

"Yes?" Tanong nito sabay lapit sa kaniya.

"Where's the most expensive watch here?" He asked formally.

Maganda ang babae pero hindi niya ito type landiin. Halata rin namang hindi nadala sa charm niya ang babae.

"Ah, come here, Sir." Anas ng babae at naglakad palapit sa mga naka-glass na mga jewelries.

Huminto sila sa harap ng isang may kalakihang glass box kung saan nasa loob ang men's watch.

It was luxurious rolex watch with roman numerals numbers. It was sparkling color white with small diamonds around it. Every roman numeral has a diamonds as a design while the entire middle is sparkling color red.

Shit! This is the most expensive watch he wants to buy for his mafia boss friend.

"I'll buy it." Imporma niya.

Agad na kumilos ang babae at inilabas mula sa box ang mamahaling relo. Nang matapos siyang magbayad gamit ang card niya ay agad na siyang lumabas. Mamayang gabi pa naman ang party at pasado alas-kwatro pa lang ng hapon.

Pumasok siya sa isa sa mga coffee shop ng mall at naupo sa vacant table. Agad siyang nag-order at hindi pinansin ang babae sa kabilang table na panay ang tingin sa kaniya.

"Wait a minute, Sir. I'll serve it in a minute." Sabi ng waiter bago umalis.

Sumandal na lang siya sa upuan habang nakapandikwatro. Biglang lumapit sa kaniya ang babae na mukhang hindi nakatiis.

"Hi, handsome." Malanding bati ng babae.

Tsk!

"I'm taken," blankong sabi niya na ikinatigil ng babae.

Halatang nagulat ito kaya agad na tumalikod ito. Siya naman ay natigilan dahil sa sinabi niya.

Shit!

"Kailan ba ako naging taken? Damn!" He whispered.

Napapikit naang siya ng maalala na naman ang babaeng hindi mawala-wala sa isip niya.

"Here's your order, Sir." Rinig niya sabi ng waiter.

Marahas na nagbuga siya ng hangin bago nagmulat at nagsimulang uminom ng cafe. Napatingin pa siya sa bagong cellphone niya nang tumunog ito.

Bumili kasi siya ng bago dahil nasunog ang cellphone niya noong sumabog ang kotse niyang nabunggo sa puno.

Tsk!

Binasa na lang niya ang text mula sa secretary niya. It was about the investor in Davao City who he failed to meet because of the accident that night. The investor want to back out.

Psh!

Nireplayan na lang niya itong hayaan na lang ang investor. Hindi naman ito kawalan. Tutal, maraming nag-aabang na mga investor na gustong mag-invest sa kompaniya niya.

Nagpatuloy na lang siya sa pag-inom ng kape. Saktong patapos na siya nang bigla siyang makarinig ng pamliyar na boses mula sa likuran niya.

"Mon, salamat sa pagsagip sa akin, ah. Hindi ko naman kasi alam na penerahan lang ako ng lalaking iyon." Rinig niyag sabi ng isang babae.

"Nah! Ayos lang, para namang hindi tayo magkaibigan. Mabuti na lang din at pumunta ka rito sa Manila. Nakakabagot din kaya minsan sa probinsiya," sabi ng isang lalaki.

"Oo nga, eh. Gusto kong maghanap ng trabaho para matulungan sila Inay at Itay." Sabi ng babae.

"Don't worry, I'll help you to find a job." Sabi uli ng lalaki.

"Ano ba 'yan! Magtagalog ka nga, alam mo namang mahina ako sa english, eh!" Halatang nakangusong sabi ng babae.

Dahan-dahang napalingon si Keen sa likuran niya at napasinghap niya ng makita ang pamilyar na mukha ng babae.

What is she doing here?

Takang tanong niya sa sarili habang nakatitig sa nakangusong babae. Bumaba ang mata niya sa labi nito. Parang uminit ang katawan niya habang nakatingin sa labi nito.

Shit!

"Okay. Sorry," natatawang sabi ng lalaki.

Napakuyom ang kamao niya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya inaasahang makikita ang babaeng yun dito.

Muling napatingin siya sa gawi ng mga ito ng makitang biglang tumayo ang lalaki bago nagpaalam sa babae. Mukhang sa restroom pupunta ang binata. Nangalumbaba sa mesa ang babaeng naiwan. Halatang problemado ito kung titingnan ng maigi.

"Ginoo ko, asa man tawon ko mangitag trabaho?" Rinig niyang bulong nito.

(Tagalog translation: Jusko, saan ba ako hahanap ng trabaho?)

Hindi naintindihan ni Keen ang sinabi nito. Ang salitang 'trabaho' lang ang naintindihan niya. Mukhang trabaho ang problema nito base rin sa narinig niyang pinag-uusapan nito kasama iyong lalaki kanina.

Napaisip siya bigla bago lihim na napangiti. Inubos niya ang kape niya bago tumayo. Nakapamulsang lumapit sa sa table ng dalaga.

"Tryna," bigkas niya sa pangalan nito.

Natigilan naman ang dalaga bago dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kaniya. Tiningnan pa siya nito ng mabuti at kapagkuwan ay biglang nanlaki ang mga mata nito.

"Sir Keen?" Gulat na tanong nito sabay tayo.

Muntik pa itong matumba buti na lang at mabilis niya itong nahawakan sa beywang. Napatitig siya sa maganda nitong mukha. Hindi niya alam kung bakit pero bumaba ang mata niya sa labi nitong walang lipstick.

Natural na mapula ang malambot nitong labi.

"A-ah, salamat." Naiilang sabi ng dalaga. "B-bakit ka pala nandito?" Maya-maya ay tangong nito.

Agad na binitawan niya ang beywang nito at umayos siya ng tayo. Nakaramdam pa siyang parang may dumaloy na kuryente sa katawan niya nang hawakan niya ang beywang ng dalaga kanina.

"Ehem! I just bought a gift for my friend." Kaswal na sagot niya.

Napatango-tango naman ito. Nakitaan pa niya ng mangha ang mga mata nito na ikinangiti niya ng lihim.

"So why are you here? I thought, you're in Davao City?" Tanong niya rito.

"Puwede magtagalog ka? Kaunti lang kasi ang alam ko sa english, eh." Kamot batok na anas nito.

Napatitig ulit siya rito. She look very cute and innocent. Naiiling na natawa na lang siya. Napaawang pa ang labi ni Tryna nang tumawa siya.

Smirk.

"Okay. So, anong ginagawa mo rito sa Manila?" Tanong niya.

"Ah, naghahanap ako ng trabaho." Sagot niya.

"Really?"

"Oo."

"If you don't mind, I'll give you a job then," aniya.

"Hah? Bibigyan mo ako ng trabaho?" Gulat na tanong nito.

"Mmm." Tangong sagot niya.

"Bakit naman?" Takang tanong uli nito.

Natigilan siya sa tanong nito. Bakit nga ba niya bibigyan ng trabaho ang dalaga?

"Oh, pasasalamat ko dahil sa pagtulong mo sa akin noong gabing yun." Sagot niya.

"Talaga? Salamat naman!" Masayang bulalas ng babae at bigla siya nitong niyakap.

Para siyang natuod sa kinatayayuan niya dahil sa pagyakap ng dalaga. Naramdaman pa niya ang 'di kalakihang dibdib nito sa matigas niyang dibdib.

Shit!

Napamura siya sa isip ng biglang tumigas ang kaibigan niyang sa loob ng boxer niya.

"Naku! Pasensiya ka na, masaya lang kasi ako." Hingi nito ng paumanhin nang mapansin nitong natigilan siya.

Napaiwas siya ng tingin sa dalaga bago kinuha ang ball pen na nasa mesa at sinulatan niya ang palad nito.

"There. Pumunta ka sa address na iyan. Sabihin mo sa guard ang pangalan ko at papasukin ka niya sa loob." Sabi niya matapos isulat ang address ng bahay niya.

Nakangiting tumango naman ang dalaga. Bakas ang saya sa mga mata nito. Akmang aalis na siya nang magsalita uli ito.

"Ah, puwede ba'ng sa susunod na araw ako magsisimula? Uuwi muna ako sa amin para magpaalam sa magulang ko." Nahihiyang sabi pa nito.

Matiim na tinitigan niya ito bago tumango.

"Okay. See you." Huling sabi niya bago tuluyang umalis.

_____

MASAYANG inubos ni Tryna ang order niya habang panay ang tingin niya sa palad niya kung saan nakasulat doon ang address na binigay ni Keen. Sa wakas magkakaroon na siya ng trabaho, hindi sinabi ng binata kung anong trabaho pero tatanggapin niya iyon kahit ano. Ang mahalaga ay magkaroon siya ng trabaho. Makakatulong siya sa pagpa-aral sa nakakabatang kapatid niya.

Highschool graduate lang siya kaya kahit anong trabaho gagawin niya. Maliban na lang kung masamang trabaho iyon.

"Hey! Ang saya mo, ah!" Pukaw sa kaniya ni Simon.

Matalik na kaibigan niya si Simon mula pagkabata. Mayaman ito at nakapagtapos ng pag-aaral. Business ad ang kinuha nito dahil siya ang magma-manage sa negosyo ng pamilya nila.

"Masaya lang ako dahil may trabaho na ako." Masayang sabi niya rito.

Agad na napaupo ang binata sa upuan na kaharap sa kaniya.

"Talaga? Anong trabaho? Tsaka, sinong nagbigay ng trabaho sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong nito.

Natatawang tumayo siya at hinila palabas ng coffee shop ang binata.

"Oo nga. Hindi ko pa alam kung ano. Naalala mo iyong lalaking kinuwento ko sa 'yo kahapon?" Tanong pa niya.

"Yeah. Iyong tinulungan mo?"

"Iyon nga! Nakita ko siya at sinabi niyang bibigyan niya ako ng trabaho bilang pasasalamat niya." Masayang sabi niya.

Napatango-tango si Simon bago huminto sa paglalakad nang makarating sila sa labas ng mall.

"Mabait ba ang taong yun?" Seryusong tanong niya.

Napaisip siya at inalala ang binata. Base sa nakikita niya ay mukhang mabait naman ito.

"Sa tingin ko, oo. Englishero nga lang," kamot batok na sabi niya.

Natatawang napailing si Simon at ito na ang humila sa kaniya papunta sa sasakyan nito. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

"So, where do you want to go?" Tanong ng binata sa kaniya.

"English ka na naman, eh." Nakangusong sabi nito na tinawanan lang ng binata. "Pero, puwede bang ihatid mo ako sa amin? Uuwi muna ako roon para magpaalam kela Inay at Itay." Suyo niya sa kaibigan.

Napaisip naman ang binata. Malayo kasi ang probinsiya nila.

"May business meeting kasi ako bukas ng umaga," anas ng binata. " Ganito na lang, ihahatid kita sa airport." Sabi ng binata.

Mabilis na napatango naman siya. Alam niyang busy ito kaya hindi na niya kukulitin ang kaibigan.

Actually, bibigyan sana siya nito ng trabaho bilang secretary nito pero umayaw siya. Maliban sa kaunti lang ang alam niya sa english ay wala rin siyang alam sa mga ganuong trabaho.

Isa pa, baka kung ano ang masabi ng mga tao sa probinsiya nila. Minsan na rin kasi silang na issue ng binata noon kaya hangga't maari ay umiiwas na lang siya. Palagi kasing pumupunta ang binata sa bahay nila na may dala kaya akala ng mga tao ay ginamit niya ang taglay niya raw'ng kagandahan para perahan si Simon.

Hindi naman siya ganung klase ng babae.

Nang makarating sa airport ay nagpaalam na siya sa binata. Nakangiting pumasok siya sa loob at bumili ng ticket papuntang Davao. Actually, sa Bukidnon ang probinsiya nila pero nasa Davao pansamantala ang pamilya niya.

NANG makarating si Tryna sa Davao ay dumeretso na siya sa inuukupang bahay ng mga magulang niya. Naabutan pa niya ang inay na naglalaba sa kapitbahay. Napahinga na lang siya nang malalalim. Kung nasa Bukidnon lang sana sila ay hindi ganung trabaho ang gagawin ng ina. May bukirin naman kasi silang pinagkikitaan ng hanapbuhay doon.

Kaya lang, dahil sa intriga ng mga tao doon ay pansamantalang umalis na muna sila sa sariling lupa nila.

"Ate? Naa lagi ka?" Takang tanong ng kapatid niyang lalaki.

(Tagalog translation: Ate? Bakit ka nandito?)

Actually, tagalog sila kung magsalita pero dahil nasa Davao sila, minsan ay bisaya ang ginagamit nilang linguwahe.

"Naa man gani ka," pabalang na biro niya sa kapatid.

(Tagalog translation: Nandito ka nga rin, eh.)

Napapailing ang kapatid niya bago siya tinalikuran. Natatawang pumasok na lang siya sa kuwartong hinihigaan niya.

Nag-impake siya ng gamit niya dahil bukas babalik na agad siya sa Manila. Iilan lang din naman ang dadalhin niya dahil binili na lang siya roon kapag nagkapera na siya.

Nang matapos ay lumabas siya ng kuwarto. Nakita niya ang ina na pagod na naupo sa kahoy nilang upuan.

"Inay," tawag niya rito.

Napatingin sa kaniya ang ina niya. Bakas ang pagod sa mukha nito. Nakaramdam siya ng awa sa inay.

"Anak, akala ko ba nasa Manila ka na?" Takang tanong nito.

May lahi itong ilongga kaya tagalog ito magsalita. Naupo siya sa tabi nito at niyakap ang inay.

"Opo, Inay. Bumalik lang ako para magpaalam sa inyo. May trabaho na po ako!" Masayang sabi niya.

Lumiwanag ang mukha ng ina. Hinaplos pa nito ang pisngi niya. Kahit nakangiti ito ay halatang may lungkot ang mga mata nito.

"Mabuti naman kung ganun, anak." Nakangiting sabi nito. " Pasensiya ka na at ikaw ang nagtrabaho imbes na paaralin ka namin ng itay mo." May lungkot sa boses na wika ng ina.

Nginitian niya ito bago kumalas sa yakap nito.

"Ayos lang, Inay. Naintindihan ko naman po kayo. Huwag po kayong mag-aalala, pagbubutihin ko ang pagtrabaho para makapagpadala ho ako sa inyo." Nakangiting sabi niya.

Napangiti ang ina niya at saktong pumasok ang itay. Halata ring pagod ito mula sa pamamasada kaya tumayo siya at kumuha ng tubig bago ibinigay sa itay.

"Heto po, Itay." Nakangiting sabi niya.

Agad na inabot ng itay niya ang tubig at ininom iyon. Minamasahe pa niya ang balikat ng itay dahilan para mapangiti ito.

"Alam kong pagod kayo, Itay, kaya mamasahiin ko kayo." Nakangiting sabi niya sa itay.

Mahinang natawa ang ama niya. Naiiling naman ang ina niyang nakatingin sa kanila. Nakita niya ang kapatid kaya tinawag niya ito.

"Elton, masahiin mo si Inay!" Utos niya sa kapatid.

Agad na lumapit ang kapatid at minasahe ang inay nila. Nagbiruan pa silang apat. Matapos masahiin ang magulang nila ay pumasok sa kusina si Tryna.

Nagsaing siya ng kanin para sa hapunan nila. Inayos din niya ang mga gamit nila at nilinis ang kusina. Saktong tapos na siya nang pumasok ang kapatid niya.

"Ate, anong ulam natin?" Tanong ng kapatid niya.

"Tingnan mo sa ref," sagot niya.

"Huh? Eh, wala naman tayong ref, eh!" Anas nito.

"Eh, 'di wala rin tayong ulam." Sagot niya.

Natahimik ang kapatid niya kaya nilingon niya ito. Halatang napipikon ito sa kaniya.

"Ate!" Inis na sigaw nito.

Natatawang nilapitan niya ito at niyakap.

"Ito naman, nagbibiro lang si Ate." Natatawang sabi niya. "Pero totoong wala tayong ref, kapatid." Natatawang dagdag niya bago ito binitawan.

"So wala rin tayong ulam?"

"Siyempre, meron. Bumili ako kanina ng manok at aadobohin ko iyon ngayon." Nakangiting sabi niya.

Nagliwanag ang mukha ng kapatid niya.

"Tulungan na kita," presenta nito.

"Sige ba!" Masayang sabi niya at nagtulungan silang magluto ng ulam nila sa hapunan.





A/N: Hayan! Nakakatuwa ang magkapatid. Kahit mahirap silang magpamilya ay masaya pa rin sila. Tuloy pa rin ang awit ng buhay, ika nga sa kanta.🥰








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top