Prologue

Triane Gayle's Pov.

NAGING MABILIS ang mga kilos ko dahil ngayon ang interview namin sa pinag-aplayan namin ng kaibigan ko.
Pagdating sa harap ng kompaniya ay bumaba na ako sa Jeep na sinakyan ko sabay ayos ng aking damit. Ramdam ko pa ang pangangalay ng aking braso pero binalewala ko na lang. Nag-Jeep lang kasi ako, susunduin sana ako ni Nisha kanina ngunit tumanggi na ako. Mukhang nasa loob na rin ata siya. Ito ang unang beses na mag-a-apply ako ng trabaho. Huminga ako ng malalim at tumingala sa malaking building.

"Ang laki talaga ng kompanya na 'to. Sana matanggap kami ni Nisha ngayon," mahinang bulong ko.

Pumikit ako sandali at mahinang nagdasal.

'Lord, gabayan mo sana ako sa interview ko ngayon na matanggap ako. I badly need this job for my family. Please.'

Piping dasal ko at nakangiting nagmulat ng mga mata ngunit...

"Wahhh!" gulat na sigaw ko nang taong nakatayo sa aking harapan at muntikan pa akong matumba, kundi lang ako nahawakan ng taong nasa harapan ko.

"Be careful. Tsk!" sabi niya habang walang emosyong nakatingin sa akin.

Natigilan pa ako ng maramdaman kong parang may kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahil sa paghawak niya sa kamay ko.
Nakita ko ring pinagtitinginan kami ng mga nasa paligid. Ayaw ko pa namang makakuha ng mga attention.

"A-ahh, thank you," naiilang na sabi ko at mabilis na bumitaw sa pagkakahawak niya.

Bumuntong-hininga pa siya bago tumalikod at pumasok sa loob ng kompaniya. Pero teka... parang pamilyar sa akin ang mukha niya.

Saan ko ba siya nakita?

Hayst!

Bahala na nga lang. Agad na akong naglakad papasok sa loob at hinanap ang kaibigan ko.

"TG! Dito!" rinig kong sigaw ni Nisha.

Nakita ko naman agad siya kaya lumapit ako. "Oh? Anyare sa 'yo?" takang tanong niya at inayos ang buhok ko.

"Wala naman, kanina ka pa ba?" pag-iiba ko pa.

"Hindi naman," sagot niya.

Tumango na lang ako at sabay kaming pumasok sa elevator. "Sana matanggap tayo ngayon," mahinang bulong ko pa sa kaniya.

"Sus! Don't worry, matatanggap tayo. Good kaya ang mga records natin, lalo na ikaw." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti na lang ako hanggang sa makarating kami sa floor kung saan gaganapin ang interview. Paglabas namin ay may lumapit sa aming babae. Mukhang siya ang secretary ng may-ari ng kompaniya.

"Good morning. Are you Miss Wilson and Miss Elvirio?" nakangiting tanong pa nito.

Tumango naman kami ni Nisha sa kaniya. "Follow me to the office of our boss," nakangiting sabi niya uli.

Agad naman kaming sumunod sa kaniya. Nakaramdam pa ako ng kaba sa dibdib ko. Kumatok sa itim na pinto ang babae ng makarating kami sa tapat niyon at pumasok naman ito sa loob. Naghintay lang kami sandali bago lumabas ang babae.

"Miss Elvirio, you can get inside." Sabi ng babae.

Agad na tumayo si Nisha at nakangiting tumingin sa akin. "Ipag- pray mo ako ah," biro niya pa kaya natawa ako pati iyong babae.

Inayos pa nito ang damit bago kumatok at pumasok sa loob. Naghintay lang ako kung kailan lalabas si Nisha.

Literal talaga ang kaba ko ngayon. Ito ang unang beses na mag-a-apply ako sa malaking kompaniya. Isa pa, ito ang kompaniya na nagpa-scholar sa akin.

"Hi, I'm Trisha Gallardo, ang secretary ni Mr. Limorthone, nice to meet you." Pakilala ng babaeng katabi ko.

"I'm Triane Gayle Wilson, nice to meet you, too." Nakangiting sabi ko at nakipag-shakehands sa kaniya.

"By the way, I just want to tell you that be professional in front of our boss. Ayaw niya sa mga unprofessional kapag kaharap siya." Paalala niya.

"Ganun po ba? Salamat sa pagpapaalala," I sincerely replied.

Tinanguan niya lang ako hanggang sa bumukas ang pinto at lumabas ang nakangiting kaibigan ko. Halatang natanggap ito.

"It's your turn. Good luck!" nakangiting sabi niya.

Agad akong tumayo at lumapit sa pinto sabay katok. "Come in," rinig kong sabi mula sa loob.

Huminga muna ako ng malalim at nakangiting binuksan ang pinto sabay pasok sa loob. Bumungad sa akin ang malaking opisina na halos kulay itim lang interior design.

"Good morning, Sir." Magalang na bati ko sa nakatalikod na lalaking nakaupo sa Swivel chair.

Suminyas lang ito na maupo ako kaya naupo ako sa kaharap na upuan.
Dahan-dahan naman itong humarap habang nilalaro ang ballpen na hawak ng lalako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino siya at mabilis na napatingin sa pangalan niya sa ibabaw ng mesa.

Mr. Zachary Shan Limorthone

Siya ang boss dito? Wahhh! Siya lang naman iyong humawak sa akin kanina no'ng muntik na akong matumba. Naalala ko ring siya rin iyong nakabunggo ko kahapon sa mall. Napatakip ako ng bibig at mabilis na tumayo nang pigilan niya ako.

"Just sit down," mahinahong utos niya kaya naupo uli ako.

Tinitigan pa niya ako habang nakahawak sa baba nito dahilan para mailang ako.

"A-ahh... here's my documents, Sir." Pormal ko pa ring saad sabay lapag ng hawak kong personal information sa mesa niya.

He stared at me like he was reading what's on my mind. He look domineering CEO with a high authority.

At alam kong maraming nahuhumaling sa kaniya sa taglay nitong kagwapuhan. Halos perfect ang tindig at hitsura nito. He has a perfect thick eyebrows and eyelashes, skyblue eyes, perfect prosy nose, kissable and soft lips, well toned skin and perfect shape of face.

A prominent and perfect man to be exact.

"You're hired." Biglang sabi niya dahilan para mapatigil ako sa pagsuri sa kaniyang mukha.

Napakurap-kurap pa ako habang nakaawang ang mga labing nakatingin sa mga mata niya.

"Po? Pero 'di niyo pa po binasa ang mga documents ko––"

"No need." Pigil niya sa akin sabay tayo.

"But why?" I asked with curiosity.

I saw him smirking.

Lumapit siya sa akin na may ngisi sa labi at biglang yumuko sa harap ko na ikinagulat ko. Akala ko ay hahalikan niya ako pero bigla siyang bumulong sa aking tainga na mas lalo ko pang ikinalunok.

"You want to know why?" brusko ang boses na tanong nito.

Napalunok ako at mabilis na tumango dahil sa lapit ng labi niya sa tainga ko. Para kasing may kakaibang dumaloy sa aking katawan dahil sa init ng kaniyang hininga.

"I'd been waiting for you." He whispered.

My eyes widened.

Nagulantang ako sa aking narinig. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi pa man ako nakapagsalita nang magsalita na naman siya dahilan para tuluyan na akong manigas sa aking kinauupuan.

"You're gonna be my wife and you are not allowed to say no."

Mga katagang lumabas sa kaniyang bibig na nagpagulo sa aking isipan at sistema. Napatulala pa ako habang nakatingin lang sa mukha niyang biglang sumeryuso.

Pakiramdam ko nawala panandalian ang aking kaluluwa dahil sa pagkayanig ng mundo ko. Ayaw mag sink-in sa aking utak ang mga narinig ko, hanggang sa nagpaulit-ulit ito sa aking pandinig.

"You're gonna be my wife and you are not allowed to say no."

"You're gonna be my wife and you are not allowed to say no."

"You're gonna be my wife and you are not allowed to say no."

Jusko!

Totoo ba ang mga narinig ko? Hindi ba ito joke-joke lang? Ahhhh! Huwag niyo naman ako pagtripan Lord, trabaho ang kailangan ko hindi ang pagtripan. Pero...

"A-anong sabi mo?" wala sa sariling tanong ko.

Tinaasan ako nito ng kilay at bumalik na sa dati ang expression ng mukha niya bago bumalik sa kinauupuan niya kanina.

Aba!

May bipolar disorder ba ang lalaking 'to? Naturingan pa namang boss tapos––hayst!

"I said, you're gonna be my wife and you are not allowed to say no."

Nakangisi niyang sabi habang nakasandal sa kaniyang upuan. Ano raw?

"P-pero bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Do I need to explain it to you?" balik tanong niya.

Ay! Tangek naman!

"Malamang, oo, sino ba naman ang matinong tao ang magsasabing, 'you're gonna be my wife and you are not allowed to say no.' Kung wala namang dahilan, 'di ba?" nakangiwi at balik tanong ko rito.

Pinangkunutan niya ako ng noo bago nagbuntong-hininga. Naging seryuso na ulit ang mukha niya. Nagmukha siyang masungit na boss sa kaniyang hitsura. Sayang, guwapo pa naman sana, eh.

"Tsk! I don't need to explain it to you. If you want to be hired, be my wife." Hindi 'yon banta pero utos iyon.

Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya. Jusko po! Sa tanang buhay ko, hindi ko pinangarap na ganito yung bubungad sa akin kapag nag-a-apply ako ng trabaho.

I sighed heavily.

"Look, I am not here for anything. I am here to apply as a flight attendant not as your so-called wife. Jusko naman! Ano ba namang biro ito," magalang kong sabi at ibinulong na lang ang iba ko pang sinabi.

Kaloka, isang malaking biro ang mga sinabi niya. Mukha ba akong kabiro-biro sa pag-a-apply? Need ko ng trabaho para matulungan si Mama at bunso.

Hayst.

"Silly, girl, it's either you like it or not, 'you're gonna be my wife and you are not allowed to say no." Seryusong saad niya habang may kinukuha sa ilalim ng kaniyang desk.

Napatayo agad ako at humarap sa kaniya. Nililoko at pinagtripan ata niya ako, eh. Mga mayayaman nga naman talaga, porque mayaman, nagiging loko-loko na. Ipinakita ko ang protesta sa aking mukha habang nakatingin sa kaniya.

"No! Trabaho ang ipinunta ko rito at hindi para maging asawa mo. Besides, I don't know you. I'll leave now. Sa iba na lang ako mag-a-apply," nagmamadaling sabi ko at mabilis na naglakad patungo sa pinto.

Hayst!

Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng trabaho, hindi pala.

(0_0)

Nagulat ako nang akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa na lang itong nag-lock. Napanganga ako habang nakatitig sa siradura ng pinto.

Anyare?

Mabilis na napalingon aka sa likuran ko nang may humawak sa aking kamay at isinandal ako sa pinto. Napatingin pa ako sa hawak niyang remote na nasa kabilang kamay niya.

So, iyon ba ang dahilan kung bakit kusang nag-lock ang pinto? Ang high-tech naman.

Ang taray, ah.

"What a hardheaded woman. You don't know me but I know you." Seryusong saad niya.

"Huh? Kilala mo ako? Pa'no––" natuod ako sa kinatatayuan ko habang nakasandal sa pinto dahil sa kaniyang ginawa.

Did he just kissed me?

"I will talk to you tomorrow and you can start to work here as well." Huling sabi niya at binigyan pa ako ng smack kiss sa labi bago pumasok sa kwarto nitong office niya kasabay nang pagbukas ng pinto.

My first kiss.



To be continued...

A/N: Hello guyss! I hope you like it! Bawi na lang tayo sa mga sumunod na chapter.

Don't forget to vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top