Ikaw pa rin, Sinta ko
Ikaw pa rin, Sinta ko
By: jessafelovers258
Limang dekada na ang nakararaan
Limang dekada na rin kitang napapanaginipan
Na para bang ako’y nag-aabang
Sa presensya mong hindi ko nakakalimutan
Sa presensyang nasa aking harapan
Sa presensyang lagi lang nandiyan
Sa buhay ko na naging parte na sa aking katauhan
Sa buhay ko hanggang magpakailanman
Segu-segundo’t minu-minuto,
Nakatanaw at tutok sa ’ting litrato
Litratong matagal ko ng tinatago
Tinatago pa rin hanggang ngayon sa puso ko
Naalala ko pa noon,
Noong mga panahong ayos pa ang lahat
Iyong naki-ayon pa ang panahon
At magkasama lang tayong dalawa ay siya nang sapat
Makita lang ang iyong mga ngiti,
Na siya ring dahilan ng ngiti sa aking mga labi
Marinig lang ang iyong tinig
Na siyang nagpapakabog sa aking dibdib
Mga bagay na ayaw ko
Ay siyang mga bagay na gusto mo
Kaya ako rin tuloy ay nakumbinsi mo
Na iyon din ay gustuhin ko
Nagbago man ako
Pero iyon ay dahil sa iyo
At iyon ay dahil gusto ko
Para rin sa ikakabuti ng sarili ko
Maraming hindi ayon,
Maraming pumigil sa ’ting relasyon
Maraming humadlang sa ating pagmamahalan
At sa atin ay maraming pagitan
Ngunit hindi tayo nagpadala,
Sabay sabing, 'marami man sila ngunit sapat na naman tayong dalawa'
Sapat na ang mayroon tayo,
Para magpatuloy hanggang dulo
Oras-oras at araw-araw,
Gano’n mo ko dinadalaw
Sabay tawag mo sa aking palayaw
Tapos aayain sa likod ng bahay, para kumanta’t sumayaw
Linggo-linggo’t buwan-buwan,
Ipagpapa-alam mo ’ko sa ’king mga magulang
Ngunit bago nila tayo payagan
Kailangan pa nila tayong pahirapan
Unang-una ay kailangang intindihin ang sermon
At bago pa sila umayon,
Magsibak ng kahoy para may panggatong
Mag-igib ng tubig mula sa malalim na balon
Haranahin ang buong pamilya,
Kumanta ka kahit alam mong boses mo ay sintonado
Ngunit hindi bale na lang,
Asintado mo naman ang aming puso
Maglaba,
Magluto ng masasarap na pagkain at masustansya
Maghugas ng mga pinagkainan natin na tayo ay magkasama
At iba pang gawaing bahay na sabay nating ginawa
’Di kalaunan
Tayo’y pinayagan
Ang saya sa pakiramdam
Kasi tayo’y napagbigyan
Napagbigyan ang kahilingan
Ang kahilingan natin mula sa mahal na poong-maykapal
Kahilingan na ating kailangan
Para tayo’y magsama ng walang alinlangan
Tapos ’di pa sasapit ang alas-siyete ng gabi
Ihahatid mo ’ko pauwi
Gaya ng nakapagsunduan
Para hindi tayo mapagalitan
Ang saya rin pala magbalik tanaw
Mula sa ating nakaraan
Mula sa ating pag-iibigan
Na ngayon ay siyang akin na lamang pinapanood sa ’king puso’t isipan
Naaalala ko pa,
Tandang-tanda ko pa,
Na dapat ay limot ko na
Dahil matagal ka nang nawala
Ngunit, wala akong pinapalagpas
Sa mga nagdaang oras
Walang oras na ikaw ay lumipas
Sa puso ko na kung maka-ibig ay wagas
Ikaw ang laging bukam-bibig
Ng puso kong tunay kung umibig
At ikaw pa rin hanggang ngayon
Ikaw pa rin kahit ikaw ay malayo na sa hapon
Pagsusulat ang aking gusto,
Ikaw naman ang nagbabasa ng mga gawa ko
Ikaw ang pipili ng kulay para sa aking kwaderno
Tapos ako naman ang bibili nito para pagsulatan ko
Pagkabili pa lang nito
Ngunit aking napagtanto
Na may sulat na sa naunang pahina nito
Sulat mo pala aking iniibig na ginoo
Simple man lang ang bawat salita
Mga salitang iaalay mo sa ’kin sa pamamagitan ng tula
Simple ngunit ang laman ay ubod ng ganda
Gandang nakahahalina sa puso’t diwa
Hindi ko inakala iyon
Na ako’y pagbigyan ng mensaheng gaya no’n
Kasi ako naman talaga ang mahilig doon
Pero aaminin ko, sayo ay lalong napa-ibig dahil doon
Taon-taon at deka-dekada,
Mga panahong nagdaan
Nagdaan na nakaraan
Pero puso ko ay ikaw pa rin ang nakikita
Sa aking puso ay narito ka pa rin
Sa akin piling
Para pangako’y dinggin
Pangakong ’di mo ko iiwan sa hangin
Sinta, ikaw ay nakilala
Sa edad kong dalawa’t kalahating dekada
Tama, magka-edad nga tayong dalawa
Niligawan mo ’ko sa loob ng kalahating dekada
Tayo’y kinasal sa edad kong treynta
Tayo ay masayang nagsama
Nagkaroon ng supling na dalawa
At nabigyan ng apo na lima
Mga apong hindi mo na naabutan
Kasi sa edad mong kwarenta ay pinili mong lumisan
Pasensya na at ako ay nag-d-drama na naman
Hindi ko kasi mapigilan
Hindi ko mapigilan na ako’y mangulila
Kasi gaya nga ng aking nawika
Ikaw ay nasa puso ko
Kasi ang totoo ay puso mo ito
Puso mo ito,
Na siyang inalay mo
Ang daya mo
Ang daya-daya mo
Bakit mo kasi ginawa iyon?
Pwede namang hinayaan mo ko noon
Pwede namang lumaban ka sa sakit mo
At siyang gagawin ko rin, ang labanan ang sakit na mayroon ako
Pero ikaw kasi eh,
Ayaw mo kong masaktan
Lagi mo kong iniingatan
Iniingatan para hindi masugatan
Binigay mo pa sa akin
Para lang ang puso ko ay ’di na sakitin
Pero kung aking iisipin at aking damdamin
Mas durog ngayon ang puso mong binigay sa akin
Oh, nariyan ka naman
’Wag mo kong pagalitan
Kasi ikaw itong may kasalanan
Sabi mo pa, walang iwanan
Walang iwanan,
Pero heto ako at luhaan na naman
Wala na ngang sakit sa puso
Pero, araw-araw ramdam kong durog ito
Kasi kahit ikaw ang may ari nito
Kahit masigla ang damdamin ng may ari ng pusong ito
Dumating ito sa buhay ko
Kahit ang sigla-sigla nito ay nararamdaman ko pa ring nagdurugo ito
Nagdurugo
Kasi ika’y aking binigo
Binigong mabuhay sa gusto mo
Binigo ang ipinagkaloob mo sa aking puso
Pero aking Sinta,
Dapat ba akong magsaya
Maging masaya dahil hanggang ngayon ay buhay pa
Dapat ba akong magdiwang dahil umabot ako sa edad na nuebeynta
Sinta, irog ko
At alam ko ring mahal mo ’ko
Kaya sana huwag mo kong awayin muli sa panaginip ko
Kapag gusto ko nang sumunod sa iyo
Huwag mo naman sanang ipagkait sa akin ’yon, mahal ko
Bukas ng umaga ako’y mag-s-siyam na dekada at isang araw na nabubuhay sa mundong ito
Na siyang malaking pasasalamat ko sa poong-maykapal at sa iyo
Matagal na akong handa sa bagay na ito
Limang dekada na ang nakakaraan
Sa araw na iyon na aking labis na pinaghandaan
Ngunit sadyang madaya ka
Pinangunahan mo ’ko, aking Sinta
Kung alam ko lang sana
Sana hindi ko pinikit ang mga talukap ng mata
Sana hindi ako naging mahina no’n
Ngunit sinta, bakit ganoon?
Ang sabi mo pa sa akin ng mga sandaling iyon
"Sinta, may nahanap na kami... hindi ka na muling masasaktan pa".
’Di mo man lang sinabi na...
Na nagbibiro ka, na sa iyo pala ang ibibigay mo
Ako’y abala sa pagpupunas ng aking mga luha
Agad ko itong pinunasan nang mapansing may paparating na bisita
Tingnan mo sinta, ang ating mga anak at mga apo
Ang ating mga apo sa tuhod ay narito
Kumpleto sila,
Abala sila sa paghahanda
Hindi ko man gusto
Pero patawad mga mahal ko
Sa dapit hapon
Ako’y lilisan
Ngunit pag-ibig ko’y mananatili sa inyo aking mga mahal
Gaya niya, kayo rin ay aking babantayan
Ito’y pinaghandaan ko na
Limampung taon na rin pala,
At lagpas anim na dekada ang lumipas
At masasabi kong, ikaw pa rin sinta ko
Kahit nandiyan ka lang nakikisabay sa hangin
Dumadalaw sa aking panaginip
Narito sa puso ko’t nakabantay sa aking paligid
Ngunit, gusto ko iyong tunay na muli kang makita at makasama
Dito na lamang magtatapos ang aking ulat
Sinta, magiging maayos din ang lahat
Kaya magpahinga ka na,
Bukas din ay makasasama na kita
Nandito naman ang ating kapamilya
Hindi ka na sana nag-abala pa
Pero kahit ganoon aking Sinta
Aaminin ko masaya ako dahil kahit wala ka na
Nagpaparamdam ka pa rin
Minahal mo pa rin
At inaalagaan mo pa rin
Kaya hayaan mong ikaw naman ang aking bisitahin
Hanggang dito na lang, Sinta
Sa susunod muli nating mga kabanata
At sa kabilang libro muli
Aking tinatangi
Ikaw at ikaw lamang
Mula sa simula ng ating pag-iibigan
Hanggang sa walang hanggan
At hanggang sa kabilang buhay
Ikaw pa rin irog ko,
Iniibig ko,
Mahal ko,
Sinta ko.
-jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top