Illegal (9) Act
Illegal (9) Act
"Good afternoon, everyone." biglang nagsitayuan 'yung mga co-business partners ni mommy nang bigla siyang magsalita.
Wow! Ngayon palang ako nakapunta sa company namin eversince.
May malaking picture akong nakapaskil sa loob nang conference room.
Eh?
Nagsiupo naman 'yung mga tao nang umupo na si mommy. Umupo na rin ako. Napaka-formal ngayon ni mommy. Hindi siya magaslaw.
"So, this is my daughter, Cassandra Balenciaga."
Lahat ng tao napatingin sa akin.
Be formal baby. Just be yourself.
Biglang nag-flash sa mukha ko 'yung sinabi sa akin ni mommy bago kami umalis papunta rito.
"Good afternoon, miss Balenciaga." sabay-sabay na bati sa akin ng mga tao habang nakalagay ang mga kamay nila sa lap nila.
Should I do that?
Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa lap ko at tumango sa kanila.
Waaah! Nasaan ang poise mo Cassy?!
"Respect her. Are we clear?"
"Yes, madam."
Sumenyas sa akin si mommy na tumayo na kaya tumayo ako.
"Baby, doon ka muna sa labas. Hmp! May sasabihin lang ako sa kanila. Sige! I love you, Cassy. Do whatever you want."
Umalis na ako pagkatapos ibulong sa akin ni mommy 'yun.
I just smirked. Nanay ko ba talaga 'yung kausap ko kanina?
Pagkalabas ko sa conference room ay halos lahat ng mga employees ay napalingon sa akin.
Anong problema nila?
Taas noo akong naglakad habang sinusuri ang mga ginagawa nila.
Grabe! Masisira ang beauty ko rito. Hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa nila.
Napahinto ako sa isang cubicle dahil nakita kong parang nagdo-drawing yung lalaki ng mga bags. Ang ganda!
"Ehem." tumikhim yung lalaking nagdo-drawing at humarap sa akin kaya napaurong naman ako.
Don't lose your coolness, Cassy.
"What's the matter?" tanong sa akin ng lalaki at tinaasan ako ng kilay.
"I'm just checking around?"
Hindi ko alam kung tama ba 'yung sagot ko dahil biglang tumayo 'yung lalaki at humalukipkip sa harap ko.
"And who do you think you are to do that?" napaurong naman ako dahil unti-unti ng lumalapit sa akin 'tong lalaking 'to.
"Ahm..."
"Santos, go back to your work! Don't mess with my daughter." biglang nagulat 'yung lalaki dahil biglang dumating si mommy.
"O-Opo." umupo kaagad yung lalaki sa upuan niya kanina at nag-drawing ulit.
Whoa!
What was that?
"Baby, don't lose your poise. Hayaan mo sila. Hmm?" inakbayan ako ni mommy atsaka sinabi 'yon.
Magiging ganito rin ba ako balang araw?
"My god! Si fafa Kirk!"
"Nandito kase yung girlfriend niya kaya nandito siya."
"Tama ka gurl. Ang ganda naman kase ng anak ni ma'am eh."
Napatingin ako sa pintuang bumukas at niluwa nito si Kirk.
Kirk?! Kirk VALENCIA?!
Lumapit siya sa amin at kaagad ngumiti kay mommy at hinalikan ito sa pisngi.
Yuck! Hindi ba sila nandidiri?
Gosh!
Hindi ba nahihiya si mommy—
"Oh! Hi baby." biglang lumapit sa akin si Kirk at bigla akong hinalikan sa labi.
Bigla akong napalingon kay mommy at umiwas naman ito ng tingin.
My first kiss!
My first fucking kiss!
No!
Bigla akong hinila ni Kirk at ni Mommy sa isang room.
Bale, kaming tatlo lang ang nandito.
Nakatulala pa rin ako habang silang dalawa ay nag-uusap.
"You bastard! Moron! Dumpy head! What did you do? You kiss me... infront of my mother?! How could you—" susugurin ko na sana si Kirk nang biglang pumagitna si mommy.
"Baby, it's okay. Calm down, okay? Just calm down." hinawakan ni mommy yung balikat ko at nag-inhale exhale naman ako.
Tinignan ko nang masama si Kirk at yumuko naman ito.
"Baby, understand our situation nalang. Mahirap, eh. Please? Ikaw kase ang pinakilala kong girlfriend ni Kirk sa lahat para meron siyang time na pumunta sa office ko," yumuko muna si mommy bago ituloy ang sasabihin, " You know baby, 'pag sarili ko ang pinakilala ko sa kanila na boyfriend ko si Kirk ay maraming magre-react. Kamumuhian—"
"Now you know, mom. Stop this illusion. It's not helping." biglang umiyak si mommy sa harap ko kaya niyakap ko naman siya.
"Baby Cassy, please? I know... you're angry but... it's my happiness baby? Cassy..." bigla akong niyakap ni mommy nang mahigpit.
Tumingin ako kay Kirk and he mouthed, "Sorry."
I just sighed.
No matter what happens, she's my mom afterall. The one who give me birth. The one who can love me unconditionally.
"Mom, anong gagawin ko?"
"Just act. Act infront of them that you're Kirk's girlfriend."
"WHAT THE?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top