bH0cxZ 13
Why meet someone when you don't even know who that person is? Kung may kinaiinisan ako sa nanay ko, yun yung kapag gusto niya akong ipakilala sa isang tao para lang sa business namin. I hate that.
Before our class ends, I texted Yoongi.
To: Min Yoongi
Diretso ka dito sa classroom namin mamaya. Dito tayo magkita.
I can't go out later. Paglabas ko, makikita ko kaagad ang tauhan ng pamilya namin para sunduin ako at ihatid kung saan man para makita lang yung Kim na sinasabi ni mommy.
From: Min Yoongi
0k31 bH0cxZ. 1k4ü p4! m4L4k4$ ü $4 @q1n. 1kH4w L4N9 $4p4+ nü4h $w39 n9 b0H4ii q0H <69 :* ¢ ü l8+3r l4b¥0w
-3 d0L74r$cxZ bH0cxZ ¥%N91
(Okei bhocxz. Ikau pa! Malakas u sa aqin. Ikhaw lang sapat nuah sweg ng bohaii qoh <69 :* c u l8ter
-3 dollarscxz bhocxz Yoongi)
Natuwa nanaman ako nang makita ko ang message niya. Kahit medyo nahihirapan ako magbasa dahil ma-alon ang pagkatype niya.
After our class ended, I stayed and wait for Yoongi. Bhocxz Yoongi, I mean.
"Jieun!" Napalingon naman ako para makita ko kung sino yun. Akala ko si Yoongi, pero hindi pala.
"Hi Minho." Bati ko sabay ngiti.
"Yung mga tauhan niyo, inaantay ka sa labas. Bakit ka pa nandito? Umuwi ka na." He said.
"I don't want to."
"Another blind date?" Tanong niya.
"Yes."
"Ohh good for you."
"What the hell? Go away, Minho. I hate you."
"Yeah, right. Itakas kita, gusto mo?"
"No thanks. I'm waiting for someone."
"Who? Yoongi?"
"Yes."
"Are the both of you dating?"
"Maybe. Go home already. Baka inaantay ka na ng girlfriend mo." Tumawa lang siya sa sinabi ko. Ginulo lang niya ang buhok ko at umalis na.
We treat each others like brothers and sisters. Nothing more, nothing less.
"INGGIT LANG KAYO SA LEGS KO! ATLEAST SA AKIN MAPUTI, MAKINIS, ALAGANG SILKA! YUNG SA INYO, BINTI PALANG MUKHANG PAA NA! PAKYEW YOU MADAPAKA MUKHANG IMPAKTA!" Napatingin naman ako sa labas ng classroom para makita kung sino yung sumigaw. "Eyow poecxz bhocxz ng bohaii qoh."
"Yoongs! Ano meron, bakit ka sumisigaw?"
"Huwag mo na sila pansinin, ang mahalaga ay tayong dalawa." Banat niya bigla. "Jieun, bakit pala dito?"
"May tinataguan ako. Ayaw ko magpakita sa tauhan ng pamilya ko."
"Jieun, huwag ka magtago."
"Bakit naman?"
"Because a girl like you is hard to find."
"...."
"MAGREACT KA NAMAN OY! ILANG LINGGO KO YAN KINABISADO PARA LANG SAYO!" Napangiti nanaman ako dahil sa sinabi niya.
"And a boy like you is hard to find." Sagot ko.
"Pucha! Ano ibig sabihin nun?! Jieun, huwag mo akong ini-ingles diyan, wala akong maintindihan!"
"Pfft HAHAHAHA! Ang sabi ko ang gwapo mo."
"Alam ko, salamat."
"Yoongi, I like you. Gusto din kita."
"Thank you ulit." Sagot niya at ngumiti sa akin. "TEKA ANO?! GUSTO MO DIN AKO?! WHAT THE F?? OY SHET! KINIKILIG AKO TANGINA! SERYOSO YAN?"
"Yes, seryoso yun. At gusto kita ipakilala sa nanay ko."
"TEKA TAYO NA BA?"
"Malapit na."
"Ay leche. Pabitin. Tumatayo na eh!"
"Yung alin?"
"Yung ano ko. Gusto makita?"
"Yoongi!"
"Joke lang ano ba?! Tss, pakipot pa."
"Another thing Yoongs. Okay lang ba sayo kung aayusin natin kung paano ka magtype? Para rin sayo ito."
"Bakit? Ano problema sa pagtatype ko? Sweg tawag doon
Sweeegggg. You don't knows that, huh?"
"Yoongi, para nga rin ito sayo at sa mga taong sinesend mo ng messages. Please, Yoongs. Gusto kita tulungan."
"Maging tayo muna."
"Yoongs, dapat tayo na talaga. Si mommy lang problema. Kapag tinago natin ang magiging relasyon na ito, malalaman din niya yun at baka kung ano ang gawin niya sayo at sa pamilya mo. Para sayo ito. Para sa magiging relasyon natin. Ayaw kong lumayo sayo. Tutulungan kita para magustuhan ka ng nanay ko."
"MAGUSTUHAN NG NANAY MO? ABA! IKAW LANG ANG GUSTO KO NA MAGKAGUSTO SA AKIN! BAKIT PATI NANAY MO?"
"YOONGS!"
"JOKE LANG ULIT ANO BA?!"
"So ano?"
"Payag ako."
"Uunahin natin yang pagtatype mo. Pero sa ngayon, umalis muna tayo at maghanap ng ibang daan." Sabi ko.
[Hera's POV]
"Asan si Yoongi?" Tanong ko sa tropa niya na nakaharang sa may hagdan.
"Bakit? Ano kailangan mo sa kanya ah?" Tanong ni Jimin.
"YIEE HINAHANAP NIYA SI HYUNG!" Sigaw ni Hoseok.
"Since si Yoongi ang hinahanap mo, may malaking posibilidad na natutulog lang siya kung saan-saan. O pwede ring umuwi na siya sa kanila. Pero sa pagkakaalam ko, maaga siya umalis kanina dahil pupuntahan pa niya yunh nililigawan niya na nag-aaral sa Triptych Institute. Pero pwede ring nandiyan lang siya sa puso mo." Mahabang sabi ni Namjoon. Shet, sumabog utak ko.
"Joonie, inom ka tubig oh. Baka hinigal ka na sa dami ng sinabi mo. Kawawa ka naman. Alam mo naman na nag-aalala ako sayo eh." Sabi ni Jin sabay abot ng tubigan niya.
"Salamat. Nay."
Shet. Mas masakit pa yata yung nanay-zoned kaysa sa friend-zoned, bestfriend-zoned, seen-zoned, kapatid-zoned, time-zoned.
Weh Hera, corny mo. Uwi!
"Triptych Institute? PAKSHET NA MALAGKIT!" Sabi ko.
"Hera, ano meron sa Triptych?" Tanong ni Jungkook.
"Gustong-gusto ko kasi pumasok sa school na yun kaso nga lang wala kaming pera."
"Hera, punta tayo doon. Gusto ko rin makita si Yoongi hyung. Miss ko na siya." Sabi ni Jimin at hinila na ako palabas ng school namin.
Nagjeep kami papunta doon at pagdating namin, napangiti naman ako.
Pangarap kong school ko ang T.I. kaya napapangiti ako sa naririnig ko yun o nakikita. Pero yung school na yun parang pag-ibig lang. Kung di mo kaya kunin, hanggang titig ka nalang.
"Pwede naman yata pumasok sa loob diba?" Tanong ko.
"Ikaw, pwede ba pasukan?"
"TANGINA MO JIMIN!"
"Peace tayo hehe. Lagot ako kay Yoongi hyung kapag nalaman niya yun. Hehe."
"So pwede nga ba?"
"Si hyung nakakapasok diyan, kaya syempre tayo rin."
Lumapit kami sa gate at napansin ko naman na nakatingin sa akin yung ibang estudyante. Akin nga ba o kay Jimin? Pero feeling ko talaga ako kasi ang sama ng tingin nila sa akin.
"Bakit ganyan suot ni Jieun?"
"Sino kasama niya?"
"What's with her?"
"What happened to Jieun?"
Hanggang dito ba naman, aakalain ako si Jieun? Ang ganda ko naman, grabe.
"Sino ba si Jieun?" Tanong ko bigla.
"Yung nililigawan ni Yoongi hyung." Sagot ni Jimin.
"Ha? Kamukha ko daw yun sabi ni Yoongi."
"Oo Hera! Akala ko nga nung una ikaw yun eh! Sobrang magkamukha talaga kayo! Para kayong kambal na pinaghiwalay."
Pagkasabi ni Jimin, may isang lalaki na kumalabit sa akin. Naka-gray siya na damit. Yung parang bodyguard ng mga mayayaman.
"Nakita ko na siya ma'am. Dadalhin nalang namin diyan." Sabi nung lalaki. Parang may maliit na earphone na nakasabit sa tenga niya at doon niya kinakausap yung parang boss niya.
"Ma'am Jieun, pumasok na po kayo sa loob ng sasakyan. Kanina pa po kayo inaantay ng nanay niyo." Sabi sa akin at pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan.
"Ha? Teka! Di ako si Jieun!"
"Ma'am bilisan niyo na po. Kanina pa po kayo inaantay." At tinulak ako nang mahina papasok sa loob ng sasakyan.
"Jimin! Tulungan mo ako!" Sigaw ko.
"Sir, ba't niyo kinukuha si Hera? Pwede ibalik niyo sa akin kaibigan ko? La--" Naphinto si Jimin sa pagsasalita ng tinulak siya papalayo ng isang lalaki. "ABA TANGINA NIYO AH! WAG NIYO AKO HINAHAWAKAN! ARMY LANG PWEDE!"
"OY PUTANGINA! HUWAG KAYONG PUMATOL SA BATA! SO KIDNAPPING ITO, ANO BA?! PAKYU ALL!" Sigaw ko pero hinila na ako papasok sa loob ng sasakyan.
Agad naman din naman nilang pinaandar ang sasakyan kaya naiwanan si Jimin. Di na ako pumalag lala na nang makita ko na may baril sila.
"Miss Jieun, huwag po sana kayo magmura. Magagalit nanay niyo sa inyo."
"Manong, di ko talaga kayo mainitindihan! Saan niyo ba ako dadalhin? Bakit niyo ba ako kinidnap? Wala po akong pangbayad sa ransom dahil mahirap lang kami, huhu manong. Saka di po ako si Jieun. Ako si Hera. Mas maganda ako sa Jieun na yun huhu." Pagmamaka-awa ko pero di nila ako pinansin. Edi wow, sila na peymus. Mga snobber amp.
Nagmaka-awa ako sa kanila buong biyahe hanggang sa makarating kami sa isang malaking bahay. Mansion pala, hindi bahay.
"Kuya, please huhu. Ibang tao nalang. Bakit ako pa?"
"Miss Jieun. Pumasok na po kayo sa loob. Inaantay na kayo." Ang galang ng mga kidnapper na ito, grabe.
Dahil wala na rin naman akong magagawa, pumasok ako nang dahan-dahan sa loob.
Shet. Ang ganda. Ang laki. Ang lawak.
"H-hello?" Tawag ko pagkapasok pero walang sumagot. Naglakad pa ako sa loob at may isang babae ang lumapit sa akin.
"Jieun! What's with you and it took you so long?! How about that clothes?! What if the Kims saw you like that?! Go upstairs and change now! We're already late for 20 minutes!"
"Uhmm, excuse me miss? I'm not Jieun. My name is Hera and I don't know and understand what the hell is happening." Sabi ko. English yan, don't me!
"Anak! Wag mo akong pinagloloko ngayon! Change now!"
"Anak? Uhmm miss, di ko po talaga kayo kilala. Lalo na po't hin--pakshet. AKO BA YAN?! TANGINA." Sabi ko na biglang napatingin sa isang malaking picture sa likod.
Isang pamilya. At kasama ako doon. Ako nga ba? O siya ba yung Jieun? Ano ang nangyayari?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top