bH0cxZ 30

Napangiti naman ako sa sinabi ni Hera. "Pwede, pakiulit nga?" Sabi ko.

"Letse ka!" Sigaw niya at mas lalong lumuha. Tumayo naman ako sa upuan para lumapit sa kanya at punasan ang luha niyang tumayo rin siya para yakapin ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Ang panget mo na nga, mas pumapanget ka pa kapag umiiyak." Panlalait ko.

"Pakyu." Bulong niya at mas niyakap ako nang mahigpit. "Teka lang, matagal ko na kasing gusto na mayakap kita nang ganito." Dagdag niya. Napatawa naman ako nang mahina at niyakap din siya nang mas mahigpit pabalik.

"Oo nalang." Sabi ko sabay halik sa noo niya. Nagulat naman ako nang tulakin niya ako nang mahina.

"Oy, walang halik sa noo muna. Hokage ampucha. Saan ka ba talaga galing ah?! Sa States o sa Japan?!" Tanong niya.

"Weh, corny." Sinabunutan naman niya ako bigla. "Aray ko, hayop!" Sigaw ko.

"Ikaw kasi eh! Ba't ngayon mo lang sinabi?! Kung kailan mas matanda na tayo at komplikado na ang lahat." Sabi niya habang hawak pa rin ang buhok ko.

"A-aray, bitawan mo muna ako." Sabi ko kaya binatawan nga niya ako.

"Ikaw kasi, ang landi-landi! Di lang malandi, malibog rin! Ako yung nasa harapan, tabi, at likod mo nun pero yung napansin mo yung kakambal ko!" Sabi niya habang hinahampas ako. Natawa naman ako sa kanya.

"Magkambal talaga kayo noh? Hinampas rin niya ako habang sinasabi na may galit siya sa akin." Sabi ko habang pinipigilan siya.

"Kambal ko nanaman!" Reklamo niya. Shet, ang cute. Niyakap ko naman siya bigla.

"Ikaw nga lang, sapat na sa akin. Di ko na kailangan ng iba, okay? Sorry na kung ang landi ko. Ikaw pa rin naman nakakuha sa puso ko eh." Sabi ko.

"Oo na, bhocxz. Ayan ka nanaman." Sabi niya nang mahina at bumitaw sa yakap. "Tama na nga landi, tangina. Kakausapin pa natin si Hyungwon." Sabi niya. Kinausap muna niya yung mga katulong at umalis na kami.

Di ko sinabihan si Taehyung na aalis kami, mukhang nag-eenjoy rin naman siyang kasama si Siweo.

"So ano na balak mo?" Tanong ko sa kanya habang nagmananeho ako papunta kung saan si Hyungwon.

"Divorce." Natapakan ko naman bigla yung preno dahil sa sagot niya kaya muntikan na kaming masubsob.

"TANGINA?!" Sigaw ko sabay tingin sa kanya.

"Tangina ka diyan, magmaneho ka lang! May ipapaliwanag pa kami ni Wonnie mamaya sayo."

"Wonnie amp. Wonnie manhi manhi." Bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala." Sagot at pinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Di rin nagtagal at nakarating kami doon sa cafe kung nasaan si Hyungwon.

"Bading na bading talaga itong si Hyungwon sa akin eh." Sabi nung katabi niya.

"Weh Wonho hyung, crush mo lang ako." Sagot sa kanya pabalik ni Hyungwon.

"Hyungwon, pakisabi nga na padagdag ng chicken. Nahihiya ako eh."

"Kihyun hyung, nahiya ka pa eh ubos na manok namin dahil sayo." Sagot ulit ni Hyungwon.

Parang nagkakagulo silang magkakaibigan doon sa table nila pero tuloy-tuloy pa rin naglalakad si Hera papunta sa kanila.

"Uy, Jihye." Bati sa kanya ni Hyungwon. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya. Sakto rin naman na naglakad papunta ako sa kanila. "Kasama mo pala si Yoongi. Hi." Bati naman niya sa akin.

"Hyungwon, mukhang may pag-uusapan yata kayo. Doon lang muna kami sa kabilang table." Sabi ng isa niyang kaibigan at lumipat sila.

"Ma, bigyan mo sila ng katulad sa order ko." Sabi ni Hyungwon doon sa babae sa may counter. "Mama ko kasi may-ari nito." Pagpapaliwanag niya sa akin. Tumango naman ako.

"Hyungwon." Tawag ni Hera. "Magdivorce tayo." Sabi niya agad-agad. Kaysa sa magulat, ngumiti pa si Hyungwon. Tangina, ako pa yung nagulat.

"Divorce? Tara. Pero, bakit?" Sagot niya.

"Teka, kingina. Para sa inyo ba wala lang yung kasal? Pagkatapos ng may nangyari sa inyo, paano si Siweo? Batang-bata pa yun para mawalan ng pamilya." Pang-eepal ko.

"Nangyari sa amin?" Pagtataka ni Hyungwon. "Ano pinagsasabi mo?"

"Sabi ni He--Jihye na may nangayari sa inyo." Sagot ko.

"Oy Jihye, ano pinagsasabi mo sa kanya?"

"Diba, sabi nila mommy hindi dapat malaman ng iba? Edi yun." Sagot ni Hera. Napakunot naman ako ng noo.


"Di ko kayo maintindihan. Ano ang nangyayari?" Tanong ko.

"Yoongi, naalala mo nung sinabi ko na anak talaga namin si Siweo? Nagsinungaling ako." Napanganga nalang ako sa sinabi niga.

"Caught in a lie." Sabi ni Hyungwon at natawa nang mahina.

"Manahimik ka nga Hyungwon, tulungan mo ako dito magpaliwanag." Utos ni Hera. Natawa nalang si Hyungwon sa kanya.

"Teka, ba't ka nagsinungaling sa akin?" Tanong ko.

"Kasi akala ko si Jieun pa rin gusto mo. Kaya ka bumalik sa bansa para sa kanya. Mas mabuti nang lumayo ka sa akin para mabawasan yung pag-aasa ko sayo." Sagot niya sa tanong ko. Unti-unti ko na rin naintindihan ang lahat.

"Manahimik ka pagkatapos mo malaman ito, Yoongi ah?" Sabi ni Hyungwon kaya tumango lang ako. "May ampunan kasi kaming binibisita at may baby kaming nakita doon. Alam mo naman yang si Hera, sobrang lambot sa mga batang walang magulang kaya inampon namin. Gusto rin ng nga magulang namin na magkaanak kami eh." Paliwanag ni Hyungwon.

"Isang taon akong di pumasok sa trabaho para lang mapaniwala ang lahat na buntis ako nun at buti naman gumana plano namin. Ikakasira ng business namin parehas kapag nalaman na nag-ampon lang kami." Sabi ni Hera.

"Siweo talaga pangalan niya?"

"Oo. Kay Hyungwon nga lang din kumakalma iyon kapag nagwawala. Kahit di namin tunay na anak si Siweo, mahal na mahal namin yun. Kami na yung legal guardians niya kaya kami na rin magulang nun. Di man kami magkadugo nun, anak na anak ang turing ko doon." Sabi ni Hera.

"Parehas pa kaming antukin kaya kapag sobrang antok at pagod na ako, siya kasama ko matulog." Sabi ni Hyungwon habang nakangiti.

"Antukin rin naman ako ah, pwede ko rin maging anak yun!" Sabi ko sa kanya.

"Oy, akin yung batang yun! Tara, pahabaan ng tulog!"

"Oh, tara! Dito pa nga tayo eh!" Pagtanggap ko sa hamon niya.

"Oy, wag mo awayin Hyungwon ko." Tapik sa akin nung kaibigan niya sabay sabi nun.

"Okay lang, Wonho hyung!"

"So walang nangyari sa inyo?" Tanong ko para bumalik sa usapan.

"Wala nga!" Sabay nilang sabi.

"Edi wala! Ba't kayo galit?" Pagbibiro ko.

"Bespar nga namin ang isa't isa." Sabi ni Hera at nag-apir sila. Di wow.

"Pero gusto mo na makipagdivorce diba?" Tanong ni Hyungwon kay Hera at tumango naman ito.

"Di ba magagalit sila tita at tito kasi mapuputol yung connection ng mga kumpanya natin?" Tanong naman ni Hera sa kanya.

"Hindi mapuputol yung connection natin." Napataas naman yung kilay ni Hera sa sinabi niya. "May gusto kasi ako kay Jieun. Siya yung gusto kong pakasalan. Kasi naman, naka-engaged siya sa iba nun, di rin naman pala itutuloy."

Naubo naman ako sa sinabi niya.

"Ha?! Sa kapatid ko?!" Gulat na gulat na tanong ni Hera.

"Oo, bakit ba? May namamagitan sa amin pero hindi pa kami." Masayang sabi ni Hyungwon.

"Ba't di ko alam?!"

"Ewan ko diyan kay Jieun. Kami na hindi kami, ganun. Tingnan niyo text niya sa akin dati." Pinakita naman niya sa amin yung text.

Hyungwon, di ko alam pero ang saya ko kapag kasama ka. Di naman yata masama itong nararamdaman ko diba? Kasal kasi kayo ng kapatid ko pero alam ko namang magkaibigan lang kayo. Ewan ko ba haha. Let's hang out again sometime, alright?

Napamura naman ako.

"Puta. Kaya pala..." Sabi ko.

(A/N: Para talagang puta ang sinabi niya sa gif, kaloka HAHA)

"Kaya pala?" Tanong nila.

"Wala." Sabi ko sabay iling. "Paano kayo magdidivorce?" Natawa naman sila parehas sa tanong.

"Pinagplanuhan na namin ito simula palang, Yoongi." Sabi ni Hyungwon.

"Mas madali magdivorce sa U.S. kaya doon kami kinasal. Pinilit namin sila na doon yung venue so ayun." Sabi naman ni Hera.

"So pagkatapos nito, tayo na?" Tanong ko. Napangiti naman siya dahil sa akin.

"Siguro, marami nag-aabang na maging tayo eh. Mas marami ang shippers natin kaysa sa inyo ni Jieun."

"Ano pinagsasabi mo?"

"Wala. Mag-antay nalang raw sila sa epilogue."

"Ha?" Umiling naman si Hera. Kinuha naman niya yung phone niya at maya't maya ay nakarecieve ako ng text na galing sa kanya.

From: Hera
L4bYü bH0ücxZ y%nG1 q <3

Napangiti naman ako at nagreply sa kanya.

To: Hera
m4$ m4hAL kT4 bH0ücxZ h3RA q! 1kH4w LnG sH4pAt nü4h :**
.
.
.
#Y%n3r4_LnG
#l4$+_©hApt3R
#bHoücXz_Iz_bAcK!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top