bH0cxZ 29
"Saan mo nanaman ba ako kakaladkarin, hyung?" Reklamo ni Taehyung habang hinihila ko siya palabas ng resturant.
"Sasama ka sa akin papunta kay Hera."
"Bakit hyung? Gagawin niyo naman akong 3rd wheel eh!"
"3rd wheel ka diyan! Kailan ka pa naging gulong?! Ipasagasa kita eh."
"Kiss mo muna fwet ko."
"Akin na."
"Pakyu." Mura niya bigla sa akin.
"Tangina neto, ikaw nauna."
"Anong ako?! Letse 'to. Halika na nga." Sabi niya at nauna nang maglakad papunta sa sasakyan.
Parang ewan naman 'to. Kanina nagrereklamo, ngayon naman nagmamadali na.
"Teka." Sabi ni Taehyung nang makasakay na kami sa sasakyan. "Yung pagkain ko, di pa pala ako tapos. Yung pizza ko!" Sabi niya.
"Mayaman ka naman eh, bili ka nalang ulit mamaya. Uubusin naman nila yun eh." Sabi ko. Bigla naman siyang nagpout. Mukha siyang bisugo hayop.
"Bakit ba kailangan ako palagi kasama mo? TaeGi fanfic ba ito? Di naman ah!" Reklamo ulit niya.
"Kingina, para namang gusto natin makasama ang isa't isa sa isang fanfic. May Jimin ako, may Jungkook ka. Yun na yun!"
"Tangina, may masingit lang si otor eh noh?" Sabi bigla nung driver kaya naptingin kami sa kanya.
"MARLOU?!" Sigaw namin ni Taehyung.
"Ako nga mga paps. Did you miss me? Ahuehue." Sabi niya.
"TANGINA MARLOU, DATI JANITOR KA LANG NG SCHOOL. NGAYON DRIVER KA NA NAMIN? ABA, IKAW AH." Sigaw ko.
"Syempre, idol kita eh. Kung nasaan ka, nandoon rin ako." Sabi niya sabay kindat sa akin. Di ko alam kung mahihimatay ba ako sa diri o dahil sa pimples niya, pucha.
"Magdrive ka nalang bago pa kita tanggalan ng trabaho." Pagbabanta ni Taehyung.
"Hehe, okeh po, sir." Sabi niya sabay thumbs up.
"Oy, 'wag mo rin kaming ililigaw ah. Mukha ka pa namang maligno." Dagdag ni Taehyung. Tumawa nalang si Marlou at pagkatapos ay nagsimula nang magmaneho.
"Anyway, diba hindi natuloy yung kasal niyo dapat ni Jieun?" Tanong ko.
"Oo, last year lang din hindi pinatuloy." Sagot niya.
"Tangina, 6 years kayong engaged?" Tanong ko ulit.
"Oo."
"Bakit di natuloy?"
"Luh, diba sinabi ko yun sayo dati?" Tanong niya sa akin.
"Sa tingin mo ba nakikinig ako sa mga panahon na yun? Last year ako naging sobrang busy eh. Daming epal sa trabaho." Sagot ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Kinausap ko magulang ko na huwag nang ituloy iyon. Since business partners naman tayo at malaki na rin yang business niyo, mapapakinabang ka namin kahit wala na yung pamilya nila. Pero mukhang may balak kang pakasalan si Jieun dati kaya mas maganda na kung kayo nalang magpakasal at hindi kami. So ayun, kinausap nila yung pamilya nila Jieun at nagkasunduan yung dalawa na huwag nang ituloy yung sa amin." Paliwanag niya.
"Ahh." Sabi ko habang tumatango.
"Ahh ka diyan. Dumagdag nga sa problema ko eh. Yung balak mo yatang pakasalan may asawa na eh. Papatayin ako ng magulang ko at ipapatuloy nila yung kasal namin ni Jieun kapag nalaman nila yan."
"Tapos mastrestress ka nanaman? Tapos babalik ka sa dati na tahimik na Tete? Pakyu. Pati kami na-stress sayo nun."
"Hayop yang pagpapakasal na yan eh! Mukha bang gusto kong magpakasal para lang sa negosyo namin?! Kingina." Sabi niya sabay hawak sa buhok niya. Binatukan ko naman siya nang mahina.
"Loko, aayusin ko ito. Ako bahala." Sabi ko. Di rin nagtagal at nakarating na kami sa bahay nila Hera.
"Mga paps, aantayin ko kayo ah. Bilisan niyo, ayokong nag-aantay nang matagal." Sabi ni Marlou sa amin nang makababa kami.
"Opo, boss!" Sabi ni Taehyung sabay ngiti sa kanya.
"Gago, tayo yung boss." Sabi ko sa kanya.
"Ay oo nga pala hehe." Tawa niya at binalik ang tingin kay Marlou. "Bibilisan naming yang pagtanggal mo sa trabaho na yan kung hindi ka titigil." Pagbabanta ulit ni Taehyung.
"Sabi ko nga po, magpaparking na ako. Ingat po!" Sabi niya at pinark na yung sasakyan.
Nagdoorbell muna kami at maya't maya ay binuksan kami ng gate ng katulong nila kaya pumasok na kami.
"Yoongi, napadalaw ka!" Bati ni Hera sabay ngiti sa amin. Hawak-hawak rin niya yung anak niyang si Siweo. "Taehyung, nandiyan ka rin pala." Sabi niya at kumaway. "Maupo muna kayo." Sabi niya.
"Yaya." Tawag niya at may isang katulong ang lumapit sa kanya. "Padala muna si Siweo sa kwarto niya tapos paki-bantayan. Paki-utos rin sa iba na paghandaan sila ng meryenda." Sabi niya sabay abot sa anak niya doon sa katulong.
"Teka, ako nalang bahala kay Siweo." Sabi ni Taehyung sabay kuha doon sa bata.
"Oy, bata yan, 'di manika." Sabi ko. "Kapag may nangyari diyan kay Siweo..." Pagbabanta ko.
"Alam ko, makikipaglaro nalang muna ako sa kanya habang nag-uusap kayo."
"Yaya, pakidala nalang sila sa kwarto, salamat." Utos ni Hera at umupo na siya katapat ko. Umalis na rin sila Taehyung.
"Saan pala si Hyungwon?" Tanong ko.
"Ah yun? Kasama niya ngayon mga kaibigan niya, ngayon lang din sila nakalabas. Ba't ka pala napabisita?" Sabi niya. Kinabahan naman ako.
Sasabihin ko ba o sasabihin ko? Sasabihin ko nalang.
"May mahalaga kasi akong sasabihin." Sagot ko sa tanong niya.
"Talaga? Ano yun?" Sakto rin namang dumating yung meryenda. "Ay teka, kain ka muna." Yaya niya sabay turo doon sa sandwich.
Kinuha ko naman yun at kinain. Di pa ako busog doon sa New York steak ko kanina. Paano pa naman, kalahati nun sila kumain. Yamot.
"Salamat." Sabi ko.
"Bait mo ngayon, anyare? Haha. So ano ulit ang sasabihin mo?"
"Didiretsuhin kita, Hera."
"Didiretsuhin mo ako? Straight naman ako ah. 'Wag mo ako itulad sayo na gay for Jimin."
"Pakyu, Hera."
"Pakyu rin. Ano nga kasi?" Napangiti naman ako. Hera na Hera talaga 'tong babaeng ito.
"Hera." Tawag ko kanya. Pampatagal para intense, ganun.
"Oh?"
"Gusto kita." Pagdidiretso ko sa kanya. Nasamid naman siya bigla sa iniinom niya dahil sa sinabi ko.
"Ha?"
"Gusto kita. Nakakatangina lang kasi ang huli ko na. Ngayon ko lang din napansin kung kailan may pamilya ka na. Tangina Hera, mahal kita." Dire-diretso ko pang pagsabi sa kanya.
Napatahimik naman siya sandali at biglang tumawa. Minsan talaga nagtataka ako kung baliw ba ito o ano.
"Haha tangina Yoongi. Sa tingin mo sa loob ng ilang taon na yun, gusto pa rin kita, ha?! Na ikaw pa rin ang laman nitong puso ko?! Na ikaw pa rin ang mahal ko?!" Sunod-sunod niyang tanong sa akin at tumawa ulit. Napatahimik naman ako sabay tingin sa sahig.
Tangina Yoongi, huli ka na talaga. Gago ka kasi eh.
"Shet, ba't ako naluluha?" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at pinupunasan niya ang luha niya.
"Hera..."
"Tangina mo talaga, Yoongi! Kasi oo!" Sigaw niya. "Oo ikaw pa rin ang gusto ko sa loob ng pitong taon na yun!"
***
Last 1 chapter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top