bH0cxZ 17
Nagkita kami ni Hera sa Jollibee™ na malapit sa kanila. Atleast daw doon, hindi palaging broken hearted yung mga tao, ajujuju. Kasi doon, bida ang saya hehe.
"YOONGI!" Sigaw niya.
"Asan ka? Di kita makita!" Sabi ko kaya binatukan niya ako. "ARAY KO! GAGO KA BA AH?! PAANO PAG NASIRA ITONG PAGMUMUKHA KO! ANG LIIT MO KASI EH!"
"Wow, parang ikaw hindi maliit."
"Mas maliit ka sa akin nang konti. Don't me, you knows? Cuz I knows, but Jungkook is nose very giant." Sabi ko.
Pati si otor hindi na rin naintindihan ang mga pinagtatype niya HAHAHA QINGINA.
"Oh talaga tol? Spell mo nga giant."
"Joke lang, sabi ko big. Tangina neto."
"K, whatever. Samahan mo na ako umuwi, kinakabahan ako sa tita ko." Sabi niya kaya nagsimula na kaming maglakad.
"Totoo ba na magkapatid kayo ni Jieun?" Tanong ko.
"Hindi, kaya siguro magkamukha kami." Pamimilosopo niya.
"Pakyu."
"Pakyu ka rin. Wala akong ginagawa sayo pero minumura mo ako."
"Minura ba kita? Ang alam ko lang kasi minamahal kita." Banat ko bigla sabay igop sign.
"Ulol, luma na yan." Sabi niya sabay irap sa akin. Tangina nito. Na-aano yung pride ko.
Teka, ano yung pride? Hehe
Ah, baka yun yung tinitinda ni papsi. Pride chicken.
"Ano sabi sayo ng nanay ni Jieun? Tinanggap ka ba nila kahit jologs ka?" Tanong ko sabay tawa.
"KUNG JOLOGS AKO, IKAW NAMAN JEJEMON. MAS KADIRI KA, LECHUGAS!" Sigaw niya at tumawa rin.
"Pero oo, tinanggap nila ako. Sabi ni tita este ni m-mama na kausapin ko daw muna yung tita ko at pagkatapos sila naman yung kakausap. Gusto na nila akong kunin at sumama sa kanila."
"Ayun naman pala eh, edi sumama ka na. Kahit wag ka na magpaalam sa tita mo, diba lagi ka lang naman niyang pinapahirapan."
"Yun nga Yoongs eh, di ko kaya iwan mag-isa tita ko. Kahit na may galit ako sa kanya, malaki pa rin utang ko sa kanya kasi siya ang nagpalaki sa akin."
Wala naman akong naisagot kaya tumango nalang ako. Minsan lang talaga kami magkaroon ng matinong usapan ni Hera kaya di muna ako nagsasabi ng kung ano-ano.
"Oy gilagid, diyan ka lang muna. Baka akalain ni tita nagsama ako ng asong gala."
"Pu--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil pumasok na agad siya sa bahay niya. Bastos.
"ANO, GINABI KA NANAMAN NG UWI?! ABA, IKAW TALAGANG BATA KA. SAAN KA GALING HA?!" Rinig kong sigaw ng tita niya.
"Ta, 4 palang po ng hapon. Galing lang ako sa school."
"ABA, SUMASAGOT KA NA!!"
"Titanakilalakonayungtotookongpamilyaatgustonanilaakongkunin." Mabilis na sabi ni Hera. Puke. May tongue technology rin siya. Nahiya na ako.
"ANO?!"
"Tita, hehe. Nakilala ko na po kasi yung totoo kong pamilya."
"Oh ano naman?"
"Gusto na po nila ako kunin."
"Edi umalis ka. Sumama ka sa kanila. Di rin naman kita kailangan, pabigat ka lang naman." Sabi nung tita niya. Di ko naman narinig na magsalita si Hera kaya sumilip ako sa loob.
Namamasa na ang mata niya pero di niya pinapatulo yung luha niya.
Namamasa. Hehe.
"A-ayaw niyo po ba s-sumama sa a-akin?" Tanong niya.
"Wow, kapal ng mukha mo. Pahirap ka nga lang tapos sasama pa ako sayo."
"O-okay lang po. Mukhang ayaw niyo naman talaga. Sayang, mayaman pa naman sila. Sige, aayusin ko na mga gamit ko." Pupunta na sana siya sa kwarto niya nang hawakan ng tita niya yung braso niya.
"Mayaman?"
"O-opo?"
"Sasama ako."
"ANO BA TINGIN MO TALAGA KAY HERA AH?!" Sigaw ko habang pumapasok sa loob. Nagulat naman sila parehas sa akin.
"Putangina, sabi ko sa labas ka lang." Bulong ni Hera. Mukha siyang natatae na di mo alam.
"Sino ka?! Teka, ikaw yung pumunta dito dati!"
"Oo nga, ako nga. Bakit? Nagwapuhan ka?"
"...."
"Hera, ayusin mo na gamit mo. Ako muna bahala dito." Bulong ko.
"PERO IKAW NA TITA NI HERA. HINDI ATM BANK YANG PAMANGKIN MO NA PUPUNTAHAN MO LANG PAG MAY KAILANGAN KANG PERA."
"ALAM MO, MAGPASALAMAT KA NGA DAHIL MAY HERA KA NA UMIINTINDI PA RIN SAYO KAHIT NA GANYAN KA EH. PANGET NA NGA SA LABAS, PATI NA RIN SA LOOB. BUTI PA AKO, GWAPO. IN AND OUT."
"ALAM MO BA KUNG ILANG BESES NAGREREKLAMO AT NATATAKOT SIYA SAYO HA?! MALAKI ANG UTANG NA LOOB NIYA SAYO KAYA DI KA NIYA KAYANG IWAN. PERO NGAYON, IBA NA."
"KAHIT NA JOLOGS YAN. MUNTANGA. SABOG. MAINGAY. PALAMURA. MAS MABAIT NAMAN SIYA KAYSA SAYO. KAYA NGAYON, LUBAYAN MO NA SIYA. KUNG MERONG NAHIHIRAPAN SA INYONG DALAWA, SIYA IYON. HINDI IKAW."
"PERO NGAYON, MAS NAHIHIRAPAN AKO. KASI KANINA PA AKO SUMISIGAW AT NAGSASALITA KAYA MANANAHIMIK NA AKO. NAKAKABAWAS NG SWEG ITONG GINAGAWA KO." Nagpose pa ako nang sinabi ko yung sweg kasi kasilangan yun. Wala kang swag kapag di ka nagpopose habang nagsasabi nun.
"So anong gusto mo patunayan ah? Sino ka ba? Boypren ka ba ni Hera ah?" Maangas na tanong nung tita niya.
"Gusto niyang patunayan na aalis na ako. Salamat nalang sa lahat, tita pero hindi ko na kaya." Biglang sagot ni Hera na may hawak na bag. "Aalis na po ako."
Tumakbo kaagad kami ni Hera sa labas pero bigla siyang huminto.
"Teka, may nakalimutan ako." Sabi niya.
"Ano?" Tanong ko, naglakad siya nang kaunti pabalik sa tita niya. "OY HERA, ANONG GINAGAWA MO? PAPATAYIN KA NA YATA NG TITA MO."
"TITA, PUTANGINA MO. LABYU." Sigaw niya sabay pakyu sa tita niya at tumakbo pabalik sa akin habang tumatawa.
"Pa-fs po idol." Sabi ko.
"Mamaya na, fan." Sabi niya at tumawa kami. Tumakbo naman ulit kami hanggang sa nakalayo na kami.
Kingina. Yung puso ko, lalabas na yata sa dibdib ko, ang bilis.
"Pagod. Na. Ako." sabi ko habang unti-unting lumuluhod at humiga sa sahig.
"Gagi, Yoongi. Tumayo ka, mukha kang timang. Ba't ka humihiga sa sidewalk?!" Saway ni Hera.
"I don't give a shit. Pagod. Na. Talaga. Ako." Sabi ko na nakahiga pa rin. "Higa ka rin, gusto mo?"
"Gago ka talaga. Tumayo ka na diyan, ihatid mo na ako kila Jieun."
"Mukha ba akong service mo?"
"Oo?"
"Lul. Ayoko nga."
"Ayaw mo makita si Jieun?"
Agad naman akong tumaya sa pagkahiga ko sa sidewalk at pinagpag ang sarili ko.
"Let it go!" Sabi ko.
"Anong let it go?"
"Halikana. Alis na tayo. Tsk, di ka ba marunong mag-english. Nako."
"Ewan ko sayo."
"K. Excited na ako makita si Jieun." Sabi ko habang nakangiti. Kinuha ko naman ang cellphone ko para tingnan kung may nagtext pero wala.
Sabay rin naman akong may narinig na may bumulong pero di ko maintindihan kung ano ang sinabi.
"Magkamukha naman kami eh, ba't hinahanap mo pa siya?"
"May sinasabi ka ba, Hera? Ikaw ba yung nagsalita?" Tanong ko.
"Hm? Wala. Ano-ano na yang naririnig mo, haha."
"Ah, baka ibang tao lang narinig ko." Sabi ko at naglakad na kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top