Illegal (6) Daddy

Illegal (6) Daddy

"Mommy naman e."

Why? Ayaw mo non baby? Mas makikilala mo ang daddy mo 'pag nakasama mo siya riyan sa Mansiyon.

"No way, Mom! Nakaya ko namang mag-isa lang ako 'pag may business meeting kayo sa abroad 'di ba?!" hindi ko mapigilang mainis sa mga sinasabi ni mommy.

Mas maganda raw na kasama ko 'yung Kirk na 'yun kesa maglakwatsa raw ako?!

Seriously?!

Iba na ngayon baby. Baka mapahamak ka lang.

"Mommy, anong pinagkaiba nang ngayon kesa sa dati?!"

Basta baby. Ibigay mo nga kay Kirk yung phone.

Agad ko namang binigay sa lalaking katabi ko ngayon ang telepono.

Hmp! Mas gusto ko pang mag-isa kesa kasama 'tong kutong-lupang 'to!

And base from his gestures and actions, parang may mali eh. Anong pinagsasabi niyang 'I belong to you baby. '

Chuchu! Dami niyang alam.

"What? Ahm... Yeah! Inaalagaan ko naman siya... No! Sumusunod naman... 3 weeks?!... Just take care... Yeah yeah! Loveyou."

Biglang pinatay ni Kirk yung phone at tumingin sa akin.

Syempre hindi ako papatalo, no! Tinitigan ko rin siya!

"Anong sabi ni mommy?" tanong ko habang sinusundan siyang pumunta sa kusina namin.

"Three weeks." sabi niya sabay lagok nang tubig na kinuha niya sa ref.

"Anong three weeks?"

Parang may napi-feel akong hindi maganda sa three weeks na yan ahhh.

Hmm!

"Three weeks! After three weeks uuwi ang mommy mo."

"What?!"

Kaninang nasa garden kami sabi niya 1 week lang at uuwi na si Mommy?

Is he freaking kidding me? Gosh! I'm pissed!

"Hmm. Sabi niya." he said then he shrugged his shoulders.

Bigla akong sumabog sa inis kaya napasugod ako sa kanya at bigla siyang sinakal.

"Waaahh! Bakit ganon katagal?! Ha?! Tell me!"

"C-Cassy... Akk... I can't breathe." bigla naman akong natauhan sa sinabi niya kaya tinanggal ko ang pagkakasakal ko sa kaniya.

What the hell did I do?

"I'm s-sorry. I'm sorry." para akong sirang plaka dahil paulit-ulit ko yung sinasabi.

Hawak-hawak niya pa rin 'yung leeg niya habang nakapikit.

"Daddy, I'm sorry. I'm sorry!" wala sa sariling napayakap ako kay Kirk at biglang lumabas ang mga luhang nagbabadyang lumabas kanina.

No no no!

It can't be!

"Daddy, please? Huhuhu! I'm sorry. Forgive me." nakayakap pa rin ako sa kaniya habang umiiyak.

Ayoko!

Baka mamatay siya sa ginawa ko!

"C-Cassy, stop it. I'm okay." biglang umupo si Kirk kaya napaupo rin ako pero hindi ko inaalis ang kamay kong nakayakap sa kanya.

"Arf arf!" rinig kong tahol ni Kissy sa akin.

"Daddy, I'm sorry."

"Fuck Cassy! I said I'm okay! Don't cry." biglang hinawakan ni Kirk yung dalawa kong pisngi at hinarap sa kaniya.

"Don't cry, Cassy. Hush now! Please?" siya naman ngayon ang yumakap sa akin at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Alam kong mababaw ang dahilan pero sadyang iyakin lang talaga pagdating sa mga maliliit na bagay.

"I'm sorry."

"It's okay. I understand! Shhh!" hinaplos-haplos niya ang likod ko at hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising nalang ako nang may naamoy akong mabango galing sa kusina namin.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. At... naabutan kong nagluluto si Kirk habang suot-suot 'yung apron kong panda.

"Hey! So, you're awake huh?" ngumisi siya sa akin at biglang humalukipkip.

Naka sando lang siya ngayon at boxer. Bakit siya nagluluto? Nasaan 'yung mga maids?

"Hindi pa sila pinapabalik ng mommy mo." tila nabasa ni Kirk ang nasa utak ko dahil bigla niyang sinabi iyon.

Tumango nalang ako sa kanya at umupo sa isang silya.

"S-Sorry." sabi ko sa kaniya at biglang yumuko.

Paano kaya kung hindi ko napigilan ang sarili ko kanina? Malamang patay na siya ngayon, no?

"I told you Cassy, I'm okay." nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakangiti sa akin.

"Arf arf." napatingin ako sa paanan ko at nakita ko si Kissy na kumakawag ngayon ang buntot habang nakataas ang dalawang kamay na tila nagpapakarga sa akin.

"Hi, Kissy." sabi ko at bigla siyang binuhat at nilagay sa lap ko.

Sino kaya ang may-ari nito? Hindi niya kaya hinanap si Kissy?

"Hey, what are you cooking?" tanong ko sa kaniya. Ngayon ko lang naisip na kanina pa ako nababanguhan sa niluluto niya pero hindi ko naman alam kung ano 'yon.

"Adobo." sagot niya sa akin at nagpatuloy sa pagluluto.

Hmm! Siguro mga 3rd time ko palang makakakain ng ganoon dahil laging nagpapa-deliver si Mommy ng pagkain. Hindi marunong magluto, eh.

Kumuha nalang ako ng dalawang plato at hinain na 'yun sa lamesa. Nagsandok na rin ako ng kanin at kumuha ng tubig para 'yung ulam na lang talaga 'yung kulang.

Umakyat muna ako sa taas ng kwarto ko dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng damit simula kanina.

Nag sando lang akong white at maiksing short tutal nasa bahay lang naman ako at wala naman dito si Sceven para magpaganda ako nang todo-todo.

Wait!

Did I just tell it?

Omo!

Waaaahh! Oo na! Crush ko si Sceven.

Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng dog food at nilagay ito sa kainan ni Kissy. Nagpagawa na rin ako ng dog tag at nilagyan ko ng pangalang Kissy.

Tinawag ko si Kissy upang makakain na rin siya at dumiretso naman ako sa kusina upang makakain na rin.

Umupo ako sa harap ni Kirk at nagsandok ako ng ulam para sa aming dalawa.

"Thanks." tanging nasabi niya at akmang susubo na nang tapikin ko ang kamay niya.

"What?" tanong niya sa akin habang nasa ere yung kamay niya.

"Pray!" diin kong sabi at nag prayer position na.

Pagkatapos naming magdasal ay sinunggaban niya agad 'yung niluto niya. Napangiwi nalang ako. Parang isang buwan lang hindi nakakain, no?

"What?" tanong niya sa akin nang makitang tinititigan ko siya. Umiling lang ako bilang sagot at ngumiti.

Nakaka-ilang subo pa lang ako nang bigla siyang tumikhim. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"May sasabihin ako."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya pero binitawan ko 'yung kutsara at tumingin sa kaniya.

"I love you—"

"Yeah! I know, Kirk. I know that you love my mom. No doubt. But still, don't hurt her. I understand now. You love her? She loves you? Well, that's great. Starting now, I will call you daddy. Right, daddy?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top