chapter XV

TAHIMIK lang na nakaupo sa loob ng kwarto rito sa loob ng airport building si Triane Gayle. Kanina pa tapos ang duty nito at bukas na ang kaarawan ng asawa niya. Kanina noong lapitan siya ng asawa para sa invitation card ay hindi niya ito tinanggap. Napabuntong-hininga na lang siya at nilukob ng lungkot ang puso niya ng maisip na kasama nito ang magandang modelang ex nito.

Muling nagpakawala ito nang malalim na hininga bago tumayo at kinuha ang sling bag niya. Akmang lalabas siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigan niya.

"Gayle, ayos ka lang?" Tanong ni Nisha.

Nakangiting tumango siya at umiwas ng tingin sa kaibigan niyang sinusuri siya.

"Ayos lang ako, Nish." Mahinang sabi niya.

Agad na umingos ang kaibigan niya na halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

"Don't lie to me, Gayle. I am your best friend and I know when are you ok or not." Mariing saad ni Nisha sa kaniya.

Hindi na lang siya umimik at nakayukong pinaglalaruan ang mga daliri nito.

"Mahal mo na ba siya?" Natigilan siya sa biglang tanong ng kaibigan niya.

She didn't expect it to heard from her best friend. Napayuko siya at walang salitang lumalabas sa bibig nito dahilan para tapikin ng kaibigan ang balikat niya.

"You really are." Tatango-tangong sagot ng kaibigan sa sariling tanong. "Sa halos isang buwan na lumipas na mag-asawa kayo, nakikita ko ang mga kislap at saya sa mga mata mo. There. I knew that you already fell in love with your possessive husband." Lintaya pa ng kaibigan.

Hindi siya nakapagsalita dahil alam naman niya sa sarili na totoo lahat ang sinabi ng kaibigan niya. Kahit wala siyang alam sa pag-ibig ay alam naman niya kung ano ang nararamdaman ng taong in love.

Huminga siya nang malalim at pilit ngumiti sa kaibigan.

"But my feelings is useless, Nish. He doesn't love me." Malungkot ang boses na sabi niya rito.

Nakita niya ang simpatya sa mata ng kaibigan niya. Mukhang malungkot ito para sa kaniya.

"Gayle, paano mo naman nasabing hindi ka niya mahal? Kahit naiinis ako ngayon sa boss natin---your-so-called-husband ay hindi ko maitatanggi na may nararamdaman din sa 'yo ang asawa mo." Mahabang anas ng kaibigan, "Besides, you're his wife for pete's sake!" She exclaimed.

Mahinang natawa si Gayle at napapailing na lang na ikinakunot ng noo ni Nisha.

"Noong una, akala ko may nararamdaman siya sa akin kaya pinakasalan niya ako. But right after, my thoughts was wrong." mapait ang ngiting aniya sabay tingin sa kaibigan niya. "I asked him if why did he marry me," she chuckled and look away.

Nakaramdam ng awa si Nisha sa kaibigan. Ayaw na ayaw niyang makita na nasasaktan ang kaibigan niya. Pero heto, kitang-kita niyang nasasaktan ito dahil sa pag-ibig.

"Gayle," Nisha called her with a sympathy.

"He said, he marry me just to fulfill his father's wish." Nakangiting sabi niya.

Ang mga mata nito ay malungkot at nasasaktan. Halatang pinipigilan lang niya ang totoong emosyong nararamdaman nito. Mabilis na niyakap na lang siya ni Nisha at hinagod ang likod niya. Gustong maiyak ni Gayle pero pinigilan niya ang sarili.

"Things will be alright, Gayle," alo ni Nisha sa kaniya.

Mahinang natawa si Gayle dahilan para kunot-noong humiwalay ng yakap si Nisha.

"Things will be alright? He already hurt me. He said yesterday, I'm a whore and slut in front of so many people and of course, in his ex, too." Nakaiwas tinging sabi ni Gayle.

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya tuwing naalala ang sinabi ng asawa niya sa kaniya kahapon.
Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya at pinunit ang puso niya hanggang sa maging pira-piraso ito.

"Arghh! Naiinis talaga ako kapag naalala ko ang sinabi mong 'yan. Minsan, gusto kong bigyan nang malakas na sipa ang boss natin dahil sa sinabi niya sa 'yo nang matauhan siya!" Inis na inis na lintaya pa ni Nisha.

Alam ni Gayle na ayaw ng kaibigan niya na nasasaktan siya. For her, she's lucky to have a best friend like Nisha.

"Ayos lang, Nish. Una pa lang naman ay alam kong mangyayari ito. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito ka aga, eh." Malungkot na sabi ni Gayle sabay tayo.

Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bag ng mag vibrate ito. Nang tingnan niya ay ang pinsan pala niya.

"Hayst! But wait, ayaw mo ba talagang pupunta sa party ng asawa mo bukas?" Tanong ni Nisha sa kaniya.

Nilingon niya ito bago nagsalita. "Para saan pa? Hindi naman ata niya kailangan ng isang tulad ko. Tutal, nando'n ang ex niya. Masaya nga sila kanina eh, at may surpresa ito kay Zach," naninikip ang dibdib niya nang lumabas iyon sa bibig niya.

Napairap si Nisha at tumayo sabay hawak sa kamay niya.

"Gayle, asawa ka pa rin niya---"

"---sa papel." Pagtatapos ni Gayle sa sasabihin ng kaibigan..

Mahinang tinampal ng kaibigan ang balikat niya at pinandilatan siya ng mata.

"Oo. Asawa ka niya sa papel. At iyon ang katibayan na mag-asawa kayo. So, that ex of his can't change the fact that you two are married." Pagpapaintindi ng kaibigan niya.

Curious na tiningnan niya ang kaibigan na ngayon ay nakangisi na. Kilala niya ito kaya alam niyang may pinaplano ito.

"What do you mean, Nish?" Nagtatakang tanong nito.

Nisha chuckled then push her on the bed to sit.

"Let's go to the party tomorrow. Ipamukha natin sa ex niya na pag-aari mo si Zach at hindi niya pwedeng landiin ang asawa mo." Nakangising sabi ng kaibigan.

Natigilan si Gayle habang nakatingin sa kaibigan niya. Nakikita niyang may binabalak ang kaibigan nito. No! Baka masira lang niya ang kaarawan ng asawa at mas lalong maging mababa ang tingin nito sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya at umiling.

"Ayoko. Baka masira lang ang masayang kaarawan niya," tipid ang ngiting sabi nito.

Sinamaan siya ng tingin ng kaibigan.

"No. Let's go to the party tomorrow." Walang bahid ng biro at seryusong sabi ni Nisha.

Nagkibit-balikat na lang siya dahil alam naman niyang hindi niya mapipigilan ang kaibigan.

I hope magiging okay na kaming dalawa.

KINABUKASAN maagang nag-text si Nisha sa kaibigan para mag mall daw sila. Gustuhin mang umayaw ni Gayle wala na siyang magagawa dahil nilagayan ni Nisha na bawal tumanggi kaya no choice siya kundi ang pagbigyan ang kaibigan. Hindi rin siya umuwi sa bahay ng asawa niya. Sa bahay ng pinsan niya siya tumuloy dahil sinundo siya nito kahapon.

Agad na lang siyang kumilos. Pumasok siya sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis bago lumabas ng kwarto. Wala silang duty ngayon dahil party ng asawa niya mamayang gabi.

Napabuntong-hininga na lang siya at bumaba. Naabutan pa nito ang pinsan niyang nakaupo sa sala habang seryuso at may kausap ito sa cellphone. He look very serious while talking on the phone.

Hinintay na lang niyang matapos ito sa kausap para magpaalam. Baka mag-aalala ito kapag hindi siya nagpaalam diyo. Nang matapos ay tumikhim siya para kunin ang attention ng pinsan niya.

"Hey! Good morning, sweety!" Nakangiting bati ng pinsan nito ng makita siya.

Nakangiting lumapit siya at naupo sa tabi nito.

"Good morning, too." Masayang bati niya rito.

"Mmm. By the way, may lakad ka? Akala ko ba wala kang duty?" Takang tanong niya.

"Yeah. Nag-aya si Nisha na mag-mall daw kami dahil may party mamayang gabi sa Golden bar." Nakangiting sagot niya rito.

Tiningnan siya ng seryuso ng pinsan niya bago nagbuntong-hininga.

"Okay. By the way, may pupuntahan din akong party mamayang gabi. One of my friends invited me to attend his friend's birthday party." Mahinahong sabi nito.

Napatango si Gayle at tumayo saka nagpaalam sa kaniya. Nag-presenta pa itong ihatid siya pero tinanggihan niya lang ito.

Paglabas niya sa magarang bahay ng pinsan niya ay nagpara siya ng taxi papunta sa mall. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating siya agad sa mall. Nakita niya ang kaibigan na halatang naiinip na sa kahihintay sa kaniya.

"Hey!" Tawag pansin niya rito.

Nisha rolled her eyes with irritation but Gayle just gave her a sweet smile.

"What took you so long?" Masungit na tanong ng kaibigan.

"Nah! Don't bother to ask. Let's get inside," malambing na saad nito sa kaibigan.

Nawala ang iritasyon sa mukha nito at masayang hinila siya nito papasok sa mall na ikinailing niya.

Kung ano-ano na lang ang ginagawa nila sa mall lalo na ang kaibigan niya na kahit ata hindi masyadong gagamitin ay binili. Halos nalibot na rin nila ang buong mall matapos kumain ng tanghalian at manuod ng sine ay hinila siya ni Nisha papasok sa isang boutique na puno ng damit.

"Let's pick something to wear later, Gayle!" Excited na sabi ng kaibigan.

Ayaw na sana ni Gayle pero pinilit siya nito kaya wala siyang nagawa. Tuwing pipili siya ng simple at hindi sexy na damit ay pinandidilatan siya ng mata.

"Gosh! Gayle, bar party ang pupuntahan natin hindi sa bundok," pangaral ni Nisha sa kaniya.

Napakamot na lang siya at tumingin-tingin uli ng damit. Napako ang tingin siya sa ternong damit sa may dulo kaya nilapitan niya ito.

Napakaganda tingnan at saktong-sakto sa kaniya. Kulay pula ito na kumikinang pa tuwing natatamaan ng ilaw.

"Yiee! Kunin mo na, Gayle! Bagay na bagay iyan sa 'yo! Paniguradong maglalaway sa 'yo ang asawa mo mamaya!" Patiling sabi ni Nisha at ito mismo ang kumuha ng damit.

"Nish, masyadong maikli at kita ang dibdib ko niyan," nakangiwing sabi ni Gayle.

She likes it but it was too much bold for her to wear.

Hindi siya pinakinggan ng kaibigan at binayaran nito ang damit bago siya hinila palabas ng nasabing boutique. Hinila na naman siya nito sa isang boutique na nagbebenta ng mga expensive high heels.

Bago pa man siya makapagsalita ay pumili agad ang kaibigan ng dalawang pares ng high heels at binayaran.

"This fits with your flawless foots, Gayle. Let's go to the parlor," excited na anas ng kaibigan na ikinanganga niya.

Parlor?

"Oh God! Don't tell me you're gonna---"

"Make her the most beautiful woman in the world, beks!" Sigaw ni Nisha sa isang bakla nang makapasok sila sa loob ng parlor.

"Sure!" Baklang tugon ng beking lumapit sa kanila at hinila siya paupo sa stool sa harap ng malaking salamin.

Bagsak ang balikat ni Gayle ng tingnan nito ang nakangising mukha ng kaibigan mula sa salamin.

"C'mon, Gayle! I just want you to be the most beautiful woman tonight. Palalawayin natin ang asawa mo. Tingnan natin kung maka 'ek' pa ba iyong ex niya." Naka-smirk na sabi ni Nisha bago nagpaayos rin sa isa pang bakla na halatang kilala naman niya.

Gayle don't have the choice but to follow what her best friend's wants. She knew her best friend. She didn't named Nisha without one.

KANINA pa hindi mapakali si Gayle habang nakatayo na sila sa pinto ng Golden bar. Masyado siyang naiilang sa suot nito na red croptop at halos kita na ang cleavage at puson niya. At ang terno nitong mini-skirt na kulay red na hapit na hapit sa maumbok niyang pang-upo at hanggang kalahati lang ng hita nito ang haba ng skirt.

Mini-skirt nga 'di ba?

Kontra ng isip niya na ikinangiwi niya. Minsan, hindi talaga nakikisama ang isip niya, eh.

"Hey! What are you waiting stunning beautiful woman?" Nakangising tanong ni Nisha.

Nakasuot din ito ng kulay itim na crop top at mini-skirt na kulay itim rin na kumikinang sa ganda at bumagay din naman sa hubog ng katawan nito.

Her best friend look so gorgeous and stunning yet delectable. She's pretty sure that every man who can look at her sexy body will salivate with amazement. She's pretty sure with that.

"Nish, I'm not comfortable with my outfit," naiilang na bulong niya sa kaibigan.

Pinandilatan siya ng kaibigan at pumalatak ito sa kaniya.

"Pang-isang daan muna ata yun sinasabi sa akin, Gayle. Gosh! Just be with it. Gusto mo bang maagaw ng malanding modelang iyon ang asawa mo?" Kunot-noong tanong ni Nisha sa kaniya.

Mabilis na umiling si Gayle. Kahit papaano ay ayaw niyang mapunta sa iba ang asawa niya. Natutunan na niya itong mahalin at mukhang mas lumalala pa nga ang nararamdaman niya sa asawa.

"No. I love him, Nish." Walang alinlangan na pag-amin niya sa kaibigan.

Napangiti nang malapad ang kaibigan at hinila siya nito papasok sa loob.

"Walk straight with confidence. You look very stunning and seductive yet salivating in every man's eyes tonight." Nakangiting bulong ng kaibigan nito.

Agad na sinunod nito ang sinabi ng kaibigan habang nakangiting naglalakad. Mabuti na lang at sanay na siyang magsuot ng may takong kaya mas lalo siyang tumangkad tingnan.

Sumalubong sa kanila ang ingay ng bar at ang maraming mga taong nasa loob. Halos puro mga mayayaman ang nakikita niya base sa mga suot ng mga ito.

Halos nakatingin na sa kanilang dalawa ni Nisha ang mga tao na nadadaanan nila. Kita niya ang paghanga sa mga mata ng mga ito.
Napanganga pa ang karamihan habang ang iba ay halos hindi na kumukurap na tumingin sa kanila.

"Wew." Rinig niyang sipol ni Nisha na ikinatawa niya.

Hanggang sa makita nila ang ibang mga kasamahan sa trabaho na nagsisimula ng magsaya habang napapatingin sa kanila.

"Woah! You two look so stunning!" Pasipol na komento pa ng lalaki na kilala naman nila dahil kasamahan nila ito.

It was Jack, the pilot.

"Kyaahh! Ang ganda niyong dalawa!" Malakas na tili ni Aryane at lumapit sa kanila.

Kita niya ang mangha sa kaibigan nila habang nakangiti.

"Asus! Kami pa!" Biro pa ni Nisha na ikinatawa naman nilang lahat.

"Kayo na talaga ang may alindog," natatawang sabi naman ni Misah, ang stewardess na close nila.

Nahihiyang ngumiti na lang si Gayle at akmang uupo nang pigilan siya ni Aryane at itinuro ang second floor ng bar.

"Doon kayong dalawa, nando'n ang mga lalaking babaliwin niyo sa mga alindog niyo." Nakangising sabi ni Aryane.

Tumirik naman ang mata ni Nisha bago siya hinila ng kaibigan papunta sa taas. Muling bumalik sa pagsisiyahan ang lahat dahil napuno ng sigawan ang first floor ng bar.

Masyado kasing malaki ang bar at pang mayaman lang talaga. Pag-akyat nilang dalawa sa taas ay sumalubong sa kanila ang mga gwapo at nakakalaglag pangang mga kaibigan ni Zach.

Manghang nakatingin ang mga ito sa kanilang dalawa lalo na sa kaniya. Nakaramdam siya ng ilang at hiya habang papalapit sa gawi ng mga ito.
Hinanap ng mga mata niya ang asawa pero hindi niya ito nakita.

Baka kasama nito ang ex niya kung saan may surpresa para sa kaniya.

Napayuko na lang siya dahil sa naisip niya. Parang pinunit na naman ang dibdib niya.

"Sweety?" Rinig niyang pamilyar na boses.

Mabilis na nag-angat siya ng tingin sa lalaking salubong ang kilay na lumapit sa kaniya.

"Ty, you're here?" Nagtatakang tanong niya sa pinsan.

Tumango ito habang nakakunot pa rin ang noong nakatingin sa kaniya.

"Why did you wear like that?" Lalong nagsalubong ang kilay na tanong ng pinsan.

Nakaramdam siya ng hiya sa pinsan. Masyadong possessive ito sa kaniya kaya pati pagsusuot ng mga ganoong damit ay pinapakialaman nito. Ayaw kasi nitong mabastos daw siya.

"Hey! Ako nagpasuot sa kaniya niyan. She look stunning, right?" Nakangiting sabat ni Nisha.

Napabuntong-hininga si Tyson at inalalayan siya nitong maupo sa sofa kung saan ito naupo. King makabakod ito sa kaniya dinaig pa nitong mag-on sila.

"Nish..." Rinig kong sabi ng isang lalaki.

Napatingin si Gayle sa lalaking nakaupo sa pang-isahang sofa habang mariing nakatingin kay Nisha. Kita niya ang pagtagis ng bagang ng lalaki.

Well, it was Eldian.

Lihim na natawa si Gayle dahil alam niyang may something sa dalawa. Palagi itong iniwasan at kinaiinisan ni Nisha.

"What?" Masungit na tanong ni Nisha kay Eldian.

Mabilis na tumayo ang singiut na hapon at napatanga silang lahat nang bigla nitong kinabig ang dalaga at hinila papunta sa isang silid.

Panay ang pagpupumiglas ni Nisha pero hindi ito binitawan ni Eldian.

"Tsk!" Napapailing na aniya ng pinsan nito.

Napabaling si Gayle sa mga kaibigan ni Zach nang tumikhim ang mga ito.l habang nakatingin sa kaniya.

"Hi, Miss Wilson," nakangiting bati ng mga ito.

"Hello." Nahihiyang bati niya pabalik na ikinatawa ng mga ito.

"Nah! Don't be shy with us," anang ng naka-blue eyes.

It was Luhen. Naalala niya ang pangalan nito noong nagpakilala ang mga ito sa Kamzatti restaurant.

"Yeah. And you look stunning." Nakangiting komento ni Zurich.

"A-ah, salamat." Kamot batok niyang sabi rito.

"Take off your eyes on her, guys." Natatawang sabi ni Kimwell.

"Damn! Paniguradong mapapatay tayo ng birthday celebrant kapag panay ang tingin niyo kay Miss Wilson." Pamurang anas naman ni Charm.

"It's Mrs. Limorthone," pagtatama ni Luhen.

Natatawang nagsi-iwasan sila ng tingin sa kaniya na animo'y may mangyayaring masama sa kanila kapag nakatingin ang mga ito.

"Don't mindi them," bulong ni Tyson sa kaniya.

Nginitian niya lang ito.

"Why are you here? Are you friends with them?" Tanong nito sa pinsan.

"Arbby Charles Dawson is my best friend and this is his group of friends." Sagot nito sabay turo sa lalaking lumapit sa amin.

"Hi, I'm Arbby Charles Dawson, nice to meet you." Nakangiting pakilala nito.

Nakangiting akmang aabutin ni Gayle ang kamay ng lalaki para makipag shake hands ng may nagsalita mula sa entrance ng second floor.

"Touch her and I will fucking break your arm out of your body." Isang seryuso at nagbabantang tinig ng pamilyar na boses ang nagpatibok nang mabilis sa puso niya.

When she turn her gaze on him, their eyes meet. Gayle's heart beat so fast when she saw his handsome face. But her eyes suddenly landed on the girl beside him.

'She looks very pretty and sexy than me.'


A/N: Iyan na lang muna guyss. Inaantok na ako.

|•MysteriousBlueee•| R.C

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top