bH0cxZ 3
Ang sakit ng ulo ko.
Wag kayong ano! Yung ulo ko mismo! Yung may utak! Yung nasa taas! Di niyo gets? Okay lang yan, masyado ka pang inosente. Pero pag nagets mo, edi congrats malibog ka rin hehe.
"What was happened?" Tanong ko sa tropang hotlogs.
"Ewan ko." Sagot ni Taehyung na nangugulangot.
"Sinuntok ka ni Hera." Sabi naman ni Namjoon.
"Okay ka lang hyung? Pinagalala mo ako." Sabi ni Jimin na kasalukuyan hawak ang kamay ko.
"Pakyu." Sabi ko sa kanya at umalis na sa kama. Mahal ko ang mga kama maliban sa mga kama sa clinic o ospital.
Lalandiin nalang kasi ako ni Jimin, sa harap pa ng tropa. Shy type kasi ako, enebe. De biro lang uy. Nababakla nanaman yata yung pandak.
Pero langhiya yang si Jieun. Suntukin pa naman ang very hensem faceu ko. Magpasalamat talaga si Jieun at mahal ko siya.
Saka nagpalit pa siya ng pangalan na Hera. Daming alam.
Dahil free time namin, pumunta muna ako sa cafeteria ng school para matulog. Di ako sumama sa tropa, ang ingay nila. Nakakaasar.
Pagdating ko doon, nakahanap ako ng bakanteng upuan kaya pumunta ako doon. Bago matulog, nagtext ako kay Jieun sweg sweg baby ko.
To: bH0cxZ j13üN $w39 $w39 b4¥b3h k0H
¥ ü püN©H m3? m4$4k1+ b3H p3r0H m4$ m4$4k1+ 4N9 d m0h k0h m4h471N
-üR bH0cxZ $w439
(Trans: To: bhocxz Jieun sweg sweg baybeh koh
Y u punch me? Masakit beh peroh mas masakit ang d moh koh mahalin
-ur bhocxz swaeg)
Pagkatapos magsend ng message, natulog na ako pero bigla nalang may nagsalita.
"Hindi kwarto ang cafeteria para tulugan." Sabi bigla ni Jieun.
"Uy Jieun sweg sweg baby ko!" Bati ko at bigla niyang tinapakan ang paa ko. "Aray ko putangina! Anong ginawa ko?!"
"Hera nga ang pangalan ko! Sino ba si Jieun ah?!"
"Ikaw!" Tinapakan nanaman niya ang paa ko. "God damn it!"
"Hera nga pangalan ko! Kung sino man yang Jieun na yan, pwes mas maganda ako!"
"Eh ba't parehas kayo ng mukha?!"
"Baka idol niya ako at ginaya ang pagmumukha ko. Ganda ko kasi."
"Pakyu." Sabi ko. Alam ko na kung paano ko malalaman kung si Hera ba o si Jieun kausap ko. Basta, nagtatagalog na Jieun si Hera.
"Pakyu more. Bahala ka nga sa buhay mo." Sabi niya at iniwanan ako. Bumalik naman ako sa tulog ko pero bigla nalang akong binuhusan ng malamig na tubig.
"ABA! PUTA! SINO YUN?!" Galit kong tanong.
"Ako." Sagot ni Hera sabay ngisi.
"Ba't mo ginawa yun ah?! Gusto mo talaga makatikim sa akin! Kanina ka pa!"
"Ikaw titikman ko? Yuck. Yung kaibigan mo type ko. Hulaan mo sino hihi."
"Aba! Putangina mo!"
"Gago ka! Minumura mo ba ako?!"
"Oo! Bakit?! Iiyak ka na?! Pakyu ka talaga! Natutulog ako dito!"
"Cafeteria nga ito hindi kwarto! Kulit mong gago ah!"
"Ms. Cho! Mr. Min! Guidance, now!!" Sigaw bigla ng isang teacher. Wow, epal tong teacher na 'to. No sweg.
Kung hindi lang talaga niya kamukha si Jieun, baka kung ano na nagawa ko sa kanya. Natatapakan na niya ang sweg ko.
[Hera's POV]
Tangina niya. Akala mo kung sinong gwapo, kapal ng gilagid futa. Bakla yata to eh, sobrang puti. Ilang gluta ginagamit nito araw-araw?
"AT ANO SA TINGIN NIYO ANG GINAGAWA NIYO KANINA?!" Sigaw nung babae dito sa guidance. Malay ko ba kung sino yan, first day ko dito eh.
"Humihinga??" Hula ni Yoongi.
"MIN YOONGI!"
"Sweg." Sabi niya sabay taas nung gintong kwintas niya. Saan niya yan binili? Sa Recto?
"At ikaw naman Ms. Cho. Bago ka palang dito at yan agad ang nangyari. Hindi pa naman yan ang inaasahan ko mula sayo."
"Ma'am, ano ba akala niyo sa akin? Tahimik? Mabait? Anghel? WAHHAHAHAHAHA luh ma'am di kaya."
"Tapos na ba kayo? Pwede na ba akong lumabas?" Tanong ni Yoongi na halatang inaantok na. Wala talagang modo itong lalaki na to.
"Di pa tapos, mister! Alam niyo bang pinapanget niyo ang image ng school dahil sa pagmumurahan niyo kanina?!" Galit na sabi ni ma'am.
"Di wow. Pwede na akong umalis?" Epal bigla ni Yoongi.
"NAGSASALITA AKO MIN YOONGI! RESPETO NAMAN!"
"K. Hera, pakigising nalang ako 'pag tapos na yung concert ni ma'am." Sabi sa akin ni Yoongi at pinikit niya ang mata niya.
"MR. MIN!"
"Sweg."
Binatukan ko naman siya. "OY YOONGI! KAPAL TALAGA NG GILAGID MO! SAKA ANONG SWEG?! WALA KA NON! MIN YOONGI, YOU GOT NO SWEG!" Sigaw ko sa kanya.
Dinilat niya bigla ang isa niyang mata. Oh mah gahd. Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit ako na-aattract sakanya futugh.
Lumapit naman siya sa akin at dinilat na yung isa pa niyang mata. Sa ngayon, tinititigan niya ako at ang kaluluwa ko.
"I got no sweg??" Tanong niya at biglang ngumisi. "You got no jams."
Anong wala akong jams? Wala naman talaga akong palaman sa tinapay ah. Packing tape! Ilayo niyo siya sa akin!
"UMAYOS NGA KAYONG DALAWA! MAGCOMMUNITY SERVICE KAYO NANG ISANG LINGGO! EVERY AFTER DISMISSAL UNTIL 5 O'CLOCK! LUMABAS NA NGA KAYO! MAGSIMULA KAYO MAMAYA SA LIBRARY!"
Paglabas namin ng guidance, nakita ko na nakaabang yung tropa niya sa labas.
"Uy pandak. May kasama ka na sa pagiging jamless mo." Sabi niya.
"Talaga hyung? Sino? Ikaw? Jungkook? Taehyung?"
"Siya." Bigla naman aking tinuro ni Yoongi kaya lahat sila napatingin sa akin.
Ba't nila ako tinitingnan? Ganun na ba talaga ako kaganda? Wow! Tenks.
Dahil maganda ako, inirapan ko silang lahat at naglakad palayo. Ganun talaga pag dyosa.
Eh dahil sa loner ako at wala pa akong kakilala dito, dumiretso na ako sa susunod kong klase. Di rin nagtagal at isa-isa silang dumating hanggang sa nakakita ako ng naglalakad na gilagid. Kaklase ko nanaman siya? Jusko.
"Stalker." Sabi niya at tumabi sa akin. Pinakyu ko lang siya.
Nakita ko naman na nilabas niya ang cellphone niya. Yung totoo? Nokia? HAHAHAHAHAHA ako rin eh :--(
Napansin ko naman na may tinetext siya.
To: bH0cxZ j13ün $w39 $w39 b4¥b3H k0h
+4m4d 4k0h $4 m4r4m1N9 b494¥ m471b4N $4 m4H471N k4
-bH0cxZ $w4393r
(Trans: To: bhocxz Jieun sweg sweg baybeh koh
Tamad ako sa maraming bagay maliban sa mahalin ka
-bhocxz swaeger)
Wow. Jejemon pala siya. Saka ang corny ng text niya puta. Ang daming alam. Oo, nabasa ko yun. Bakit ba? Hehe.
"Ba't ka nagbabasa ng text ko? Selos ka?" Bigla niyang sabi.
"Sorry. Ayoko sa mga taong magilagid at mahilig sa gluta. In short, ayoko sayo."
"Ulol Hera." Sabi niya at sakto naman dumating yung prof namin.
Ang boring futugh. English Literature, nakaka-antok! Napatingin naman ako kay Yoongi na nakapikit na.
"Hera." Tawag niya bigla.
"Oh?"
"Wag mo ako titigan, baka matunaw ako." Sabi niya kaya napanganga naman ako nang saglit.
"Edi matunaw ka. Titigan ka pa naman ng isang dyosa."
"Hera." Tawag nanaman niya.
"Ano nanaman?"
"Ikaw lang sapat na."
Diba yun yung sinasabi ng mga jeje sa mga taong gusto nila? Gusto niya ako?
"A-anong sabi mo?"
"Ikaw lang sapat na, Hera."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top