Illegal (27) Message
Illegal (27) Message
Humagulgol ako ng iyak after kong ipagtabuyan si Kirk. I really wanted to follow him pero mas nangingibabaw sa akin ang sinabi ni Kendra.
I should prioritize my heart first.
Sobra na akong nasasaktan sa ginagawa sa akin ni Kirk and hindi na yon healthy para sa akin. Tuwing nakikita ko siya ay bumabalik na naman ako sa kaniya at hindi yon tama.
I immediately dialed Sceven number after Kirk left my room.
He's the one who can calm me pag nagbe-breakdown ako.
Now he's here beside habang nakayakap lang ako sa kaniya.
I'm used to do this. Ganitong-ganito kami dati tuwing wala pa si Kirk. Laging natutulog si Sceven dito sa amin dahil kilala naman na siya ni mom and she wants Sceven for me.
Wala namang tumututol sa amin before.
Until Kirk came into my life.
"I told you, Cassandra, I'm here for you even though that Kirk--"
"Don't preach me muna, Scevy, please?"
Sumubsob ako lalo sa kaniyang katawan. Napapagaan talaga ni Sceven ang loob ko kahit hindi siya nagsasalita.
Presence niya palang ay okay na ako.
"Hey, tinawagan ako nila Mikiel. Niyayaya ako maglaro."
Umupo ako at tinignan lang siya. Tumango ako sa kaniya kaya ngumiti ito sa akin. Naglakad na siya papuntang table ko at binuksan ang pc ko.
I'm just looking at his back while he's playing with the boys.
"Hoy! Wag ka diyan sa bush Mikiel, nandiyan si Ahri!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sceven habang ako ay patuloy pa rin sa panonood sa kaniya.
Lumapit ako kay Sceven and I put my hands on his shoulders. Lumingon siya saglit sakin at ngumiti bago binalik ang tingin sa monitor ko.
"Mikiel sumunod ka sa akin sa dragon lane, bigay mo na sa akin si Yasuo para pentakill na!"
Kumunot ang noo ko dahil sa hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sceven kila Leed at Mikiel. Ano ba kasing nilalaro nila?
"Angas! Nice one pentakill. Hahahaha."
Akmang babalik na ako papuntang kama ko ng higitin ni Sceven ang kamay ko. Taka ko siyang tinitigan at tinuro niya lang ang kaniyang hita, "Come here."
I raised my eyebrow at him. Bakit niya ako gustong umupo sa lap niya? I rolled my eyes at him pero kalaunan ay sumunod pa rin ako sa kaniya.
I'm sitting on his lap while I'm facing him.
There's nothing wrong with our position, right?
Sumubsob siya sa aking dibdib kaya nanlaki ang mata ko. Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko dahil gulat pa rim ako dahil sa ginawa ni Sceven.
"Sceve, ayos ka lang?"
Naramdaman ko ang pag galaw ng ulo niya sa dibdib ko na tanda na tumango siya.
I'm playing with his hair while he's still hugging me.
Kung hindi siguro dumating si Kirk sa buhay ko, sobrang kikiligin ako ngayon sa posisyon naming dalawa ni Sceven.
I still like Sceven pero hindi katulad ng pagkagusto ko kay Kirk.
Alam ko namang kalaunan ay mawawala na rin ang nararamdaman ko kay Kirk at pag dumating sa puntong iyon, I'll be happy.
I can finally let him go without me being hurt.
Nag-angat na sa akin ng tingin si Sceven. He grabbed my hand at napangiti siya ng makitang suot ko ang singsing na binigay niya sa akin nang birthday ko, "You're still wearing it."
"Of course, bigay mo yan sakin."
He cupped my face and he kissed me on my forehead.
Ito ang nagustuhan ko kay Sceven.
Sobrang sweet niya pagdating sa akin kaya labis na lamang akong kinikilig kapag kaming dalawa lang ang magkasama.
Katulad ngayon...
Unti-unti nang bumabalik ang nararamdaman ko para kay Sceven.
"Sunduin kita bukas sa office mo. Let's have lunch together?"
"Sure. I'll just text you the address and sa office nalang tayo kumain. I need to sign a lot of papers din kasi."
Ginulo niya ang buhok ko at tumawa. He stretched his arms then he yawned kaya mabilis pa ako sa alas-kwatro na umalis sa hita niya.
"Hey, come back here."
"Umuwi ka na Sceven, inaantok ka na."
"But I'll sleep here."
I gently massaged my temple. Ito rin minsan ang kinaiinisan ko kay Sceven. He's so stubborn.
Kung anong gusto niya ay gusto niyang gawin at walang makakapigil sa kaniyang gawin ang mga gusto niya.
"You can't sleep here, may pasok ka pa mamaya and baka ma-late ka if hindi ka pa uuwi."
"You sure?"
I just nodded at him. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya then he extended his arms. Alam ko na ang gusto niyang mangyari kaya agad ko siyang niyakap. Mahigpit niya akong niyakap kaya bahagya ko siyang tinulak ng malakas.
He just frowned at me at dumiretso na sa pintuan ng kwarto ko, "I'll pick you up tomorrow, okay?"
"Yes, take care."
I bid my goodbye at him at dumiretso na sa kama ko.
I smiled. Kahit na nagkaroon kami ng alitan ngayon ni Kirk, I can't deny the fact that Sceven is helping me to move on from him.
I'll just focus more on Sceven.
I'll try to forget Kirk with all I can.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa table at agad minessage si Sceven.
To: Scevenpanot
Ingat ka ha. Ayusin mo pag drive mo. Lovelots.
I placed my cellphone on my table then I turned off my lamp.
I was about to sleep when my phone vibrates.
From: +639452967****
I'll get you from him, Cassy. Sa akin ka pa rin babalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top