bH0cxZ 11

"Sila mama at papa, yung nag-ampon sa akin, nakita nila ako nung baby pa ako, na sa tapat na ng bahay nila isang gabi." Simula ng pagkwento ni Hera pagkatapos naming kumain.

"Saktong umuulan pa nung araw na yun kaya kinuha nila ako kaagad at pinasok sa loob ng bahay nila. Sa kwento nila mama, basang-basa na daw ako nun dahil sa ulan. Yun na rin siguro kung bakit takot at ayaw ko sa ulan."

"Eh asan na sila ngayon?" Tanong ko.

"Wala na sila. 7 years old lang ako nung na-aksidente sila. Namatay sila kasi hindi nakapagbreak yung sinasakyan nilang bus."

"Minsan kailangan talaga magbreak ng mga bagay, lalo na kung yun ang ikabubuti mo."

"Tangina mo. BA'T KA HUMUHUGOT BIGLA?!" Tanong ko. Ang seryoso na kasi ng pinag-uusapan tapos biglang napunta nanaman sa lovelife.

"MASAMA BA?! TRIP KO EH! KINGINA MO!"

"MAY LOVELIFE KA BA AH?!"

"WALA!"

"Ganun ba? Gusto mo ma-experience? Pagbibigyan kita." Sabi ko sabay kindat. Bigla nalang may naglanding na kamay sa ulo ko. "NAMAMATOK KA NANAMAN?!"

"KINGINA MO!"

"OYY! ANG INGAY! DIBA SABI KO, WAG KAYONG MAG-IINGAY! PUNYETA NAMAN OH!" Rinig naming sigaw sa kwarto ng tita niya kaya nanahimik muna kami nang saglit.

"Ang ingay mo, Hera." Sabi ko.

"Parang ikaw hindi." Sabi niya sabay irap sa akin.

"Pero seryosong usapan Hera, gusto mo ba makilala totoo mong pamilya?"

"Syempre. Gusto ko malaman bakit pinamigay nila ako. Kung bakit nila ako iniwan."

"Paano ka naman napunta dito sa tita mo?"

"Kamag-anak ni mama si tita. Kinuha niya ako nang mamatay sila papa. Nung una, okay lang kami pero habang tumatagal lumabas yung totoo niyang kulay."

"Bakit? Ano ba kulay niya dati? Red?"

Tawa kayo.

"Hindi nakakatawa joke mo kaya shut up nalang."

Sasabihin ko ba na may kamukha siya? Hehe, wag nalang. Antok na ako eh hehe.

"Okay. Tulog na ako."

"K." Sabi niya. Kumuha siya ng unan at binato sa akin. "Wag kang tatabi sa akin. Diyan ka sa upuan."

"Di ko naman alam na feeler ka. Kapal."

"Kapal ng gilagid mo." Sabi niya at pumasok na siya sa kwarto niya.

Nadamay nanaman gilagid ko. Puro nalang gilagid ko. Ikaw, may problema ka din ba sa gilagid ko ah?!

---

Nagising nalang ako nang mahulog ako sa sahig.

Inggit kayo sa sahig noh? Kasi nahulog ako sa kanya hehe.

HALA NAHULOG LOG LOG LOG

Hehe, titigil na nga.

Gwapo ko talaga.

"Aray ko!" Sabi ko habang hinahawakan ang leeg ko. Ang sakit kaya mahulog.

Double meaning, hehe.

Napansin ko na madaling araw na kaya naisipan ko na umuwi na. Lalabhan ko pa yung damit ni Taehyung na hiniram ko.

Kumatok ako nang mahina sa pinto ni Hera para makapagpaalam pero hindi niya binuksan. Edi ako nalang magbubukas hehe. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at sinilip kung tulog pa rin ba siya.

Pumasok ako at lumapit sa kanya. Tangina, kamukhang-kamukha niya si Jieun.

Paano kung kambal pala sila? Edi ano ang totoong pangalan ni Hera? Baka Jioff kasi Jieun, hehe. Tawa kayo, dali.

"Alam kong maganda ako pero wag mo ako titigan masyado. Picturan mo nalang ako kung gusto mo." Sabi niya bigla.

"Pagkakaalam ko tapos na yung ulan pero bakit mahangin pa rin? Kingina mo. Aalis na ako."

"Ang aga naman." Sabi niya sabay bangon sa kama.

"Bakit? Gusto mo pa ako makasama?" Sabi ko sabay ngisi.

"Umalis ka na nga, bye."

"Tss, pakipot ka pa. Aalis na talaga ako, bye." Lalabas na sana ako ng kwarto nang tawagin niya ako.

"Yoongi, teka lang!"

"Yiee Hera. Ayaw mo talaga ako umalis noh? Alam kong wala kang lovelife pero pwede ko nga iparanas sayo."

"Kung magkakalovelife ako, ayoko sayo! Kapal ng gilagid at mukha mo."

"Balang araw, maghihiganti itong gilagid ko sayo. Aalis na nga ako, inaaksaya mo oras ko."

"Teka nga lang kasi!" Sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Crush mo talaga ako."

"PAANO KO MASASABI YUNG SASABIHIN KO KUNG PURO KANG KALOKOHAN?!" Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw.

"Shh. Come down, okay? Ano ba kasi yun?"

"Thank you ulit." Nginitian ko naman siya.

"Kapag may ginawa yung tita mo sayo, sabihin mo sa akin. Susunugin ko siya. Bulataoreune."

"Okay?"

"Okay."

"TFIOS amputa. Umalis ka na." Pinakyu ko lang siya at pinakyu niya ako pabalik. Umalis naman ako sa kanila nang nakangiti.

Ibang klaseng ang babaeng ito.

"Mamalou este mamsi! Papsi! I is homes!" Sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng bahay.

"OY TANGINA TUTAN, BUMALIK SI HOMES!" Rinig kong sigaw ng nanay ko sa kusina. Nagtakbuhan naman sila ng tatay ko papunta sa may pintuan.

"Si Yoongi naman ito ah." Sambit ng tatay ko. "Bhocxz Yoongi anak, sweg."

"Bhocxz papsi, sweg." Sabi ko at nagbrofist kami ng tatay ko.

"LESHE KA YOONGI! AKALA KO SI HOMES!" Sabi ng nanay ko.

"SINO BA SI HOMES?!"

"Aba malay ko. Pumasok ka na nga sa loob, bhocxz." Sabi ng nanay ko at tumango lang ako.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at kinuha yung damit ni Taehyung na hiniram ko.

"Mamsi, asan yung sabon natin panglaba?"

"Nandiyan lang yan sa may CR." Sagot ng nanay ko. Pumunta ako sa CR at may nakita akong bote. Baka ito na nga. Kinuha ko yung bote na may nakasulat na 'bleach'.

Bleach, diba yun yung lugar kung saan may buhangin at dagat?

Nilabhan ko naman yung itim na damit ni Tete at nang ilagay ko yung bleach, bigla nalang naging itim din yung tubig.

Grabe naman. Ganun na ba kadumi itong damit niya.

Nilabhan ko sa bleach yung damit niya hanggang sa mawala yung itim sa tubig. Nang isasampay ko na, nagulat nalang ako sa nangyari sa damit.

TANGINA. YUNG ITIM NA DAMIT NI TAEHYUNG, NAGING PUTI.

Bahala na. May sweg pa naman ako.

Dahil wala rin naman akong magawa, naligo muna ako at pagkatapos ay natulog. Nang magising ako, naisipan ko na pumunta kila Jieun.

"Sinu pu sila?" Tanong sa akin ng isang babae pagkatapos ko magdoorbell kila Jieun.

"Pyutyur asawa ni Jieun sweg sweg beybeh ko."

"Ay wih?! Akala ku pu aku yung pyutyur asawa niyu hihihi."

"Tangina mo, ang landi mo. Ayusin mo muna yang pagsasalita mo." Sabi ko sa kanya.

"Hihi, suri na pu, galing pu kasi aku sa prubinsya."

"Tawagin mo nga si Jieun, nyeta naman oh!"

"Oki pu, antay lang pu kayu diyan hihi." Sabi niya at sinaraduhan ako ng pinto, aba. Maya't maya bumukas nalang ulit yun at nakita ko ang pyutyur ko, si Jieun hehe.

"Hey Yoongi." Bati niya sabay ngiti. ANG GANDA NIYA LESHE.

"Hehe, hi Jieun sweg sweg baby ko."

"Akala ku ba aku lang huhuhu." Sabi naman nung babae na kanina nagbukas sa akin ng pintuan.

"Kanina ka pa ah! You got no sweg."

"Inday, can you leave us alone?" Sabi ni Jieun doon sa babae kaya umalis nalang siya. "Sorry doon, isa siya sa mga katulong dito. So, bakit ka pala napadalaw?"

"Kain tayo street foods."

"Street foods?! Omg, sure! Wait for me, mag-aayos lang ako!"

"Wag na. Kahit ano naman itsura at damit mo, maayos ka tingnan eh." Banat ko.

"Are you sure? Okay lang ba yung damit ko? Bagay ba?"

"Oo, pero mas bagay ako sayo."

Napangiti naman siya sinabi ko. "Okay fine, tara na."

"Ayoko ng tara na."

"Ha? Bakit?"

"Kasi mas gusto ko kapag sinabi mo na tayo na."

Ang corny ko tangina. Nakakawala ng sweg.

"Okay fine, tayo na." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ang cute mo kapag nakikita gums mo."

"Tangina, sabi ko kain na tayo." Sabi ko at umalis na kami. Napatawa nalang siya dahil sa akin.

"MANONG MARLOU!" Tawag ko nang makita ko siya sa may kalsada, nagtitinda ng street foods.

"Yoongi! Bili na!" Sabi niya. Lumapit naman kami ni Jieun sa kanya at kumuha ng mga pagkain.

"Excuse me~" Sabi bigla ng isang babae at pumagitna sa amin ni Jieun sabay kuha din ng street foods. Kung makasabi ng excuse me, parang kamag-anak ni Jimin.

Tiningnan ko kung sino yun at OH MAN HOLY SHIT. YUNG KINAKAPATID NI JIMIN! YUNG BABAENG WALA DING JAMS!

"Hera?" Tanong ko at lumingon siya sa akin.

"Yoongi? Uy! Pakyu!" Bati niya.

"You know each other?" Tanong bigla ni Jieun. Oh shit.

Napalingon naman sa kanya si Hera. "Ah oo, magka--puta. Sino naglagay ng salamin sa harap ko?" Sabi ni Hera.

At ngayon, parehas silang gulat na gulat sa nakikita nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top