bH0cxZ 20
"Teka nga lang. Naguguluhan pa rin ako. Jieun, pumasok ka muna sa loob. Mag-uusap muna kami saglit ni Hera." Sabi ko. Tumango lang si Jieun at bumalik sa loob.
"Hera. Baka nagkakamali ka lang sa nararamdaman mo sa akin. Iba yung kaibigan sa pag-ibig. 'Wag mo sanang isipin na parehas lang yun." Sabi ko.
Tangina, ano itong pinagsasabi ko? Ang dami kong drama. Akala mo marami na akong naging ka-lovelife dati eh ni isa wala pa ako. Ka-anuhan ko lang yung dati, hehe.
"Alam ko, Yoongi. Sana nga nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko pero hindi eh. Ang bobo ko, sobra."
"Hera. Alam mo naman yata na si Jieun ang gusto ko diba? Ayaw kitang saktan pero--"
"Pero nagawa mo na, Yoongi."
"Sorry na, gwapo lang." Natawa naman si Hera sa sinabi ko. "Tas tatawanan mo ako? Wow."
"Kingina mo, Yoongi. Seryoso kasi tayo dito tapos bigla kang hihirit. Ibang klase ka talaga. Pero huwag kang mag-alala, pipigilan ko na itong nararamdaman ko."
"Hera, sorry kung hindi ikaw yung nagustuhan ko. Akala ko rin biro lang nararamdaman ko kay Jieun pero habang tumatagal mas lumalalim. Mas nagustuhan ko siya bilang siya. Saka kaibigan lang talaga tingin ko sayo."
"Alam ko. Okay lang ako, Yoongi ano ba? Alam mo rin naman yung mga naging pinagdaanan ko kaya keri ko 'to. Mag-uusap pa yata kayo ni kambal, tawagin ko nalang siya." Sabi niya at ngumiti sa akin bago pumasok sa loob.
Maya't maya ay si Jieun na yung lumabas.
"Yoongi, kung gusto mo si Hera sabihin mo na para tumigil na akong umasa pa sayo. Saka nakikita ko naman kung gaano kayo kahalaga sa isa't isa kaya ako na ang magpaparaya. Okay lang sa akin." Sabi agad ni Jieun.
Tangina. Ang haba ng buhok ko, shet.
"Jieun. Huwag ka naman ganyan."
"Seryoso ako, Yoongs. Saka parehas na parehas kayo ng ugali, magkakasundo agad kayo. Tingnan mo tayo, ikaw ang nahihirapan dahil sa akin. Ayokong nakikita ka na ganyan."
"Jieun, ikaw yung pinili ko. Ikaw yung gusto ko kaya sana 'wag kang bumitaw."
"Ako?"
"Oo, ikaw."
"Pero paano si Hera? Ayoko ring masaktan kapatid ko."
"Ako rin. Mag-iisip ako ng paraan. Kaya please, wag mo muna akong iiwan."
"Kung yan ang gusto mo, pagbibigyan kita." Napangiti naman ako sa sinabi ni Jieun. Hinawakan ko yung kamay niya at pinisil.
"Thank you." Sabi ko sabay halik sa kamay niya at umalis na.
Tumambay muna ako sa 7/11™ hanggang sa dumilim. Lalabas na sana ako nang tawagin ako ng isang lalaki sa cashier.
"Oy kuya." Tawag niya.
"Oh?" Tanong ko sabay taas ng isang kilay ko.
"Tatlong oras ka nang nandito pero ni isa wala kang binili?" Reklamo niya.
"Wala nga. Wala naman akong pera eh."
"Aba kapal nito."
"Sobra." Sabi ko at umalis na. Sinasayang niya oras ko.
Umupo ako sa isang kanto at biglang may isang lalaking tumabi sa akin.
"Okay ka lang, hyung?" Tanong niya at nakita ko si Sehun.
"Hindi eh. Masakit tenga ko."
"TALAGA?! BAKIT?!" Sigaw niya sa isa kong tenga kaya binatukan ko siya kaagad.
"Tangina masakit na nga, sisigawan mo pa."
"Thorry. Tath ako nanaman yung thithithihin? Pare-parehath lang kayong mga hyung ko." Sabi niya at nagpout bigla.
"Ba't ka nakanguso diyan? Mukha kang bisugo."
"Bithugo mo mukha mo."
"Hi mga pre." Sabi ng isang lalaki.
"Tangina sino yun?" Tanong ko at tumingin-tingin sa paligid pero wala akong nakita.
"Thi hyung yan."
"Taehyung?"
"Thi hyung."
"Wala naman si Tete ah."
"Hindi kathi thi Taehyung hyung. Thi Kai hyung kathi. Jongina naman oh. Pathnea."
"Ah si Kai. Asan? Di ko pa rin makita." Sabi ko at maya't maya ay nakaramdam ako nang may bumatok sa akin.
"Tangina mo talaga Yoongi. What's your problems man? Share mo, like ko with matching comment." Sabi ni Kai. May inabot naman siyang bote ng beer sa akin.
"Kasi naman. Sobrang hirap maging gwapo. Alam ni--ARAY KO! PROBLEMA MO?!" Sabi ko nang batukan ako ni Sehun.
"Magkwekwento ka nalang, thinungaling pa. Hayth."
"Pakyu." Sabi ko. "Ganito kasi. May gusto ako sa isang tao na gusto rin ako. Pero yung kambal niya na kaibigan ko, may gusto rin pala sa akin. Haha, kingina."
"Ganito nalang. Bigay mo sa akin yung isa." Sabi ni Kai at ngumiti-ngiti pa.
"Paputi ka muna."
"Joke, walang pag-asa."
Uminom naman ako doon sa bote ng beer na binigay sa akin.
"Mahal ko tong babaeng to pero kingina, mas masasaktan pa siya kapag pinagpatuloy ko. Di ko alam gagawin ko, men."
"Thino ang pipiliin ko. Ikaw ba na pangarap ko, o thiya bang kumakatok tha phuto ko, oh~" Kanta ni Sehun.
"Kakatukin ko talaga yang puto mo kung di ka titigil." Banta ni Kai.
"Oh talaga hyung? Ulol."
"Ulol mo rin. Wag kang kakain mamaya, hinayupak ka."
"Ithuthumbong kita kila hyung. Letthe ka." Sabi naman ni Sehun.
Inubos ko muna yung isang bote ng beer at tumayo agad ako.
"Ewan ko sa inyo. Salamat nalang sa beer." Sabi ko at umalis na ako.
[Taehyung's POV]
"Ma, ayoko nga kasi. Magagalit si Yoongi hyung sa akin." Sabi ko.
"Ano naman kung magalit yang kaibigan mo? Bakit? May maitutulong ba siya sa negosyo natin? Wala naman diba?"
"Ma naman. Si Jieun nga kay Yoongi hyung. Ayokong pakasalan siya." Pagmamakaawa ko ulit.
"Jieun? Hindi na siya yung papakasalan mo. Yung kambal niya. Si Jihye. Hera yata tawag sa kanya." Sabi ng nanay ko.
"Si Hera?"
"Oo."
Napatahimik naman ako. Tangina. Si Yoongi hyung din gusto nun.
"Kailangan niyo nang magpakasal agad. Babagsak na talaga nang tuluyan yung--"
"Wala naman kayong ibang iniisip kundi yang negosyo na yan eh. Sana hindi nalang ako pinanganak na mayaman. Sana katulad nalang ako ng mga kaibigan ko na simple lang yung buhay. Sawang-sawa na ako." Sabi ko at pumasok sa kwarto ko.
Tinawagan ko naman kaagad si Jimin.
["Uy Tete. I'm like Tete. Just like Tete u--"]
"Jimin. Kailangan ko ba talaga magpakasal?" Tanong ko.
["Ikaw ba talaga si Taehyung? Bro, nung isang araw ka pa. Hindi ka naman ganyan. May pinagdadaanan ka noh?"]
"Jimin. Di ko alam kung makakabalik pa ako sa dating ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top