Illegal (12) Second Kiss


Illegal (12) Second Kiss

Iniwan ko si Kirk doon sa c.r atsaka naglakad paalis sa pesteng building na 'yon.

Peste! Akala niya hindi ko siya isusumbong kay mommy.

Huh?!

"Cassy, wait." hindi ko pinansin si Kirk na todo ang pagtawag sa akin.

Manigas siya riyan.

"Cassy..." hinawakan niya 'yung pulsuhan ng kamay ko pero agad ko itong tinanggal.

"Pake mo ba?! Bitaw nga."

Leche! Balak niya bang tanggalin ang kamay ko?

Bigla akong nagulat sa sunod niyang ginawa. Lumuhod siya! Lumuhod!

Mukha ba akong altar?!

"Tumayo ka nga riyan."

"No, Cassy... Please?"

"Isa..."

Bigla niyang niyakap ang tuhod ko kaya mas lalo akong nagulat.

Aba! Problema ba nitong lalaking 'to?

"Cassy, patawarin mo na ako please..." naramdaman kong biglang namasa 'yung palda ko at nakita kong...

Wait...

Umiiyak siya? Umiiyak nga!

Pinapalabas niya bang ako ang masama rito?

I sighed. Tss.

"Okay fine. Pero 'pag nalaman ni mommy ang nangyari wala na akong magagawa. Don't do that again... and again."

Tinunghay niya 'yung ulo niya sa akin at bigla siyang ngumiti nang mala-demonyo.

Ohh?

"Thank you," bigla niya akong binuhat atsaka inikot-ikot sa ere.

Lechugas Hestas Barabas Hudas! Nahihilo ako!

"Whooo! Sabi ko sa inyo magbabati 'yan eh."

"Dali... Kunan niyo nang picture."

"Wala pa rin pong forever!"

Bigla akong nagulat dahil maraming tao ang pumapalibot sa amin ngayon.

"Put me down!" pinaghahampas ko 'yung likod ni Kirk pero hindi siya natinag dahil binuhat niya ako nang parang sako.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong matalim akong tinitigan ni Sceven.

Tsk. Hindi niya alam yung girlfriend niya kinakalantari na nang iba!

"Aba! Hoy! San tayo pupunta?!" tanong ko nang bigla niya akong pinasok sa kotse niya.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at basta nalang pinaharurot 'yung sasakyan.

Argh! Nakakainis!

Hindi ko namalayang naka-uwi na kami sa Mansiyon namin.

Wait.

Sa Mansiyon? MANSIYON?!

"Hinayupak! Ba't mo ako inuwi?!"

Mabilis kong tinanggal 'yung seatbelt ko at umikot sa pwesto niya.

"Ba't moko inuwi?! Hindi pa namin time! Arghh! Jerk!" pinaghahampas ko siya sa dibdib niya pero siya tawa lang nang tawa.

"Hahaha! Sige, balik ka na roon."

Kinunutan ko lang siya ng noo atsaka sumakay sa likod niya habang pinaghahahampas ko 'yung likod niya.

Leche siya! Pagkatapos niyang—

"Cassy, go to your room. Mag-uusap lang kami."

Napatigil ako sa paghahampas kay Kirk at nilingon si mommy.

Sinabunutan ko muna si Kirk nang malakas bago ako bumaba sa likod niya.

"Hi, mom!" hinalikan ko si mommy sa pisngi. Tinanguan niya lang ako atsaka tinuro ang pintuan.

Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan silang seryosong nag-uusap.

Hmm. Ano kaya pinag-uusapan nila?

Ay ewan!




UMAKYAT ako sa taas ng kwarto ko at nagpalit ng damit.

Kinuha ko yung laptop ko at pinatong 'yon sa lap ko.

Nag-browse ako sa facebook ko nang bigla akong may narinig na kalabog galing sa baba.

Pinatay ko muna 'yung laptop ko at mabilis na tinungo ang kusina namin.

"Mommy!"

Napalingon sa akin si mommy at nakita ko siyang umiiyak.

Wait!

" Cassy! Go back to your room!"

Pinaghahampas niya ulit si Kirk pero si Kirk naman ay nakatungo lang habang pinapabayaan si Mommy.

"Mom, calm down!" lumapit ako kay mommy at mabilis ko siyang nilayo kay Kirk na ngayon ay nakaluhod.

"Mom, ano bang problema?!"

Salitan ko silang tinignang dalawa pero ni isa walang sumasagot.

" Mom—"

"Itanong mo sa kaniya! Kirk, ayoko ng makikita ang pagmumukha mo rito sa pamamahay ko!"

Hinagis ni mommy 'yung cellphone niya sa sofa at biglang umakyat sa kwarto niya.

Kinuha ko 'yung cellphone ni mommy at tumambad sa akin ang picture nila ni Patricia na naghahalikan kanina...

"Kirk—"

"C-Cassy, I'm s-sorry. I'm sorry."

Biglang niyakap ni Kirk 'yung tuhod ko at umiyak.

"Kirk! 'Wag ka saking mag-sorry! Kay mommy!"

Tila hindi niya narinig ang sinabi ko dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Tss.

Wait!

Sinong tao ang kayang gumawa non? Ang nag-send kay mommy nong picture? Sino ang nag-send?

"Kilala mo ba yung nag-send?!"

Umiling lang si Kirk at mas hinigpitan pa ang yakap sa tuhod ko.

"Kirk, stand up!" pilit ko siyang tinatayo pero sadyang parang bato ang katawan niya.

What the heck?!

Papahirapan pa niya ako?

"Kirk—"

Bigla siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit.

Whoaa!

Hindi ako makahinga!

Shit.

"Let go!" pilit ko siyang tinutulak pero ayaw niya akong bitawan.

"Cassy."

Napatigil ako sa pagtulak sa kaniya nang bigla niyang binanggit ang pangalan ko. Parang kinikiliti ako o ano. Parang may spark.

"W-What?"

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko siyang nakapikit at sinandal niya ang noo niya sa noo ko.

Maraming pwedeng sandalan at noo ko pa talaga?!

Biglang tumulo 'yung luha niya sa mata ko kaya parang umiiyak na rin ako.

"You know, I'm happy. I'm very happy."

Masaya pa talaga siya na nakipag-break na si mommy sa kanya?

Parang ang pangit ng term na nakipag-break. Parang pang teenager lang?

"H-Huh?" tanging natanong ko dahil parang walang salitang  lumalabas sa bibig ko.

"Aish. Forget it. Just remember one thing..."

Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti na siya ngayon.

Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Parang na hypnotize ako ng mga mata niya dahil kusang sumara ito at dinama ang labi niya sa labi ko.

"I love you, Cassy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top