chapter XIV


PANAY ang iyak ni Triane Gayle habang lulan siya ng Mercedes Benz na pag-aari ng pinsan niya. Halos walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman niya kanina habang tumatatakbo palabas ng coffee shop. Sakto namang nakasalubong niya ang pinsan na nakakunot-noong nakatingin sa kaniya at tinanong kung bakit siya umiiyak.

"Gayle, why the hell are you crying?" nag-aalalang tanong ni Tyson sa kaniya.

Kanina pa siya walang imik habang tahimik na umiiyak at nakatingin sa labas ng asasakyan. Hindi na ata niya mabilang kung ilang beses na nagtanong si Tyson sa kaniya.

"Ty, masama ba akong babae?" mahina at garagal ang boses na tanong niya sa pinsan.

Salubong ang kilay na nilingon siya ni Tyson bago ulit ibinalik sa daan ang mga mata nito.

"No. You're not. Why did you asked?" salubong pa rin ang kilay na tanong ng pinsan.

Hindi na naman napigilan ni Gayle ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya.

Parang hindi na siya makahinga ng maayos. Pakiramdam niya ay naging pira-piraso ang puso niya ngayon.

"Kundi ako masamang babae, bakit niya nasabi ang mga yun sa akin sa harap ng maraming tao." Humihikbing sabi niya.

Mas lalong naguluhan si Tyson sa sinabi nito.

"What? Who?" naguguluhang tanong ng pinsan niya.

Nilingon niya ang pinsan at mapait na ngumiti habang patuloy sa paglandas ang mga luha niya.

"Si Zach," mapait na sagot niya.

Napalingon ulit sa kaniya ang pinsan at nagtanong.

"At ano naman ang sinabi ng hayop na iyon sa 'yo?" mariing tanong nito.

Pinunasan niya ang luha niya at pilit pinipigilang pumatak ang mga luha sa mata niya.

"He said, I am a whore and a slut." humihikbi pa ring sagot nito sa mababang tuno.

Kahit anong pigil niya ay kusang tutulo ang luha niya kapag naalala niya ang sinabi ni Zach sa kaniya kanina sa harap ng maraming tao.

First time niya na may nagsabi no'n sa kaniya. Worst, ang asawa pa niya. Ang taong natutunan na niyang mahalin.

"What the fvck!? He said it to you?! How dare him!?" Puno ng galit na sigaw ni Tyson at akmang ire-return ang kotse sa ng pigilan niya ito.

"Huwag na nating balikan, Ty. Please. I want to be alone for a while." nangingiusap na sabi nito sa pinsan niya.

Marahas na bumuntong-hininga si Tyson at halatang gustong balikan nito ang asawa.

"I want to kill him for insulting and disrespecting you." nandidilim ang matang sabi nito.

"No. Ayaw ko na ng gulo, Ty. Just send me to your home." pakiusap niya at pilit tinuyo ang mga taksil niyang luha.

"Fine. But don't you dare to cry because of him. I didn't protect you jus to cry because of that moron." mariing sabi ni Tyson bago pinaharurot ang kotse papunta sa sariling bahay nito.

Sinabi niya kasing ayaw niyang umuwi sa bahay ng asawa niya lalo na sa bahay ng ina niya. Baka magtaka lang ito kung bakit siya umiiyak. Kaya inaya siya ni Tyson sa bahay na lang niya muna siya tutuloy.

Hanggang sa makarating sa bahay ng pinsan niya ay tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Tanging tango at ilingang ang isasagot niya kapag may sinasabi ang pinsan niya.

Hinatid siya sa kwartong uukupahin niya at hinayaan siya ng pinsan na humiga sa kama at lumabas naman ito ng kwarto.

Nang makalabas ang pinsan niya ay ibinuhos niya ang lahat ng luha nito. Isinubsob niya sa unan ang mukha para hindi marinig ng pinsan nito ang pag-iyak niya. Pakiramdam niya ay ang bigat-bigat ng dibdib niya. Sa tanang buhay nito ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito maliban no'ng namatay ang tatay niya.

"Bakit nangyari sa akin 'to? Hindi pa ba sapat ang kabaitan ko para makaranas ng ganito?" Umiiyak na tanong niya habang panay ang punas niya sa luha.

"Kung kailan ako natutong umibig ay saka naman naging ganito ang nangyari sa akin." bulong niya ulit sa sarili.

Kung bakit pa kasi ako umibig sa lalaking iyon kung siya lang din naman ang mananakit sa akin.

Aniya sa isip niya hanggang sa makaramdam siya ng antok at nakatulog na mugto ang mga mata.



PARANG bumagsak ang mundo ni Zach ng makita niya ang sakit na rumagasa sa mga mata at mukha ni Triane Gayle matapos siyang sampalin nito. At gusto niyang sapakin ang sarili ng marealize niya kung ano ang pinagsasabi nito sa asawa niya.

Dahil sa galit na naramdaman niya ay nasabi niya ang dapat hindi sabihin. Parang piniga ang puso niya ng makitang sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ng asawa niya. Gusto niyang lapitan ang asawa para tuyuin ang luha nito at yakapin pero hindi niya magawa.

Gusto niyang bawiin lang lahat ng sinabi niya pero wala na rin namang saysay dahil nasaktan na niya ang asawa.

Fuck!?

Mura nito sa isip niya at nakabawi na rin siya sa gulat dulot ng pagsampal ni Triane Gayle sa kaniya kanina.

"I-I'm not a whore and slut! I'm not like what you think, moron!" umiiyak na sigaw ng asawa niya at puno ng hinanakit ang dibdib na tumalikod ito sa kaniya at nagmamadaling tumakbo palabas ng coffee shop.

Hindi siya nakaimik habang sinusundan ng tingin ang asawa niya.

"Fuck it!?" malutong na mura niya at napasabunot sa sariling buhok niya.

It's my fault!

Arghh!!

Napatingin siya sa lalaking binugbog niya ng makitang lumapit ito sa kaniya na galit na galit.

"You are a jerk for hurting such a girl like her! She's not like what you think dumbass!" galit na sigaw nito sa pagmumukha niya.

Biglang sumabog ang galit niya at kwenilyuhan ang lalaki. Nandidilim ang mga matang sasapakin niya sana ito pero pinigilan niya ang sarili.

"Don't call me a jerk nor a dumbass, moron! You're one of the reason why I hurt her. I can kill you in just blink of an eye if I want. So, shut the fuck up!?" blankong sigaw niya sa pagmumukha nito bago pabatong binitawan at nakakuyom ang kamaong lumabas ng coffee shop.

Hindi na niya inaalalang kasama niya si Munich at basta-basta na lang siyang naglakad paalis at bumalik sa parking lot bago pumasok sa kotse niya at pinaharurot paalis ang kotse.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil masyadong aburido ang utak niya.

"Damnit!?" mura niya at sinuntok ang manobela.

Narinig pa niyang may tumatawag sa cellphone niya kaya inabot niya ito. Si Eldian Karl Yoshiko ang tumatawag.

"Oh?" blankong sagot niya sa tawag ng kaibigan.

"Damn! I want someone to accompany me right now." mura nito sa kabilang niya.

Halatang problemado rin ang kaibigan niya.

"I have my own problem, Yoshiko." blankong sagot nito.

"Eh di sabay tayong mag-inuman! Tangina! Gusto kong maglasing ngayon!" halatang badtrip na sigaw nito dahilan para mailayo niya ang cellphone sa tainga niya.

"Tawagin mo si Jovavich at Clarkson to accompany you-----"

"Tsk! Tinawagan ko na sila pero busy daw sila." pigil nito sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang siya. Pareho sila ng kaibigan niya na problemado.

"Ok. Come to my house." maikling sabi niya rito bago ibinaba ang tawag at nagtext siya kay Emerson na papuntahin sa bahay niya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at pinaharurot ang kotse niya pauwi sa bahay nito.

Kailangan din naman niya ng makakasamang maglasing kaya roon na lang niya gustong makipag-inuman kasama ang kaibigan.

Pagdating niya sa bahay ay hinanap pa niya ang presensiya ng asawa pero bagsak ang balikat na dumeretso na lang siya sa kitchen ng maalalang galit sa kaniya ang asawa niya.

Sa makalawa na rin ang kaarawan niya pero wala siyang balak na magbunyi dahil sa situation niya.

Kumuha na lang siya ng apat na bote ng rum at dinala sa sala. Sakto namang may nag doorbell kaya lumabas siya para pagbuksan ng gate ang kaibigan. Ito lang naman ang alam niyang pupunta sa bahay niya maliban sa asawa niya at kay Emerson.

"Hey man!" malumay na bati ni Yoshiko sa kaniya.

Tiningnan niya ito at napamura siya ng makita ang hitsura nito.

"Holy shit! What happened to you?" takang tanong niya sa kaibigan.

Mukhang mas malala ang pinagdaanan ng kaibigan niya kesa sa kaniya.

"I am fucking dead." walang kabuhay buhay na sagot nito.

Napapailing siya at naupo sa sofa nang makapasok silang dalawa. Naunahan pa siya ni Yoshiko na uminom.

"Bakit ba sobrang pakipot ng mga babae ngayon!" rinig niyang bulong nito.

Napataas ang kilay niya habang nakatingin dito.

"So, it was about a girl." napapatangong sabi niya at tumungga sa boteng hawak niya.

Babae rin pala ang dahilan kung bakit naging ganiyan ang kaibigan niya.

Eldian Karl Yoshiko is one of his best buddy.

Nakarinig siya ng doorbell at alam niyang si Emerson na ang dumating. Inabot niya ang cellphone sa lamesa at may pinindot.

Maya-maya ay nakapasok na si Emerson at mukhang masaya ang loko.

Tsk!

"Hey! What's the matter----fuck! What happened to your face, Yoshiko?" napamurang sigaw nito ng makita ang mukha ni Eldian.

Hindi pa siya nakuntento at nilapitan ang kaibigan sala sinuri ang mukha nito.

"Hagard na hagard tapos malalaki ang eye bags, at halatang walang tulog. Shit! Huwag mong sabihing ikaw na ang susunod kay Limorthone, Yoshiko!" asik ng kaibigan at talagang sinulyapan pa siya nito.

Umiwas na lang siya ng tingin at sunod-sunod na nilagok ang alak.

"Don't you dare to tell this to our friends, Emerson. I will surely decline your weapon's delivery using my ship." nagbabanta ang boses na paalala nito sa kaibigan.

Natatawang kumuha ng alak si Emerson sabay bukas bago uminom.

"Damn! I never thought that you'll be like this, dude. You look like a shit." nang-aasar na sabi pa nito kay Yoshiko.

"Shut up and drink." malumay na sita ni Yoshiko sa kaniya.

Nagkibit-balikat na lang ito at binalingan si Zach na tahimik na uminom.

"Oh? Wag mong sabihin hindi pa rin kayo nagkakaayos ng asawa mo?" Nakataas kilay na baling ni Emerson sa kaniya.

"You said so and it's getting worst because of what happened a while ago." blankong sagot niya sa kaibigan.

"Ano?! Huta! At bakit naman? Anong ginawa mo?" mariing tanong nito.

Malalim na napabuntong-hininga siya bago ipinaliwanag sa dalawa ang nangyari. Halos sabay na napamura ang kaibigan niya na alam naman niyang sisihin siya ng dalawa.

"What the fuck, dre! You hurt your own wife!" bulalas ni Emerson.

"Yeah. Mas malala ka pa pala kumpara sa akin, dre. Ako yung humabol sa babaeng yun pero siya naman ay pinagtutulakan ako. Tapos ikaw? Sinabihan mo ng masasakit na salita ang sarili mong asawa? You're dead now." napapailing na sabi ni Yoshiko sa kaniya.

Hindi siya nakaimik at walang hintong inubos ang natirang laman ng boteng hawak niya

"I don't know what to do now." wala sa sariling aniya.

Napabuntong-hininga si Emerson at tinapik ang balikat nito. Mukhang naiintindihan naman siya ng kaibigan kahit papaano.

"Mas mabuti pang pahupain mo muna ang galit mo at galit niya sa 'yo, dre. Saka muna siya kausapin kapag medyo okay na kayong dalawa. Mukhang masyado kang hot kaya hindi mo na napapansin kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo." Payo ng kaibigan.

Naisip na niya kanina ang bagay na iyon. Kaya lang ay hindi ata niya kakayaning hindi makita at makausap agad ang asawa niya.

Worst, hindi niya alam kung saan ito nagpunta.

Nagpatuloy na lang siya sa pag-inom habang si Yoshiko na naman ang pinayuhan ni Emerson. Ito kasi ang laging nag-a-advice sa kanila dati pa.

Hinayaan na lang niya ang dalawa at nilubog sa inom ang sarili para makalimutan niya muna ang problema niya.

Pakiramdam niya ay ang bigat-bigat ng saloobin nito gayong wala sila sa maayos na sitwasyong dalawa ng asawa niya.


NANG sumunod na araw ay napagdisisyunan ni Triane Gayle na pumasok sa trabaho at isantabi na lang muna ang nararamdaman niyang tampo sa asawa niya. Ang trabaho muna niya ang iisipin saka na ang sa kanilang dalawa ni Zach. Tutal, hindi rin naman siya hinanap nito.

Bagay na ikinalungkot lalo ng puso niyang wasak. Talagang hindi siya gano'n kahalaga para sa lalaki dahil hindi man lang itong nag-abalang hanapin siya.

Pilit niyang ginawang masigla ang sarili habang papasok siya sa airport. Hinatid siya ni Tyson kanina pagkatapos ay umalis agad ito dahil may aasikasuhin pa ito sa kompaniya nito. Ibinilin pa nitong susunduin siya mamaya kapag off duty na.

Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng sumama ang pakiramdam niya. Para siyang masusuka at umiikot ang paningin niya. Wala kasi siyang kain  buong maghapon hanggang sa gumabi na. Nakatulugan niya kahapon ang pag-iyak kaya hindi niya naisip na kumain kaya ganito ang pakiramdam niya ngayon.

Napapikit na lang siya bago kinalma ang sarili. Nang medyo okay na siya ay nagpatuloy siya sa paglalakad papasok sa airport. Alam niyang magtataka ang ibang kasamahan niya kung bakit wala siya kahapon.

Hayst!

Buhay nga naman.

Tanging sabi nito sa isip niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng airport. Binati niya lang ang ibang kasamahan at buti na lang hindi na siya inusisa ng mga ito.

Hanggang sa makita siya ni Aryane at Nisha.

"Gayle! Jusko! Buti naman at nandito ka na!" mabilis na sabi ni Aryane.

"Bakit wala ka kahapon? Hinihintay pa naman kita," tanong ni Nisha.

"A-ah, may nangyari lang kaya hindi ako nakapag duty kahapon." mahinang sagot niya sa dalawa.

Napaiwas pa siya ng tingin ng makitang sinusuri siya ng dalawa.

"Teka, masama ba ang pakiramdam mo? You look pale, Gayle." nag-alalang sabi ni Nisha.

Hinawakan pa ni Aryane ang noo at leeg niya.

"Wala ka namang lagnat. Ayos ka lang ba?" tanong nito.

Ngumiti siya ng tipid sa dalawa at tumango.

"Ayos lang ako. Tara na, baka mapagalitan pa tayo." yaya niya sa dalawa at nagsimulang asikasihin ang mga pasahero.

Kaniya-kaniya silang trabaho habang siya ay kinukuha ang mga ticket ng mga pasahero at si Nisha at Aryane naman ang nakaharap sa computer para i-check ang dapat i-check.

Hanggang sa naging busy na silang lahat sa trabaho. Paminsan-minsan na sumasama ang pakiramdam niya pero binalewala lang niya ito.

Nang magtanghalian ay sabay silang tatlo na kumain sa canteen ng airport. Kinukulit pa siya ni Nisha kung ano ba talaga ang nangyari kaya sinabi niya ang totoong nangyari kahapon.

Sinabi na rin ni Nisha kay Aryane na ang boss nila ang asawa nito na ikinagulat naman nito. Pero kalaunan ay nainis si Aryane dahil sa ginawa ni Zach sa kaniya.

"Hay naku! Naiinis ako sa boss natin. Sayang, kaarawan pa naman niya bukas." napabuntong-hiningang sabi ni Aryane.

Napairap naman si Nisha. "Duhh! Pareho lang sila ng kaibigan niyang makulit. Ang sarap nilang pag-untugin ang mga ulo!" nababanas na histeriya ni Nisha.

Mukhang nababadtrip ang kaibigan niya. Alam niyang si Eldian Karl Yoshiko ang tinutukoy nito. Ito lang naman ang nakilala ni Nisha na kaibigan ni Zach.

Tinapos na lang nilang tatlo ang pagkain bago bumalik sa kanilang trabaho. Habang nag-a-assist sa mga pasahero ay namataan ni Gayle ang taong ayaw niyang makita sa araw na iyon. Worst, kasama pa nito ang modelang si Munich at masayang nag-uusap habang naka-angkla ang kamay ng babae sa braso nito at namimigay sila ng isang kulay puti na papel sa mga empleyado ng airport.

Parang dinurog ang puso niya sa nakita kaya nag-iwas agad siya ng tingin. Pakiramdam niya ay sumisikip na naman ang dibdib niya.

Mukhang wala naman siyang paki sa akin. Hindi na nga kami bati pero masaya naman pala siya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at akmang lilipat siya sa kabilang kuta ng marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Babe, are you excited for your party tomorrow?" malambing ang boses na tanong ni Munich kay Zach.

Babe?

Mapait na ngumiti siya dahil sa narinig nito.

"Not so." Maikling sagot ng lalaki.

"Nah! Don't worry, I have a surprise for you. I'm pretty sure you'll be like it." masayang sabi ni Munich.

Narinig niyang mahinang natawa ang asawa niya kaya lihim na nilingon niya ang mga ito. Nasa likuran lang pala niya ang dalawa.

Biglang nagtagpo ang mga mata nila ng asawa niya kaya mabilis na umiwas siya ng tingin dito.

"Really? Ok. I'll wait it then," rinig niyang sabi ng asawa nito kay Munich.

Hindi na niya kayang makinig pa sa masayang pag-uusap ng dalawa kaya nagmamadaling naglakad siya paalis ng may pumigil sa kaniya.

Napatingin siya sa kamay na nakahawak sa kamay niya bago nag-angat ng tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng magtagpo ang mga mata nila ni Zach na blankong nakatingin sa kaniya.

Mabilis niyang inagaw ang kamay niya at akmang aalis ng may ilahad ito sa harapan niya.

"It's my birthday invitation card. You are invited-----"

"No need. I am a whore and slut, right?" mapait na ngumiti siya habang nakatingin sa mga mata ng asawa. "Sa tingin ko naman hindi mo kailangan ang isang tulad ko sa party mo. Baka mamaya masira pa ang selabrasyon sa kaarawan mo." walang bahid ng sarkastiko ang boses na sabi niya sa asawa.

Nakita pa niya ang pag-igting ng panga nito at ang iba't ibang emosyon sa mga mata nito na agad rin namang nawala at naging blanko.

"You don't want to come?" matiim na tanong nito sa kaniya.

"Hindi. Nandiyan naman ang modelang ex mo. Siya na lang isama mo." malumay na sagot nito kay Zach bago tumalikod at lumapit sa gawi nila Nisha na kanina pa masama ang tingin kay Zach.

Ano pa't pupunta siya sa party nito kung hindi rin naman sila bati. Ayaw niyang pupunta dahil ayaw niyang makita ang asawa na may ibang kasama.

Nasasaktan na nga siya, sasaktan pa ba ulit niya ang sarili na makita ang dalawa?

Nah!

I better stay at home and lay myself in a bed to rest.








A/N: Hayst! Hanggang saan ba ang LQ ng dalawa? Well, enjoy reading, blueeems!

|•MysteriousBlueee•| M.B







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top