Illegal (20) Mad

Illegal (20) Mad

Nandito sila Kendra sa mansion namin ngayon kasama ang mga magulang niya. Sila na ang tumayo kong mga magulang nang namatay si Mom. Pumunta sila rito para daw paghandaan ang magiging debut ko.

"What's your plan, hija? Alam mo namang kahit anong hilingin mo ay ibibigay namin."

They know my parents since they were still young. Magkaklase raw sila dati at naging magkaibigan dahil napunta raw silang apat ng sabay sa detention room.

"Kahit ano nalang po, Tita."

"Hindi pwedeng kahit ano, hija. Saan mo ba gusto mag-celebrate?"

I looked at Kendra na para bang humihingi ng tulong dito pero dinilan niya lang ako. I sighed, ayos lang naman sa akin ang simpleng debut as long as nandito ang mga kaibigan ko pati si Kirk.

"Kahit dito nalang po sa Mansion, Tita."

She sighed from what I said. Kanina pa kase ako pinipilit ni Tita Alice na sa ibang lugar namin i-celebrate ang birthday ko para kahit man lang ay mabawasan ang pera ng mga magulang ko.

"You sure about that, Cassandra?"

"Yes-"

"No! Sa beach tayo mag-celebrate ng debut mo Cassy."

I looked at Kendra and she's smiling at me habang kumakain ng apple. I looked at Tita Alice, she's smiling too from what did Kendra said.

"Alright. Malayo pa naman po Tita-"

"Malayo pa ba sayo ang one week, Cassandra?"

Tinawanan ni Kendra ang nanay niya dahil sa naging tanong sa akin nito. I also laughed from that, sobrang lapit na pala ng birthday ko kaya toda prepare ngayon si Tita Alice.

"Okay, I'll go ahead Kendra, dito ka muna." Tumango lang si Kendra sa sinabi ni Tita.

Tita Alice diverted her gaze from me. She hugged me tight at mabilis ding lumayo sa akin, "Call me if you need anything, hija. Nandito lang kami."

"Thank you po, Auntie. Ingat ka."

Umupo agad ako sa sofa nang makaalis si Tita Alice. Nilingon ko si Kendra at busy ito sa kaniyang cellphone.

"What are you doing?"

She looked at me then she handed me her cellphone, "Look. Hindi ako pinapansin ni Kiel."

Kinuha ko ang cellphone sa kamay niya at tinignan ang mga messages niya.

To: Kiel my heart

Nandito ako kila Cassandra, we're planning for her debut. Hehe.

To: Kiel my heart

Kumain ka na ba?

To: Kiel my heart

Hey, mag-reply ka naman.

To: Kiel my heart

See you tomorrow sa school. Hmp.

Ibinalik ko sa kaniya ang cellphone niya at nginiwian ito. She looks desperate while texting him.

"He already has a girlfriend Ken-"

"She's already dead, Cassy. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya pang maghanap ng ibang magpapasaya sa kaniya."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Patay na ang girlfriend ni Mikiel?

"His girlfriend is already dead?"

Lumingon siya sa akin at tumango, "Matagal na. Kaya nga hindi kita sinusunod kahit sabihin mo saking layuan ko siya... Pwede ko namang siyang mahalin diba?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Kendra. Ngayon ko lang nalaman na patay na pala ang sinasabing girlfriend sa amin ni Mikiel, never ko pa nakita ang girlfriend niya kaya ang akala ko ay buhay ito.

"Kailan pa namatay?"

"3 years ago? He's just 17 that time."

Hindi ko pa kaibigan yung tatlong lalaki non dahil sa ibang school ako nag-aaral. Si Kendra lang ang matagal ko nang kilala sa kanilang apat dahil since I was a child, si Kendra na ang naging kaibigan ko.

"Why you didn't tell me?"

"I'm telling you now, Cassandra."

I frowned at what she said, "I mean dati, hindi mo sa akin sinabi dati palang."

"I know that you're just going to preach me. Na sasabihin mo may girlfriend na siya kaya tigilan ko na si Kiel."

I looked at Kendra at kita sa kaniyang mga mata yung lungkot. Siguro kaya hindi siya ine-entertain ni Kiel dahil hindi pa ito nakaka-move on sa naging nobya niya?

Or let's say that, hindi niya talaga makita si Kendra bilang girlfriend niya?

"Are you okay?"

"Syempre hindi. Lagi ba naman akong itaboy eh. Hahaha."

She's laughing pero halata sa mata niya ang lungkot habang sinasabi iyon. She stood up at pinagpag ang damit niya na nagusot, "I got to go. May puntahan lang ako, Cassy. See you tomorrow."

Mabilis siyang tumakbo palabas ng mansion namin at ako ay nakatitig lang sa kaniya habang papalayo na siya. I sighed, kung alam ko nang matagal na patay na ang girlfriend ni Mikiel, I'll immediately talk to him about her.

Siguro wala pa siyang nakakausap na kaibigan tungkol dito.

Ngumuso ako ng mapansin kong pasado alas tres na ng hapon.

Hindi pa pumupunta si Kirk dito. Lagi ko siyang nabubungaran sa kusina namin tuwing nagigising ako pero kanina at wala siya.

Where is he?

Bumukas ang pintuan at nakita ko si Kirk habang may dalang pagkain. Tumakbo si Kissy papunta sa kaniya kaya mabilis niya itong binuhat.

"Where have you been?"

"Kay Rowela."

My lips slightly opened when he said that, "Anong ginawa mo don?"

"She has a sick. I need to take care of her."

Hindi ko alam pero labis akong nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya. Hinagis ko ang nakita kong pamaypay sa kaniya na mabilis naman niyang inilagan, "Hey, what's wrong?"

"Ang kapal naman ng mukha mong pumunta rito pagkatapos mo siyang puntahan!"

Binato ko siya ng binato ng nakikita ko sa lamesa at hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at kita ko sa kaniyang mata ang galit, "Don't throw a tantrums at me, Cassandra. Hindi pa tayo para pagbawalan mo ako sa gusto kong gawin."

Napanganga ako sa sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top