Illegal (3) Kissy

Illegal (3) Kissy

Naalimpungatan ako nang may narinig akong kumakaluskos. Nanlaki agad ang mata ko, takot pa naman ako sa mga bagay na hindi ko nakikita.

Eh? Multo?

Tumingin ako sa orasan at nakitang "3 am." bulalas ko nang makita ang oras.

Devil's hour! Ewan ko ba pero iyon ang alam ko. Sabi kase sakin dati ni Mommy ay 'wag na 'wag daw akong gigising or matutulog nang ganoong oras dahil baka raw may humila sa paa ko. Lol.

Dahan-dahan akong tumayo at tinignan ang paligid. Wala naman akong nakikitang kakaiba or napa-paranoid lang ako?

Naman oh! Tatayo pa ako para buksan lang 'yung switch nong ilaw? Ayoko namang tumayo. Natatakot ako syempre, I'm still young pa naman eh.

Ayoko! Baka may... may... MULTO!

Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa bukasan nong ilaw nang may narinig akong kalabog sa banyo ko.

"Fuck!" sigaw ko at dali-daling umalis sa kwarto ko at bumaba ng hagdan.

Wala na akong pake kung makita nilang naka-bra at panty lang ako habang may hawak na malaking stuff toy. Basta ang alam ko lang ay dapat makaalis ako sa kwarto ko!

Dumiretso ako sa kusina at nakitang nakabukas yung refrigerator. Nilakihan ko pa ang mata ko kung nakabukas ba talaga yung refrigerator namin.

God! 'Wag naman sanang multo ang nagbukas niyan!

Kinuha ko yung sandok sa lababo at naglakad papunta sa refrigerator.

Narinig kong may kumakalikot nito kaya mabilis ko 'yong sinarado at pinukpok ng sandok ang walangyang 'yon!

"Shit! Aray!" napatigil ako nang may umaray. Bahagya akong umatras at sinilip kung anuman iyon.

Nasasaktan ang multo?

"Kirk!" dahan-dahan kong binaba yung sandok at tinulungan siya sa pagtayo.

Two strike, Cassy! Nakakadalawa ka na sa kaniya. Pero hindi ko naman kasalanan iyon! Sulpot kase nang sulpot 'tong lalaking 'to at napagkakamalan ko pa talaga siyang multo at magnanakaw.

"Ohh! Sorry! I'm sorry! I thought you're a ghost-"

"It's okay." sabi niya at umupo sa isang upuan sa kusina at hinawakan 'yung braso niyang hinampas ko.

"Sorry talaga. Geez!" kumuha ako ng yelo sa ref at nilagay 'yun sa isang plastic at dinikit sa braso niya.

"Wait. Just wait for me." dumiretso ako sa banyo sa kusina at kinuha ang isang robe doon at sinuot bago kinuha ang kit.

Kinuha ko sa kanya 'yong plastic at nilagay sa cold compress.

"Here!" binigay ko sa kanya 'yong cold compress at tinitigan siya habang ginagawa niya 'yon.

Naka white sando lang siya at boxer. Ohhh! Ang hot...

No no no! Rephrase it.

"Are you okay now?" hindi ko napigilang tanungin siya. Nasaktan ko na naman kase siya sa pangalawang pagkakataon. It's not my fault naman kase talaga.

"Yeah. I think." tumayo siya at nilagay yung cold compress sa lababo.

Hays! Dapat kase tinitignan ko muna kung tao yung hahampasin ko, hindi naman kase masasaktan ang multo 'pag hinampas ko. Duh Cassy!

Umupo muna ako sa sofa at inayos 'yong mga unan doon.

"What are you doing?" tanong niya nang makitang humiga ako sa sofa.

"Ahm. Matutulog?" Obvious na nga, tinatanong pa?

"Bakit diyan?" tanong niya at umupo sa harap ko.

"There's a ghost.... inside my room." sabi ko at dahan-dahang niyakap yung bear na binigay dati sa akin ni Daddy noong 12 years old palang ako.

I named this bear, Patrick. It reminds me of him. My father. Patrick Balenciaga.

Hmm? Kami ang may-ari ng mga bags na ang tatak ay Balenciaga. They named it Balenciaga because of our surname.

Told yah', we're rich.

"Ghost?" tanong sa akin ni Kirk at tumango lang ako.

"Ghost are not real."

"They are." depensa ko naman. Ano ko, tanga? Ghost are real naman kase, mayroon lang talagang masama at mabuti ang intention.

"Maybe, it's just your imagination."

"What do you think of me? An autistic?"

Hindi ko napigilang umupo dahil sa mga sinasabi nitong lalaking 'to. 'Di ko naman kase talaga nakita kung ano yung narinig kong kumalabog dahil bumaba agad ako.

He's insane too.

"Easy. Ikaw nagsabi niyan, hindi ako." sabi niya at biglang tumawa.

Sexy laugh. Tangina, ba't ba ganito ang mga naiisip ko?

"Tss." sabi ko at tumayo.

Naglakad ako pabalik sa kwarto ko pero hindi ko napipigilang isipin yung mga kalabog at kaluskos.

Multo kase...

"Wait. Samahan na kita." naunang maglakad sa akin si Kirk papunta sa kwarto ko.

Bakit nito alam ang kwarto ko?

Maybe, sinabi ni Mommy.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ko at ginala ang paningin doon.

"Wala namang multo." sabi niya sa akin.

"Sa banyo." sabi ko habang yakap-yakap pa rin si Patrick.

Naglakad siya papunta sa banyo ko kaya hindi ko napigilang magtago sa bear.

Pumasok siya roon at umupo lang ako dito sa kama ko.

Lumabas siya sa banyo na may kasamang,

"Arf arf arf."

A dog?

"Sa'yo to?" tanong niya habang pinapakita yung aso.

Shih tzu?

"Ang cute." sabi ko at kinuha sa kamay niya yung shih tzu.

Wow! Ang ganda ng balahibo.

Wait, San 'to galing?

"This is not mine." sabi ko habang karga-karga pa rin yung shih tzu.

"Wala na sigurong may ari niyan. Or baka nawala yan at dito lang napadpad."

"Sa banyo ko pa talaga?"

Impossible!

Nasa 3rd floor 'tong kwarto ko at hindi 'to basta-bastang naaakyat nang kung sino man. Pwera nalang kung may pumasok sa kwarto ko at nilagay 'yang asong 'yan sa banyo ko mismo. Kung ganon, edi nakita ng lecheng 'yon ang katawan ko? My gosh, Cassy!

"Akin nalang kaya."

Sabi ko habang nilalaro ko pa rin yung balahibo nito.

"Hmm." sagot niya at nagkibit-balikat.

"Ano kayang ipapangalan ko rito?" sabi ko habang hinihiga ko yung aso sa kama ko.

"Kissy."

Napalingon ako kay Kirk nang sinabi niya yon.

"Kissy?" tanong ko.

"Yeah." sagot niya at umupo rin sa kama ko.

"Why Kissy?" hindi ko napigilang magtanong.

"Wala lang..." sagot niya.

Nag-isip muna ako saglit bago tumango sa kaniya.

"Alright then, I'll name this dog, Kissy!"

Binaba ko sa kama ko yung aso at nagtatakbo naman ito.

"Hey? Hindi kapa matutulog?" tanong niya sa akin.

"Geez!" napalingon ako sa orasan at 3:30 na.

Hindi nalang ako siguro papasok bukas.

"Papasok ka pa 'di ba?" tanong niya at tumango lang ako.

"Sleep now." utos niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

Tinanggal ko yung robe ko sa harap niya.

Hindi siya maaapektuhan dahil anak niya ako 'di ba?

Tinignan ko lang siya at bigla siyang napanganga.

"Goodnight." sabi ko sa kanya at hinila ang comforter upang makatulog na, "And pakipatay nalang nung ilaw kung aalis ka na daddy." sabi ko at nginitian siya.

"Don't seduce me, Cassy. It's very hard to resist. Try me baby. Try me." sabi niya at pinatay niya muna yung ilaw ng kwarto ko bago umalis.

What was that?

Parang... Kinikilig ako na ewan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top