bH0cxZ 9
Kalokohan ahead.
***
"Paano mo kilala si Jieun sweg sweg ng buhay ko?" Tanong ko kay Taehyung pagkadating namin sa mansyon niya.
"Naririnig ko lang pangalan niya tuwing may kausap si mama sa phone. Minsan kapag pumupunta ako sa mga parties na kailangan ng business namin." Paliwanag niya.
"Ba't ang tino mong kausap ngayon?" Tanong ko.
"Malungkot kasi ako hyung."
"Bakit naman?"
"Di ko pa rin kasi alam ang ibig sabihin ng alas-kwatro." Sabi niya at nagpacute sa harap ko.
"TAEHYUNG!" Sigaw ng lahat.
"Gwapo daw yun, yung Taehyung." Pagmamang-maangan niya.
"Uwi na nga tayo." Sabi ni Jin hyung.
"Oy teka lang! Yung damit ko, Yoongi hyung!" Sigaw niya pagkatapak namin sa labas ng kwarto niya.
"Lalabhan ko! Babalik ko sayo sa susunod na araw! Mga alas-kwatro ng hapon." Sabi ko at nginitian siya. Pinakyu niya ako.
Umuwi na kami pagkatapos. Habang naglalakad sa madilim na eskinita, bigla akong may narinig na sumisitsit sa akin.
"Pst."
"Sino nandiyan?" Tanong ko at huminto sa paglalakad. Lumingon-lingon naman ako at wala naman akong nakita kaya nagpatuloy sa paglalakad.
"Pst." Sitsit ulit sa akin kaya lumingon ulit ako.
"Otor, ikaw ba yan? Alam kong mahal na mahal mo ako kaya tigilan ang paninitsit sa akin."
"Pst."
"Puta, may pangalan ako! Ako si Min Yoongi! I'm rich!"
"Pst."
"Sino ka ba kasi ah?! Ba't di kita makita?!" Tanong ko at ngumiti ako hanggang sa makita na yung gilagid ko. Sabay naman nagkaroon ng liwanag sa dilim.
"Isarado mo nga yang bibig mo! Ang silaw, bwiset!" Sabi niya at nakita ko na rin ang sumisitsit sa akin. Isang lalaki.
"Ay teka, kilala kita ah! Isa ka sa mga hyung ni Sehun diba?" Tanong ko. "Ano ulit pangalan mo?"
"Kai."
"Ahh yun! Alam ko full name mo."
"Oh talaga?"
"Oo. Diba ikaw si Kai D. Makita?"
"Aba, gago ka ah!"
"Mali ba? Kai D. Maputi?"
"Masusuntok talaga kita."
"Tapos tatawag ka ng doctor? Someone call the doctor?"
"Oo, leche ka."
Bigla ko nalang naalala si Sehun na umiiyak dati dahil sa mga hyung niya.
"Oy teka. Bakit niyo tinititi este sinisisi si Sehun ah?"
"Ang haba ng baba niya eh! May sugat nga ako dahil sa kanya! Tingnan mo!"
"Ikaw nga di ko makita, sugat mo pa kaya." Nakaramdam ako bigla na may bumatok sa akin. "Leshe ka Kai. Kalabanin mo ako pag umaga! Di kita makita, bwiset ka! Uuwi na nga ako." Sabi ko at iniwanan siya doon.
"I'm homes!" Sigaw ko sa bahay namin pagkauwi. Bigla nalang akong may nakitang lumilipad na tsinelas papunta sa akin.
"PUNYETA! SINO KA HOMES AT BAKIT KA NANDITO SA PAMAMAHAY NAMIN?!" Sigaw bigla ng nanay ko at nagulat nang makita ako.
"Kan, kumalma ka. Mayaman yang si Homes oh!" Sabi ng tatay ko sa kanya. Puta, sino si Homes?
"Oo nga noh. Sorry po Mr. Homes. Maupo muna kayo. Gusto niyo po ba ng mani? May mani po ako." Sabi ng nanay ko.
"Mamalou, anong pinagsasabi mo? Sino si Homes?" Tanong ko sabay tanggal ng sumbrero na suot ko.
"YOONGI?!" Sigaw ng magulang ko.
"Yes. Yours one and only hensem guy men." Sabi ko sabay igop sign.
"IKAW BATA KA! SAAN MO NINAKAW YANG DAMIT MO?!" Sabi ng nanay ko at pinaghahabol ako habang may hawak siyang hanger.
"MAMALOU! KAY TETE ITO! PINAHIRAM AKO NI TETE NG DAMIT!"
"Ah ganun ba." Sabi niya at kumalma din. "PERO BA'T MAMALOU TAWAG MO SA AKIN?! KATUNOG NG MARLOU BWISET!" Sigaw niya ulit at pinaghahabol nanaman ako.
Dasi run run run~
Ay bwiset. Napakanta bigla ako ng kanta ng BangChicser Hash5dan. Yun kasi yung pinapatugtog ni Jieun kanina.
"OKAY! COME DOWN! MAMSI NA TAWAG KO SAYO! COME DOWN YOUR TEETHS." Sabi ko kaya at tumigil na din siya. "Papsi, mamalou este mamsi. Matulog na kayo. Maaga pa kayo magtitinda ng hotdog at mani ninyo."
"Napakabait mo talagang bata. Ikaw din, bhocxz anak. Papasok ka pa bukas." Sabi ng tatay ko sa akin.
"Saan ako papasok papsi? Hehe."
"Sa eskwelahan! May sabon doon sa cr, linisin mo yang utak mo bago matulog." Sabi ni papsi at pumasok na sa kwarto.
Dahil sa gwapo ako, pumasok ako sa school kinabukasan.
"Hi Jieun." Bati ko pero hindi niya ako pinansin. Ay shet, hindi nga pala siya si bhocxz swaeg swaeg baby ko. "Hera pala, hehe. Swaeg."
"Mali ka nanaman, bwiset. Ba't ba ang saya mo?" Tanong niya.
"Nakadate ko kasi yung crush ko hehe."
"Sa tingin mo may pake ako? Wala." Sabi niya at inirapan ako.
"Gago, siya nagtanong tapos walang pake. Anong kalokohan yun? Meron ka pa noh?"
"Wala na po. Teka, ito na pala jacket mo." Sabi niya sabay abot sa akin ng pinahiram kong jacket.
"Nilabhan mo?"
"Oo. Gamit ng Ariel na 7.50 lang." Sagot niya. Agad ko namang kinuha yung jacket ko at sinuot. "Bakit ka ba nagjajacket? Ang init kaya."
"Wala ka talagang swag."
"Baka ikaw."
"Pakyu. Pati rin jams, wala ka."
"Oh talaga tol?" Bigla nalang siyang may kinuha sa bag niya at may nilabas na strawberry jam. "Wala palang jams ah."
"Hindi kasi yung literal! Ina mo!"
"Maganda! Kamukha ko!"
"Ulol mo. Saglit lang, akin na yung palaman na dala mo." Sabi ko sa kanya at inabot niya sa akin ang strawberry jam. "PARK JIMIN!" Sigaw ko. Bigla nalang may sumulpot na pandak.
Parang ikaw hindi pandak.
Bwiset. Magpasalamat kayo at mahal ko kayo.
"Hyung! Tawag mo ako?" Tanong ni Jimin at pumasok sa classroom namin. "Uy, si kapatid!" Dagdag niya at kumaway kay Hera.
"Ako? Kapatid mo?" Pagtataka niya.
"Oo."
"Luh? Paano nangyari yun?"
"Sabi ni hyung, wala kang jams. Ako din eh! Tapos tayo ka." Utos niya. Pinakyu muna siya ni Hera at sinunod din si Jimin. "Magkasingtangkad tayo oh! KAPATED! MUSTA NA?"
"Jiminyeta ka."
"Chim." Tawag ko. "Para sayo." Dagdag ko at binigay sa kanya yung dalang strawberry jam ni Hera.
"HYUNG! ANO ITO?!?!"
"JAMS YAN GAGO!"
"I LOVE YOU YOONGI HYUNG!" Sigaw niya at niyakap ako.
"Love you more, Jiminie."
"Ano sabi mo hyung?"
"SABI KO BWISET KA! WAG MO AKO YAKAPIN! BAKA AKALAIN NILA BAKLA AKO!"
"Bakit? Di ka ba bakla?" Epal ni Hera.
"Herangina mo." Sabi ko sa kanya.
"Class settle down." Napalingon naman kami sa harap nang makita ang prof namin na nandoon na. "Uhm excuse me. Nasa kabila po ang grade school department." Dagdag niya at tinuro si Jimin.
"Bwiset! Lahat nalang! Magpasalamat talaga kayo at masaya ako may jams na ako! Ipapakita ko ito kay Namjoon hyung!"
"Oy Jimin! Ibalik mo sa akin mamaya yang strawberry jam!" Pahabol ni Hera pero di siya pinansin ni Jimin.
Nang umayos na ang lahat, binalk ni ma'am ang mga quiz namin. "Ang nakakuha ng highest sa huli nating quiz ay si..."
"MIN YOONGI!" Sigaw ko sabay tayo at sumayaw-sayaw. Nagpalakpakan at sigawan naman lahat ng kaklase ko.
"GO YOONGI!"
"YES NAMAN BHOCXZ! IDOL!"
"PAFANSIGN PO!"
"Class settle down. Minimize your noise!" Saway ni ma'am at tumahimik din ang klase. "As I was saying. Ang nakakuha ng pinakamataas na score ay si.." Tumingin muna sa akin si ma'am bago sabihin kung sino. Siguro ako talaga hehe. Ang galing ko talaga sa english. Oo, english ang subject namin ngayon, mine one and only favorites.
"Cho Hera." Tumayo bigla ang katabi ko at pumunta sa harapan para kunin yung papel niya. OH MAN HORI SHITEU! ANONG KABALIWAN YUN?!
"Min Yoongi." Tawag ng prof namin sa akin. Ako ang pinakahuli niyang tinawag. Sabi nga nila, save the last for the best, huehue.
"Wazzup ma'am?" Bati ko pagkalapit ko sa kanya.
"Mag-aral ka pa Yoongi." Sabi niya at inabot sa akin ang papel ko. SHIT! ONE ANG SCORE KO! ONE OUT OF TWENIPAYB!
Wag kayo, mas okay na ang score na one kaysa sa zero. Matuto kayo kay Min Yoongi, sweg.
"Hera." Tawag bigla ni ma'am at lumapit sa amin si Yoongi.
"Yes ma'am?"
"After ng klase ko, pumunta kayo sa library. Hera, tulungan mo si Yoongi. Turuan mo siya tungkol sa past lesson natin para makahabol siya. Bibigyan kita ng extra points sa grade mo."
"Opo." Sabi niya at ngumiti. Pinabalik din kami sa mga upuan namin pagkatapos.
---
"Yoongi, doon tayo sa second floor. Pinakdulo." Sabi ni Hera. Tumango lang ako at pumunta kami doon.
"Bakit gusto mo dito tayo? Para masolo mo ako?" Tanong ko sa kanya sabay ngisi.
"Ulol, ang bilis mo kaya madistract. Saka alam ko namang matutulog ka kaya dito ang pinili ko."
"Ha?"
"Matutulog rin ako." Sabi niya kaya napataas naman ako ng kilay. "Wag mo akong tinataasan ng kilay, bwiset ka." Dagdag niya.
"Mura ka nang mura sa akin, wala naman akong ginagawa sayo. Bwiset ka rin."
"Parang ikaw hindi. Matulog na kasi tayo." Yaya niya.
"Gusto mo talaga sabay tayong matulog ah. Ikaw Hera ah, yiee."
"Min Yoongi! Antok ako, okay? Saka kahit naman turuan kita, wala ka rin namang maiintindihan kasi tutulugan mo nga lang ako! Ayoko munang umuwi nang maaga kasi kung ano-ano nanaman ang sasabihin sa akin ng tita ko! Maliwanag na ba?! Kung ayaw mo edi fine, mag-aral nalang tayo!" Sabi niya bigla na malapit nang maluha. Leshe, magpapaiyak nanaman ako. Ang dami namang problema ng babaeng ito.
"Manahimik ka, itulog mo nalang yan." Sabi ko at hiniga na ang ulo ko sa lamesa. Naramdaman ko na ginawa din niya ang ginawa ko kaya pinikit ko na ang mga mata ko.
Pagkagising ko, nakita ko nalang na patay na ang mga ilaw at tulog pa rin si Hera.
"Hera." Tawag ko. "Hoy Hera. Magising ka. Hindi kwarto ang library!" Dagdag ko.
"Shh." Sabi niya.
"Oy!"
"Manahimik ka nga! May panaginip pa ako, pinutol mo! Teka, itutuloy ko lang." Sabi niya at bumalik ulit sa tulog.
"HERA!" Pagsigaw ko.
"PUTSPA WAG KANG SUMIGAW! NASA LIBRARY TA--teka, bakit madilim? Nakadilat naman ako ah." Kinuha niya ang cellphone niya. "AY KINGINA! PATAY! ANONG ORAS NA?"
Kinuha ko naman yung akin at binuksan. "8:19."
"SHIT! SARADO NA ANG SCHOOL! PAANO TAYO MAKAKAALIS?!"
"Oh tapos? Itulog nalang ulit natin yan. Bukas pa tayo makaka-alis dito." Sabi ko.
"Yoongi. Lagot ako sa tita ko. Please." Pagkasabi niya nun, bigla nalang kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Inilawan ko siya gamit ang cellphone ko at nakita ko nalang siya na umiiyak.
"Uy, Hera. Bakit ka umiiyak? Takot ka ba sa kidlat?"
"H-hindi. S-sa ulan."
"Bakit?" Kaysa sa sagutin ang tanong ko, mas lalo pa siyang umiyak.
At sa pangalawang pagkakataon, muli ko siyang niyakap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top