bH0cxZ 21
[Hera's POV]
"Jieun, wala akong balak na agawin si Yoongi sayo maniwala ka." Bungad ko sa kambal ko nang makapasok siya sa loob ng bahay. Napakunot naman yung noo niya tapos biglang tumawa. "Luh."
"Pinagsasabi mo? Haha!"
"Di ka galit sa akin?"
"Why would I? Alam ko naman na close kayo ni Yoongi. Saka di mo naman kasalan na nagkagusto ka sa kanya."
"Di ka ba nagseselos?" Tanong ko habang nakapikit. Natatakot ako sa magiging reaksyon nito, jusko.
"Depende. Di pa naman kami officially na kami na talaga. Gusto ko kasi siya ipakilala sa magulang natin kaso natatakot ako na baka di siya matanggap dahil alam mo na." Napahinga naman ako nang maluwag sa sagot niya.
"Pero gusto mo ba siya?" Tanong ko.
"Oo." Sagot niya. Napatango naman ako.
"Jieun, pwede ba ako magpaalam sayo?" Tanong ko ulit.
"Ano yun, Jihye?"
"Yuck, anong Jihye? Jihye who?" Sabi ko. Di ko trip yung totoo kong pangalan. Mas may swag pa rin yung 'Hera'. Lol, swag. "Pero anyways, pwede ba akong makipagbonding kay Yoongi? Last na ito. Hindi na ako lalapit nang sobra-sobra sa kanya." Pagpapaalam ko.
"Why are you asking me that?"
"I'm just getting your permission. Baka magalit ka bigla sa akin." Sagot ko. Wag kayo, english yung una kong reply. Magiging englishera na ako mga fafs.
"Di mo na kailangan, grabe ka haha. Go lang." Sagot niya sabay kindat sa akin. Shet, ang ganda ng kambal ko. Kaya ang ganda ko rin eh, hehe. Pero kung lalaki ako tapos hindi ko ito kakambal, kikiligin ako sa kindat niya kaloka. Umakyat nalang din siya sa taas pagkatapos.
Napangiti ako sa sagot niya at tinext si Yoongi.
To: Bhocxz Yoongilagid
bH0ücxZ Yoongi!!! Usap tyo bukas. 4 more details, talk 2 me tom (。>﹏<。)
Nang maramdaman ko na nauuhaw ako, pumunta ako sa kusina para uminom nang tubig nang marinig ko yung pinag-uusapan ng dalawang katulong dito.
"Tuloy ba yung pagpapakasal kay ma'am Jieun doon sa anak ng mga Kim?" Sabi nung isa. Napakunot yung noo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Si Jieun, ikakasal? Kim?
"Sino ulit yung lalaki? Kim Taecyon ba yun?"
"Ulol, Ok Taecyeon kasi yun. Ayan ka nanaman sa mga kpop kpop na yan, tsk."
"Kim Tae--"
"Hyung! Ayun! Si Kim Taehyung!" Si Tete? Diba mayaman din yun? Kaya siguro--oh my god? Alam ba ni Yoongi yun?
"Kaso ayaw ituloy ni ma'am eh."
"Palibhasa, mga true bones kasi."
"Anong true bones? Totoong buto?"
"Hindi, doon yun sa mga historical k-dramas."
"Koreaboo ko talaga noh? Bahala ka na nga diyan! Baka makita pa tayo nila ma'am na nagdadaldalan dito, matanggal pa tayo." Narinig ko nalang na naglakad na sila palayo.
Napaisip naman ako nang saglit sa pinag-usapan nila. Arrange marriage? Ang cliché naman ni author. Porket mayaman yung anak eh, tsk. So ipapakasal din ako? Luh, kanino kaya? Sino pa ba mayaman na kakilala ko? Hehe, mga bhocxz lang din pala mga kakilala ko.
Kinabukasan hindi pumasok si Yoongi sa school, di ko rin alam bakit. Sinubakan ko siyang tawagin pero hindi siya sumagot kaya pumunta nalang ako sa bahay niya.
"Tao po." Katok ko sa pintuan nila. Di rin nagtagal at bumukas yung pintuan at niluwa yung nanay niya. "Hello po, hehe. Nandiyan po ba si Yoongi?" Tanong ko.
"Jusmiyo hulog ka ba ng langit?" Tanong nung nanay niya.
"Sinasabi niyo po bang bawal ako sa langit?"
"Ah, hindi naman iha hehe. Ang ganda mo kasi, nakakatomboy ka. Syota ka ba ng anak ko? Aba, matindi yung gilagid na yun. Nakahuli ng isda."
"Ah hindi po, kaibigan lang. Nandiyan po ba siya? Hindi kasi pumasok."
"PUMASOK SAAN?!" Sigaw ng nanay niya na napahawak bigla sa dibdib niya.
"SA SCHOOL PO KASI!" Sigaw ko rin.
"Anong ingay ang nangyayari dito?" Napangiti naman ako na nakita si Yoongi.
"YOONGI!" Sigaw ko kaya naman nagising siya.
"Hera diba? Oo, ikaw si Hera, sumisigaw eh. Ba't ka nandito?" Tanong niya habang kinakamot yung mata niya at inaayos ang buhok.
"Ugag, ba't di ka pumasok?"
"Ha?"
"Ba't di ka pumasok?"
"MAY PASOK?! KINGINA?! Hayaan mo na, isang araw lang naman. Ba't ka nandito?"
"Di mo ba nabasa yung text ko? Palagi ka kayang nagtetext."
"NAGTEXT KA?!" Nagmadali siyang kunin yung cellphone niya at bumalik. "Lowbatt, hehe." Sabi niya sabay ngiti. "Akala ko ba lalayo ka na sa akin? Ba't nandito ka ngayon? Di mo talaga ako matiis."
"Kapal. Last ko na to kaya gagala tayo. May pera na ako ngayon kaya malilibre kita, dali bihis ka na. Alam ko naman na gusto mo kapag libre." Sabi ko. Pinapasok nila ako saglit at pagkatapos ay natapos na rin si Yoongi.
Nagulat naman ako sa bagong style niya ng pananamit. Di na siya sobrang jeje, katulad dati.
"Naks, umaasenso na tayo ah." Sabi ko.
"Syempre, tara na." Sabi niya at nauna nang lumabas. "So saan tayo?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Sa lugar kung saan madilim at walang tao." Sabi ko sabay kindat sa kanya. Napangiti naman siya nang sobra. "Joke lang, ngiti ka pa diyan."
"Pakyu, umasa ako."
"Sa park tayo."
"Ba't pa sa park kung pwede naman kay Jimin?"
"Ha? Di ko gets."
"Park Jimin."
"Why park Jimin when you can ride Jimin?" Tanong ko at ngumiti.
"Libog ng babaeng 'to. Wag mo isama si Jimin sa usapan na 'to kung ayaw mong itapon kita sa ilog." Pagbabala niya kaya tumawa nalang kami.
Nang makarating kami sa park, umupo kami sa damuhan.
"Wala akong alam na magandang puntahan maliban dito eh, sorry. Gusto mo ice cream? Libre kita." Tanong ko. Di ko na inantay sagot niya at bumili ako. Bumalik din ako kaagad nang matapos.
"Nagtanong ka pa." Sabi niya at binigay ko sa kanya yung ice cream.
"Alam ko naman na gusto mo eh, pa-humble ka lang."
"Nga pala, diba sabi mo dati may gusto kang isa sa tropa ko? Sino yun?" Tanong niya bigla.
"Ah yun, wala talaga. Palusot ko lang yun." Napatango naman siya sa sagot ko.
"Alam mo ba, dati banas na banas ako sayo." Panimula ko.
"Sa akin? Pft, ako rin kaya. Ikaw lang kaya yung nakikipagtalo sa akin. Lahat takot."
"Ayun nga eh. Kababae kong tao pinapatulan mo ako?! My god, where's the respect?"
"Babae ka ba? Saka yumaman ka lang, nag-eenglish ka na diyan. Pwe."
"Pakyu. Tapos ang hangin mo pa. Tas yang gilagid mo. Tas kung paano ka magtype, sakit sa mata. Umaalon yung text messages mo!"
"Wow, parang ikaw hindi ka ganun magtype."
"Mas malala yung sayo kumpara mo sa akin, ugag. Mandadamay ka pa ah, ulol!" Napatawa naman siya tapos biglang tumahimik.
"Yoongi, di ako sanay kapag ganyan ka. Di ka naman seryoso ah, natatakot tuloy ako."
"Cho Hera. Choi Jihye. Iisa lang naman sila pero magsosorry ako sa dalawang yun. Parehas kasi silang nagkagusto sa akin na may gusto sa ibang tao eh. Ang paasa ko ba? Ang fuckboy ko ba? Ang sama ko ba? Ang tanga ko ba? Lahat yata oo ang sagot. Ayaw ko naman saktan ka, Hera. Kaso iba talaga gusto ko. Kahit gawin mo ito hindi kita magugus--"
"Wag mo na ituloy, sasaktan mo pa ako lalo eh, pakyu talaga. Sagad. Alam ko yun, tanggap ko. Gusto ko gumala kasama ka ngayon kasi last na ito. Pagkatapos nito, ipaparaya na kita. Saka, Choi na ako ngayon. Mas marami na yata aking makikita mga papa." Sabi ko sabay kindat.
"Gusto mo ng maraming papa? Sa Italy ka pumunta! Maraming mga papa doon, banal pa!"
"Italy? Kung itali ko kaya yang bibig mo para manahimik ka?"
"Itali mo nalang yung kamay ko sa kamay mo para di na kita bibitawan pa." Sabi niya sabay kindat.
"Puque ka. Daming alam." Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Thank you sa naging desisyon mo, Hera. Ayaw sana kita pakawalan kasi isa ka sa mga mahahalagang tao na nakilala ko kaso nasasaktan kita eh. Ayaw ko makita yun kaya mas okay na siguro yung ganito." Sabi niya nang seryoso.
Mapapaluha na sana ako kasi nasasaktan talaga ako kaso naalala ko na hindi ganito ang Yoongi na nakilala ko nung una. Hindi kami ganito dati.
Tinapakan ko yung paa niya kaya napasigaw siya.
"TANGINA?!"
"Drama mo, boy. Magkikita pa naman tayo sa school, di pa ako mamatay. See you tomorrow, puamsok ka ah!"
Akala ko magkikita pa kami bukas sa Cypher University. Ang di ko alam, pinalipat na pala nila ako sa school rin ng kambal ko, sa Triptych Institute. Ganito ba kalayo ang estado natin sa buhay?
Sana pala hindi ko na nakilala ang totoo kong pamilya kung malalayo lang rin ako sayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top