bH0cxZ 25

After 7 years

Inayos ko ang damit ko at kinuha ang bag ko sabay baba sa eroplano. Napangisi naman ako.

It feels so fucking good to be back.

"Mr. Min, let me help you with your bag." Sabi nung isang guard pero tumanggi ako at nagpatuloy maglakad.

"Teka asan si Taehyung?" Tanong ko. Napalingon naman ako at nakita ko siya na pababa na sa eroplano.

"Oy ugag! Ang tagal mo bumaba!" Sigaw ko.

"Oh talaga? Edi magpagawa ka ng escalator sa eroplano. Banas." Sagot niya pabalik sa akin.

Pagkalabas namin sa airport, may dalawang sasakyan na nag-aantay sa amin. Nilagay ng nga tauhan namin yung mga dala namin doon sa isang sasakyan habang kaming dalawa ay doon sa isa pang sasakyan.

"So ano na?" Tanong ko.

"Doon tayo sa pinag-usapan natin." Sabi ni Taehyung nang nakangiti. Ilang taon ko rin hindi nakita yung ganyan na ngiti ni Taehyung. Di ko napigilan ang sarili ko na ngumiti rin dahil sa kanya.

Pagkatapos ng isang oras na biyahe, bumaba kami sa sasakyan at agad na pumasok sa lugar na kailangan namin puntahan.

"Shh, nandiyan na silang dalawa. Wag kayong maingay."

"Ugag, wag ka madaldal! Maririnig nila tayo!"

"Shet, ang gwapo ni hyung."

"Tangina mo Jimin, wag ka maingay! Sasapatusin kita mamaya."

"1, 2, 3! WELCOME BACK TAEHYUNG AT YOONGI!" Sigaw ni Namjoon at may narinig nalang kaming pumutok. "Oy yung ilaw! Asan na?!" Reklamo niya at maya't maya ay bumukas na yung ilaw.

"Hyung, dapat ngumiti ka nalang para nagka-ilaw kaagad." Sabi ni Taehyung. Pinakyu ko nalang siya.

Napatingin ulit ako sa mga kaibigan ko at nakita ko silang lahat na nakangiti. Ang laki ng pinagbago nilang lahat, maliban kay Jimin. Maliit pa rin.

"HYUNG! NAMISS KO KAYO PAREHAS! TANGINA NIYONG DALAWA!" Sigaw ni Jungkook at agad na tumakbo palapit sa amin at niyakap kami nang mahigpit. Maya't maya ay narinig nalang namin na humihikbi na siya.

"Kookie, umiiyak ka ba?" Tanong ni Taehyung.

"Hindi ah! Kailan ba ako umiyak?! Mainit lang kasi tapos naka-tuxedo pa kayo parehas!" Sabi niya at pinunasan yung luha niya. Napangiti naman ako.

"HAYOP! ANG YAMAN MO NA YOONGI! ASAN NA YUNG CHAINS MO NA TIG-50 LANG SA BANGKETA?! SHET, IBANG-IBA KA NA! TAPOS TAEHYUNG, KINGINA! NGUMINGITI KA NA ULIT! KYAAH!" Sigaw naman ni Hoseok na hindi halatang sobrang saya.

Nakakagulo na kaming lahat pero hindi pa rin kami tumitigil na mag-ingay. Ilang years kaming naghiwalay pero hindi pa rin nun mababago kung ano ang pinagsamahan namin dati.

Nang tumino na kaming lahat, umupo kami sa upuan at nagsimula nang kumain.

"Para sa pagbabalik nila Yoongi at Taehyung." Sabi ni Jin sabay taas ng kanyang wine glass.

"Cheers!" Sigaw ni Namjoon at nagcheers kaming lahat sabay inom.

Aminado akong maraming nagbago sa akin. Ugali, pananamit, pagsasalita, pag-iintindi at lalo na sa pagtatype. Pero yung pagmamahal ko sa pamilya, mga kaibigan at sa babaeng gusto ko lang ang hindi.

Antayin mo ako, Jieun. Magkikita na tayo ulit.

Nagsayawan kaming lahat kahit na lasing na kami. Tuwang-tuwa kami kasi pagkatapos ng ilang taon na hindi nagsasama, nakita na rin namin ang isa't isa ng personal.

Purong sa internet kami nag-uusap. Nung graduation namin ng college, video call lang kami. Lahat halos tawag at text lang. Pati kami ng magulang ko.

Inabot na rin kami ng gabi sa party namin.

"HYUNG! HYUNG! HYUUNGGG!" Sigaw ni Taehyung.

"OH?!" Sagot namin.

"Tingnan mo 'tong lalaki na ito." Sabi niya sabay turo sa salamin. "Ginagaya ako! Hayoooppp!" Dagdag niya.

"Crush siguro ako nito." Sabi ni Taehyung at lumapit sa salamin sabay halik doon.

"Malala na si Taehyung." Sabi ni Namjoon.

"Ibang klase kung malasing." Dagdag ni Jin. "Pero may gwapo akong katabi, nababakla ako." Sabi ni Jin sabay sampal sa sarili nang limang beses.

Luampit nalang siya kay Namjoon at hinalikan ito sa pisngi.

"Hehe, okay na ako." Sabi ni Seokjin at biglang bumagsak.

"Gayshits." Bulong ko.

"Hyung, tayo rin dali." Sabi ni Jimin kaya tinulak ko siya nang mahina.

Tinawag ko yung mga driver at sinabihan na ihatid na kaming lahat sa hotel. Ako lang ang di natatablahan masyado ng alak kaya ako lang ang may matinong pag-iisip ngayon.

Nagpatulong ako na dalhin sila sa kanilang mga suite at agad silang nakatulog.

Naghilamos muna ako at pagkatapos ay natulog. Maaga akong nagising kinabukasan dahil may mga balak pa ako sa araw na ito.

"Choi Enterprises. How can I help you sir?" Tanong nung babae sa front desk.

"Min Yoongi, I'm visiting someone here, Choi Jieun." Sagot ko.

"Nakaschedule po ba kayo para makipagmeeting sa kanya ngayong araw?"

"No. Not today. Saglit lang ito. May sasabihin lang na mahalaga."

"Okay, sir. Please wait for a minute. Tatawag lang po ako sa office ni ma'am." Tumango lang ako.

"Don't mention my name." Sabi ko.

Tumawag siya sa office ni Jieun pero maya't maya ay sinabihan ako nito na wala siya ngayon sa kanilang building.

"Thank you." Tangi kong nasabi.

Paalis na sana ako nang bigla akong may nabangga na batang lalaki. Napatumba naman agad ito kaya umiyak. Mga 2-3 years old palang ito base sa itsura at laki niya.

Napaluhod naman ako at tinayo ito pero di pa rin siya tumitigil sa kaiiyak.

"Ya, listen here kid." Sabi ko. "Sorry, okay? Di kita nakita kaya tumahan ka na. May masakit ba sayo?" Sabi ko. Di pa rin ito tumigil sa kaiiyak.

Kaya minsan ayoko sa mga bata eh. Nakakarindi yung iyak nila.

"Sorry." Sabi ko at niyakap ko ito. Di ko alam pero kahit naasar ako sa kanya ay magaan pa rin ang loob ko. Yung tipong magkakasundo kami.

Tumahan naman ito nang yakapin ko kaya humarap ulit ako sa kanya sabay punas sa luha niya.

"Saan magulang mo? Ba't ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ko.

"I'm sleepy." Sagot niya sa akin kaya napangiti naman ako. Parehas lang kaming antukin, nakakatuwa.

"You're sleepy? I'm sleepy too. Hanapin muna natin magulang mo tapos matulog ka ah. Sino ba mommy at daddy mo?" Tanong ko.

"Nandiyan ka lang pala. Diba sabi ko wag kang tatakbo palayo kay daddy? Halika nga dito, Siweo." Napalingon naman ako sa nagsalita at may nakita akong isang matangkad na lalaki na may makapal na labi. Oo, may itsura siya. Parang model, pangmayaman pa yung damit.

"Appa!" Tawag nung bata at tumakbo siya doon sa lalaking iyon. Binuhat naman siya kaagad nung tatay niya.

"Ikaw pala yung tatay." Sabi ko. "Inaantok na anak mo." Dagdag ko at ngumiti naman ito sa akin.

"Mana sa akin." Sabi niya kaya natawa naman kami parehas nang mahina.

"Chae Hyungwon." Pagpapakilala niya sa akin.

"Min Yoongi." Sagot ko naman. Magkakamayan na sana kami nang may magsalita na pamilyar na boses.

"Hyungwon-ah! Kasama mo na si Siweo?" Napalingon naman ako sa babaeng nagsalita at nanlaki yung nata nito nang makita ako.

"Y-yoongi?" Tanong niya sa akin at ngumiti naman ako.

"Jihye, magkakilala kayo?" Tanong ni Hyungwon sa kanya.

"O-oo. Kaibigan ko dati, si Yoongi." Sagot ni Hera na di pa rin matanggal yung tingin sa akin.

"Hi Hera." Bati ko sabay ngiti sa kanya.

"Y-yoongi, si Hyungwon nga pala. Asawa ko. Anak namin, si Siweo." Pagpapakilala niya. Agad na nawala ang ngiti ko sa mukha.

***

Last 5 chapters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top