Illegal (15) Basketball

Illegal (15) Basketball

It's been three months since my mom died. Ewan ko, parang gumigising nalang ako kase nakasanayan ko. Nawalan na ako ng ganang mabuhay. Nawalan ako ng gana sa lahat simula nang mawala si Mom. Hindi ko kaya pero pilit kong kinakaya, ayokong biguin si Mom eh.

In those months, si Kirk lang lagi ang kasama ko. He's been with me and he's taking care of me. Nasasanay na ako sa presensiya niya pero hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang ibinigay na sulat sa akin ni Mom.

Sana man lang hindi niya binitawan ang buhay niya ng ganoon nalang. Gusto ko pa siyang makasama pero ayoko na siyang makitang nahihirapan.

“Hey, bangon na. May pasok pa tayo.”

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Kirk na nakatayo sa labas ng pintuan ko. Tuwing Sunday dito siya natutulog  para alagaan ko. Pero tuwing weekdays ay sa kanila, hindi alam ng parents niya na dito siya namamalagi dahil ang sinabi niya ay nasa bahay daw siya ng kaibigan niya which is hindi ko kilala.

“Ayokong pumasok.”

“Such a brat.”

Binuhat niya ako hanggang sa banyo ko at hindi na ako nag-protesta pa. Alam kong hindi ko kayang kontrahin si Kirk, knowing him.

I allowed him to court me since nabasa ko 'yung sulat ni Mom. I think there's nothing wrong with that? Or meron? Wala naman silang relasyon ng nanay ko and besides, may na-develop na akong feelings for him.

“Take a bath, baby. I'll go now, may practice pa kami.”

Tumango lang ako sa sinabi niya at narinig ko ang pagsara ng pintuan ko. I sighed before I went inside the bathroom.


“CASSANDRA!”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong kumakaway si Kendra palapit sa akin. Lalong gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya noong namatay si Mommy. Hindi niya ako iniwang mag-isa nung mga panahong 'yon. She started to treat her mom well, too.

“Nood tayo ng practice! Nandoon daw si Kirk Valencia!”

“Huh? May ipapasa tayong requirements diba?”

Iginala niya muna ang paningin niya hanggang sa dumako ito sa babaeng nakasalamin habang may bitbit na tatlong libro. Hinarang niya ito at agad ngumiti sa babae, “Kaklase ka namin 'di ba? Pakipasa ng mga 'to ha? Salamat.”

She gave her sweetest smile to that girl at iniwan namin itong nakanganga sa gitna. Napailing nalang ako, nagbago nga si Kendra sa pagtrato sa mommy niya pero sa pagtrato niya sa mga studyante dito ay ganoon pa rin.

Nang makarating kami sa gymnasium ay puro tilian at hiyawan agad yung sumalubong sa amin. May mga babae ring nagchi-cheer sa kanila.

Practice palang naman 'to 'di ba? Bakit parang ang dami na agad tao?

“Anong relasyon niyo niyan? Last time sinundo ka niyan sa room eh.”

“W-Wala.”

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at nagpatuloy na siya sa paghawi ng mga tao sa loob ng gymnasium. Wala siyang pake sa mga taong nababangga niya hanggang sa nakapunta kami sa unang bleacher, “Here we go, harap na harap. Lasap na lasap.”

Ngumiwi lamang ako sa sinabi niya at hindi pinansin ang pag-cheer niya kay Mikiel. Last month lang namin nalaman na sumali ang tatlong mokong sa varsity. Mukha namang may maipagmamayabang sila base pa lang sa ginawa nilang try out.

Hinanap ng paningin ko si Kirk at nakita kong napapalibutan siya ng mga babae. Tumaas agad ang isa kong kilay. Feel na feel naman ng lecheng lalaking 'yon ang pagpunas ng mga babaeng linta sa pawis niya!

The game is not even starting! Tapos punas agad ng pawis? Mygosh?

“Leeddddddd! Scevennnnn! Kielllllllll!”

Tila naagaw ng pansin ng tatlo ang pag tawag ni Kendra sa mga pangalan nila. Kendra wave her hand at tumakbo papunta sa amin si Leed, “Tara, doon kayo.”

Nagpatianod lang ako sa paghila sa akin ni Kendra hanggang sa nakarating kami sa bench nila. Ang mga newbie na katulad nila Sceven ang makakalaban nila Kirk. I know that ito ang paraan nila upang malaman kung hanggang saan ang kaya ng mga baguhan.

Kirk is the captain, hmm not bad.

Napalingon ako kay Kirk at saktong nakatingin rin siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay bago ibinaling ang tingin kay Sceven, “Scevy, ilang puntos ba ang kailangan niyo?”

“As far as I know, dapat maka-30 points kami within five minutes?”

“Five minutes?!”

“Yeah, kaya naman siguro.”

Ngumiti siya sa akin kaya nakita ko ang perfect set ng mga ngipin niya. Ugh, hanggang ngayon ay crush ko pa rin talaga si Sceven. Tingin ko ay pang habang buhay na 'yon, paghanga lang naman eh. Masyado siyang maalaga sakin and sobrang na-aappreciate ko 'yon.

“Goodluck.”

“Where's my goodluck kiss?”

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya at bago pa ako makapag-react ay siya na ang kusang humalik sa pisngi ko. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Kirk at nakita ko siyang matalim na nakatingin sa akin bago ito nag-iwas ng tingin. He immediately went at the center when the referee blew his whistle.

Si Kirk at Leed ang sa jump ball habang ang ilan ay parang mga kalat dahil scattered sila. Lol. Natural Cassy mygosh!

Natapik ni Kirk ang bola at agad naman iyong nakuha ni Mikiel, “Go Kiel baby!”

Tinakpan ko ang tainga ko ng sa mismong tainga ko sumigaw si Kendra. Hindi mapakali ang gaga dahil seryoso maglaro si Kiel na mas ikinatutuwa niya kesyo feeling niya daw sa kaniya nag-seseryoso si Kiel. Like what the hell?

Ipinasa ni Mikiel ang bola kay Sceven at shinoot iyon. Pumasok ang bola kaya hindi ko napigilang tumayo at sumigaw, “Go Scevy!”

Tila narinig niya naman ang sigaw ko dahil lumingon siya sa akin at kumindat. Hindi ko napigilang mapakagat sa labi ko, bat ba kase ang cute masyado ni Sceven?!

Nang lumipas ang three minutes ay lamang sila Kirk ng two points. 15-17 ang score at mukhang nagkakainitan na ang dalawa. Minsan ay nasisiko ni Sceven si Kirk kaya hindi ko mapigilang mag-alala kay Kirk dahil halata sa mukha niya na nasasaktan siya.

“Bakit parang may namumuong tensiyon sa pagitan nila Fafa Kirk and Sceven?”

I looked at them and parang silang dalawa nalang ang naglalaro dahil hindi man lang ipinapasa ni Sceven ang bola sa teammates niya habang si Kirk naman ay patuloy lang sa pag depensa.

Natapik ni Kirk ang bola kay Sceven at akmang kukunin niya ito nang masanggi ni Sceven ang bibig niya. Lahat ay napatayo sa kanilang pagkakaupo and even me! Dumiretso agad ako sa kumpulan ng mga tao at nakita kong nagdudugo ang ngipin ni Kirk.

Agad ko siyang hinila at nagpatulong kay Sceven na dahil siya sa clinic. Halos lahat ay nakasunod sa amin. Nag-aalala ako kay Kirk, baka kung ano ang mangyari sa kaniya kahit alam kong malayo iyon sa bituka!

“Kirk, stay awake-”

“I will...”

Kahit nakapikit siya ay alam kong hindi siya tulog. Napabuntong hininga nalang ako, “...for you.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top