Illegal (10) Illusion
Illegal (10) Illusion
1...
2...
3...
I sighed. Nakaka-ilang buntong hininga na ako. Tama ba 'yung pinapagawa sa akin ni mommy?
Pretend? Act?
That's insane! That's too unacceptable.
Magmumukhang mistress ako 'pag nagkataon.
"Hi baby, I cooked breakfast for you." napalingon ako kay mommy nang bigla siyang pumasok sa room ko.
May dala siyang tray.
Adobo, Milkshake, Fries, and Burger! Gosh! Papatabain ba ako ni mommy?
"Eat that. May pasok ka pa."
For the 15th time, I sighed again. Magagawa ko ba 'yung pinapagawa sa akin ni mommy? That's too...hmm... hard?
"Morning!" biglang pumasok si Kirk sa room ko na may dalang malaking teddy bear.
Lumapit naman sa kaniya si mommy at nagyakapan sila sa harapan ko.
Napangiwi naman ako sa ginawa nila.
Okay? That's too... gross!
"Here!" biglang inabot sa akin ni Kirk 'yung bear.
Tinitigan ko muna 'yung bear bago siya taasan ng kilay.
"What for?"
"Hmm. Peace offering?"
I tss-ed. Kung pagpapanggap lang naman din ang gagawin ay kailangan ba talagang halikan niya ako sa harap ng maraming tao?
Required ba 'yon?!
Nilagay ko 'yung bear sa kama ko at tinitigan silang dalawa.
Bumuntong-hininga naman si mommy bago sila umalis ni Kirk sa kwarto ko.
Ano ba 'tong napasukan ko?
Tumayo naman ako atsaka dumiretso sa banyo ko para maligo na.
Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan kong kinakain ni Kissy yung adobo na niluto ni mommy.
"Kissy!! No! " hinablot ko sa bunganga ni Kissy 'yung tray atsaka nilayo.
Shit!
Wala na ba akong breakfast? Parang dinaanan ng bagyo 'yong kama ko.
What the fuck?!
Grrrr!
Dumiretso nalang ako sa walk in closet ko at kinuha yung uniform ko.
Umagang-umaga nasisira yung beauty ko. Kaloka!
Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan kong sinusubuan ni mommy si Kirk ng adobong niluto niya. Ngumiti naman si Kirk at kinain 'yon.
They look mother and son?
Whoa! That's great.
Napalingon sa akin si mommy at nginitian ako. Nginitian ko rin siya at didiretso na sana sa pinto nang biglang magsalita si Kirk.
"Papasok ka na? Hatid na kita—"
"Thanks but no thanks." sabi ko bago umalis sa Mansiyong 'yon.
BINABA ko yung bulaklak sa lapida ng lalaking unang dumating sa buhay ko.
Patrick Balenciaga
Born: May 18, 1962
Died: September 25, 2011
R.I.P
Umupo ako sa bermuda grass at pinagmasdan ang lapida ni daddy.
How I miss this man...
"Hi dad," bati ko at pinunasan ang mga alikabok na nasa lapida ni daddy.
Nagtirik din ako ng dalawang kandila atsaka inayos ang bulaklak.
"Dad, may bago na akong daddy. Si Kirk. Alam mo dad, he's kind naman eh kaso nga lang 'yung mga gestures niya ayoko. Look dad, he kissed me infront of my mom! That's too gross." tumawa muna ako bago pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko, "Dad, kamusta ka naman diyan? Okay ka na ba? Alam mo dad, miss na miss na kita. Sana nandito ka pa rin. Bakit ka pa kase nawala agad?" humiga ako sa bermuda grass atsaka pinagmasdan ang langit.
Hindi ko ininda yung mga duming dumikit sa uniform ko at nagpatuloy pa rin ako.
"Dad, kung buhay ka pa kaya, magiging masaya kaya si mommy? Hindi kaya siya maghahanap ng bago? Hahaha! Dad, 19 years old lang si Kirk tapos 50 si mommy! That's insane, no? Pwera nalang kung mahal talaga ni Kirk si mommy. " napangiti ako sa mga sinasabi ko.
Naiisip kong katabi ko ngayon si daddy habang yakap-yakap niya ako. I miss that moment. Kahit pinapagalitan niya ako dahil sa hindi ko pagsunod sa mga utos niya, mahal niya pa rin kami ni mommy. Hindi niya kami iniwan.
"D-Dad, pwede bang sumama nalang ako sa'yo riyan? Act? P-Pretend? Hindi ko ata kayang gawin 'yon dad. It's just too hard! Noong hinalikan ako ni Kirk, alam kong nasaktan si mommy. Knowing my mom, she's too sensitive." I paused.
Naalala ko yung mga panahong nagiging pasaway ako sa kanilang dalawa ni mommy. Yung pagiging badass ko. Rebelde!
That's too childish.
I'm just 12 years old since dad died. Mom almost got a heart attack when she found out that I joined some sorority. Nawawalan na kase si mommy sa akin ng oras kaya napag-isipan ko, kung magrerebelde ako, makukuha ko ba ulit ang atensiyon niya? Call me attention seeker, I don't care.
I'm just too young. Hindi ko alam ang mga pinaggagagawa ko.
Tumayo ako atsaka pinagpag ang damit kong nalagyan ng mga damo. Inayos ko yung bulaklak atsaka iniwan doon ang pinabaon sa akin ni mommy na ham sandwich.
"Goodbye, dad. I love you. " nagpaalam ako kay dad atsaka nag flying kiss.
Nakakita ako ng bulto ng lalaki sa likod ng puno ng mangga.
Wait!
Is it Kirk or it's just my illusion?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top