bH0cxZ 19

[Yoongi's POV]

Isang linggo.

Ganun na kataggal hindi nag-uupdate si otor. Baka mas higit na nga eh hays.

Joke lang.

Isang linggo na akong di pinapansin ni Hera. Di ko alam bakit, wala naman akong ginagawa.

Kapag kakausapin ko, tatarayan ako. Kapag lalapit ako, biglang lalayo. May sakit ba ako? Mabaho ba ako? Aba. Ang linis ko sa katawan ah.

Saka ang cute ko kaya masyado para layuan niya. Ang swerte nga niya kasi ako pa yung lumalapit para mapansin niya.

Tanungin ko nalang si Namjoon.

De joke kasi ano ba.

"Uy Hera." Pagtawag ko sa kanya nang makarating siya sa room namin.

"Hello?" Kinuha niya phone niya at may kinausap doon. Di ko alam kung may kausap talaga siya o wala. Kung wala, muntanga siya.

Tapos isa din itong si Taehyung. Biglang tumino. Lahat na ng pinagsasabi niya may sense. Tangina lang, nakakatakot.

Ano ba nangyayari? Puta.

Baka may nangyari kila Taehyung at Hera? Pakshet na mainit.

PAANO NGA KUNG?!?!

Swerte naman ni Taehyung, ganda pa naman ni Hera.

Oy pero mas maganda Jieun bebelabs ko.

Kinabukasan, ganun pa rin yung babaeng yun.

"Hera. Pansinin mo naman ako. Ano ba ginawa ko ah?" Sabi ko habang sinusundan siyang maglakad.

Nagulat naman ako nang huminto siya bigla.

"Pwede ba, Yoongi? Nakakabanas ka na ah. Tangina mo. Lubayan mo ako." Sabi niya sabay irap sa akin. Bwiset talaga 'to.

"Ano ba kasi ginawa ko ah? Ah. Kasi ang pogi ko, ganun ba?" Sabi ko sabay ngiti.

"Hindi ka nakakatuwa. Pati yang gilagid mo." Sabi niya at tinapakan yung isa kong paa nang malakas.

"ARAY PUTA!" sigaw ko. Hahawakan ko na sana ang paa ko nang bayagan niya ako.

"TANGINA, YUNG AGUST D KO." Sabi ko sabay hawak kay Agust D habang dinadamdam yung sakit.

"Tangina mo, Hera." Sabi ko habang nagtitiis pa rin sa sakit ni Agust D. Ngumisi lang siya sa akin at pagkatapos ay umalis na kaagad.

"Hyung, may bayag ka pa ba?" Tanong ni Jimin sa akin na biglang sumulpot kasama yung tropa.

"May bayag ba yan?" Sabi naman ni Jungkook kaya tawa naman nang tawa silang lahat.

"Letse kayo. Paano na dadami ang lahi ko niyan? Puta, ang sakit pa rin." Reklamo ko.

"Pumunta ka kasi sa clinic. Hingi ka ng yelo pampalamig diyan sa betlog mo." Sabi ni Jin hyung.

"Jimin, samahan mo nga yang bading na yan." Utos ni Namjoon.

"Ulol." Sabi ko.

"WAG! BAKA IBA MANGYARI DIYAN." Sigaw ni Hoseok.

"Weh Hoseok hyung, selos ka nanaman." Pang-aasar ni Taehyung.

"Di naman kailangan ni hyung ng yelo kung mas malamig naman si Hera kaysa doon." Sabi ni Jungkook sabay ngisi.

"Shet. Si Hera nalang kaya anuhin mo diyan para mabawasan yung sakit?" Sabi ni Namjoon sabay taas baba ng kilay.

"Tangina niyo. Wag niyong idamay si Hera dito." Sabi bigla ni Taehyung.

"Luh? Tete, okay ka lang ba talaga? Ilang araw ka nang matino." Tanong ni Jin.

"Mga ugag, wag niyo ngang bastusin yung magiging future sister-in-law ko." Sabi ko.

"Sige nga hyung, ano yung sister-in-law?" Tanong ni Hoseok.

"Kapatid sa batas. Oh ano ka? Bilib ka nanaman sa akin. Matext nga yun sa lahat."

To: All contacts
wAg NyÜNg bA2sIN pYütYOr kApAtiD q Sa bAtaZ!! bKa mAküLoNg kAyO.....s pUsO q jEjJejEh
.
.
.
#kApAtiD_zA_baTasZcx #sUgAoPpxR #bHoÜcxZngBohAiinYu #sOriNaHeRaQ #hAshtAgOvErGoD #jejejeje

"Okay na hehe."

Nang matapos ang usapan naming lahat, umalis na ako at hinanap si Hera pero di ko talaga siya makita. Kaya nang natapos yung klase, pumunta agad ako sa bahay nila Jieun bebelabs ko.

"HERA! LUMABAS KA DIYAN!" Sigaw ko sa tapat ng bahay nila.

"ANO BA GINAWA KO AH?! GANUN NA BA AKO KAPOGI PARA LAYUAN MO?! KASALANAN PALA YUN?! ABA. SORRY NA." Sigaw ko ulit.

"MAGBATI NA TAYO HERA. KAYSA SA MGA KAIBIGAN KO, IKAW LANG YUNG NAGING KAIBIGAN KO NA BABAE. BABAE KA NGA BA? Hehe, joke. IKAW LANG DIN NAMAN KASI YUNG NAGMUMURA AT BINUBUGBOG AKO NANG WALANG DAHILAN. SIGE NA, SORRY NA." Sigaw ko ulit.

"Yoongi?" Sabi ng isang babae sa may kaliwa ko at nakita ko bigla si Hera.

"Wala ka sa loob?" Tanong ko.

"Nasa loob yata ako ng bahay kaya nandito ako sa harap mo. Malamang nasa labas ako." Pamimilosopo niya.

"Weh?"

"Oo nga, tangina nito. Ano ginagawa mo dito? Ah oo nga pala, kay Jieun. Ge." Papasok na sana siya sa loob pero pinigilan ko siya.

"Kanina pa ako sumisigaw dito kasi akala ko nasa loob ka. Hera, ano ba ginawa ko? Sorry na." Kaysa sa sagutin ang tanong ko, inirapan lang ulit niya ako.

"Tumabi ka, papasok ako." Utos niya.

"Ayoko. Pansinin mo muna ako."

"Eh ano ba ginagawa ko sayo? Pinapansin naman kita ah, kaya nga kita kinakausap eh."

"Yung matino."

"Tabi."

"Ayoko."

"Tatawagin ko yung guard."

"Ako nalang gawin mong guard."

"Pakyu."

"Please."

"Sige, 5 minutes." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hera, di ko alam kung ano ang ginawa ko pero sorry. Hindi ako nagsosorry kaya magpasalamat ka at nagsorry ako sayo. Nakakawala kaya ng swaeg yung sorry."

"Oh?"

"Pero ito na nga. Ikaw kasi yung girl version ko hehe. Ikaw ang una kong naging ka-close na babae. Di ako sanay na ganyan ka. Porket nakilala mo na yung pamilya mo, ganyan ka na. Pero sana ipaintindi mo rin sa akin kung ba't mo ako nilalayuan. Gusto ko lang naman na magka-ayos tayo eh. Yung bumalik sa dati."

"Di na pwede. Bawal na tayo maging close." Sabi niya kaya napakunot naman ako ng noo.

"Di kita maintindihan. Bakit?"

"Ang manhid mo rin noh?"

Napatahimik naman ako sa sinabi niya lalo na nung nakita kong malapit na siyang umiyak.

"Di ko rin naman gusto na layuan ka eh! Kasi pati ako nahihirapan sa ginagawa ko! Pero kung yun na rin naman sa ikabubuti ko, mo at ng kambal ko edi yun yung gagawin ko. Ako na yung mag-aadjust kasi magmumukha rin naman akong tanga kapag pinagpatuloy ko yung ginagawa ko!" Sabi niya at kasabay na nun ang pagtulo ng luha niya.

"Hera." Pupunasan ko na sana ang luha niya nang tabigin niya ang kamay ko.

"Tigilan mo nga ako, Yoongi! Lahat na ng ginagawa mo may epekto na sa akin! Ayoko nang mas lumalim pa ang nararamdaman ko sayo."

"Hera, diretsuhin mo ako. Nahihirapan akong intindihin ka."

"ANG MANHID MO! ANG TANGA MO! Ay teka, ako pala yung tanga haha. Pero tangina mong hayop ka! Nahulog ako sayo! Oo, may gusto ako sayo at ako itong tanga na pinagpapatuloy pa rin ang nararamdaman ko kahit alam kong may gusto ka sa iba. Alam mo ba ang sakit? Lalo na nung nalaman ko na kambal ko pa, haha. Nagtataka nga ako eh, magkamukha naman kami pero ba't si Jieun pa? Magkaugali naman tayo pero bakit yung kakambal ko pa? Ano ba meron sa kanya haha." Sabi niya habang patuloy pa rin siya sa paghikbi.

"Sorry, Yoongi. Sorry kung nagustuhan kita. Di ko nga rin alam kung bakit, paano, kailan at saan eh. Pero bigla nalang itong tumibok para sayo." Sabi niya sabay turo sa puso niya. "Lumalayo ako sayo kasi ayoko nang mahulog pa sayo. Na baka mawala lahat ng nararamdaman ko kapag di na tayo close. Kaso mas lalong lumalalim eh. Alam kong may something na kayo ni Jieun at ayokong makasira sa kung ano ang meron kayo. Kapatid ko pa naman, kambal pa nga eh haha. Kaya please, lubayan mo na ako Yoongi. Gago ka."

"Pakyu." Ang tangi kong nasabi.

"Pakyu rin."

Di ko alam ang gagawin o kung ano ang sasabihin ko. Pati ako naguguluhan. Bakit? Akala ko biro lang niya itong lahat, hindi pala. Ang tanga ko. Ang manhid ko nga.

Tinitigan niya muna ako at pagkatapos ay pinunansan niya ang luha niya. Nginitian niya ako at nang papasok na siya sa loob bigla siyang napahinto.

"Jieun. Kanina ka pa ba nandiyan?" Sabi bigla ni Hera kaya napatingin din ako sa may gate nila.

Tumingin naman sa akin pabalik si Jieun sabay ngiti.

"Oo, kanina pa. Narinig ko nga yata yung di ko dapat marinig. I'm sorry."

***

Jieun or Hera?

Ako nalang para walang away. YoonElla ftw HAHAHA. De joke.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top