Ikaw Na Nga

IKAW NA NGA
isinulat ni Endee (loveisnotrude)


WHEN YOU FIRST went in Cupid's Café, kape talaga ang sadya mo. Pero sa paglipas ng bawat araw, natagpuan mo na lang ang sarili na pasimpleng sumusulyap sa naging crush mong barista na si Stell at sa pag-aabang ng secret notes na ibinibigay sa iyo ng taong hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam ang identity.

Hindi ka naman talaga naba-bother doon sa nagbibigay sa iyo ng secret notes. At first. Pero dahil unti-unti ka nang nahuhulog sa bawat salita't letrang nakapaloob doon na puno ng pag-aalala, pag-intindi at . . . pagmamahal---assuming na kung assuming pero ayon kasi talaga ang dating sa iyo ng bawat sulat---nabahala ka na.

Imagine, binibigyan ka lang ng sulat, na-fall ka na? From one to ten, parang yung level ng karupukan mo ay nasa eleven na!

"Seryoso ka bang gagana 'tong plano mo?"

Napatingin ka sa katrabho slash kaibigan mong si Stephen. Mula nang pinakiusapan mo siya tungkol sa plano mo, wala atang minuto na lumipas na hindi niya itinanong kung seryoso ka ba o hindi.

"Mukha ba akong nagjo-joke, Stephen?" medyo asar mo nang sabi. "Saka, hello, this is a serious matter! Isipin mo nasa life-and-death situation táyo."

"Ano ba kasing mapapala mo kapag nalaman mo kung sino yung secret admirer mo?"

Sa totoo lang, may hula ka na talaga sa kung sino yung pasikretong nag-iiwan ng mga sulat sa iyo sa tuwing nandito ka sa Cupid's Café. At ang main agenda mo today ay hulihin siya sa akto. Dahil kapag napatunayan mong si Stell nga ang nasa likod ng mga secret notes, e 'di madali mo na lang masisimulan yung love story ninyong magtatapos sa "and they lived happily ever after".

"Secret letter sender kasi," pagtatama mo sa kaniya. "Hindi ko nga sabi siya secret admirer. Wala akong gano'n, 'no!"

"E, ano'ng tawag mo sa akin?"

Papansinin mo na sana ang sinabi niya nang makita mo yung crush mong barista na nasa counter na. For a moment, nakalimutan mo bigla ang plano mong pag-lure doon sa nagbibigay sa iyo ng secret notes a.k.a. sa kaniya. Natameme ka na lang kasi sa kaguwapuhang taglay ni Stell.

"Sabi nila, nobody's perfect. E, ano ang tawag mo sa kaniya? Super perfect?"

"You still have crush on that barista guy?"

Na-trigger ka sa tono ng pananalita ni Stephen kaya hinarap mo siya at saka sinamaan ng tingin. "FYI, that barista guy has a name, Stephen."

"Whatever."

Hindi mo na lang ito pinansin at dumiretso ka na sa may counter. Hindi ka pa tuluyang nakakalapit, sinalubungan ka na niya ng isang matamis na ngiti na siyang nagpagaan agad sa iyong pakiramdam.

"The usual po?"

Hindi mo na kailangan pang magsalita dahil isang ngiti mo pa lang ay gets niya na agad na "yes" ang ibig sabihin mo nito. Gano'n ka na kadalas sa café nila na nakakapag-usap na kayo sa pamamagitan ng inyong body language.

O bâka naman may koneksyon talaga sa pagitan ninyo kaya gano'n? Espesyal na koneksyon na siyang magdudugtong sa mga puso ninyong---

"Alliah."

"W-What? May sinasabi ka ba?"

"You're coffee is ready. Kanina ka pa tinatawag nung crush mo. Gusto mo bang ako na lang kumu---"

"A, no! Ako na."

You just mentally slapped your face sa pag-i-space out mo in the middle of the day---because of Stell. Nothing's new, actually.

"Okay ka lang po ba, Ma'am Alliah?"

Mabilis mo siyang binigyan ng are-you-serious look bago sinabing, "Ilang beses ko pa bang sasabihin na drop the 'po' and 'Ma'am' na pagdating sa akin? Kakausapin ko na talaga manager mo kapag inulit mo pa 'yon."

Mahinang pagtawa lang ang isinagot niya sa iyo na naging dahilan para magkaroon ka ng special view access sa dimples niya, at sa totoo lang, it's more than enough na para maging productive ang buong araw mo. Gano'n ka karupok.

Babalik ka na sana sa table mo nang muli niyang tinawagin ang iyong pangalan---without the 'Ma'am' na siyang nagpalaki na lang ng mga ngiti mo.

Quota ka na agad sa araw na 'to, a.

"Um . . . First time ninyo po kasing magdala ng kasama rito kaya itatanong ko po sana kung---"

"Kaibigan ko lang siya."

"Talaga po?"

And that's when the realization hits you. Yung plano mo!

"I mean . . . Ka-ibigan pala. He's my boyfriend."

At hindi mo inaasahan ang pagkagulat niya na mabilis ding napalitan ng pagkalungkot sa kaniyang mukha.

Bigla ka tuloy kinabahan.

"Stell? Are you okay?"

"A, sige po, Ma'am Alliah. May gagawin pa po kasi ako sa kusina. Have a nice day!"

Sa bigla niyang inasal sa iyo, kunot-noo kang bumalik sa table ninyo. Ang dami biglang scenario na pumasok sa isipin mo dahil doon. Hindi ka tuloy natigil sa kaiisip ng mga what ifs.

"You know what, Stephen, parang hindi ko na pala kailangan alamin kung sino yung secret admirer ko."

"Ha? Akala ko ba wala kang secret---"

"Because I think, gusto rin ako ni Stell. Like, we definitely have a mutual understanding pagdating sa mga feelings namin! Siguradong-sigurado na ako roon. Kasi nung sinabi kong boyfriend kita, biglang nagbago yung mood niya which is really weird dahil---"

"I like you, Alliah," pagputol niya sa pagsasalita mo na siyang ikinagulat mo. "At hindi si Stell yung secret admirer mo---I mean, ako yung nag-iiwan ng mga notes. I asked a little help from the staff para mailagay ang mga 'yon sa table mo. But every words that have written there, it was all coming from my heart. So, can we make it real? Itong pagpapanggap natin---"

"Stephen, I'm sorry."

"W-What?"

"Akala ko, in loved ako sa taong nag-iiwan ng mga notes sa akin---sa iyo, as you revealed your identity---pero hindi pala. I was actually in love sa idea na si Stell yung nasa likod n'on. Kasi kahit anong gawin ko, siya pala talaga yung gusto ko. Kaya I'm sorry."

At wala ka nang sinayang pa na oras at agad mo ring sinundan sa likurang bahagi ng café si Stell dahil kasalukuyan daw itong naroroon, ayon sa katrabaho nitong si Yosi na pinagtanungan mo.

"Ma'am Al---este Alliah. Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Ikaw na nga. Ikaw na nga, Stell, yung lalaking gusto kong makasama---hindi lang sa pagkakape kundi sa pang habambuhay na." Lumapit ka sa kaniya ng may ngiti sa mga labi at saka mo hinawakan nang mahigpit ang mga kamay niya. "Stell, can I court you?"




WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top