chapter VIII
Triane Gayle's Pov
INIHINTO ni Zach ang kotse sa parking lot ng isang expensive restaurant na ipinagtaka ko. Tiningnan ko siya ngunit walang imik na nakaupi lang siya habang nakahawak pa rin sa manibela ng sasakyan. Wala pa ring kabuhay-buhay ang mukha nito magmula nang maudlot ang kababalaghang ginawa namin sa kalagitnaan ng kalsada kanina. Kagat-labing napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin.
"Anong ginagawa natin dito?" inosenting tanong ko habang nakatingin sa labas.
"Tsk! What do you think?" malamig na balik tanong niya.
Natahimik na lang ako at hinayaan siyang bumaba upang pagbuksan ako ng pinto. Jusko! Nakalimutan niya bang pinunit niya kanina ang panty ko? Inalalayan niya akong bumaba bago niyakap sa beywang papasok sa restaurant.
"Kamzatti Restaurant," basa ko sa nakasulat sa ibabaw ng malaking pinto ng restaurant. Pang mayaman lang talaga ang restaurant sa unang tingin pa lang.
Napatingin ako sa mga babaeng nagtitilian. Nakatingin sila sa katabi ko habang ang lawak ng ngiti ng mga ito. Nang silipin ko si Hubby ay seryuso lang itong nakatingin sa nilalakaran habang yakap-yapak pa rin ako sa beywang.
'Sus! Sorry na lang kayo, may asawa na siya at ako 'yon.'
Anang isip ko. Narinig ko pang nagbubulungan sila tungkol sa katabi kong mahigpit na nakayakap ang isang kamay sa beywang ko. Naiilang pa ako dahil wala akong suot na panty. Punitin daw ba ang panty ko.
Huhuhu.
'Tapos ang lagkit ng feeling.'
"Damn! I'm going to get off their eyes! Fvck them!?" malutong na mura nitong katabi ko.
Napapantastikuhang nilingon ko kung saan siya nakatingin. Doon pala sa mga lalaking nakatingin sa amin––sa akin. Niyakap ko na lang din siya dahilan para bahagya itong matigilan. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay dumeretso kami sa malaking table kung saan may mga guwapong lalaki ang nakaupo.
'Nananaginip ba ako? Bakit andaming guwapo ritong nakakalat?'
"Hey, man!" bati ng lalaking nakapula ang buhok.
Napakaguwapo nito at bumagay rito ang business suit na suot ng lalaki. Paniguradong marami ang naghahabol sa isang 'to. "Hmm," tangong sagot ni Hubby sa kaniya.
"Woah! Ang ganda ng chix natin, dre!" sigaw naman ng kulay ash gray ang mata.
Nakaka-attract ang mga mata nito. Ang ganda titigan. Pero mas maganda titigan ang asul na mata ni Hubby––nakakatunaw kapag tinitigan ka, eh.
"Yeah, man! She's so gorgeous," komento naman ng naka-brown na buhok.
"Darn! Nakabingwit ka ng d'yosa sa ka-hotness-an, bro!" sigaw naman ng may kulay-golden yellow na buhok.
Nahihiyang napayuko na lamang ako habang nakaangkla na sa braso ni Zach ang mga kamay ko. Nakakailang din kaharap ang ganitong kaguwapo na mga lalaki. Nakakalula sila tingnan, iyong tipong hindi mo alam kung sino sa kanila ang titingnan at pupurihin.
"Tsk! Shut up!" blankong saway ni Hubby sa kanila at inalalayan akong maupo bago siya naupo sa tabi ko.
Ipinagdikit ko pa nang mabuti ang mga hita ko, baka kasi pasukan ako ng langaw.
'Langaw talaga? Sa ganitong restaurant?'
'Malay ko bang may langaw pala ritong pagala-gala.'
Busisi ng aking isipan. Kagat-labing pinagmamasdan ko lang silang lahat. Halatang mga professional ang mga ito sa unang tingin pa lang.
"She look stunning," rinig kong bulong ng isa na katabi ni Hubby.
Kulay asul din ang mga mata nito. Ang gaganda naman ng mga mata nila. Bagay na bagay sa mga guwapo nilang mga mukha. Halata ring rulad ni Hubby––makikisig din ang mga ito.
"Stop looking at her, Emerson," nagbabantang saway ni Hubby kaya natatawang nag-iwas ito ng tingin.
Napatingin naman ako sa lalaking may aryos sa tainga. Ang tahimik niya masiyado. "Mr. Clinton, ang tahimik mo ata?" pagbibigay pansin na tanong ng nakapula na buhok.
"Nothing," malumay na sagot ng tinatawag na Mr. Clinton.
"Stop staring at him," naiinis na bulong ni Hubby sa akin.
Nilingon ko siya at tumango bago sumandal sa dibdib niya. Naramdaman ko pang nanigas siya pero hindi ko na iyon pinansin. Ang seloso naman nito, isang linggo pa nga kaming magkasama bilang mag-asawa, eh.
"Wuy, dre! Wala ka bang balak ipakilala sa amin iyang maganda mong katabi?" nakangising tanong ng naka-brown ang buhok.
"Tsk! She's Triangle," malumay na pakilala niya sa akin.
Napanganga ako. Triangle talaga ang tawag niya sa pangalan ko? Ang ganda ng pangalan ko tapos––Triangle? Napanguso na lang ako.
"Triangle? What a unique name. By the way, I'm Darshan Kamzatti, the owner of this restaurant," nakangiting pakilala pa no'ng red hair.
Umayos ako ng upo at nagsalita.
"Ah, I'm Triane Gayle Wilson, nice to meet you." Nakangiting sabi ko na diniinan ang tamang pag-pronounce sa pangalan ko sabay abot ng kamay nito.
Akmang makikipag kamay ako nang mabilis na hinila ni Hubby ang kamay ko."Don't shakehands with them," nang-uutos na sabi niya.
Napakamot na lamang ako ng batok nang biglang nagtawanan ang mga kasama namin habang tinutukso si Hubby.
"Masiyadong possessive, dre? Are you in a relationship?" nakangising tanong ni Darshan na tinaliman lang ng mata ni Hubby.
"Ayay! I smell something fishy, dre," nanunuksong saad noong naka- Ash gray ang mata sabay tingin sa akin. "I'm Zurich Vandross, Miss beautiful," nakangiting sabi nito sabay kindat sa akin.
Tinanguan ko na lang siya at nginitian ngunit namutla ito bigla nang tumingin sa katabi ko. Nang lingunin ko si Hubby ay napalunok ako ng makita ang baril na hawak nito. Saan niya kinuha ang baril?
"H-hubby," natatakot na bulong ko.
Tiningnan niya ako at mabilis nitong ibinaba ang baril nang makitang natatakot ako. I bite my lower lip to control myself from shivering in front of them.
I have a gun phobia. No. Not now please...
"Calm down, dre. You made her scared," wika pa ni Darshan.
Bumaba ang mga mata ko sa kamay ni Hubby na nakahawak sa kamay ko. Marahan niyong hinapalos na para bang humihingi ng pasensiya dahil natakot ako dahil sa baril niya.
"I'm sorry. I didn't mean to scare you." Pisil niya sa likod ng kamay ko.
Ngumiti lang ako ng medyo nawala na ang takot ko. Ganun kasi ang magiging reaksiyon ko tuwing makakakita ng baril.
Napatikhim pa ang iba hanggang sa nagsalita ang may kulay asul na mata.
"Naks! Mas lalo kang gumanda tingnan kapag nakangiti. By tge way, I'm Luhen Emerson," pakilala ng naka-blue eyes.
Nahihiyang tumango na lang ako at binigyan ito ng tipid na ngiti.
"Back off, Mr. Emerson," nagbabanta ang boses na usad ni Hubby.
Mabilis namang nagtaas ng mga kamay si Luhen na animo'y sumusuko. May sumusutil na ngiti sa mga labi nito.
"Calm down, dude," natatawang sabi ng lalaki."I know, she's your girl," dagdag pa nito. Nakita kong sinamaan lang siya ng tingin ni Hubby. Napapansin kong napaka-possessive niya sa akin.
'As always'
"I'm Dwight Clinton," tipid ang ngiting pakilala noong may aryos sa tainga. Wahh! Ang pogi niya tingnan kahit tipid lang ang ngiti nito.
Pero mas guwapo pa rin si Hubby.
"I'm Kimwell Clarkson at your service," malaki ang ngiting pakilala pa ng isa. Tiningnan ko siya ng mabuti, para siyang pamilyar sa akin.
"Ikaw ba yung may-ari ng mga nagbebenta ng house and lots sa iba't ibang panig ng mundo?" tanong ko sa lalaki.
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito sabay tango. Wahhh! Siya nga! Ang yaman-yaman din kasi nito. Nababasa ko sa magazine ang tungkol sa kaniya. Actually, halos lahat sila ay pamilyar sa akin.
"Woah! Kilala mo pala ako?" abot taingang ngiting tanong pa nito.
Mabilis na tumango naman ako sabay ngiti."Nabasa at nakita ko kasi ang picture mo sa mga magazines, eh." Usal ko pa.
Tumango-tango naman siya. Napatingin ako sa naka-golden yellow hair. "By the way, I'm Charm Houston," pakilala nito.
Kilala ko siya, eh.
"Oh, I know you, top. You are a doctor and the owner of Houston hospitals," masayang usad ko.
Ngumiti siya at tumango sabay tingin sa katabi ko na tahimik lang. Ang dilim pa rin ng mukha nito na para bang papatay ng tao. Ano bang nangyari sa isang ito?
"They are my friends," walang ganang anas niya.
Tumango na lang ako at bumalik sa pagkakasandal sa kaniyang dibdib at mabilis naman niyang iniyakap sa akin ang kaniyang mga braso. Tinukso na naman siya ng mga kaibigan ngunit hindi niya man lang pinansin ang mga ito.
"Putcha, dre, may relasyon kayo, 'no?" nakangising tanong ni Luhen.
"Huwag ka na magtanong, dre. Halata naman, oh!" gatong pa ni Kimwell.
"Sh*t! I can't imagine that you're in relationship now, dre," singit pa ni Darshan.
"He even hated girls before," ani naman ni Dwight.
Nahihiwagaan itong tumingin kay Zach na hindi pa rin maipenta ang mukha.
"Yeah! Knowing him that he doesn't want to be with any girls before," sang-ayon pa ni Charm.
'Talaga? Bakit naman?'
"Ang sabihin niyo, may hinihintay kasi ang dakilang hari natin." Kaway ng bagong dating.
It's Eldian Karl Yushiko.
Nagsitinginan naman sa akin ang mga magkakaibigan na may kakaibang mga ngiti. Nakaramdaman ako ng ilang sa tingin nila sa akin bago binalingan si Zach.
"And it means that this girl he waited for so long is here? Right beside him?" nakangising tanong ni Zurich.
"Right!" Eldian grinned.
Naghiyawan naman ang lahat na animo'y sila lang ang mga taong nandito. Ano raw? Para tuloy akong nakaramdam ng saya dahil sa mga narinig ko. Naalala ko bigla ang sinabi ni Nisha sa akin dati. Muli akong nag-angat ng tingin kay hubby na nakatingin din pala sa akin. Binigyan ko siya nang matamis na ngiti dahilan para mapaiwas ito ng tingin. Napatingin ako sa kaniyang tainga ng makitang namumula iyon.
'Ba't namumula?'
Mabilis na umayos ako ng upo at hinipo ang noo pati ang kaniyang leeg. Hindi naman siya mainit. Bakit namumula ang mga tainga niya?
"What are you doing?" nakaiwas tingin tanong nito sa akin
Samantalang ang mga kaibigan niya ay nagpipigil ng tawang nakatingin sa aming dalawa.
"Akala ko may sakit ka, namumula kasi ang mga tainga mo, oh." Turo ko sa namumula niyang mga tainga.
Kapagkuwan ay biglang humahalakhak ang kaniyang mga kaibigan sa hindi ko malaman na dahilan. Pati si Dwight na sa tingin ko ay hindi pala tawa ay napatawa na rin.
"Pfftt! Napagkamalang may sakit ang hari sa labanan!" pigil ang tawang sigaw ni Kimwell.
"Hari ng kadimunyohan kamo," singit ni Zurich.
Zach throw him a death glare but Zurich didn't mind it. Mas tinukso pa nito ang kaibigan na kaunti na lang ay mapipikon na talaga sa mga ito.
"Gotcha! Ang sabihin mo kinikilig 'yang kaibigan namin kaya namumula ang mga tainga." Darshan teased.
Zach's face went black whike hus eyes dsrkened. "Shut up, Kamzatti!?" may inis sa boses na sigaw ni Hubby sa kaniya.
Hindi rin ito makatingin sa mga kaibigan niya. Kinikilig ba talaga siya? Akala ko kasi may sakit na siya, eh.
"Yeah. Medyo may pagkainosente pala iyang girlfriend mo, dre." Tawanc usal naman ni Charm.
Napasipol pa si Kimwell bago nagsalita. "Baka kung ano-ano ang ginagawa mo sa kaniya, dre, ah! Baka naman mabahiran ng kababalaghan ang kainosentehan niyan," nakangising saad nito.
"Oo nga naman. Mukhang lalabas na ang matagal niyang tinatagong tawag ng laman," nang-aasar na sabi ni Zurich.
"Noong isang linggo pa," hahalakhak na lagsingit naman ni Eldian.
Naramdaman kong mas uminit na ngayon ang pisngi ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Matalino ako kaya naiintindihan ko ang ibig nilang sabihin kahit hindi ko iniintindi ang mga bagay na yun dati.
Pasimpleng tumingin ako sa paligid upang alamin kung may mga nakarinig ba sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ni Hubby. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang may kaniya-kaniyang ginawa at pinag-uusapan ang mga taong kumakain sa restaurant na kinaroroonan namin.
"Dàmn it! Shut the fvck up!" inis na sigaw ni Hubby sa kanila.
Napapitlag ako sa gulat at takot. Mukhang napipikon na siya sa mga kaibigan niya. Parang may itim na presensiyang pumalibot sa aking asawa dahilan upang mapalunok ako nang ilang beses.
"Tss! Tama na 'yan. Kakain ba tayo o hindi?" napapailing na tanong ni Dwight sa kanila.
"Siyempre kakain!" sigaw ni Zurich.
"Ikaw pa, patay guton ka, eh." Pambabara ni Luhen sa kaibigan.
Natawa na lang ako at nawala ang kaba't takot na naramdaman ko. Agad namang sumenyas si Darshan bago nagsilapitan ang mga crew na may dalang mga pagkain. Wahh! Ang sarap ng mga pagkain. Feeling ko nagugutom ulit ako.
'Ang sabihin mo, nagutom ka dahil sa kababalaghang ginawa niyo ni Zach sa kotse sa gitna ng kalsada kanina.'
Pagsingit ng isip ko. Ramdam kong biglang uminit na naman ang mga pisngi ko kaya nagbaba ako ng tingin. Nagiging madumi na talaga ang aking usipan magmuka nang mag-asawa ako.
Jusko po, patawarin niyo sana ako. Hindi ko lang po maiwasang mag-isip ng ganito tuwing kasama o nakikita ko ang asawa ko.
"Hey, are you, okay?" biglang bulong ni Hubby.
Tumango na lang ako. "Are you sure?" paninigurado niya.
"Hmm," tangong sagot ko.
"Don't 'hmm' naalala ko ang ungol mo." Zach whispered.
Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa ibinulong niya. Buti na lang hindi narinig ng mga kaibigan nitong ang iingay na naman. Parang mga presong nakawala sa kulungan, pero napakaguwapi naman nipa para maging mga preso.
"Ang pilyo mo talaga," mahinang bulong ko sa aking asawa.
Pinandilatan ko na lang siya ng mata pero tinawanan niya lang naman ako. "Nagiging pilyo lang ako pagdating sa 'yo," bulong na naman niya.
Pabirong siniko ko na lang siya sa tagiliran. May bipolar dis-order ang lalaking ito. Pabago-bago ng mood, eh. Kanina lang ay halos hindi na talaga maipinta pa sa sama ang kaniyang mukha. Ngayon naman ay ngingiti-ngiti lang sa kapilyuhan.
"Woy! Baka nakalimutan niyong may mga single rito?" parinig pa ni Luhen. Napasipol pa ang iba kaya mas lalo akong nahiya.
"Kumain na nga tayo," puna ni Dwight sa mga ito.
Agad na nagsikain na lang sila at gano'n din si Hubby na nilagyan pa ng kanin at ulam ang aking pinggan. Ang dami pa niya g inilagay na kanin at ulam––dinaig pa nitong patay gutom ako.
"Uy! Andami naman niyan," angil ko sa kaniya.
"Just eat up. Baka magutom ka sa gagawin natin mamaya." He winked.
I frowned.
Tumindig ang mga balahibo sa batok ko dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ring nag-init na naman ang aking mga pisngi kaya napayuko na lang ulit ako bago itinuon sa pagkain ang atensiyon ko.
Kahit kailan talaga 'tong katabi ko. Sa halos isang linggo mula ng maging mag-asawa kami ay parang lumalabas ang ibang side niya. Masiyado akong matalino para hindi mapansin yun.
'He's up to something again.'
***
MATAPOS NAMING kumain kasama ang mga kaibigan ni Hubby ay nagtatawanan at nagbibiruan ang magkakaibigan. Tulad kanina, si Hubby na naman ang inaasar nila na panay lang ang sama ng tingin sa kanila. Minsan, gusto kong matawa sa mukha niyang naiirita sa mga kaibigan ngunit pinipigilan ko lang. Baka kasi magalit siya sa akin, mahirap na at baka hindi na naman ako palalakarin bukas.
Actually, masaya kasama ang mga kaibigan ni Hubby kahit sari-saring kahanginan ang mayroon sa kanila. Panay lang ang tawa ko sa tuwing sasabit ang mga pakulo nilang wala namang patutunguhan. 'Ni hindi nga sila maawat kung mag-asaran at maglokohan.
And one thing that I just realize.
Totoo 'ngang mas masaya kapag may marami kang kakilala. Noon kasi, si Nisha lang ang tanging close at kasama ko sa school. May mga nakilala naman ako pero nasa kani-kanilang mga lugar. Ang iba naman ay nasa ibang bansa na ngayon which is kakilala ng mga magulang ko ang mga magulang nila. Napatigil ako sa pag-iisip nang maghagalpakan na nanan ng tawa ang mga kaibigan ni Hubby.
"Shuta! Masiyadong epic ang mukha mo, dre." Tawang-tawa na sabi ni Luhen habang nakatingin kay Eldian na masamang nakatingin dito.
Halatang naiinis ito na ewan. Basa pa ng juice ang mukha nito na halatang si Kimwell ang may gawa n'on.
"What the fvck, Clarkson!?" galit na sigaw nito.
Napakurap-kurap na lang ako sa gulat. Napakamot pa si Kimwell at nag peace sign sa kaibigan."Sorry naman, dre." Ngiwing sabi nito na hindi makatingin dito.
Napapailing na lang ang iba sa kakulitan ng dalawa. Kakaiba talaga ang samahan ng mga ito. Nakakatuwa pagmasdan at pakinggan ang kanilang mga kahanginan at kalokohan.
"We'll go ahead. You scared my girl." Tumayo si Hubby.
Natahimik silang lahat at tumingin kay hubby. Kapagkuwan ay ngumisi sila nang nakakaloko sabay tingin sa akin.
"Darn! First time naming marinig ang salitang 'my girl' sa bibig mo, Limorthone!" may nakakalokong ngiting untag ni Charm.
"Pakshit!? Matagal ko ng inaabangang marinig sa kaniya ang salitang 'yan. Masiyadong loyal kasi ang isang 'yan, eh." Tawang sabat naman ni Eldian.
"Inlababo ang hari sa grupo!" sigaw ni Kimwell.
"Magpa-party na ba tayo mga dre?" painosenting tanong naman ni Luhen.
"Yeah! Punta tayo sa bar!" nakangising suhestiyon pa ni Darshan.
"Si Dwight ang mang-treat sa 'tin," nakangiting saad ni Zurich.
Mabilis na sinamaan ito ng tingin ni Dwight. "Why me?" salubong ang mga kilay na tanong nito.
"Asus! Ikaw ang may bagong kita sa mga sasakyan mo, dre." Xharm smirk while teasing his friend.
"Yeah. Gumastos ka naman para sa inuman––" Zach cut him off.
"Tsk! Stop that. No party, no drinking," pigil ni Hubby sa pagsasalita ni Kimwell.
Halos sabay-sabay na napangiwi at umalma sila maliban sa akin at kay Dwight na napapailing na lang. Halatang hindi ito interesadong uminom ngayon.
Day light pa kasi, sino ba'ng matino ang umiinom ng ganitong mga oras. Well, maliban na lang sa mga walang kontrol sa pag-inom at walang pinipiling oras.
"Ang kj mo, dre," komento ni Luhen.
"Tsk! I have important things to do. We'll go now," napapailing na sabi ni Hubby at hinila ako patayo.
Agad na umingos ang mga kaibigan niya. Mukhang saulo naman na rin ng mga ito ang ugali ng asawa ko.
"Sus! Palusot ka pa! Ang sabihin mo, may kababalaghan kang pinaplano riyan sa may pagka-inosente mong girlfriend––teka!" mabilis na sabi ni Zurich habang nakatingin sa kamay namin ni Hubby.
Ngayon lang nila iyon napansin.
Nanlaki pa ang mga mata nito dahilan para tumingin din sa kamay namin ang iba pang kaibigan nila. Halos sabay-sabay silang napasinghap ng makita ang singsing namin ni Hubby maliban kay Eldian na tanging nakakaalam sa kasal namin.
"Singsing?!" sabay na tanong nilang lahat.
Nakaramdaman naman ako ng hiya kaya akmang aalisin ko ang kamay ko sa kamay ni Hubby nang mas higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"She's my wife," balewalang sabi ni Hubby bago pa man makapagsalita si Eldian.
Bumudha ang gulat sa mga mata nilang lahat maliban na naman kay Eldian. "Your wife?!" sabay-sabay na namang sigaw nila.
Napayuko na lang ako. Nakaramdam ako ng hiya sa kanila. Halatang hindi makapaniwala ang mga ito sa nalaman.
"Hmm." Tangong sagot ni Hubby.
Biglang sumama ang mga mukha nilang nakatingin kay hubby habang natatawa naman si Eldian sa mga reaksiyon nila.
"Ba't 'di namin alam?" matalim ang tinging tanong ni Darshan sa kaniya.
"Yeah. Why didn't you tell us?" dalubong ang kilay na tanong din ni Dwight.
"Hanep! Naglilihim ka pala sa 'min, dre?" sarkastikong anas ni Luhen.
"Ni hindi mo kami inimbita!" naiinis na angil ni Zurich.
"So, kaibigan pa ba ang tingin mo sa 'min niyan?" Kunwaring natatawang tanong ni Charm.
"Hoy! Tumigil nga kayo," saway ni Kimwell sa kanila sabay tingin nito sa amin ni Hubby. "Kasal ka na pala? Bakit 'di mo kami inimbita?!" malakas pa sa mga boses ng mga kaiibigan na sigaw nito kay hubby.
Napaangal nama ang mga kaibigan nilang sinaway niya kanina. Muntik pa akong matawa nang sabay-sabay nilang binatukan si Kimwell.
"Arrayy! Ba't kayo nambabatok?!" inis na tanong nito sabay himas ng batok niya.
"OLOL! Pa'no pa't pinahinto mo kami kung dadagdag ka lang naman pala?" sarkastikong tanong ni Luhen sa kaniya.
Napangiwi ito at nag-peaces sign bago tumingin ulit sa amin "Stop it! I'll talk about if there's a time." Hila ni Hubby sa kamay ko bago tumalikod at lumabas ng restaurant.
Narinig ko pang sumigaw ang mga kaibigan niya pero hindi na niya ito pinansin hanggang sa makarating kami sa kaniyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ako pumasok. Kapagkuwan ay umikot siya at pumasok sa driver's seat.
"Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko," masuyo ang boses na anas niya sabay tingin sa akin.
Ngumiti lang ako at tumango habang nakatingin din sa kaniya. "Sus! Ayos lang. Nakakatywa nga sila kanina, eh." Sagot ko.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang ito sa mga mata ko. Para akong matutunaw sa mga titig niya sa akin. Napakagat-labi pa ako nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko.
"Get closer." Mariin ang boses na utos nito.
At dahil isa akong dakilang masunurin ay lumapit ako sa kaniya.
"Kiss me." Zach whispered.
Napalunok ako ng halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
Kiss ko siya? Ba't naman?
"Bakit naman kita iki-kiss––hmm." 'di ko natapos ang gusto kong sabihin nang siya na ang kusang humalik sa akin.
Napapikit na lang ako nang palalimin niya ang kaniyang mga halik. Napapasabay ako sa nakakabaliw niyang halik sa akin. He's up to something again.
'Well... he is Zachary Shan Limorthone after all.
A/N: Enjoy reading blueeems!
|•MysteriousBlueee•|
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top