Illegal (7) Fight
Illegal (7) Fight
"Cassy, may naghahanap sa'yo." napalingon ako kay Kirk na nasa labas ng pintuan ko ngayon.
Kinunutan ko lang siya ng noo dahil alas-nuwebe na ngayon ng gabi.
Sino ang magtatangkang pumunta sa bahay namin ngayon?
Wait!
"Nakita ka niya?!"
"Nope! Sinabi lang ni Aling Lucy sa akin kaya sinabi ko na sa'yo."
No way!
Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. Nagulat naman siya nang bigla ko siyang tinulak papasok sa kwarto ko.
"H-Hey, what's your problem?" tanong niya nang bigla ko siyang pinasok sa walk in closet ko.
"No matter what happen, 'wag kang lalabas!" agad kong binalibag 'yung pintuan ng walk in closet ko at inayos ko 'yung mahaba kong buhok na nakalugay kanina.
Nagpulbo lang ako nang konti atsaka lumabas sa kwarto ko.
Nang makababa ako sa hagdan namin ay naabutan kong nag-uusap sa sala si Nana Lucy at si Sceven.
Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Good evening, Cassy!" he greeted me.
Umalis muna si Nana Lucy para makapaghanda raw siya ng pagkain ni Sceven.
Pinaupo ko muna siya sa sofa sa sala namin atsaka umupo sa harapan niya.
"Sceven, what are you doing here? It's already night." sabi ko sa kaniya at humalukipkip.
Pinatong naman niya 'yung dalawa niyang kamay sa ulo niya atsaka humiga.
Anong ginagawa niya?!
"Hoy, Sceven Natividad! Umayos ka nga! Shooo! Uwi!" sigaw ko sa kaniya.
Bigla naman siyang nag-pout sa akin at umupo.
Jeez! Nakaka-inlove!
"Dito ako matutulog." sabi niya.
Hindi naman ako nagulat sa sinabi niya dahil lagi naman niyang ginagawa iyon kahit nandito si Mommy. Nakagawian niyang matulog dito 'pag ayaw niyang matulog sa bahay nila.
Pero ngayon bawal! Makikita niya si Kirk!
"Sceven, no!" nagulat naman siya sa inasta ko at pati na rin ako.
Baka makahalata siya!
"I mean, 'di ba umuwi si ate Mayumi kanina? Dapat pagsilbihan mo muna siya." sabi ko at pinili kong ngumiti kahit kinakabahan na ako.
"Eh? Yoko nga. Gusto kong kasama kita eh." sabi niya at biglang tumayo. Lumapit siya sa pwesto ko at agad akong niyakap.
I'm shocked by what he did.
"Sceven! Ano ba?! Bitaw!" sabi ko at pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa bewang ko.
No! Bawal siya matulog dito!
Kung dito siya matutulog baka makita niya si Kirk.
"Nakakatampo ka na, Sandy. " sabi niya sa akin at biglang nag-pout.
Sandy ang tinatawag niya sa akin 'pag nagtatampo siya sa akin o 'di kaya'y galit.
Scary!
"Scevy, please? 'Wag ka muna rito matulog." I said then I hugged him from behind.
Scevy? 'Yan ang tawag ko sa kaniya 'pag nilalambing ko siya o kaya'y may gusto akong hilingin.
"Ba't ba kase ayaw mo ako ritong matulog?" tanong naman niya sa akin atsaka humarap.
Bale, magkaharap kaming dalawa ngayon habang nag-uusap.
"Eh? You know, baka isipin ng mga maids na... Hmm..." sabi ko sa kaniya at nagkibit-balikat.
No no no!
Kumagat ka naman please!?
"Cassy! Linisin mo nga 'yung walk in closet mo. Napakadumi! Tss. Should I punish you—"
Napatigil sa pagsasalita si Kirk nang makita niya kaming dalawa ni Sceven na magka-usap ngayon sa sala.
What the?!
Lumingon sa akin si Sceven na may pagtataka sa mukha niya.
"Sceven, let me explain—"
"Cassy! Should I repeat it? Go back to your room and clean it." napalingon naman kaming dalawa ni Sceven kay Kirk na nasa tuktok ngayon ng hagdan namin.
Humarap ako kay Sceven atsaka pinatong ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya.
"Scevy, magpapaliwanag ako bukas. Hmm? Goodbye and goodnight." hinalikan ko muna siya sa pisngi bago tinulak palabas sa gate namin.
Bumaling ako ng tingin kay Kirk na ngayon ay nakahalukipkip sa akin.
"Tss. Back off." sita ko sa kaniya at bahagya ko siyang tinulak.
Pero 'tong kumag na 'to ay hindi natinag dahil hinila niya ako palapit sa kaniya.
"Hey—"
"Siya ba?! Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong palabasin sa walk in closet mo?!"
What's the problem of this man?!
"So, what? You're acting like a jealous boyfriend!" sabi ko sa kaniya at inirapan.
Aakyat na sana ako paakyat sa room ko nang hinila niya na naman ako.
"What now?!" bulyaw ko sa kaniya.
"Isusumbong kita sa Mommy mo."
"Come on, Kirk. Go ahead! Isumbong mo ako! Do you want me to go with you?! Then fine!" sabi ko at nagpamewang sa harap niya.
Akala niya matatakot ako sa mga threat niyang ganiyan.
Tss. Alam naman ni Mommy na bumibisita rito si Sceven minsan kaya wala nang dapat pang ipagbahala!
"Cassy, stop being a stubborn!"
"Then quit disturbing me too. Mind your own life, boy. You have your own, I have my own too! Stop being a father to me. I don't need you. Jerk. "
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top