chapter IX

Triane Gayle's Pov.

BUSY NA BUSY ako habang inaalalayan ang mga pasahero ng eroplanong galing sa U.S kung saan kasama kaming dalawa ni Nisha sa biyahe mula pa kahapon. Ngayon lang kami nakabalik dahil na extend ang biyahe pabalik dito kahapon. Nagkaroon lang ng kunting aberya kaya kaming lahat ay naka-check in sa five star hotel sa U.S kagabi at doon nagpalipas ng gabi.

Nakapamasyal pa nga kami ni Nisha sa malawak na malls doon at bumili nang iilang bagay na gusto naming bilhin. Nabilhan ko nga ng paboritong bag si Mama at isang sapatos ng mga sikat na basketbolista para sa kapatid ko. At siyempre, binilhan ko rin si Hubby ng para sa kaniya.

I actually don't know what he wants because I didn't know him that much. Mag-iisang buwan pa lang kami bilang isang mag-asawa at parehong busy sa mga trabaho. Kaya binilhan ko na lang ito ng isang bagay na alam kong hindi pa naibibigay sa kaniya.

Secret lang muna yun, ah.

"Wuy! Anong nginingiti mo riyan?" Tapik ni Nisha sa balikat ko.

Kasama nito si Aryane na nagtatakang nakatingin sa akin. Napakamot na lang ako ng batok at ngumiti nang matamis sa kanila.

"Wala lang," maikling na sagot ko.

Tiningnan nila ako pareho ng may nakakalokong ngiti at bumungisngis silang dalawa.

"Asus! Ang sabihin mo, excited ka nang makasama ang asawa mo." Nanunuksong sabi ni Aryane.

Alam na kasi niyang may asawa ako pero hindi niya alam na ang boss namin ang asawa ko. Naging close na namin siya ni Nisha mula nang magtrabaho kami rito.

"Yeah. I agree, Yane," nakangising sang-ayon ni Nisha.

Yane ang tawag niya kay Aryane kasi mas madali lang daw kapag gan'on. Sabay na natawa pa silang dalawa habang inaasar pa rin ako.

"Paniguradong lagot ka sa asawa mo pagkauwi mo mamaya, Gayle. Baka hindi ka pa makakapasok bukas dahil magdamag kang paliligayahin ni Mister." Natatawang sabi ni Yane.

Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"H-heh! Tumahimik nga kayong dalawa!" Nahihiyang saway ko sa kanila.

Mabilis na tinalikuran ko sila at tumulong sa iba pang kasamahan naming alalayan pababa ang mga pasahero galing sa U.S. Narinig ko pa ang mahihinang hagikhikan nila kaya hindi ko na sila nilingon pa hanggang sa makababa lahat ng pasahero.

Nakangiti akong bumaba ng eroplano at dinama ang simoy ng hangin. Pagkatapos ay sabay kaming tatlo na nagtungo sa loob ng building. Kagabi ng mag-text ako kay hubby na roon kami magpapalipas ng gabi sa U.S ay hindi na ito nag-reply pa. Mukhang busy ata siya.

Sa halos isang buwan na naming pagsasama ay masaya naman ako kahit na masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang sweet din naman nito sa akin at parati akong pinupuri ng secretary niya pati mga kaibigan niya dahil may pagbabago raw silang nakikita sa asawa ko.

Ang dating laging tahimik, malamig, hindi palangiti, bossy at laging blanko ang mukha ay napalitan ng iba't ibang emosyon. Iyon ang sabi nila. Tapos wala na ring natatanggal sa trabaho sa buwang ito na ikinapanatag ng mga ibang empleyado. Iilan lang sa kanila ang nakakaalam na asawa ko ang boss namin.

Dumeretso na lang muna ako sa kuwarto ko rito sa airport at gan'on din ang dalawa. Pasado alas-onse pa rin naman ng umaga.

Agad na akong naligo at nagbihis pagpasok ko sa silid bago iniligpit ang mga nabili ko kahapon. Malapit na rin ang birthday ni Hubby kaya iyon na lang ang iregalo ko sa kaniya. Lumabas ako ng kwarto ko nang matapos ayusin ang sarili ko at dumeretso sa opisina ni Zach.

"Good morning, Gayle!" Nakangiting bati ni Trisha, ang secretary ni Hubby ng makita ako.

"Good morning, too." Masayang bati ko. "Nasaloob ba si Zach?" Dagdag ko pa.

Umiling siya bago nagsalita. "Nasa conference room pa siya dahil may meeting kasama ang mga board members." Sagot nito.

Tumango ako bago nagpaalam na pumasok sa loob para ipagluto ko ng lunch si Hubby. Pagpasok ko sa loob ay dumeretso ako sa kusina at nagsuot ng apron bago binuksan ang ref para kumuha ng lulutuin kong adobo.

Masayang hinanda ko lahat ang gagamitin sa pagluluto at nagsaing muna ng kanin bago sinimulang lutuin ang ulam. "Masaya talaga kapag may nilulutuan ka," nakangiting bulong ko.

Kumakanta pa ako habang nagluluto at inantay na lumambot ang manok. Ilang minuto lang ang lumipas ay tapos na akong magluto at pasado alas-onse y medya na kaya naghain na ako sa lamesa. Paniguradong tapos na si Hubby sa meeting niya ngayon. Saktong patapos na ako sa paghahanda sa mesa ng marinig ko ang pagbukas sara ng pinto nitong opisina niya.

Mabilis na lumabas ako ng kusina at akmang tatawagin ko na siya ng matigilan ako sa nakita ko. Parang tumigil ata sa pag inog ang mundo ko dahil sa nakita ng dalawang mga mata ko.

"I miss you, Babe." Rinig kong sabi ng babaeng nakakandong sa kaniya habang hinahalikan siya.

Napaiwas ako ng tingin dahil parang kumirot ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko rin ay nanubig ang mga mata ko.

'May kahalikan ang asawa ko.'

Bagsak ang mga balikat na nakatayo lang ako sa pinto. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako. Bigla kong naalala ang tanong ko sa kaniya noong nakaraan. Naguguluhan kasi ako kung bakit bigla niya akong pinakasalan maliban sa mga sinasabi ni Nisha sa akin.


* Flashback


Nandito kami sa loob ng magarang bahay ni Hubby habang nakaupo sa sofa nito at nanonood ng tv. It was Sunday at day off namin pareho sa trabaho kaya nasa bahay lang kaming dalawa. Kumakain ako ng apple ng may pumasok sa isip ko na gusto kong itanong kay hubby kaya nilingon ko ito.

"Hubby?" Tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Sagot niya sabay lingon sa akin bago ibinalik sa Tv ang mga mata nito.

"Ahm... may tanong sana ako," alanganing sabi ko.

"Go on. What is it?" He asked.

Nilunok ko muna ang kinakain kong apple at humarap sa kaniya bago nagsalita. "Bakit mo pala ako biglang pinakasalan?" Tanong ko sa kaniya na ikinatigil nito.

Nilingon pa niya ako bago tumikhim. Naging mailap ang mga mata nito at kapagkuwan ay nagsalita.

"It was because of my parents." Simpling sagot nito na nakatuon na ulit sa Tv ang mga mata.

Dahil sa mga magulang niya? Bakit naman? "Bakit naman?" Tanong ko ulit.

"My dad wants me to get married. It was my dad's wish that's why I marry you to fulfill his wish, too." Sagot niya na hindi man lang lumingon sa akin.

Nakita ko pang umigting ang mga panga nito kaya tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita.

Yun pala ang dahilan kaya niya ako pinakasalan ng mabilisan. Akala ko totoo na iyong mga sinasabi ni Nisha sa akin tungkol sa kaniya noong nag-aaral pa kami sa highschool at college. Inubos ko na lang ang kinakain kong apple at hinayaan itong manood ng basketball.

*End of flashbacks

Parang mas lalong kumirot ang dibdib ko dahil sa naalala ko. Mapait na ngumiti na lang ako habang tahimik na nakatayo sa pinto ng kusina at tiningnan ulit sila. Gano'n pa rin ang position nila at hindi man lang pinigilan ni Hubby ang babae at hinayaan lang nitong halikan siya nito. Pakiramdam ko may bumara sa dibdib ko kaya napayuko ako.

'Now I know.'

Tumalikod na lang ako at akmang papasok ulit ako sa kusina ng bigla kong masagi ang flower vase sa gilid ng pinto dahilan para mahulog ito sa sahig at nabasag sanhi nang paglikha ng ingay.

Natuliro ako dahil sa vase na nabasag. Kinakabahan ako dahil baka mapagalitan pa ako o kaya ay pagbayarin ako dahil halatang mamahalin ang vase na nasagi ko.

Inay! Huhuhu!

"Fvck!? Triangle?!" Rinig kong gulat na sigaw ni Hubby––I mean ni Zach.

Mas lalo akong kinabahan ng marinig ang mga yabag nito papalapit kaya tulirong pinulot ko ang mga piraso ng vase.

"S-sorry, hindi ko sinasadyang basagin––arraayy!" Daing ko nang masugatan ang daliri ko dahil sa pagmamadaling pulutin ang mga bubog.

"Shit!?" Sigaw nito at hinila ako patayo sabay tingin sa daliri ko. "Stupid! Why did you touch those broken vase!" Inis na sigaw niya.
Napayuko ako sa takot. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Tinawag niya akong stupid.

It was the first time na tinawag niya akong stupid.

"Sorry. Sorry. Hindi ko sinadyang masagi ang vase kaya nabasag," hindi mapakaling saad ko nang nakayuko pa rin.

Parang gusto ko ng maiyak ngayon. Jusko po! Halata namang milyon- milyon ang halaga ng vase na nabasag ko. "Damnit!?" May galit sa boses na mura nito at hinila ako papasok sa kusina.

Mukhang galit siya sa akin. Agad na binawi ko ang kamay ko na ikinatingin nito sa akin. Madilim ang mga mata nito at nakakuyom ang isang kamao.

"H-huwag ka ng magalit sa akin. B-babayaran ko na lang yung vase––"

"Stupid!? I'm not mad because of that fvcking vase! I'm mad because you have a cut!" Seryusong aniya at pinaupo ako sa upuan bago mabilis na binuksan ang kabinet sabay kuha ng first aid.

Tiningnan ko ang mukha niya na hindi maipenta habang salubong ang mga kilay nito.

"A-ako na ang maglalagay niyan," pigil ko sa kaniya nang akmang lalagyan niya ng alcohol ang bulak sa kamay niya.

Matiim tiningnan lang niya ako bago tuluyang lagyan ang bulak bago inilapat sa sugat ko. Napakagat-labi ako ng maramdaman ang hapdi. Biglang yumuko si Zach at nagulat ako nang hipan nito ang sugat ko para mabawasan ang hapdi.

"Does it still hurt?" Mahinahong tanong nito.

I bite my lower lip.

Napatango ako kaya hinipan niya ulit ang sugat ko. Nang masigurado nitong okay na ay nilagyan niya ito ng band-aid. Ibinalik niya sa kabinet ang aid at tahimik lang akong nakaupo. Ramdam ko ang mga titig nito pero hindi ako nag-angat ng tingin.

"Did you cook these?" He asked.

I nodded as an answer. He let out a heavy sigh before he step closer to me.

Inangat niya ang baba ko at pilit tinitigan ang mga mata ko. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya habang napapataim bagang.

"Did you see us––"

"Kissing?" Pagtatapos ko sa sasabihin nito. Tipid na tumango ako at ngumiti na parang wala lang naman. " Don't worry, I won't say anything. It's ok with me. Take your lunch first," nakangiting sabi ko sabay tayo at inilahad ang lamesa na may mga pagkain bago ulit tumingin sa kaniya at tumalikod.

Lumabas ako ng kusina at saktong nakasalubong ko ang babaeng kahalikan niya kanina. Nakataas ang kilay nitong hinagod ako ng tingin kaya tipid na nginitian ko ito.

'Ang ganda niya, ah. No wonder kung may something sila ni Zach.'

"Ahm... pasok ka sa loob, baka hinihintay ka ni Hub––boss." Sabi ko bago ito tinalikuran at lumabas ng opisina.

Lumabas ako ng may ngiti sa labi. Pilit ikinunli ang totoong nararamdaman ko. "It's better to smile than showing your real emotion." I whispered.

Sinalubong ako ni Trisha ng may pag-aalala. Bakit naman siya mag-aalala sa akin?

"Hey! Ba't ka nakangiti?" Takang tanong nito.

"Bakit naman hindi?" Balik tanong ko. Napangiwi siya at alanganing ngumiti bago ako hinila papunta sa table niya.

"Hindi mo ba nakita ang kasama ni Boss?" Nagtatakang tanong nito na animo'y naiinis sa kung sino.

"Nakita ko naman. Nakita ko nga silang naghalikan, eh." Sagot ko pa.
Nanlaki naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Ano?! Naghalikan sila?" Ulit niya.

Tumango ako. "Oo, natakot nga ako kanina nang masagi ko ang vase at nabasag dahil ayaw ko silang tingnan baka maisturbo sila." Simpleng sabi ko at umiwas ng tingin.

Napaawang ang labi nito na animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko. She look dumbfounded while looking at me.

"At ikaw pa talaga ang makaisturbo sa kanila?! Unbelievable! Dapat nga magalit ka!" Parang naiinis na sabi niya.

Napakamot na lang ako ng batok at nagsalita. "Bakit naman ako magagalit?"

"It was Munich Smay! His ex! May God!" Hindi makapaniwalang anas nito.

Natigilan ako. Ex? May ex si Zach? Akala ko ba walang ini-entertain na babae si Zach dati? Psh! Napapailing na lang ako.

"What's the big deal?" Pilit ngiting tanong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Oh! C'mon, Gayle. Malamang asawa ka, eh!" She hissed.

Tinapik ko na lang ang balikat niya at ngumiti sa kaniya. "It's ok. Hayaan na lang natin sila. Ipinakain ko na nga sa kanila ang niluto ko. Alis na ako, ah." Sabi ko sabay alis dahil parang hindi ko na kayang itago ang totoong nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay tutulo ang luhang pilit kong pinipigilan.

I don't know why I feel like I was being betrayed. We don't gave feelings towards each other but it seems like I was hurt right now.

Mabilis na sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground floor para lumabas at makabalik sa trabaho ko kahit lunch pa at wala pa akong kain.
Nakaramdam ako ng kunting kirot sa dibdib pero isinawalang bahala ko na lang. Pinakasalan lang naman ako to fulfill his father's wish.

'Not as a man who love me.'

Mapait na ngumiti ako. Ano bang alam ko pagdating sa pag-ibig? Wala. Dahil 'ni minsan hindi ko naisipang pumasok sa isang relasyon. Napapailing na lang ako. Umpisa pa lang alam ko ng walang patutunguhan ang pagpapakasal ko sa boss namin. Narinig ko pa ang pag-vibrate ng cellphone ko at nang tingnan ko ay si Zach pala ang nag-text. Nagtatanong kung nasaan ako.

Hayst.

Nereplayan ko na lang na nasa trabaho bago nag-text kay Mama na bibisita ako mamayang gabi sa bahay. Hindi na ako nakadalaw doon mula ng huling punta namin ni Zach dalawang linggo na ang nakaraan.

Pagkatapos i-text si Mama ay in-off ko ang cellphone ko bago nagsimulang asikasuhin ang mga pasaherong babiyahe patungong Japan. Hindi na kami kasama ni Nisha dahil ang ibang kasamahan namin ang na-assign doon.



***


NANG dumako ang hapon at off duty na namin ay sabay kaming dalawa ni Nisha na pumunta sa floor kung saan ang kuwarto namin. Sinabi ko sa kaniyang bibisita ako kela mama ngayon at gano'n din siya. Uuwi siya dahil dumating daw ang tita nitong galing sa Singapore.

"By the way, balita ko may dumating raw na isang sikat na model kanina," biglang sabi niya habang tinatahak namin ang daan patungo sa room namin.

"Sino?" Malumay na tanong ko.

Pabirong inirapan niya ako bago nagsalita. "Munich Smay, one of the famous model in Asia." Sagot nito.

Natigilan ako. Munich Smay? Iyon ang pangalang binanggit ni Trisha kanina na ex ni Hubby na naroon sa office nito.

"Ah," tanging lumabas sa bibig ko.

Nilingon ako nito nang may pagtataka. "Ayos ka lang?" Kunot-nong tanong niya.

I nodded and gave her a sweet smile bago pumasok sa kuwarto ko nang nasa tapat na ako. Agad na kinuha ko ang pinamili ko para kela mama bago nagpalit ng damit at kinuha ang bag ko.

Nang matapos ay napatingin ako sa kamay ko kung saan ang singsing. Napahinga ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto at saktong lumabas na rin si Nisha. Makikisakay na lang ako sa kotse niya. Siya rin naman ang nag-offer kanina.

"Tara," yaya ko at sabay kaming naglakad sa pasilyo patungo sa elevator.

"Wait, hindi ka ba magpapaalam sa asawa mo?" Tanong niyo.

Umiling ako at pumasok sa elevator at agad namang sumunod ito sa akin.

"No need. He's busy," saad ko.

"Oh, okay." Tanging anas niya hanggang sa makababa kami.

Binati ko ang mga nakasalubong namin hanggang sa makarating kami sa bukana ng pinto ng may makita ako dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at gan'on din si Nisha.

"Babe, let's have a dinner later after we go to shopping." malambing ang boses na sabi ni Munich sa asawa kong blanko lang ang mukha.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad habang si Nisha ay parang naiinis sa narinig. Nakakunot pa ang noo nito habang naningkit ang mga matang nakatingin sa gawi nila Zach.

"What the fvck!? Ano yung narinig ko?" Malutong na mura nito.

Mabilis na sinaway ko siya nang madadanan namin ang dalawa. Akmang lalagpasan ko na sila nang may humawak sa palapulsuhanan ko. Paglingon ko si Zach na matiim na nakatingin sa akin at walang emosyong mababakas sa mga mata nito.

"A-ah, may kailangan ka?" Inosenting tanong ko.

"Where are you going?" Mariing tanong niya.

Napalingon ako kay Nisha na nakataas ang kilay habang nakatingin sa babaeng naka-angkla ang kamay sa braso ni Zach.

"Ah, may pupuntahan lang ako," tipid na sagot ko at umiwas ng tingin sa babaeng mataray.

"And where the hell––"

"Makikipag date siya!" Mabilis na sabat ni Nisha na ikinalingon ko sa kaniya.

Binigyan niya ako nang makahulugang tingin bago hinarap si Zach nang nakataas ang kilay niya.

Jusko naman!

"What?!" Kunot-noong tanong ni Zach.

"She has a date like yours. At huwag kang magalit dahil hindi nga siya nag-react na may kasama kang isang linta kung makakapit sa 'yo!" Naiinis at mataray na sabi ni Nisha sa kaniya. Tinarayan pa ang babaeng halos umabot sa tuktok ng ulo nito ang kilay.

"What the hell––"

"Fvck you!?" Malutong na mura ni Nisha kay Zach at hinawakan ako sa kamay.

"Nish," saway ko sa kaniya pero hindi ito nakinig.

"Let's go, Gayle. Naghihintay na sa 'yo ang mas guwapo, mabait, mayaman, at gentleman na ka-date mo. Hindi tulad niyang lalaking sinungaling at cheater!" May galit sa boses na aniya at hinila ako paalis.

Nakita ko pa kung paano nagtagis ang bagang ni Zach ng walang emosyon ang mga mata nitong nakatingin sa akin kanina.

Jusko ko po!

I'm dead.





To be continued...

A/N: Enjoy reading guys! Don't forget to vote, comment and follow!

|•MysteriousBlueee•|

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top