Illegal (22) Need

Illegal (22) Need

I went back to our classroom. Nang makita pa ako ni Sceven ay akmang lalapitan niya ako pero dumiretso ako sa pinakadulong lugar ng classroom. I don't want to talk to someone now.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iyon ang sinabi ni Patricia.

Bakit ako kailangang itago? Ano bang meron sa babaeng yon na kailangan pa akong itago para hindi niya ako saktan?

Kendra walked towards me when our teacher already left the classroom. Pumangalumbaba siya sa akin habang nakatingin, "What's the matter?"

"Do you know Rowela?"

Kumunot ang noo niya at sandaling hindi nagsalita na tila ba nag-iisip, "Rowela who?"

"Ex ni Kirk?"

"Oooh." Her mouth formed into O shape and she immediately looked at her cellphone. Nag-scroll siya don nang matagal bago ipinakita sa akin.

"Siya ba?"

Tinignan ko ito at nakita kong iyon nga ang babaeng kumausap sa akin kanina. I nodded at her at nagpatuloy ako sa pag-swipe sa mga pictures ni Rowela.

I don't know her but based from her pictures, masasabi kong mayaman din siya.

"Matagal na silang wala niyan eh, yan yung rumor last year kaso wala ka naman kasing pake dati kay Kirk," Ibinalik niya ang cellphone niya sa bulsa ng uniform at ibinalik ang tingin sa akin, "What happened?"

"She talked to me earlier. She's asking if Kirk is courting me pero mabilis naman yong tinanggi ni Patricia-"

"Patricia the bitch?" Tumango lang ako sa sinabi niya at yumuko sa desk ko.

Kwinento ko rin kay Kendra lahat ng nangyari sa bahay namin. Kung bakit kami nag-away ni Kirk dahil sa Rowela na yon at kung bakit hanggang ngayon ay hindi kami nag-uusap ni Kirk.

Bakit parang mas mahalaga pa ang sasabihin ng babaeng yon kesa sa nararamdaman ko?

Ako ang nililigawan ni Kirk pero bakit hindi ako ang priority niya?

Mas iniisip niya pa ang kalagayan ng Rowela na yon kesa sa akin.

"You should talk to him about that Rowela girl, Cassy. If pipiliin niya yon then let him, we both know naman na mas deserve mo si Sceven."

Tumango lang ako sa kaniya at tumayo na sa pagkakaupo.

I'll just go home.

This is a long tiring day.




NADATNAN ko ang bahay namin na walang mga kasambahay sa sala. Dumiretso agad ako sa kusina at nakita ko si Nana Lucy kasama ang iba. They immediately greeted me nang makita ako at pinaghain ako ng pagkain.

"Bakit ang aga mo ata ngayon, hija?"

"Maaga po dismissal namin, Nana." I lied.

Ayoko namang sabihing umuwi ako ng maaga dahil nas-stress ako kay Kirk. They know Kirk and ang alam nila ay boyfriend ko na ito dahil lagi itong nasa bahay.

I ate the foods that the maid gave me. Mabilis ko iyong naubos at inilagay sa sink.

"Una na po ako sa taas, Nana."

Tumango lang ito sa sinabi ko kaya naglakad na ako papuntang kwarto ko. I changed clothes at nagsuot na lamang ako ng short shorts at isang sandong black.

Kinuha ko agad ang laptop sa table ko at mabilis itong binuksan.

I searched for her.

Rowela Hernia.

I clicked the one who's on top of all. Nanlaki ang mata ko dahil cover photo nito ang picture nila ni Kirk with a caption of "my love". Really?

Ang kapal naman ng mukha ng babaeng to?

I looked for her pictures on her fb at halos lahat ng ito ay picture nila ni Kirk. Is she really that obsess with Kirk para hindi pa burahin ang mga ito?

Matagal na silang wala pero kung umakto siya ay parang siya pa ang nililigawan nito.

The door of my room opened at nakita ko si Kirk. He slightly smiled at me, pinatong niya ang bag niya sa table ko at dumiretso sa kinaroroonan ko.

"I'm sorry. I'm sorry that I acted like that last time. I didn't mean to say it. I'm just so stress."

Humiga siya sa kama ko at tinitigan ko lang ang mukha niya. Halata sa mata niya ang malaki niyang eyebags pero hindi ko ikakaila na sobrang gwapo niya pa rin.

I held his face kaya nabaling ang tingin niya sa akin. Masuyo niyang hinalikan ang kamay kong nakahawak ngayon sa kaniyang mukha. No one ruined the moment. Minsan ko lang makasama ng ganito si Kirk at gusto kong sulitin na ito.

Umupo siya at hinarap ako. He suddenly kissed me kaya nanlaki ang mata ko.

"I love you, Cassandra."

"I love you--"

Hindi niya na ako pinatuloy sa pagsalita at sinakop niya ulit ang aking labi. Gulat na gulat pa rin ako sa kaniyang ginawa kaya kitang-kita ko ang mukha niya habang nakapikit at hinahalikan ako.

I kissed him back and I was about to touch his body when he pushed me, "What's wrong?"

"Kilala mo na siya, diba?"

If he's talking about Rowela then yes, I nodded at him then he just sighed. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tinitigan ako sa mata, "We can't be together if she's still here."

I can't talk. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko habang nakatitig sa akin. I try to open my mouth but no words come out of me.

"I'm going now. Babalik ako pag ayos na ang lahat. Always remember that  I love you, Cassandra."

He stood up and he's about to walk out from my room when I grabbed his hand. I know that my tears is now falling on my eyes but I didn't mind that. Nasanay na ako kay Kirk and I love him too, ayoko siyang mawala sa akin.

Ayoko siyang mawala.

Kahit maghati pa kami ni Rowela sa oras niya, ayos lang yon sa akin basta hindi niya ako iiwan!

He touched my eyes, "Don't cry, Cassy. I'll come back when--"

"But I need you here."

He just smiled at me at bahagyang lumayo sa akin, "She needs me too, Cassandra."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top