Chapter ll
Triane Gayle's Pov.
KINABUKASAN, maaga akong nagising at naghanda agad ng agahan namin matapos maligo. I am still undecided if I will going to grab the opportunity that Mr. Limorthone offered to me, thought that I don't have any choice though. He already said that I am not allowed to say no. Hayst! Pati rin si Nisha ay kinukulit akong mag-duty na bukas. Matagal akong nakatulog kagabi dahil sa kakulitan niya. Idagdag mo pang nag-text si Mr. Limorthone na susunduin niya ako ngayon.
As a flight attendant on their company, we need to stay there. May mga rooms kasi na naka-reserve para sa mga nagtrabaho roon.
Nalaman namin yun kahapon dahil nilibot naming dalawa ni Nisha ang buong area at tiningnan ang kuwarto niya. 'Ni hindi ko pa nga rin nasabi kay mama at sa kapatid ko ang bagay na yun, eh.
Iwinaglit ko na lang muna sa aking isipan ang bagay na iyon at tinapos ang niluluto ko. Sakto namang bumaba na sila mama at ang kapatid ko. Binati nila ako ng magandang umaga at binati ko rin naman sila pabalik nang may ngiti.
We used to be like this. Kahit mahirap kami at wala na ang tatay namin ay masaya pa rin kami kahit papaano.
"Good morning, too. Maupo na kayo para makakain na tayo." Ngiting sabi ko pa.
Agad namang pinaghila ni Allen si Mama ng upuan bago ako nito tulungan na maghanda ng pagkain sa mesa.
Pinagtimpla ko pa ng kape si Mama bago naupo sa kanan nito at sa kaliwa naman si Allen. Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Mama.
"Kamusta naman ang pag-a-apply mo, anak?" tanong nito habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako bago sumagot. "Maayos naman, Ma. Tanggap kaming dalawa ni Nisha. Bukas na bukas din ay magsisimula na kami," masayang sagot ko.
Nag-text kasi si Mr. Limorthone na bukas na lang kami magsisimula ni Nisha imbes na ngayon na sana. Kita ko ang tuwa sa mukha nilang dalawa ng kapatid ko when I realize one thing.
Paktay!
Iyong sinabi pala ni Mr. Limorthone.
"Are you ok, anak? May problema ba?" biglang tanong ni Mama.
Natigilan ako habang nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mabilis na umiling ako at binigyan sila ng matamis na ngiti.
"Wala naman, ma. Kaya lang kailangan namin mag stay-in sa airport, eh." Sabi ko pa.
Nginitian ako ni Mama at hinawakan ang kamay ko.
"Ayos lang iyan, anak. Ganiyan talaga iyan dahil flight attendant ang kinuha mo." Ngiting sabi nito.
"Oo nga naman, ate. Besides, you can visit us on weekends, right?" nakangiting anas pa ni Allen.
Sa amin lang iyan ngumingiti, pero sa iba lalo na sa school ay seryuso lang siya.
Tumango ako, "Yeah," nakangiting sagot ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at gano'n din sila hanggang sa matapos. Si Allen na ang naghugas ng pinagkainan namin. Wala naman siyang pasok ngayon dahil Sabado.
Akmang aakyat na ako sa taas nang may bigla akong narinig na busina ng sasakyan sa labas.
"Oh siya, gumayak ka na sa taas nang makapaghanda ka na para sa trabaho mo. Ako na ang titingin sa labas," saad ni Mama at nagtungo sa pinto.
Umakyat na lamang ako sa taas at pumasok sa kuwarto ko. May kalakihan din naman ang bahay namin. Dalawang palapag ito at may dalawang kuwarto sa taas at isa naman sa baba which is inuukupa ni Mama.
My father was died on a car accident kaya kami na lang tatlo ang naiwan. Para nga kaming nawalan ng mundo ng mamatay si Tatay. Napakabuti nitong tao lalo na sa pagiging tatay sa amin ni Allen.
How I wish he was still alive.
'I miss him.'
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay text mula kay Nisha.
From: Nisha
Uy! Bilisan mo r'yan dahil nand'yan na yung boss natin slash soon to be your husband para sunduin ka. Yieee! Huwag ka ng tumanggi pa, girl! Go for it na! Grab the opportunity! See you around. :)
Iyan ang laman ng text nito na ikinalaki ng mga mata ko. Ibigsabihin ay si Mr. Limorthone ang nagbusina sa labas ng bahay kanina?
Wahhh!
Mabilis ang naging kilos ko at nag-impake ng mga gamit ko.
Naglagay na rin ako ng simpleng make-up. Saka na lang ako maglagay ng bongga kapag on duty na ako.
Gusto ko lang kasi ng simple lang.
*Tok! Tok! Tok!*
"Anak, bilisan mo riyan, may naghihintay sa 'yo sa baba!" rinig kong boses ni Mama sa labas.
"Opo! Nariyan na!" sigaw ko at mabilis na nagsuot ng sapatos bago lumabas.
Pagbaba ko ay nakita ko si Mr. Limorthone na nakaupo sa maliit na sofa namin habang tumitingin sa paligid.
"Oh, nandiyan na pala ang anak ko," nakangiting bigay pansin ni Mama ng makita ako.
Ang saya-saya ata ni Mama, ah. Ano ba'ng mayroon? Agad akong lumapit at binati ang magiging boss namin.
"Magandang umaga, boss. Salamat sa pagpunta, hindi ka na sana nag-abala pa," nahihiyang sabi ko.
Tumayo ito bago nagsalita. "Mmm... it's ok. Besides, I have some important things to discuss with your mother." Pormal na sabi nito.
Napakunot naman ang noo ko bago nilingon si Mama. Nakangiti lang ito. Ano naman kaya ang––
(0_0)
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang sinabi ni Mr. Limorthone kahapon. Hindi kaya sinabi niya kay Mama ang tungkol doon?
Wahh!
Sinabi ba niya kay Mama ang tungkol sa bagay na iyon? Paktay!
"Sige na, gumayak na kayong dalawa. Anak, tawagan mo ako o mag-text ka sa akin paminsan-minsan para naman mapalagay ako sa 'yo." Bilin pa nito.
Mabilis na tumango naman ako. "Huwag kang mag-aalala, Ma. Mag-ingat kayo rito ni Allen habang wala ako. Tawagan niyo na lang ako kapag may kailangan o problema kayo," nakangiting sabi ko sabay yakap kay Mama.
Nagpaalam din ako sa kapatid ko na kausap pala ng boss namin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila.
***
NANG makalabas kami ng bahay ay siya ang naglagay ng bagahe ko sa compartment ng sasakyan bago ako nito pinagbuksan ng pinto. 'Naks!'
'Gentleman naman pala siya kahit tingin pa lang ay mukha siyang masungit na tao.' Sabi ko sa isip ko at inayos ang seatbelt nang makapasok ako at umupo ng maayos. Umikot naman ito at naupo sa driver's seat. Pinaglalaruan ko sa kamay ang hawak kong laruan na ipis. Naalala kong ito yung ginamit ko pampatakot kay Allen dati. Kinakabahan kasi ako kaya hindi ko namalayang nasa kamay ko pa pala ang ipis na laruan.
Bigla akong napatingin kay boss nang magsimula nang tumakbo ang kotse. Ang seryuso naman niya. Parang hindi marunong ngumiti, eh. Kahapon ko pa naisip kung ano kaya ang hitsura nito kapag nagkakaroon ng imosyon ang mukha niya.
'Takutin mo sa ipis nang malaman mo.'
Anang isip ko kaya napatingin ulit ako sa hawak kong ipis. Oo nga ano? Baka kapag natakot siya't mainis hindi na niya itutuloy yung sinabi niya kahapon. Umayos ako nang upo bago tumikhim at nagsalita.
"Boss, kapag ba may gagawin akong hindi maganda, hindi mo na tutuhanin iyong sinabi mo kahapon?" mahinahong tanong ko sa kaniya.
Blankong tiningnan ako nito bago ulit tumingin sa kalsada at nagsalita.
"Don't you dare make some stupid things, woman." He warned.
Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya. Ano bang klaseng lalaki ito? Tao pa ba 'to? Ang seryuso masiyado. Idagdag mo pang ang guwapo.
Masubukan nga kung matatakot ba 'to sa ipis. "Boss, para sa 'yo." Nakangiting sabi ko sabay abot ng kamay kong nakakuyom.
He look at me curiously before he handed and opened his left hand.
"What's this?" he asked.
"Tingnan mo na lang," nakangiting saad ko.
One, two, three...
"Fvckshit!? Cockroach!?" malakas na sigaw nito habang namumutlang itinapon ang ipis sa labas ng bintana.
Humagalpak ako nang tawa habang nakatingin sa kaniyang mukha. Ngunit natigilan ako sa sunod-sunod na busina mula sa labas.
*Peeepp!
*Pepeeeppp!
Busina nang malaking truck sa unahan na ikinalaki ng mga mata ko. Ako naman ang namutla ng makitang mabubunggo kami sa malaking truck!
"Fvck!?" malakas na mura nito at mabilis na kinabig ang manibela palihis sa kaliwa bago ito inihinto sa gilid.
Parang sandaling nawala sa katawan ko ang sarili kong kaluluwa dahil sa kaba't takot habang nanginginig sa gulat.
"That was so close," rinig kong bulong ni Boss.
Napakagat-labing yumuko ako. Akala ko katapusan na namin. Hindi ko na talaga yun uulitin.
"Hey, are you alright?" biglang tanong pa nito.
Umiling ako sabay tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o ano. Pero may nakita akong pag-aalala sa mga mata nito na bigla rin namang nawala.
"Sorry." Paghingi ko ng patawad.
"I told you not to make some stupid things but you didn't listen." Seryusong anas nito.
Napayuko ulit ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Gusto ko lang naman makitang magkaroon ng imosyon ang mukha mo, eh." Kagat-labing wika ko habang nakayuko pa rin.
Bigla itong natahimik dahil sa sinabi ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. "B-ba't ganiyan ka makatingin?" nauutal na tanong ko.
"You can ask me if you want instead of scaring me, woman." Anas nito.
"H-huh?" tanging lumabas sa bibig ko.
"What emotion do you want?" tanong nito.
Kagat-labing napaisip ako sa tanong nito. P'wede lang pala akong magtanong sa kaniya, eh.
"Alam mo, guwapo ka naman sana eh kaya lang masiyado kang seryuso," sabi ko pa habang sinusuri ang mukha niya.
Bahagya pa itong natigilan dahil sa sinabi ko. T-teka! Namumula ba siya?
Oh my gosh!
"Ba't ka namumula?" takang tanong ko sa kaniya.
"Tsk! I'm not. Just spill it out." Iwas tinging sabi nito.
Napangiwi na lang ako. Baka namalikmata lang siguro ako.
"Ngumiti ka nga tapos tumawa ka," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"What? Hindi ako bale, babae." Angal nito.
Napanguso ako sa sinabi nito. "Sabi mo, kung anong gusto ko, eh." Pabulong na sabi ko na halata namang narinig niya.
"Fine. Just don't laught at me." Napabuntong-hininga sabi niya.
Mabilis na tumango ako habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Halatang hindi siya sanay sa gagawin niya.
"How about this," sabi niya sabay harap sa akin at pilit na ngumiti ngumiti.
"Ano ba 'yan, mukha kang natatae niyan, eh." Lumapit ako sa kaniya.
Bahagyang dumukwang para maabot ko ang mukha niya. Nagdadalawang-isip na hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya upang pangitiin ito.
"Ngumiti ka, iyong totoong ngiti talaga."
Bahagya pa itong natigilan habang nakatitig sa akin ngunit ngitian ko lang siya.
"Like this?" ngumiti siya habang deretsong nakatingin sa aking mga mata.
My heart skip a beat for a seconds.
Natigilan ako habang napapakurap sa guwapo nitong mukhang may nakaukit na matamis na ngiti. Ramdam kong napawaang pa ang mga labi ko dahilan para matawa ito.
Iyong tawa na totoo at hindi pilit lang.
Oh my gad!
Ang guwapo naman niya.
"I know I am handsome. You don't need to stare at me like you want to undress me." Biglang sabi niya na ikinaiwas ko ng tingin.
Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ako mahalay na babae uy! Natatawa pa ring pinaandar nito ang kotse habang ako ay hindi makatingin dito. Pareho lang kaming tahimik sa biyahe patungo sa Limorthone International Airport.
Nag-text pa si Nisha na kanina pa siya nando'n. Sana nga lang ay magkalapit lang ang kuwarto namin. Hindi ko pa kasi nakita kahapon ang kuwarto ko.
Lihim na sinulyapan ko si Boss na seryuso na namang nakatingin lang sa daan. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang pinag-uusapan nila mama kanina.
"Ahm... boss?" tawag ko sa kaniya.
"Mmm?" sagot nito ng hindi lumilingon sa akin.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang gusto kong itanong.
"You want to say something?" mahinahong tanong niya.
Tumikhim na muna ako at umayos ng upo bago nagsalita. "Ah, a-ano nga pala ang sinabi mo kay Mama kanina? Anong pinag-uusapn niyo?" alanganing tanong ko pa.
"Ah, that? It was about the marriage thing." Simpleng sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?! A-anong marriage thing pinagsasabi mo?" gulat na gulat kong tanong.
He chuckled. "Let's talk about it later when we reach my office." Parang balewala lang sabi nito.
Napamaang ako.
Jusko!
K-kasal? Kaya ba ang tamis ng ngiti ni Mama kanina? Oh-no!
Hanggang sa makarating kami sa LIA (Limorthone International Airport) ay nauna siyang bumaba. Pinagbuksan niya ako pero seryuso na uli ang expression ng kaniyang mukha.
"What are you waiting for? Hurry up!" utos niya at naunang naglakad papasok sa building dala ang bagahe ko.
Ang sungit!
Hmp! May bipolar disorder ata ang lalaking yun. Mabilis na bumaba na lang ako at sinara ang pinto ng kotse bago sumunod sa kaniya.
Nakangiting binati ko pa ang mga nadaanan namin. Akmang papasok na kami sa elevator nang may tumabi sa akin.
"Hi, Miss beautiful!" nakangiting bati nito.
Napahinto ako at nilingon ito.
'Ang guwapo naman niya. Mukha siyang pang hollywood actor. O mas tamang sabihin na Japanese actor.'
"Hello," ganting bati ko pa.
Mas lumapad ang ngiti niya at naglahad ng kamay sa harap ko.
"I'm Eldian Karl Yoshiko, the most handsome guy in the world." Nakangiting pakilala nito.
Gustuhin ko mang ngumiwi dahil sa kahanginan nito pero tumawa na lang ako nang mahina. Lalo kasing sumingkit ang mga mata nito kapag nakangiti ito.
"I'm Triane Gayle Wilson," pormal na pakilala ko pa.
Akmang aabutin ko ang kamay niya para makipagkamay nang may humila sa akin papasok sa elevator.
Mabilis namang sumunod ang lalaki at tumabi kay Mr. Limorthone na masama ang tingin sa kaniya.
"Hey! Bakit mo naman siya hinila? Makikipagkamay lang naman ako ah! Ikaw, ah!" may nakakalokong ngiting tanong pa nito kay boss.
Tahimik na nakinig na lang ako habang lihim na tinitingnan silang dalawa. Magkakilala pala sila?
"Shut up, Yoshiko and get out." Blankong sabi nito kay Eldian.
Natatawang tinapik ni Eldian ang balikat niya na ikinainis nito lalo.
"Chill, dre. Masiyado ka namang hot, eh mas hot pa naman ako sa 'yo. Right, Miss Wilson?" matamis ang ngiting sabi nito sabay baling sa akin.
Hilaw na ngumiti na lang ako. Masiyadong mahangin dito sa loob ng elevator. Kundi lang covered ang elevator ay baka natangay na ako ng hangin.
"Will you shut up? You're so noisy!" inis na sita sa kaniya ni Boss.
Ngumiwi na lang si Eldian at umaktong sinipiran ang bibig bago lumipat sa tabi ko.
"Hey, don't mind him. Napakasungit, may dalaw ata siya ngayon––"
"Yoshiko!?" galit na sigaw ni boss na ikinapitlag ko sa gulat at takot.
Halatang naiirita siya kay Eldian.
"Hehehe. Tatahimik na nga, eh." Nakaiwas tinging sabi ni Eldian.
Napapailing na lang ako hanggang sa bumukas ang elevator at sumunod ako kay boss. Agad na sumunod naman si Eldian at hinawakan pa ako sa wrist.
"Wait, girlfriend ka ba ng kaibigan kong 'yan?" nakangiting bulong niya.
Kaibigan?
"Magkaibigan kayo?" tanong ko.
Tumawa siya nang mahina saka tumango. Nauna na si Boss at nakita kong pumasok ito sa office niya.
"Yeah. Girlfriend ka ba niya?" tanong ulit niya.
Mabilis na umiling ako na ikinatawa niya. Mas lalo tuloy siyang gumwapo tingnan.
"Hindi. Nag-apply kasi ako rito bilang flight attendant, eh." Sagot ko pa.
Tumango-tango naman siya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. Animo'y may iniisip itong kakaiba.
"There's something to that guy," mahinang bulong pa nito na hindi ko naman narinig.
"May sinasabi ka ba?" tanong ko.
Ngumiti lang siya at hinila ako palapit sa office ni Boss. Pagpasok namin ay halos humandusay kami sa sahig dahil sa sama ng tingin ni Boss na parang kakain na ng tao.
Bampira ba 'to?
Char!
"Take off your hand, Yoshiko." Mariing utos niya habang nakatingin sa kamay kong hinawakan ni Eldian.
Mabilis na hinila ko na lang ang kamay ko habang tawa lang ang naging tugon ng katabi ko.
"Hindi naman halatang napaka- possessive mo, dre. Sa pagkakaalam ko ay hindi mo naman siya girlfriend." Nang-aasar na sabi nito.
"Shut up and get out of my fvcking office now!?" inis na inis na sigaw nito sa kaibigan.
Napatakip na lang ako ng tainga dahil sa lakas ng boses na umalingawngaw sa apat na sulok nitong opisina.
"Hey! Kalma lang, dre. Ang init naman ng ulo mo." Napapailing na puna ni Eldian.
"A-ah, saan ba ang kwarto ko, boss?" singit ko pa baka kasi kung saan pa umabot ang dalawang 'to.
Hindi man lang ako pinaalis muna bago sila gumanyan.
"I'll tell you later if he's gone." Blankong sagot niya sabay tingin ng masama kay Eldian na ngingisi-ngisi lang.
Mabilis na itinaas niya ang dalawang kamay bago nagsalita.
"Calm down, dre. Pumunta ako rito para sabihing magba-bar tayo mamayang gabi. Luckily, na-meet ko pa tuloy si Miss Beautiful," nakangiting sabi nito sabay kindat sa akin.
Umiwas na lang ako ng tingin. Kahit guwapo siya hindi pa rin 'yan tatalab sa akin. Pero halata namang nagbibiro lang ito.
"I won't come and you can leave now." Walang paking sagot nito at tumayo bago pumasok sa isang silid.
"Tsk! Kahit kailan ang 'KJ' talaga ng lalaking 'yon." Napapailing na bulong ni Eldian.
Biglang bumukas ulit ang pinto ng silid na pinasukan ni Boss at tumingin ito sa akin.
"Triangle, come here!" tawag nito sa akin.
Napanganga ako. Ano raw ang tawag niya sa akin?
T-triangle?
"Pfftt! It's Triane Gayle, dre. Not Triangle," natatawang sabi ni Eldian.
"You don't fvcking care, Yoshiko! Get out now!" sigaw ni Boss sa kaniya.
Mabilis naman itong lumapit sa pinto bago ulit tumingin kay boss.
"Dre, I smell something fishy here. Mukhang may kailangan kang ipaliwanag sa amin mamaya sa bar. You need to come kung ayaw mong sunugin ko ang condo mo mamaya," Nakangising sabi nito bago tumingin sa akin. "Bye, Miss Beautiful! See you when I saw you." Huling sabi nito sabay kindat bago tuluyang lumabas ng office.
"Damn you, Yoshiko!" rinig kong mura ni boss dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
Ang sama ng tingin nito sa nilabasan ni Eldian. Napakamot na lang ako ng batok ko.
"You. Come here." Baling nito sa akin kaya sumunod naman ako.
Pagpasok ko sa loob ay namangha ako sa ganda. Kulay krema ang loob at maganda ang interior design ng kuwarto niya.
"Ang ganda naman ng kuwarto mo, Boss." Komento ko pa.
I heard him chuckled kaya nilingon ko ito.
May kinuha siya sa may closet niya bago lumapit sa akin. Nagulat ako ng iabot niya sa akin ang maliit na pulang box.
"A-ano 'yan?" takang tanong ko.
Bumuntong-hininga siya bago binuksan ang box. Napanganga na lang ako ng makita ang kumikinang sa ganda na singsing.
T-teka...
Is it a diamond ring with gold design around it?
Jusko!
"Wear this and don't you dare to lose it," mahinahong sabi niya bago kinuha ang kamay ko ng hindi ako kumilos.
Gulat na gulat pa rin ako habang nakatingin sa singsing. Natauhan lang ako nang maisuot niya ito sa daliri ko.
"T-teka! Bakit mo naman ipapasuot sa akin 'to?" nalilitong tanong ko.
Tiningnan niya ako ng 'seriously-look.'
"Tsk! I told you yesterday, 'you're gonna be my wife and you are not allowed to say no.' And I'm serious about it." Tinalikuran biya ako.
Parang huminto sandali ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Pero bakit?
"B-but––"
"No more buts. I will bring you to your room now." Pigil niya sa akin bago ako hinila palabas ng kuwarto.
***
NANG MATAPOS kong tingnan ang loob ng kuwarto ko na katabi lang naman ng kuwarto ni Nisha ay inayos ko na ang mga gamit ko. Tinulungan pa ako ni Nisha na kanina pa nakangiti habang kumikinang pa ang mga mata na tinitingnan ang singsing sa aking daliri. Agad kasing umalis si Boss kanina matapos niyang ipakita itong kuwarto ko. Kaya kinulit ako ni Nisha ng makita niya ang singsing.
Sinabi ko sa kaniya ang lahat na mas ikinatuwa pa niya. Kilig na kilig pa ang gaga na animo'y siya ang binigyan ng singsing. Napapailing na lang ako.
"Kyaahhh! Ang swerte mo talaga, girl! Kailan ba ang kasal? Maid of honor ako, ah!" excited at kinikilig na sabi ni Nisha.
"Nish, ikaw na lang kaya ang magpakasal sa boss natin?" mahinang sabi ko na ikinatigil niya.
*Pak!
Mahinang sinapak niya ako sa ulo dahil sa sinabi ko. Napangiwi ako sa ginawa nito. Ang brutal talaga ng babaeng 'to, eh. Palagi akong kawawa tuwing magkakasama kaming dalawa.
"Gaga! Ikaw ang inaya, uy! 'Wag ka nang choosy. I'm happy nga dahil mag-aasawa ka na kahit hindi dumaan sa pagiging mag-jowa!" sigaw na naman niya.
Tumahimik na lang ako sandali. Parang nakalunok ng megaphone ang kaibigan ko, eh.
"But I don't love him and he doesn't love me,too. 'Ni hindi ko nga kilala yung tao, eh." Giit ko pa.
Inirapan niya lang ako bago hinawakan ang kamay ko. Para siyang nanay ko kung umasta, eh.
"Easy. Makikilala mo rin siya. Besides, I'm pretty sure na mahuhulog din ang loob niyo sa isa't isa. Believe me, this is your destiny, Gayle," nakangiting anas niya.
Magsasalita pa sana ako nang may biglang kumatok sa pinto. Halos sabay na napalingon sila ng kaibigan sa pintuan.
"Ako na," sabi ko sabay lapit sa pinto at binuksan ito.
Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Boss. Bumababa ang mga mata ko sa hawak nitong paper bag na inabot niya sa akin.
"Take this and wear it tomorrow for our wedding ceremony." Sabi niya ng may tipid na ngiti sa labi bago inilagay sa kamay ko ang paper bag.
W-wait!
Ngumiti na naman siya?
Oh my!
Napanganga ako dahil sa simpleng ngiti niya. Naramdan ko pa ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko dahil sa ngiti niya.
Anong nangyare? May sakit ba ako sa puso? Natauhan lang ako nang tumikhim ito.
"Bye my soon to be wife. See you tomorrow," brusko ang boses na paalam niya bago umalis.
Am I going to be his wife? Final na talaga? Takbuhan ko kaya? Pero paano naman ang trabaho ko? Hayst! Bahala na si Batman.
Let's just go with the flow.
To be continued...
A/N: sorry guyss if it is lame. I hope you still enjoy reading it. Sa mga susunod na chapter pa ang mga hinihintay niyo.😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top