Illegal (21) That Girl
Illegal (21) That Girl
The next morning, maaga akong pumasok sa school at hindi ko na hinintay pa si Kirk na makapunta sa bahay namin. Did he just say that I'm throwing tantrums at him?
Wala ba akong karapatang magselos sa ginawa niya sa akin?
He just went to his ex girlfriend's house para alagaan ito dahil may sakit? I think that's too wrong, may nililigawan na siya pero nakuha niya pang pumunta don?
"Hey! Aga ha?"
I looked at Mikiel and I just smiled at him. Sa aming magkakaibigan, siya talaga lagi ang nauunang pumasok.
Naalala ko ang sinabi sa akin ni Kendra. Namatay ang girlfriend ni Mikiel and hindi ko alam kung ano dahilan ng pagkamatay nito.
I stared at him for a while. Nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kaniya ay lumingon siya sa akin, "Anong problema mo, Cassy?"
"Do you really have a girlfriend?"
Tinitigan ako nito ng mataman bago bumuntong hininga, "When did you find out?"
"K-kahapon lang."
"Kay Kendra ba?"
Tumango ako sa tanong niya. Halata sa mata niya ang lungkot habang nakatitig ito sa akin, "She died from a car accident kaya... hindi ko kayang mahalin si Kendra dahil mahal ko pa rin si Shanti."
"What happened?"
"Let's not talk about her, Cassy. Just tell Kendra that I can't love her."
Tumalikod na sa akin si Kiel at nagsuot ng earphones. I understand that he doesn't want to love again pero hindi ko alam kung maiintindihan yon ni Kendra.
Unti-unti nang nagsidatingan ang mga kaklase ko. Umingay nang umingay ang classroom namin kaya ginaya ko ang ginawa ni Kiel, nag-earphones din ako at yumuko sa desk ko.
Someone is poking me kaya napaangat ako. Nakita ko si Sceven na nakangiti sa akin. I smiled at him too, "Ang aga mo ata dumating?"
"Yeah, nabo-bore ako sa bahay eh."
Ginulo niya lang ang buhok ko at tumabi na sa katabing upuan ko.
I can't understand myself too. Sinabi sa akin ni Kirk ang mga yon pero hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya. I should consider that as a red flag pero hindi ko alam, natatanga ako kung bakit hindi ko siya magawang hindi mahalin.
He just went to his ex house.
Sinong matinong lalaki ang pupunta don habang may nililigawan?
Lumabas ako ng room namin at hindi ko ininda ang pagtawag ni Sceven sa pangalan ko. Magta-time na rin.
I need to talk to Kirk... now.
Habang naglalakad ako ay marami akong nakakasalubong na mga tao. Nakasalubong ko rin ang ilang teammates ni Kirk at binati ako ng ilan.
Malapit na sana akong makarating sa classroom niya nang makasalubong ko si Patricia.
Naalala ko yung ginawa ko sa kaniya dati. I just ripped her clothes, my mom said that she's sister of Kirk. Pero ano yung nakita ko sa comfort room?
"Hello."
She greeted me. I just raised my eyebrows at her, "Where's Kirk?"
She immediately grabbed my hand at tumakbo. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko na hawak niya pero mas malakas siya sa akin, "Hey! What's wrong with you? I need to talk to him!"
"Hindi pwede. Nandon si Rowela."
Napatigil ako kaya napatigil din siya sa pagtakbo. Binitawan niya na ang kamay ko then she sighed, "She's my brother ex-"
"I already know that."
Anong ginagawa ni Rowela don? Anong ginagawa ng babaeng 'yon sa classroom nila Kirk?
I looked at her at pinang-liitan ko siya ng mata, "Kapatid mo ba talaga siya? May nangyari sa inyo last time I saw you."
Napalingon ako sa mga taong naglalakad sa gilid namin at ang ilan ay tumatakbo rin. Malapit nang magsimula ang klase pero nandito ako ngayon, kausap si Patricia and we're not that close.
We're in the garden of the school. She sat in one of the benches, tinapik niya ang upuan kaya umupo rin ako doon.
"He's not my brother. I mean, step brother to be exact. I'm not considering him as my brother that's why we did that and I'm sorry for that. Alam kong nililigawan ka niya ngayon and baka magalit ka sa akin-"
"No, it's okay. Let's just forget about that and please don't ever do that again-"
"I will," She looked straightly in my eyes at ipinakita niya sa akin ang cellphone niya. Taka ko siyang tinitigan na sinasabing ano ang gagawin ko don, "Look at their pictures."
Mabilis kong kinuha ang cellphone sa kamay niya. I scanned the pictures at nakita kong may katabing babae si Kirk sa kama, "Is she Rowela?"
"Yes and uh my brother doesn't love her if yun yung iniisip mo ngayon."
Taka ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Kung hindi na mahal ni Kirk ang babaeng yon, bakit pa siya pumupunta sa bahay non para alagaan?
Tinignan ko ng matagal ang babae. I can't deny it.
She's beautiful.
"Bakit niya pinupuntahan sa bahay para alagaan?"
"That woman is crazy. Nang makita niya lang ako sa bahay namin akala niya girlfriend ako ni kuya-- I mean ni Kirk! She would really slap me that time kung ako ang girlfriend ni Kirk. Gusto niya siya pa rin ang girlfriend nito."
My mind can't absorbed all that she said. Matagal na pala silang wala ni Kirk pero bakit kung umasta siya parang girlfriend pa rin siya nito?
"Don't talk to Kirk for a while hanggang sa masabi niya kay Rowela na may nililigawan na siya."
"Why do I need to adjust? Ako naman na ang nililigawan ni Kirk and she have no rights to-"
"Are you even listening to what I'm saying? I said that she's crazy and baka masaktan ka pa niya."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa kaniya. Is she even dangerous para iwasan ko si Kirk?
"Oh, he's courting you?"
Sabay kaming napalingon ni Patricia sa nagsalita. I saw a girl who's now standing in front of us. She's beautiful and she's not even wearing our school uniform.
"Who are you?"
"R-rowela..."
I looked at Patricia when she said. Tinitigan ko ulit ang babaeng nasa harapan namin ngayon. She's even smiling at me and ang creepy niya tignan don.
"Who are you? Kirk is courting you?" She's still smiling while asking me that question. Tumingin ako kay Patricia at hindi ito gumagalaw sa kinauupuan niya.
"Uh-"
"N-no, kaibigan lang siya ni Kuya, Rowela."
I was shook but what she said. Bakit kailangan akong ikaila?!
The girl looked at me from head to toe. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa sinabi niya, "Alright then. Goodbye."
She started to walk away from us. Doon lang nakahinga ng maluwag si Patricia at tinignan ako nito masama na para bang may ginawa akong mali.
Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at iniwan akong nakaupo sa bench.
What was that?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top