chapter XII

MATAPOS tawagan ni Zach ang mga kaibigan ay badtrip na nagmamaneho ito patungo sa Golden bar kung saan nila napag-usapang mag-inuman. Pakiramdam niya ay parang sasabog siya sa galit at gusto niyang uminom magdamag.

"Fvck it!?" Galit na sigaw nito habang pinaghahampas ang manobela ng kotse niya.

Mabilis ang takbo ng kotse nito na halos paliparin na niya sa bilis. Wala siyang paki sa mga enforcers na pinipituhan siya at mas lalong nilakasan pa ang takbo ng kotse niya.

Malutong na napamura siya nang muntikan na siyang masagi ng isang  rider dahilan para mapahinto siya sa gilid ng kalsada.

"Fvck you to hell!?" Galit na sigaw niya sa rider na nakalayo na.

Walang pasabing pinaharurot niya ulit ang Lamborghini niya hanggang sa makarating sa tapat ng malaking Golden bar na pag-aari ng kaibigan ni Clarkson.

Nang maka-park ay mabilis siyang lumabas at blankong naglakad papasok sa loob ng bar. Hindi naman siya sinita ng mga malalaking bouncer ng bar dahil kilala na siya ng mga ito.

"Hey! Come here!" Rinig nitong tawag sa kaniya ng kaibigang si Clarkson.

Mabilis na lumapit siya sa mga ito bago pasalampak na naupo sa sofa.

"Where's the others?" Blankong tanong sa kanila ni Zach.

"Houston and Clinton are busy with their business, while Yoshiko is not available right now." Sagot ni Darshan Kamzatti.

"Mukhang laging nababadtrip ang hapon na iyon nitong mga nakaraang araw." Napapailing na anas ni Clarkson.

Hindi na nito pinansin ang mga kaibigan at kumuha siya ng isang bote ng vodka at binuksan. Halos sabay-sabay na napataas ang kilay ng mga kaibigan nito habang nakatingin sa kaniya.

Hindi pa nakakapagsalita ang mga ito ng bigla niyang tinungga ang laman ng vodka sa ibabaw ng mesa nila.
Napapailing ang mga kaibigan niya at kaniya-kaniya ng inom bago nagtanong ang isa sa kanila.

"Oh? Napa'no kaDaig mo pang namatayan ng asawa, ah!" Nakakunot-noong tanong ni Roshan Jovavich.

Agad na umingos si Zurich Vandross habang napapailing.

"Alam ko na kung ano ang problema niyan. Problema 'yan ng pag-ibig," Anas nito.

Napatingin sa kaniya si Roshan at Keen ng may pagtataka sa mukha.

"Problema sa pag-ibig? At kailan naman umibig ang isang 'yan?" Nakataas kilay na tanong ni Keen.

"Yeah. Knowing him that---"

Luhen cut what Roshan said while smirking.

"Tss! Both of you are too late to know that this guy are fucking in love." Luhen grinned while looking at at him who seems like he has his own world while drinking like there's no tomorrow.

Roshan and Keen both in shock while turning their gaze to Zach.

"What? This eminent guy named Zachary Shan Limorthone is in love? Are you kidding me?" Hindi naniniwalang tanong ni Keen.

Tumawa nang malakas ang mga kaibigan nila maliban kay Roshan, Keen at Zach.

"Wait, did we missed something here?" Napapantastikohang tanong ni Roshan.

Tumikhim si Darshan at tiningnan ang walang tigil sa pag-inom nilang kaibigan.

"Yeah. You really missed something about this lover guy." Saad ni Darshan.

Keen hissed.

"Could you tell us what the fvck are we missing for?" Naiinip na tanong ni Keen.

Nagtawanan ang mga kaibigan nilang may alam at napapailing habang uminom ng alak.

"Well, our friend is already married. It's almost one month now." Deretsong sabi ni Zurich said.

Gulat na napamura ang dalawang kaibigan nila habang tiningnan si Zach na animo'y nawalan ng mundo. Parang walang kabuhay-buhay kung titingnan ang kaibigan nilang may problema sa pag-ibig.

"What the hell!?" Keen cursed.

"His married but we don't even now?" Salubong ang kilay na bulalas ni Roshan.

Luhen shook his head while sipping his drinks.

"Pa'no niyo malalaman kung wala naman kayo rito sa pinas aber?" Sarkastikong tanong ni Kimwell Clarkson sa kanila.

Napabuga ng hangin si Roshan at Keen sabay tungga ng laman ng baso nila. Wala sila rito sa pinas nitong mga nakaraang linggo dahil nasa ibang bansa sila at inaasikaso ang kani-kanilang mga negosyo roon. Noong nakaraang araw lang sila nakauwi.

"Who's the girl he married with?" Mahinahong tanong ni Keen.

Mukhang nakabawi na siya sa pagkabigla dahil sa sinabi ng mga kaibigan nito tungkol sa kaibigan nilang si Zach.

Alam naman kasi ni Keen na walang babaeng napupusuan ang kaibigan nilang pinaglihi ata sa kalamigan at kasungitan.

Introvert type si Zach at minsan lang magsalita lalo kapag hindi importante ang pag-uusapan. Minsan nga hindi ito sumasama sa kanila noon kapag gigimik silang magkakaibigan.

Kaya kanina ay nagulat si Keen na bigla na lang siyang tinawagan ni Kimwell dahil nag-aya si Zach na mag-inuman.

"Triane Gayle Wilson, a modest flight attendant who work with him." Sagot ni Luhen.

Napatingin kay Luhen si Roshan na animo'y nagtataka.

"Triane Gayle Wilson, that girl?" kunot-noong tanong ni Roshan dahilan para mapatingin si Zach sa kaniya.

'Did he know my wife?'

Tanong ni Zach sa isip nito habang blankong nakatingin sa kaibigan niyang pinaningkitan siya ng mata.

"I know her and her best friend Nisha Elvirio," sabi nito bago bumaling ulit kay Zach. "Ikaw ang asawa ni Triane? How come?" Tanong nito kay Zach.

Zach didn't answered. Instead, he drunk the vodka while still sitting silently.

Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa asawa niya. Mas lalo lang siyang naiinis sa 'di malamang dahilan.

'Maybe it's because of thet fucking guy named Tyson.'

'Damn him!'

Inis na sabi nito sa isip niya at tinungga ulit ang laman ng boteng hawak nito. Hindi na niya narinig na nagsalita pa ang mga kaibigan niyang kanina pa maiingay.

Panay lang ang inom niya hanggang sa magsalita siya dahilan para mapatingin sa kaniya ang mga kaibigan niyang tahimik na umiinom dahil sa itim na aura nito kanina.

"Do I am not enough?" Mahina ngunit nakatingin sa kawalang tanong nito.

"Nababaliw na ang kaibigan natin. Nagsasalita ng wala sa matinong huwisyo." Nakangiwing wika ni Roshan.

"Ano ba kasi ang problema mo, dre? Nagyaya kang uminom pero hindi mo naman sinasabi sa amin kung ano ang problema mo." m
Mahinahong wika ni Darshan.

Tumango-tango ang iba pa nilang mga kaibigan habang nakatingin sa kaniya.

"Yeah. Paano namin malalaman at makapag-advice sa 'yo kung hindi namin alam ang problema mo?" Patananong na pahayag ni Kimwell.

Napabuntong-hininga siya bago tumungga ulit at inilapag sa mesa ang bote sabay sandal sa sandalan ng sofa.

"He saw me while Munich kissing me on my office yesterday." Pag-uumpisa nito.

Agad na umangal ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi nito.

"Oh, dude! You're dead!" Komento ni Zurich.

"Why the hell Munich kissing you knowing that you're married---" Pinutol niya ang iba pang sasabihih ni Darshan at nagsalita.

"Munich doesn't know about my marriage thing." Pigil niya sa kaibigan.

Mabilis na sinamaan naman siya ng mga kaibigan niya. Kilala ng mga kaibigan niya si Munich at matagal na ring alam ng mga ito na may gusto sa kaniya ang childhood friend niyang iyon.

"Bakit mo naman hindi sinabi kay Munich? Alam mo namang matagal ng may gusto sa 'yo ang babaeng yun!" Naiinis na singhal ni Luhen.

Luhen is one of his best buddy kaya naiintindihan niya ito kung bakit gano'n kung maka-react ang kaibigan niya.

"Sasabihin ko pa lang sana kay Munich kahapon na kasal na ako." Malumay na sagot ni Zach sa kaibigan niya.

Napapailing ang mga ito na animo'y walang silbi ang sinabi niya. Disappointment are visible with their eyes.

"Too late, dre." Anas ni Kimwell. "Nahalikan ka na at worst, nakita pa ng asawa mo. You're dead now." Walang gatong na dagdag pa nito sa kaibigan.

Hindi umimik si Zach at sunod-sunod na tinungga ang laman ng vodka na hawak niya.

Alam niyang may mali siya ro'n pero naiinis at nagagalit siya dahil nakipag date sa ibang lalaki ang asawa niya. At ang mas ikinagalit niya ay inalala ng asawa niya ang lalaking yun kahit na kakagising lang nito kanina.

'Damnit!?'

Mura nito sa isip niya at inubos ang laman ng bote bago nagbukas ng panibago nang magsalita si Roshan.

"Oh eh, yun lang ba ang problema mo?" Tanong nito sa kaniya.

Marunong magsalita ng tagalog si Roshan dahil isang pilipina ang ina nito habang german naman ang ama niya.

Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Zach bago ulit nagsalita.

"I'm mad right now." Tiim-bagang na sagot nito sa kaibigan.

Napapantastikuhang nilingon siya ng mga kaibigan niya na animo'y nababaliw na siya dahil sa sinabi nito.

"Baliw ka ba, dude? Ikaw ang may kasalanan tapos ikaw pa itong galit?" Salubong ang kilay na tanong ni Keen.

"Yeah. Dapat ang asawa mo ang magalit sa 'yo. Ikaw ba naman ang makahuli na nakikipaghalikan ang asawa mo sa ibang lalaki tingnan natin." Napapailing na sabat ni Kimwell.

Sumama ang timpla ng mujha niya dahil sa sinabi ng kaibigan nito.

"Maghunos-dili ka nga, dre." Nakangiwing wika naman ni Luhen.

Naikuyom niya ang mga kamao niya at sinamaan ng tingin ang mga kaibigan. Napaiwas ng tingin ang mga ito at uminom ng alak na hawak nila.

"How did not I get mad if I saw her dating with another fucking guy!?" Naiinis na sigaw niya sa kanila.

Lahat sila natahimik sandali bago nag-react dahil sa sinabi niya.

"Oh! That's gross!" Komento ni Zurich.

"That makes sense," saad naman ni Darshan.

"I think, that's not good." Segunda naman ni Keen.

"If it is me, I would rather kill that guy." Dagdag naman Luhen.

"I'll definitely get mad if ever," gatong pa ni Roshan.

"Wait, do I need to call our dearest Yvaine and Shin to finish him?" Nakangising tanong ni Kimwell sa kanilang lahat lalo na kay Zach.

Yvaine was their girl best friend with an evil background. Shin was Yvaine's brother who is a secret agent.

Natahimik sila habang napapaisip sa sinabi ni Kimwell. Kaniya-kaniya ng umiling at tango ang mga kaibigan niya. Marahas na napabuntong-hininga na lang siya dahil sa inakto ng mga kaibigan niya.

Kahit kailan mga baliw ang mga ito. Minsan seryuso at kadalasan naman ay mga sira-ulo.

"I can kill him without their help if I want but, I don't have the guts to do it. Triangle will hate me." Mariing sabi niya sabay tungga ulit ng bote.

Napangiwi silang lahat at napatango-tango.

"Sabagay, anong gamit ng pagiging mafia king mo---" napatigil sa pagsasalita si Zurich ng samaan siya ng tingin ni Zach.

"Shut up. Don't mention it here." Mariing saway nito sa kaibigan.

Umaktong sinisipiran ni Zurich ang bibig at natatawang uminom na lang ng tahimik.

"Hayst! Uminom na nga lang tayo," napapailing na sabi ni Keen na agad namang binatukan ni Roshan na katabi lang nito.

"Gago! Baka nakalimutan mong problemado sa pag-ibig ang mafia king---arraayy! Fuck!?" Malakas na daing ni Roshan dahil sabay-sabay na binatukan din ito ng mga kaibigan nila.

"Shut up. Don't mention it here." Sabay-sabay na panggagaya ng mga kaibigan nito sa sinabi niya kanina habang nakatingin kay Roshan.

Inis na napakamot na lang ng batok si Roshan at tinalikuran sila saka naghanap ng chicks ang mokong.
Sa kanilang lahat ay si Roshan ang pinaka-chicks boy sa kanila.

"What are you going to do now, dre?" Tanong ni Luhen kay Zach.

Umiling ito habang inikot-ikot ang boteng hawak niya bago muling tumungga at nagsalita.

"I don't know what to do. I'm mad and you all know what I can do if I'm fvcking in this state." Blankong sagot nito sa tanong ni Luhen.

Tinapik ni Darshan ang balikat niya na animo'y inaalo siya nito.

"Just talk to her, dre. I think, she's different than the other girls. She'll understand you if you talk to her." Payo ng kaibigan niya.

Tumango rin ang iba bilang pagsang- ayon sa advice ni Darshan.

"Hindi mo ba sinabihan ng masasakit na salita ang asawa mo kanina?" Tanong naman ni Keen.

Napaisip siya at inalala kung may nasabi ba siyang hindi maganda sa asawa.

"I just tell her to go to that guy if she miss him." Malamig na sagot nito.

Nginiwian ulit siya ng mga kaibigan niya habang napapasapo sa noo at batok nila. Animo'y nahihibang si Zach kung umasta ang mga ito.

"Mukhang selos na selos ka sa ka-date ng asawa mo, dre. Jesus! I didn't think that one day you'll be like this," natatawang wika pa ni Kimwell.

"Yeah. Dahan-dahan sa pagiging seloso, dre. Nakakapatay daw yun ng tao." wika ni Darshan.

"Tsk! Nakaka-demonyo raw, ika nga nila." Sabat ni Zurich.

"Sa pagkaka-alam ko, Nakakamamatay raw yun," Dagdag ni Charm.

"Lol! Nakakabaliw kamo," aniya ni Keen.

Hindi siya kumibo at hinayaan ang mga kaibigan niyang asarin siya. Wala naman siyang paki dahil ang asawa niya ang umuukupa sa isip niya.

HANGGANG sa gumabi na ay nasa Golden bar pa rin ang magkakaibigan na patuloy sa pag-iinuman. Nang mag-alas-otso na ng gabi ay nagpaalam na ang mga kaibigan niyang umuwi dahil may gagawin pa ang mga ito. Siya naman ay inubos lang ang natirang alak sa bote na hawak nito bago lumabas ng bar at umalis.

Hindi siya dumeretso sa bahay niya kundi dumeretso ito sa kompanya upang doon magpalipas ng gabi. Bukas na siya uuwi kapag napawi na ang badtrip niya bago kausapin ang asawang iniwan niya sa bahay nila.

UMALIS si Triangle Gayle sa bahay pasado alas-syete ng gabi dahil tinawagan siya ng kaniyang pinsan na biglang sinugod sa hospital ang ina nito. Abot-abot ang kaba niya dahil sa sobrang pag-aalala kung ano na ang nangyari sa ina niya.

Sinubukang tawagan pa nito ang asawa pero unattended kaya napabuntong-hininga na lang ito hanggang sa makarating sa hospital na pinagdalhan sa mama niya.

Patakbong pumasok siya sa loob ng hospital at nagtanong sa information desk kung anong room number ng mama nito. Nang maibigay ng nurse ang pakay niya ay dali-daling tumakbo siya sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang room number.

Nang makarating sa floor ay hindi siya nahirapang hanapin ang room dahil nakita niya ang pinsan niyang lumabas sa silid kung nasaan na confine ang ina nito.

"Ty!" Nag-aalalang tawag nito sa pinsan.

"Thank God you're here." Nakahinga nang maluwag na sabi ni Tyson at yumakap sa kaniya.

"Kamusta si Mama? Ano bang nangyari sa kaniya? Ayos lang ba raw siya? Anong sabi ng doctor---"

"Hep hep! Calm down, couz. Tita was fine and she was just collapse with so much excitement when your brother told her for being a valedictorian in their class." Putol nito sa sunod-sunod na tanong ko.

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi nito.

"Anong sabi ng doctor?" Tanong pa nito sabay tingin sa pinto ng silid ng ina.

"The doctor said, she's fine. Her blood pressure is high when she feels so much excitement." Mahinahong sagot ng pinsan.

Tumango-tango siya bago naglakad papasok sa loob ng silid. Nakita niya ang ina na nakaratay sa patient bed at mahimbing na natutulog.

Kinabahan siya ng todo kanina. Akala niya kung ano na ang nangyari sa ina. Napatingin siya sa kapatid niyang naka-earphones habang may binabasang libro.

"Hey! Congrats!" Nakangiting bati niya rito.

"Thanks, ate," Tipid ang ngiting sagot ng kapatid niya.

Naupo siya sa tabi nito at sumandal sa sofa. Nginitian niya ito nang matamis at ginulo ang buhok nito.

"Umuwi ka na muna para magpahinga. May practice pa kayo bukas para sa graduation niyo, 'di ba?" Wika niya sa kapatid.

"Yeah. Thank you. Ikaw na muna bahala kay Mama. Sabi ng doctor pwede naman daw siyang lumabas bukas." Sagot ng kapatid.

Tiningnan niya ang ina bago tinanguan ang nakakabatang kapatid.

"Sige na, umuwi ka na. Mag-ingat ka," bilin nito na sinuklian lang ng ngiti ng kapatid niya.

Nang makalabas ang kapatid nito ay saktong pumasok si Tyson na may dalang pagkain.

"Kumain ka na ba? Bumili ako ng pagkain sa baba," tanong nito.

Umiling siya. Wala pa siyang dinner dahil hinihintay niyang makauwi si Zach kanina para sana sabay silang maghapunan nang tumawag ito kanina.

"Hindi pa, eh. Tumawag ka kasi kaya 'di ako nakakain," mahinang sagot niya sa pinsan.

Naupo ito sa tabi niya at inilapag sa maliit na lamesa sa harap ng sofa ang pagkaing binili nito.

"Here. Eat this baka malagot tayo sa asawa mo kapag nagutom ka," natatawang sabi nito.

Hindi siya umimik dahil sa salitang 'asawa' dahilan para mapatingin sa kaniya si Tyson.

"Couz, are you ok?" Tanong nito habang matamang nakatingin sa kaniya.

"Hindi," tipid niyang sagot.

"Why? Did your husband hurt you? Tell me and I will buried him alive." Seryusong sabi nito.

Napahinga siya nang malalim bago tumingin sa pinsan. Masyadong mahal siya ng pinsan at spoiled pa nga siya nito kung mag-alala sa kaniya.

"May tampuhan lang kami kanina. Nagalit siya sa akin dahil nakipag date raw ako ng ibabang lalaki kahapon which is ikaw. Napagkamalan niyang may namamagitan sa atin." Malungkot na sabi ko.

"Ano?! Eh, gago pala siya, eh! Ang sabi ni Nisha kahapon ay siya nga itong nakipag halikan doon sa babaeng kasama niya kahapon!" galit na sabi ni Tyson.

Sinaway niya ang pinsan dahil baka magising ang ina niya.

"Yun na nga, eh. Sasabihin ko rin naman sana sa kaniya kanina na pinsan kita pero hindi siya nakinig." Nakayukong anas ko. "Tapos kanina, hinihintay ko siyang makauwi para sabay kaming maghapunan pero hindi siya umuwi." Dagdag pa nito.

Para siyang batang nagsusumbong sa ama nito. Niyakap siya ng pinsan at hinagod ang likod niya para pagaanin ang bigat na nararamdaman niya.

Naalala na naman niya na pinakasalan lang siya ni Zach para matupad nito ang kahilingan ng ama.

Sa halos isang buwan na pagsasama nila ay alam niyang unti-unti nang nahulog ang loob niya sa asawa. Pero mukhang umibig naman siya sa maling tao.



A/N: Yay! May tampuhan ang dalawa matapos ang makamundong ginagawa nila. Enjoy reading.

|•MysteriousBlueee•| M.B

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top