Illegal (17) Rowela
Illegal (17) Rowela
My birthday is near. Hindi ko rin alam kung anong ganap pag nangyari yon. Parang wala naman na kaseng akong gustong mangyari sa buhay ko dahil...
First of all, wala na si Mom.
Sumunod na siya agad kay Dad without me even knowing her current state.
Ayaw ko na rin namang mahirapan pa si Mom sa nararamdaman niya but at least, sana nagpaalam siya sa akin sa personal and not through note.
I'm so happy because I know that she's happy now kahit nasaan siya. Alam kong hindi niya ako pinapabayaan kahit na hindi ko na siya kasama.
"You okay? You look tired?"
Lumingon ako kay Kirk nang magsalita siya sa likod ko. He's busy preparing the foods kase sabi niya sa akin, pagsisilbihan niya raw ako hanggang dumating yung birthday ko.
It's not even needed.
I can handle myself.
I can cook for myself.
Lahat naman ay kaya kong gawin nang mag-isa lang ako but knowing Kirk, he wouldn't allow me to do things on my own.
Hindi ko pa naman siya boyfriend and yes, hindi ko pa siya sinasagot. Even though that's the case, alam kong ginagawa niya lang yon dahil gusto niya akong protektahan.
In my case, mas lalong dumami ang nagtangka sa buhay ko dahil namatay si Mom. They know that I can't be dependent because I'm still young.
I'm just 17.
Malapit na ang birthday ko at alam kong mas dadami ang mga threats na matatanggap ko pag tumuntong ako sa wastong edad.
Kirk is there for me and even Sceve...
Speaking of Sceve, I don't know why I let Kirk to court me. Alam ko sa sarili kong gusto ko si Sceve pero I can't explain it.
May nararamdaman din ako for Kirk and I know na yung nararamdaman ko kay Kirk ay mas matibang sa pagkakagusto ko kay Sceve.
It's okay to like Kirk, right?
I mean, wala naman kaming relasyon ni Sceve and I know na hindi naman magiging mutual yung feelings naming dalawa.
"Ano yang niluluto mo?"
"Sinigang?"
I smiled from what he said. For sure gaganahan na naman ako kumain dahil isa ang sinigang sa mga paborito kong ulam.
Isa rin iyon sa mga niluluto ni Mom dati.
"I'll go upstairs lang, be right back."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Kirk at dumiretso na agad ako sa taas kung nasaan ang kwarto ni Mom. When I opened the door, parang nag-flashback sakin lahat.
Yung mga panahong masaya pa kaming tatlo.
Siguro kung buhay pa sila Mom and Dad mas magiging masaya ako. I can stay here at our house kahit na ang apat lang ang kaibigan ko.
Dumiretso ako sa isa sa mga cabinet at doon ko nakita lahat ng mga designs ng Balenciaga bag na ginagawa ng mga tauhan ni Mom. This is my mom's collection.
Mom was into bags kaya naisipan niyang itayong business ito at ipangalan sa surname ni Dad.
All of their hardwoks are all successful.
Kaya hindi ko rin masisi yung ilang mga tao na gusto kunin ang buhay ko. My parents are too rich to the point na lahat ay kaya kong bilin, even someones life, I could buy it when I want to.
I stared at one of my mom's bag, kinuha ko iyon kung saan nakalagay at pinakatitigan. This is my mom's favorite bag among all of the others. I can't blame her dahil ito ang pinakamahal sa lahat.
She loves this because the one who drew the design was my Dad.
Ibinalik ko ang bag sa lagayan nito at isinara na ang cabinet. I smiled, I'm moving forward. Alam kong kaya kong malagpasan lahat ng to dahil sa tulong ng mga taong nasa paligid ko.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo ulit sa baba. Kirk is still doing what he is doing when I left earlier.
I hugged him from his back kaya medyo napakislot ito, "Hey!"
"Hey!"
Humarap siya sa akin at inayos ang buhok na nasa gilid ng tainga ko. He started to kiss me on my forehead which gives me more butterflies on my stomach.
"You're so beautiful, Cassy." I just smiled from what he said, kahit maraming mga tao ang nagsasabi non sa akin, feeling ko parang mas maganda kung si Kirk ang nagsasabi non.
My confidence is boosting whenever he's complimenting me.
"Malapit nang matapos tong niluluto ko, we're going to eat once I finish this."
Tumango ako sa sinabi niya pumunta sa sofa. I sat there comfortably habanag nakatitig sa likuran ni Kirk. His broad shoulders... damn! Hindi ko mapigilang tumingin sa balikat niya dahil sobrang firm nito kung tititigan.
Kirk is an athlete that's why. I know that he's exercising everyday that's why he achieve a body like this.
I was busy looking at him when his phone suddenly rang.
I looked at him, "Someone's calling you."
"Pick it up, baka mga teammates ko yan."
Kinuha ko ang cellphone niya at kumunot ang noo ko sa nabasa kong pangalan sa caller.
Rowela's Calling
Hindi naman siguro posibleng may teammates siyang babae no?
Who's this?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top