1

Date started:  March 26, 2016 | Date finished: March 28, 2016

This is dedicated to Xeah! Gandang-ganda  talaga ako sa pangalan nya :3 Thank you at pinayagan mo akong gamitin ang pangalan mo!


***

"James, alam mo, nakakainggit ka." Inis na sabi ko sa kanya.

"Pang-ilang ulit mo ng sinabi sa akin yan. Para ka nang sirang plaka."

"Eh kasi eh! Bakit ang galing mong magdrawing? Bakit kahit kunting guhit mo ang ganda agad ng kalabasan ng drawing mo? Bakit di ako pinagkalooban ng Diyos ng talento sa pagddrawing? Bakit ang ganda ko?"

"Nawawala ata yung last mong tanong. Di na related eh." Tapos sumimangot sya.

"Ay sorry. Hehe." Sabi ko.

Bakit ba kasi? Eh ako hanggang stickman lang ang kaya ko! May mga technique technique at shading shading pang nalalaman. Tapos ang nakakatuwa pa, andami nyang pencil! As in, grabe! Iba ibang number at letter ang nakalagay, may mga HB, 2B, F, etc. Ang alam ko lang 1,2,3 eh. Yung sa monggol. Bakit noong nagpaulan si Lord ng talent sa pagdodrowing, mahimbing ang tulog ko?!

"Katulad ng sinabi ko sa'yo, Alexeah, iba iba ang talentong dinidistribute sa bawat tao. Tignan mo, magaling kang magvolleyball. Ni ako nga, wala akong interest dyan. See? Kaya wag ka nang magwala dyan. Nakakaistorbo ka sakin eh." Ay wagas makarealtalk itong si James oh.

"Suri na." Kaya naman ako kumuha nalang ako ng Choco mucho na galing sa bulsa ko at kinain ko habang tinitingnan ko yung drawing nya. Ang cute! Yung pusang natutulog sa campus namin ang idinodrowing nya ngayon.

"Wag kang makulit. Tingnan mo, nadudumihan mo ang mga gamit ko."

"Ay ang arte. Konting dumi lang eh. Dyan ka na nga. Baka di ka makaconcentrate dahil sa mukha ko. Sorry pala kanina, paulit-ulit ako. Wala eh. Galing mong magdrawing eh." Tinapik ko sya. Ang galing kasi talaga nya. Nakakainggit.

Di nalang sya sumagot. Mukhang talagang seryoso sya. Ganoon ba ang mga artist? Siguro nga.

"Sirang plaka talaga."

"Aray ah! Halatang ayaw na ayaw mo sa akin."

"Hindi. Natutuwa lang ako sa'yo. Sige, una ka na sa room, mukhang kulang pa yang Choco Muccho mo, para mas marami ka pang kainin." Pasensya na at talagang masarap kumain.

Teka, hindi ba kakain itong lalaking ito? Nakakagutom kaya sa klase kapag di nagbreaktime.

"Oh yan. May skyflakes pa ako sa bulsa. May baon pa naman ako sa bag, so..." Napatingin sya sa akin. "Sa'yo na yan! Good luck nga pala sa competition mo." Mabuti mabait akong bata. Saka naman ako lumakad papunta ng classroom.

**

Free play namin sa PE. Nakumbinsi namin si Sir na magfreeplay ngayon since nacover na ang lahat ng lessons for this quarter. Ang galing talaga ng convincing at pagmamakaawa powers ng mga kaklase ko!

So ngayon, yung iba naglalaro ng basketball sa kabilang court, tapos meron ding naglalaro ng table tennis, at kami, volleyball at soccer. Enjoy! This is life!

"James, laro tayo!" Sabi ni Henry, isa sa mga kaklase namin na tropa ni James sa paglalaro ng soccer.

"Sorry, next time nalang. Nagppractice ako para sa competition."

"Ganun? Sige next time." Tapos lumapit sya. " Ano ba yang dinodrowing mo?" Kaya lang, kagulat-gulat. Kasi kalimitan di naman nya sinasara ang sketchpad nya pag may tumitingin. Eh ngayon sinara nya. Aba. Ngayon lang nangyari ito. Nagulat rin ang mga classmates ko kasi kilala na namin si James eh. Di naman sya ganyan.

"Oy. Damot mo naman. Nakakanibago ah. Patingin!"

"Di pwede." Yieee ang sweet nila. Haha!

"Gotcha!"

"Teka!" At nahablot nalang ni Henry yung sketch pad nya.

Nagfocus nalang muna kami sa game namin after yung encounter kay James na hindi pinatingin ang drawing nya.

Set point na kami. Yung kalaban namin, 20 points.

"Go Deanne!" Sabi ni Chiara.

Kaya lang napalakas ang serve nya at out yon. Worse, natamaan sa braso si James (buti nakapagcover agad ng ulo) at muntikan na rin sa Henry.

"Sorry!" Sabi ni Deanne. Aww. 21 na ang kalaban.

"Ayos lang yan! Go Team Ba!" Sigaw ni Chiara. Sya ang nagsilbi naming captain.

"Team Ba fight!" Korni ng namesung namin. Team Ba. Timba. Gets?

**

Next day. Andaming wala sa classroom. Ngayon kasi yung Division Competition ng... Ah basta contest! May quiz bee, drawing, experiment, bible quiz at iba pa. Maraming kasali sa aming section kaya ayon... Parang disyerto ang classroom namin ngayon.

Pinadrawing kami kanina. Ay nako. Kahit papaano nakadrawing naman ako ng tao na di na stickman. Medyo di lang recognizable. Haha! Ang galing mo talaga Alexeah.

Ang tahimik ng classroom pagkatapos noon. Boring. Medyo marami ring teachers ang wala dahil kasama roon. Kaya heto kami, nakatunganga sa laptop ni Deanne, nanonood Miss Peregrine's Home for Peculiar Children. Ang ganda lang ng movie. At ang pogi ni Jake! Asa Butterfield my labs!

"Ang pogi pogi talaga ni Asa! Ipadrawing ko kaya kay James?" Sabi ko.

"Ay. Pwede mo naman iprint eh! Hahaha! Papagurin mo pa si James eh!" Sabi ni Carl.

"Iba pa rin kasi yung nakadrawing Carl. Basta! Iba yung feeling kapag nakadrawing kesa nakaprint lang. Ay ewan. Di ko maexplain. Nagpapacomission ba iyon?" Sabi ko.

"Nako Xeah. Hindi eh. Di ka ipagddrawing non." Sabi ni Henry.

"Ay. Why?" Pagtataka ko. Ayaw nya bang pagkakitaan yung drawing nya? 

"Ang mga subjects ng mga portraits nya ay mga taong importante sa buhay nya. Kunwari, mama nya. Ganun. Nakita ko na nga portrait ng mama at ate nya eh. Wala ng iba. Nagddrawing sya ng portraits ng mga taong malapit  sa puso nya. Talagang special ang portraits para sa kanya eh."

"Ay ganun?" Sayang naman. Wala na kasi kaming ink eh. Huhu. Pero may point naman sya. Hayaan mo nalang Asa, sa phone nalang kita pagpapantasyahin. Haha!

**

Kinabukasan. Friday.

Nakakaproud. Andaming nagkaaward sa amin. Si Chiara sa bible quiz, 3rd place. Sina Ryo at Aya, sa Science experiment, Champion, Si Ruth, second place sa History quiz bee, Si James, Champion sa drawing contest, Si Ann, Yssa at Shana, first placers sa group singing contest. Nakakaproud talaga.

"Congrats mga pips!" Sabay naming sabi nina Deanne. Proud classmates here. They really exerted and done their best. Kahit di lahat ng sumali galing sa seksyon namin ay di nanalo, aba kinongrats parin namin. Masaya at maingay na ulit ang classroom namin!

Pagdating ng uwian, naiwan ako. Cleaners ako tuwing Biyernes eh.
Noong natapos na kaming maglinis at pinauwi na kami ni Mam, nakita ko na naman si James na nakasalampak sa bench at nagddrawing. Tapos bigla syang tumayo nang makita ako. Problema neto?

"Xeah!"

"Oh?"

"Salamat pala sa good luck mo." Nagtaka naman ako. Weird nya ha? Pero, nakakatuwa.

"Wala yon. Nanalo ka kasi magaling ka. Nako, kapag magaling lang akong magdrawing, sinasabi ko sa iyo, matatalo kita." Natawa sya.

Tapos may inabot sya sa akin. Nakabalot ng brown paper. Napataas naman ang kilay ko. Ano ito?

"My token of appreciation. Advanced happy birthday." Sabi nya.

Gulat naman ako. Paano nya nalaman ang birthday ko?

"Birthday corner. Bulletin board." Kaswal na sabi nya. Ay? May ganon pala sa classroom.

"Nako, nakakahiya. di mo naman kailangang magbigay. Talaga, di na talaga kailangan. Nakakahiya. Nag-abala ka pa--"

"Para ka talagang sirang plaka, Alexeah. Ayos lang." Tapos ngumiti sya. "Nandyan na pala si mommy, 5pm na. Sige, bye." Tapos inayos nya yung mga gamit nya in a jiffy.

Ako naman, nagwave at nagbabye. Tapos sumakay na ako ng jeep pauwi.

Nakapagbayad na ako kay manong drayber kaya lang di talaga ako mapakali eh. Kaya naman dahan-dahan kong binuksan yung brown paper habang maingat kong tinatanggal ang tape. Nakakagulat.

Ako ito ah? Teka. Ito yung nagvovolleyball kami nung PE class!

Hawak ko dito yung bola sa dalawang kamay ko. Yung bola, malapit sa bibig ko, akmang mangsisimula na ng serve.

Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Henry, at bigla akong napangiti.

"Nagddrawing sya ng portraits ng mga taong malapit  sa puso nya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top