Illegal (29) Call
Illegal (29) Call
I feel so dizzy when I opened my eyes. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar at sa tingin ko ay nasa isang condo ako. Malinis ang lugar at tanging nakikita ko lang ay malaking tv sa harapan ko.
"Yeah? You got something, punta ka agad dito pag nakuha mo na."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang bulto ng babae sa malayo.
Pinikit ko muna ang mata ko dahil hindi ako makakita ng maayos sa lagay ko.
Ang natatandaan ko lang na nangyari ay may nagtakip sa akin ng panyo at hindi ko na alam ang sunod. I opened my eyes and I saw the girl walking towards me.
Nang makalapit ito sa akin ay napagmasdan ko ang buong mukha nito.
"R-rowela?"
She just raised her eyebrows at me bago nagsalita, "So you still know me huh?"
Sinundan ko siya ng tingin dahil iniikutan niya ako. Napadaing ako nang pwersahan niyang hinila ang buhok ko kaya nakatingala ako ngayon sa kaniya.
"A-ano bang problema mo at bakit mo ako dinala rito?!"
Hindi niya pinansin ang tanong ko sa kaniya bagkus ay tumawa lang ito sa akin. I looked at her from head to toe, nakasuot ito ng mahabang palda at isang malaking t-shirt.
Anong nangyari sa kaniya?
"Kirk left me because of you..."
Tinitigan ko siya at nakita kong mayroon siyang inilabas na kutsilyo mula sa likuran niya. Umawang ang bibig ko ng mabilis niya iyong binitawan na nailagan ko.
"What the fuck! Hindi naging kami ni Kirk kaya hindi ka niya iiwan dahil sa akin-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya ulit hinila ang buhok ko. I'm trying to fought back pero hindi ko kaya. Nakatali ang kamay at paa ko at kahit na anong bagay ay wala akong pang depensa.
Napadaing ako lalo nang mas lalo niyang hinigit ang buhok ko.
Any moment ay parang mapuputol ang buhok ko sa ginagawa niya.
"I already called Kirk but he's ignoring me. I told him that I'm holding you in your neck but he just still ignore me."
Kinuha niya ang kutsilyo na ngayon ay nasa lapag at pinaikot niya iyon sa daliri niya.
"Wala akong planong saktan ka pero ayaw bumalik sa akin ni Kirk so..."
Nanlaki ang mata ko nang sinira niya ang suot kong pantaas kaya kitang-kita niya ngayon ang bra ko.
"Ano bang meron ka na wala sakin para iwan ako ni Kirk?"
"A-ahhh... stop it!"
Napadaing ako ng bigla niyang sinugatan ang dibdib ko. Alam ko naman na mababaw lang iyon pero kitang-kita ko ang dugo kong lumalabas mula don.
Lumayo siya sa akin ng bahagya at ngumiti.
She picked up the remote control and she immediately turned on the television.
FAMOUS FILIPINO DESIGNER, CASSANDRA BALENCIAGA WAS KIDNAPPED YESTERDAY.
According to her Secretary, she went to Café Letral with her bodyguard because she have an appointment to Mr. Regala but it turns out that after that meeting someone took her. Hinihinala na ang salarin dito ay isang lalaking na nasa trenta'y anyos.
Nawala ang atensiyon ko sa tv ng magsalita si Rowela, "How fantastic. Ang dami palang nagmamahal sayo."
"Anong gusto mo? Bakit mo ginagawa sa akin to?"
She just looked me and ignored what I'm saying.
Tinalikuran niya ako at naglakad siya papuntang pintuan ng condo. Nang makalabas siya ay iginala ko ang paningin ko.
Wala akong makitang kahit anong bagay na pwede kong pantagal sa nakatali sa kamay at paa ko.
Nagugutom na ako. Kahapon pa ang last na kain ko at hanggang ngayon ay di pa ako kumakain.
Napaayos ako ng upo nang muli siyang pumasok sa loob.
Lumapit siya sa kinaroroonan ko at pwersang hinawakan ang mukha, "Ano ba! N-nasasaktan ako!"
She just laughed at me at mas lalong diniin ang kuko sa mukha ko. Sobra na akong nasasaktan kaya hindi ko napigilang mapaluha.
Hindi ako sanay nang sinasaktan akong pisikal kaya labis nalang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
She sat in front of me at mas lalong nagpagulat sa akin ay biglang tumulo ang luha niya. She immediately wiped it with her hands bago tumingin sa akin, "I'm jealous of you," tinitigan ko lang siya at naghihintay sa susunod niyang sasabihin, "Kirk loves you and I know some guy loves you too. Mayaman ka rin. Lahat nang gusto ko nasayo na."
Tinitigan niya ako sa mga mata ko, "Si Kirk lang naman ang gusto ko bakit hindi mo pa maibigay?"
"Wala ngang kami. Hindi naging kami ni Kirk dahil sa'yo!"
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. She stood up at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. She slapped me hard at paulit-ulit niya iyong ginawa. Napahagulgol ako sa kaniyang ginawa at tumigil lang siya ng marinig ang iyak ko.
"Hindi ko kasalanan kung bakit hindi naging kayo! I'll spare your life if Kirk would go here at ako ang pipiliin niya. Pray for your life if he wouldn't do what I'll say."
Iniwan niya ako sa loob ng condo kaya mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Bumukas muli ang pintuan ng condo and she threw something at me. Nakita ko iyong cellphone kaya nanlaki ang mata ko.
"Call Kirk and tell him to come here."
Nang sumara ang pintuan ay agad akong tumayo pero nakalimutan kong nakatali nga pala ang kamay at paa ko kaya bumagsak ako kasama ng upuan. Mas lalo akong napadaing dahil nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
I just crawled hanggang sa makuha ko ang cellphone gamit ang bibig ko. My tears is keep on falling on my eyes as I dialed the number of Kirk.
Nakailang ring pa ito bago niya sagutin ang tawag ko.
"Rowela please stop bugging me. Wala na kami ni Cass-"
"K-Kirk please help me..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top