bH0cxZ 26

"Asawa?" Tanong ko kay Hera. Napalunok naman siya bago sumagot sa akin.

"Oo, asawa ko." Pagsagot niya sa tanong ko. "Hyungwon." Tawag niya doon sa lalaki at lumapit naman yun sa kanya.

"Hm?"

"Usap muna tayo saglit." Sabi ni Hera. Ngumiti muna siya sa akin bago pumunta sa di kalayuan para makapag-usap sila nung Hyungwon.

Tiningnan ko naman mula ulo mukhang paa, este hanggang paa. Mas matangkad lang sa akin pero mas gwapo pa rin ako. Tsk, bumaba standards ni Hera. Napangisi naman ako sa mga iniisip ko.

Maya't maya ay bumalik na rin si Hera.

"Yoongi, tara." Sabi niya. Napakunot naman ako ng noo. "Usap tayo. Ang tagal rin nating di nakapag-usap." Dagdag niya.

"Yung a-asawa mo?" Tanong ko.

"Nagpaalam na ako." Sabi niya at kumaway sa kanya.

"Jihye, 'wag ka magpapagabi ah!" Sigaw ni Hyungwon.

"Opo!" Sagot pabalik sa kanya ni Hera at tumawa nang mahina pagkatapos. Umalis rin kaagad yung mag-ama niya.

"Tara, magkape tayo." Sabi niya at nauna nang maglakad. "Doon ka nalang sa sasakyan ko." Dagdag niya.

Maya't maya ay may sasakyan na huminto sa harapan namin. Pumasok naman siya sa likuran at sumunod naman ako sa kanya. Di rin kalayuan yung lugar kaya nakarating kaagad kami.

"Treat ko ngayon, ma-upo ka muna." Sabi ni Hera sa akin kaya napangiti naman ako at sinundan siya. Hanggang ngayon siya pa rin nanlilibre sa akin, tanginang yan.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-oorder sa may counter. Mas gumanda ngayon si Hera. Mas maayos na rin yung pananamit. Sa totoo lang, di mo maiisip na may pamilya na siya. Ang bata niya pa ring tingnan.

Tas tangina. Ang sexy na niya ngayon. Yung mga damit na sinusuot niya, shet. Yung figure niya kitang-kita. Pakyu ka Min Yoongi, libog pa rin hanggang ngayon. Saka pakyu, wag kang matigang sa kaibigan mo.

Napangiti nanaman ako nang mapansin ko na kinakausap ko pala ang sarili ko. Munggago lang.

Di rin nagtagal at umupo sa harapan ko si Hera sabay abot ng caramel macchiato sa akin.

"Musta na? Wala ng kulay mo buhok mo ah. Maputi ka pa rin." Bati niya sa akin sabay inom doon sa inumin niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "At magilagid." Dagdag niya.

"Aba-- tangina mo ba." Sabi ko. Natawa naman siya.

"Di ka pa rin nagbabago."

"Tumanda lang ako. Ikaw rin naman eh. Nagkaroon ka nga lang pamilya ngayon." Sabi ko. Napangiti naman siya.

"Ba't ka biglang nawala? Di ka man lang nagpapaalam sa akin. Sa kapatid ko. Alam mo ba kung gaano mo sinaktan si Jieun nun? Magkwento ka, hayop ka." Sabi niya.

"Tinulungan ako ni Taehyung kaya pumunta kami sa ibang bansa para doon magawa nang maayos ang lahat. Nung unang taon ko doon, purong pag-aaral lang ginawa ko." Pagkwekwento ko at nakikinig lang siya.

"Tapos nung pangalawang taon ko na doon, pinahiram ako ni Tete ng pera para makapagstart ng business. Nagsimula ako doon sa magulang ko. Street food na naging karinderya. 2 years bago lumago yun. Nung pang-apat na taon na, nagparami kami ng branches sa iba't ibang lugar sa bansa.

2 years rin yun bago nakilala yung business namin sa buong bansa kaya pagkatapos nun, nagsimula na kaming magpatayo sa ibang bansa na malapit sa atin. Tas ayun, ang bilis nakilala at ngayon, worldwide na yung business namin. Di na siya yung karinderya tulad dati, a classy resturant na siya. International at local foods rin yung kasama sa menu kaya ayun, big hit kami." Pagkwekwento ko.

Patango-tango naman siya habang nakikinig sa akin na magsalita. Nang matapos ako, tinitgan lang niya ako.

"Tingin ka diyan." Sabi ko.

"Di ka na jeje?" Tanong niya. "Yung pananamit mo, wala na yung sweg. Pang class A na yung damit mo. Tapos yang buhok mo na pa-iba-iba yung kulay dati, black nalang ngayon. Saka wala na yung chains mo." Pagpapaliwanag niya.

"Ganun pa rin ako. Kailangan ko lang maging maayos at matino sa harap ng maraming tao. Pero nabawasan na rin, sobra-sobra pa nga eh." Sabi ko.

"Paano na yan bhocxz Yoongi ko?" Pag-aarte niya. Napa-iling nalang ako.

"Ikaw, akala ko ba ako gusto mo ah? Ba't ngayon may asawa ka na? May anak pa nga eh."

"Arranged lang talaga yun, for the sake of our business. Pero naging maayos naman kami ni Hyungwon, we're like bestfriends to be honest. May mutual feelings kami sa isa't isa kaya okay na yun." Sabi niya.

"Anak niyo talaga yung bata?" Lakas loob kong tinanong. Kinakabahan ako sa sagot niya. Ayokong marinig na anak talaga nila yun. Ewan ko pero nasasaktan ako.

Sana hindi ang isagot niya. Sana hindi talaga anak yung bata.

"Oo, anak talaga namin yun." Nakangiti niyang sabi. "Nakakatuwa nga eh, parehas sila ni Hyungwon, antukin haha."

"Ako rin naman antukin ah! Ba't si Hyungwon pa? Tsk. Baka ako ama niyan." Sabi ko. Napataas naman agad yung kilay niya sa sinabi ko.

"Ha? Paki-ulit nga ng sinabi mo." Utos niya.

"Wala! Sabi ko dapat ako ninong niyan, parehas din kasi kaming antukin." Sagot ko.

"Pft. Ba't mo pala natanong?"

"Wala lang. Akala ko lang kasi na ampon lang."

"Hindi gago. Ginawa namin yan ng asawa ko."

"May balak ka yatang ikwento sa akin yang pag-ag ag ninyong dalawa tangina. Alis na nga ako." Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Hinawakan naman niya yung braso ko para pigilan.

"Di naman eh, loko ka." Sabi niya kaya bumalik ako sa upuan ko.

"Namiss kita, Yoongi. Ikaw na nga lang yung nandiyan sa akin palagi dati tapos bigla lang mawawala, bastos ka. Pero namiss talaga kita kahit purong kagaguhan lang tayo dati." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Nakaramdam naman ako ng kung ano sa tiyan ko.

"Namiss rin kita, Hera." Sabi ko.

"Ikaw na nga lang rin sa akin tumatawag ng Hera eh." Sabi niya at tumawa nang bahagya.

Ang cute niyang tumawa. Parang lumiliwanag yung buong paligid. Tapos yung eye smile niya, bagay sa kanya. Ngayon ko lang narealize kung gaano rin siya ka-importante sa buhay ko. Yung tipong mas mahalaga siya kaysa kay Jieun.

Tangina, naguguluhan na ako sa damdamin ko. Mahal ko si Jieun pero bakit feeling ko mas namiss ko si Hera? Siya yung mas gusto kong makasama.

***

Last 4 chapters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top