bH0cxZ 8

[Yoongi's POV]

"Ano sabi?" Bungad ni Namjoon sa akin pagkaalis ko sa bahay nila Jieun.

"Tuloy date namin." Sabi ko at ngumiti. Ideya talaga ni Namjoon na yayain ko siya magdate doon sa Italian resturant. Wala nga akong alam tungkol doon eh, basta niyaya ko lang si Jieun.

"Congrats hyung. Ano ba itsura niya?" Tanong niya. Hindi nga pala nila alam ang itsura ng nililigawan ko.

"Maganda." Tipid kong sagot. Baka pag nagsabi pa ako tungkol sa kanya, baka atakihin ng libog si Namjoon at agawin sa akin si Jieun.

"Talaga hyung? Sexy ba?"

"Tangina mo Namjoon. Umuwi ka na sa tribo niyo." Sabi ko at iniwan ko siya.

---

"Namamasko po!"

"Nambwibwiset po!"

"Namamakyu po!"

"Ang gwapo ko po!"

"Mahal ko po si Kookie! Pati na rin si Yoongi hyung!"

"Ang ganda ko po!"

Napabangon naman ako sa kama ko nang marinig ko ang mga sigaw ng mga gago kong kaibigan.

"OY YOONGI! ALA-UNA NA! BUMANGON KA NA SA KAMA MO! NAMBWIBWISITA NANAMAN YANG MGA KAIBIGAN MO!" Sigaw ng nanay ko at pinaghahampas ako ng hanger.

"Momsy! Mamalou! Come down, okay? Just come down!" Sabi ko at tumigil din siya. Umalis ako sa kama ko at pinuntahan mga kaibigan ko na tumatambay sa labas ng bahay.

"Oy. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Yoongs, diba may date ka mamaya?" Tanong ni Jin hyung. Tumango lang ako.

"Hyung, akala ko ba ako lang? Masakit, hyung." Pag-iinarte ni Jimin.

"Magbihis ka na hyung! Baka malate ka pa!" Sabi ni Kookoy.

"Alas-kwatro pa yung date ko! Ano ba ginagawa niyo dito?"

"Ano yung alas-kwatro?" Tanong ni Taehyung.

"Tutulungan ka namin sa date mo hyung!" Sabi ni Hoseok at sumayaw bigla.

"Yoongi hyung, makinig ka sa akin nang mabuti. Matanda ka na kaya nandito kaming mga nakakabata para tulungan ang mga lolo. Mas maganda na habang maaga pa nakahanda ka na kasi mabagal kumilos ang mga matatanda." Sabi ni Namjoon na naka-akbay pa sa akin.

"So sinasabi mo na matanda na ako? Tangina mo. Ano pa kaya si Jin hyung?!" Sabi ko sa kanya at tinulak nang mahina.

"Dyosa!" Sabi ni Jin hyung. "Wag mo ako titigan nang ganyan Yoongi. Magbihis ka na nga. Bwiset ka."

"Ano yung alas-kwatro?"

Dahil wala na rin ako magawa, sinundan ko nalang sila. Pumunta ako sa cr namin at naligo. Paglabas ko, nakita ko si Jimin.

"Hyung, samahan na kita sa kwarto mo."

"Anong gagawin mo doon?"

"Tutulungan ka magbihis. Naaawa na ako sayo hyung eh." Binatukan ko siya gamit ng chains ko na bagong ligo lang din. Pumunta na rin ako sa kwarto ko para magbihis.

Pagkatapos, pumunta na ako sa kanila na feel na feel ang pagkain sa sala namin. Tinitigan nila ako at tumawa.

"HYUNG! SAAN KAYO MAGDADATE? SA KARINDERYA?" Tanong ni Jungkook at tumawa.

"HYUNG! MUKHA KANG ALBULARYO NA MAYAMAN HAHAHA!" Sabi ni Taehyung.

"HYUNG! PARA KANG MAGNANAKAW HAHA!" Sabi naman ni Hoseok.

Tangina. Anong problema sa damit ko? Ang swag kaya. Lalo na yung bandana ko sa ulo at yung chains ko na galing recto. Tapos may hikaw pa ako na galing divisoria. Anong problema doon mga bH0cxZ Nq b0H4i1 k0H??

"Sa isang mamahaling resturant kayo magdadate. Tapos ganyan suot mo?" Panenermon ni Jin.

"Taehyung, punta tayo sa inyo. Pahiramin mo yung lolo natin ng damit, pera at sasakyan mo." Sabi ni Namjoon. Tumango lang naman si Tete at nagcommute kami papunta sa kanila. Maniwala man kayo o hindi, si Taehyung ang pinakamayaman sa amin.

Pagkadating namin sa mansyon nila, nagbow agad lahat ng mga katulong nila kay Taehyung. Dumiretso naman kami sa kwarto niya.

"Hyung, ito suotin mo." Sabi ni Jimin na namimili sa mga damit ni Taehyung. Tiningnan ko muna yung damit at pagkatapos ay sinuot ko. 

Ang init nito kingina. May sumbrero pang kasama. Tapos yung mga ugok, pinagkukuha lahat ng chains at hikaw na suot ko. Pero mas gwapo naman ako kaya oks lang, huehue. Gwapo na nga ako as magiging gwapo pa. Kabahan na lahat ng gwapo sa mundo.

"Woah! Hyung! Mukha ka ng mayaman!" Sabi ni Hoseok at pumalakpak.

"Ano yung alas-kwatro?" 

"Yan hyung, mukhang ready ka na." Sabi ni Namjoon.

"Uy, ano yung alas-kwatro?" Tanong nanaman ni Taehyung.

"Tete, salamat sa damit mo. Lalabhan ko nalang pagkatapos." Sabi ko sa kanya.

"Ano nga yung alas-kwatro?"

"Kingina Taehyung, mananahimik ko o hahalikan kita?" Pagbabanta sa kanya ni Jimin.

"Hahalikan, hihi." Sinipa naman ni Jimin ang pinakamaselang bahagi ni Taehyung. Yan, baog na siya. Di na dadami lahi niya. 

Dahil 2:00 palang, nag-usap muna kaming lahat. Binigyan nila ako ng nga payo kung ano ang dapat kong gawin at sabihin. Pinahiram din muna ako ni Taehyung ng pera at ng driver at sasakyan nila. Ang yaman ni Taehyung, kingina.

Nang malapit na mag 4:00, sumakay na ako sa sasakyan ni Taehyung at pumunta na sa bahay ni Jieun.

Shet. Kinakabahan ako. Malay ko bang pangmayaman na resturant ang sinuggest sa akin ni Namjoon. Di ko alam ang gagawin ko. Bahala na ang chains ko.

Huminga ako nang malalim at nagdoorbell sa kanila. Bumukas kaagad yung gate nila at niluwa si Jieun.

OH MAH GAHD. ANG SEXY. LITTLE MIN YOONGI, HUMINAHON KA DIYAN SA BABA. WAG KANG TATAYO, KINGINA MO.

Nakasuot siya ng dress na lagpas tuhod. Sana humangin para tumaas yung palda niya huehue.

"Wow Yoongi, ikaw ba talaga yan? Ang gwapo mo ngayon ah!"

"Ngayon lang? Araw-araw kaya." Sabi ko sabay igop sign. Tumawa naman siya. Sumakay na kami doon sa sasakyan at hinatid kami nung driver ni Taehyung sa resturant.

Kingina. Ang yaman dito. Lahat ng bagay dito, kakulay ng chains ko. Gold.

Umupo naman kami sa isang table at inabutan kaagad kami ng menu. Tangina, nakakaluha yung mga presyo. Buti nalang at pinahiram ako ni Taehyung ng sampung libo. Nag-order naman kami pagkatapos.

Habang nag-uusap kami ni Jieun, napansin ko nalang na may kutsara, plato at kutsilyo sa lamesa. Tangina, asan yung tinidor? Teka, ano ba english ng tinidor? Pork? Ay hindi, fork! Ang talino ko, sh8.

Turo sa akin ni Namjoon kanina, yung mga mayayaman daw, nageenglish at may British accent. Yung nawawala yung letter R.

"Excuji me!" Tawag ko sa isang waiter. Wag kayo, kay Jimin galing yang excuji me.

"How can I help you, sir?"

"I wanna fok." Nanlaki naman yung mata niya dahil sa sinabi ko.

"What?" Aba, hindi yata ito nakakaintindi ng english. Gusto ko lang naman ng tinidor.

"I wanna fok." Pag-uulit ko. Napansin ko naman si Jieun na pinipigilan ang tawa.

"Well sir, everbody wanna fuck."

"What? I wanna fok on the table." Kailangan ko lang ng tinidor sa lamesa, hindi niya pa maintindihan.

"Sir, you better not fuck on the table."

"Tangina. Gusto ko lang ng tinidor." Sabi ko. Dudugo na ang ilong ko dahil sa kanya.

"Ahh, tinidor! Sir, it's fork, not fuck."

"Pakyu, dami mong alam. Penge na ng tinidor." Nataranta naman yung waiter at nagmadaling kumuha ng tinidor.

"Jieun, ang ganda mo." Sabi ko.

"Thank you. Saka thank you din sa pag-iinvite sa akin sa isang date." Sabi niya at ngumiti. Ang ganda talaga niya.

Habang nag-uusap kami, may nakita akong kumakaway sa akin sa may likuran ni Jieun. Pakshet. Ba't nandito sila?!

"Ina nga naman ng mga tupa." Sabi ko bigla.

"Is everything alright, Yoongi?" Tanong ni Jieun.

"Yeah. I'm good, I'm done. Jakult everyday, everyday okay." You knows jakult? Sarap kaya hehe.

Nakaramdam nalang ako ng vibrate galing sa bulsa ko kaya tinignan ko kaagad.

From: m4m@ ?1N
Bhouxz, gudlck sa inyo ng kad8 moh. Anu bah neym nya?
#gudeve
#gndaqoh

To: m4m@ ?1N
Q1n91N@! wÜt ü dÜw1Nq$ h1r?
#p4ky3w
-¥00n9$

(Trans: to: mama Jin
Qingina! Wut u duwings hir?
#pakyew
-Yoongs)

Tumingin ako sa kanila at lahat sila nagheart sign sa akin.

"Ma'am and sir, here's your order." Sabi nung waiter at binigay sa amin yung pagkain namin. Napansin ko naman na dalawa yung tinapay ni Jieun at isa lang sa akin kahit parehas lang kami ng order.

"Excuji me." Sabi ko ulit.

"What is it again, sir?"

"I want two piece." Hindi yung swimsuit. Dalawang piraso ng tinapay ang ibig sabihin ko.

"Excuse me?"

"You may goes." Napansin ko nanaman na natutuwa si Jieun sa ginagawa ko. Yung mga Hotlogs naman, nakathumbs-up. Mga gunggong talaga mga kaibigan ko.

"I mean sir, what do you mean?"

"When you nod your head yes but you wanna say no."

"What do you mean~?" Kanta bigla ni Jieun at tumawa siya. Ang cute niya.

"I want two piece." Sabi ko ulit sa waiter.

"Sir, go to the toilet." Toilet? CR yun diba? Anong gagawin ko dun? Doon ako kakain? Gague talaga ang waiter na ito ah.

"Excuji me, I want two piece in my plate."

"Sir, you better not piss on your plate."

"I want two piece bread in my plate."

"Sir..."

"Punyeta! Gusto ko lang ng dalawang piraso ng tinapay! Di ka talaga nakakaintindi ng ingles!"

"Sir, it's two pieces of--"

"Oo na pakyu. Wag ka na madaldal, dagdagan mo lang itong tinapay ko." Sabi ko sabay pakita sa kanya ang mahiwagang daliri ko.

"You really are funny Yoongi. Haha!" Sabi ni Jieun na halos abot tenga na yung ngiti.

Nagdaldalan kami tungkol sa maraming bagay. Nagmamay-ari pala sila ng mga hotel at jam factory. Delikado kapag nalaman ni Jimin.

Habang kumakain kami, napansin ko na may lumapit na waiter sa table ng mga kaibigan ko. Maya't maya, bigla nalang silang pinalabas. Anong kagaguhan nanaman pinagkakagawa nila.

From: h03$30k
Hyng, wla pla clang tinitnda na dmo. Bdtrp.
#nofun

From: bÜt3+3
aNü üN9 4l@$ kü4trü??
#n4qt4t4k4N9t3t3

(Trans: from: butete
Anu ung alas kuatru??
#nagtatakangtete)

From: b4d?40 n9 b0H4ii n1 ?1N
Hyng, pinlabas kmi. Di daw ksi kmi nagoordr. Qingina nla.

Di ko nireplayan yung mga text nila dahil baka magkaroon kami ng session dito. Texting session kasi.

Isang araw nga nagtext lang kaming pito, hindi namin napansin na lumipas na pala ang isang araw.

"Hatid na kita pauwi." Sabi ko kay Jieun nang matapos kaming kumain.

"Yoongi, pupunta pa kasi ako kila Minho. Susunduin niya ako." Sabi niya sabay tingin sa baba.

"Ah ganun ba? Sige okay lang. Salamat nga pala na pumayag kang magdate tayo."

"Thank you din. Nag-enjoy talaga ako."

"Jieun, bago tayo umalis, may tanong ako. May pag-asa ba ako?" Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

Tinitigan lang muna niya ako bago magsalita. "Meron, Yoongi. May pag-asa ka sa akin."

"SERYOSO KA BA?! I LOVE YOU CHOI JIEUN! SALAMAT TALAGA!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin ang mga tao pero I don't give a shit.

"So let's go? Aantayin ko pa si Minho sa labas."

"Teka ulit Jieun, may sasabihin pa ako."

"Ano yun?"

"Ikaw lang sapat na."

Ngumiti naman siya sa sinabi ko at pagkatapos ay lumabas na kami. Napansin ko naman na agad nagtago yung Hotlogs sa likod ng puno.

Nang dumating si Minho, nag-apir kaming dalawa at sinundo niya na si Jieun. Nagsinglabasan rin naman yung tropa nang naka-alis na sila.

"HYUNG! SI HERA BA ANG KADATE MO?!"

"ANG GANDA TALAGA NI HERA."

"BAKIT DI MO SINABI SA AMIN NA SI HERA PALA YUN?!"

"ANG SEXY NI HERA!"

"ANG YAMAN PALA NIYA!"

"ANO YUNG ALAS-KWATRO?!"

"Guys, silent mode muna kayo." Sabi ko sa kanila. "Hindi siya si Hera, siya si Jieun. Magkamukha lang sila. Surprise bitch."

"Jieun?" Sabi bigla ni Taehyung. "Choi Jieun?"

"Kilala mo siya, Taehyung?" Tanong ko sa kanya.

"Oo hyung."

***

© The Italian Man Who Went to Malta

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top