bH0cxZ 27

"Hatid na kita pauwi." Yaya ko kay Hera.

"Wag na, may driver naman ako." Sagot niya sa akin.

"Sige, ingat ka pauwi." Sabi ko at kumaway sa kanya para magpaalam. Ngumiti naman siya sa akin at umalis na nga.

Nagtagal pa ako sa loob ng cafe ng isang oras kasi trip ko bakit ba. Ang aangal may kiss sa akin, sige ka.

Tapos aangal kayo, weh. Galawan niyo eh, tsk. Idol.

Tapos ayun nga, lalabas na sana ako nang may nakabangga ako sa pintuan. Napatingin naman ako sa kanya sabay nagtaka.

"Ba't ka bumalik? Namiss mo agad ako? Isang oras palang lumipas ah." Sabi ko kay Hera.

"So--" Napahinto naman siya sa sasabihin niya nang makita ako.

"So? Soso? Bastos ka talaga, Hera. Nako." Sabi ko. Nagulat nalang ako nang yakapin niya ako.

"Yoongi!" Sabi niya at bumitaw sa pagkayakap sa akin. Sinamaan naman niya ako ng tingin sabay hampas sa dibdib ko.

"I hate you! I hate you! I really hate you, Yoongi! Bwiset ka!" Sabi niya at patuloy pa rin sa paghahampas sa akin.

"Aray ko, Hera! Teka sa labas nga muna tayo." Sabi ko at hinila siya palabas ng cafe. "Ba't mo ako hinahampas?! Parang kanina lang nilibre mo ako ng kape."

"Anong Hera ka diyan?!"

"Jihye!"

"Jihye mo 'to!" Sabi niya sabay simangot. Tiningnan ko naman siya nang mabuti at na-realize ko na di pala ito si Hera. Agad ko naman siyang niyakap.

"Jieun, sorry." Sabi ko at mas niyakap ko siya nang mahigpit pero tinutulak naman niya ako.

"Galit ako sayo! Sobra! Bigla mo akong iniwan! Sabi ni Taehyung di niya alam kung nasaan ka pero magkasama lang pala kayo! Bwiset kayo!" Sabi niya sabay tulak sa akin. Napangiti naman ako nang konti.

"Jieun, kumalma ka muna. Magpapaliwanag ako."

"Paliwanag?! 7 years Yoongi! Paano mo mapapaliwanag ang 7 years, ang dami nang nangyari non!" Sigaw na niya. Yung ibang tao na naglalakad at napapadaan, nakatingin sa amin.

"Kaya ko ikwento yun sayo! Nakwento ko nga lahat yun nung last chapter eh!"

"Anong last chapter?"

"Wala. Kumalma ka kasi muna." Sabi ko at nanahimik naman siya pero ang sama pa rin ng tingin niya sa akin.

"Mas cute ka kapag nagagalit." Sabi ko sa kanya.

"Shut up. Stop flattering me with those flowery mouth of yours." Sabi niya. Napatawa naman ako.

Tangina, dati di ko pa naiintindihan yung sinasabi niya. Ngayon, feeling ko ang tali-talino ko, shet. Einstein, matuwa ka sa akin.

"I will shut up if my lips meets your lips." Sabi ko sabay ngisi sa kanya.

Napataas naman siya ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos pabalik.

"You improved a lot, Yoongs. Now speak. Kwentuhan mo ako at ipaliwanag mo sa akin ang lahat. Tanggalin mo 'tong pagkatampo ko sayo." Utos niya.

"Stop bossing me around, I'm also a boss." Sabi ko sabay hawak sa bewang niya habang naglalakad kami.

"Yung kamay mo! Saan tayo pupunta?!" Sabi niya na pilit tinatanggal ang kamay ko na nakapalibot sa bewang niya.

"Huwag ka na maarte. Patay na patay nga si Ella sa kamay na yan. Lalo na't ma-ugat yan." Sabi ko at mas hinila ko siya palapit sa akin.

"Who the hell is Ella?! At ano ang pake ko kung ma-ugat yan?!"

"Si otor hehe. Pero 'wag mo nalang pansinin, ang mahalaga kasama na kita ngayon." Sabi ko at huminto bigla sa tapat ng sasakyan ko. Inabot sa akin ng driver ko yung susi at ako ang umupo sa driver's seat habang nasa shotgun seat si Jieun.

"Kidnapping itong ginagawa mo."

"Paano ito naging kidnapping kung willing ka sumama sa akin? Doon tayo sa fountain malapit dito." Sabi ko at nagmaneho na.

Habang nagmamaneho, nagsimula na rin ako magkwento sa lahat ng nangyari. Sakto rin nanamn nang matapos ako ay kakarating lang namin sa lugar.

Bago bumaba sa sasakyan, hinubad ko ang jacket na suot ko at inabot sa kanya.

"Para sa'n to? Ano gaagwin ko dito? Ang init kaya."

"Para sayo. Alangan kainin mo yan, malamang isusuot."

"I hate you." Sabi niya pero sinuot pa rin ang jacket ko kaya bumaba na ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Ayaw kasi kitang mabastos ng ibang tao lalo na't public ito. Ako lang ang pwede. Public man or private." Sabi ko sa kanya at nilock ang sasakyan ko.

"Manyak!"

"Manyak mo 'to. Magsusuot nalang kasi yung damit, magpapakita pa ng cleavage at magsusuot ng palda na fit na fit. Tsk." Reklamo ko.

Pero kingina, kanina pa talaga ako nalilibugan dito kay Jieun. Ayan nanaman siya sa pananamit niya. Kanina pa ako napapatingin sa cleavge niya pero dahil nirerespeto ko siya, pinipigilan ko ang sarili ko.

"Gutom na ako." Sabi niya.

"I know, lunch date tayo sa isang Italian resturant. Ayun oh." Sabi ko sabay turo. "Libre ko na." Dagdag ko. Tumango nalang siya at pumasok kami sa loob.

Nag-order kami parehas at inantay ang pagkain namin.

"Baka gusto mo nanaman ng fok." Pang-aasar niya.

"Fok you." Sabi ko at tumawa naman siya.

"Pero galit pa rin ako sayo, Yoongi. Ni di ka man lang nagpaalam sa akin. Akala ko kung ano ang nangyari sayo."

"Hindi mo ba ako pinahanap? Ang yaman-yaman niyo."

"I don't. I trust in you. Alam kong di ka mawawala bigla-bigla nang walang dahilan. Alam kong babalik ka pero di ko naman aakalain na ganto katagal."

"Sorry ulit, Jieun. Gusto talaga kasi kitang i-surprise sa magiging bagong ako. Gusto ko na patunayin sa nanay mo na karapat-dapat ako sayo. Ayoko lang na ikakahiya mo ako dahil sa lagay ko noon at baka ikaw pa yung magtaguyod ng magiging pamilya natin." Sabi ko.

Di ko alam pero parang nakokonsensya ako habang sinasabi iyon. Na parang gusto ko humingi ng tawad kay Hera kasi parang 'pagtataksil' ang ginagawa ko pero gusto ko rin humingi ng tawad kay Jieun kasi naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko.

Napangiti naman siya sa akin at pinisil ang ilong ko. Napangiti naman ako.

"Yung gilagid mo, jusko." Sabi niya kaya napa-iling nalang ako. Sakto rin naman na dumating ang pagkain namin at kumain kami.

"Nga pala, may pamangkin ka na ah."

"Ah oo, yung anak nila Jihye at Hyungwon. Ang cute noh? Ako ninang nun." Sabi niya habang nakangiti.

"Anak talaga nila?"

"Oo, syempre. Loko ka talaga. Nakakatawa nga yung kambal ko nun nung naglilihi siya, kung ano-ano kinakain. Laging gutom." Pagkwekwento niya.

"Ah ganun ba? Haha, sige." Tangi kong nasabi.

Nang matapos ay tumambay kami sa tapay ng fountain.

"Inaantok na ako." Sabi ko.

"Lagi naman eh."

"Tulog ako ah." Sabi ko sabay higa sa balikat niya at pinikit ang mata ko.

"Yoongi." Tawag niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Jieun." Tawag ko pabalik sa kanya.

"Thank you sa effort mo na magbago para sa akin. Na-appreciate ko yun sobra-sobra."

"Of course."

"Pero Yoongi..." Sabi niya sabay iba ng tono ng boses niya. Bigla naman akong kinabahan.

"Pero?"

"Di ko alam kung paano ko ito sasabihin sayo eh. Baka magalit at malungkot ka sa akin."

"Hindi."

"Promise?" Tanong niya sabay abot ng pinky finger niya sa akin.

"Promise." Sagot ko at inabot yung daliri niya.

"Okay, fine. Sasabihin ko na." Sabi niya at binitawan ang daliri ko. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.

"Nung nawala ka, nung una sobrang pangungulila ang naramdaman ko. Namiss kita sobra at palagi kitang hinahanap. Pero habang tumatagal, nasasanay na ako. Yung pagkawala mo Yoongi, parang unti-unti na rin nawawala ang feelings ko sayo."

***

Last 3 chapters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top