bH0cxZ 10

"Hokage ka talaga." Sabi ni Hera kaya napabitaw naman ako sa yakap ko nang mapansin na tumigil na siya sa pag-iyak.

"Ganda ng thank you mo ah. Dapat nga magpasalamat ka sa akin kung hindi umiiyak ka pa rin ngayon!"

"Sino ba kasi nagsabi na yakapin mo ako ah? Tss."

To: +rÜ3f4N9 h0+709$
püL1$ k@ b4?? b4+ m0H aq0H k1NüL0n9 $4 pü$0 m0H??
.
.
e0w m94 bH0cxZ. 9üd Pm. n4k4kü70n9 aq0H n94¥0N $4 $k%L w/ bH0cxZ h3r4
#$w39
#0m9
#f3371N_h3n$3m

(Trans: To: Truefang Hotlogs
Pulis ka ba?? Bat moh aqoh kinulong sa puso moh??
.
.
Eow mga bhocxz. Gud pm. Nakakulong aqoh ngayon sa skool w/ bhocxz Hera.
#sweg
#omg
#feelin_hensem)

Text ko sa tropa pagkatapos ko mapakalma si Hera. Hanggang ngayon di pa rin tumitigil ang pag-ulan.

"Kung gamitin mo kaya yang load mo para makahingi ng tulong kaysa sa mag-gm." Sabi ni Hera.

"Last na yun eh hehe kaya Hera, diyan ka lang muna. Maghahanap lang ako kung may daanan palabas." Sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. Tunay na hokage si Hera.

"Wag mo ako iwan mag-isa dito. Sama ako sayo. Bwiset ka." Sabi niya.

"Bwiset ka rin, kung ano nanaman yang pinagsasabi mo sa akin." Sabi ko.

Ginamit ko ang cellphone ko bilang ilaw, hindi yung gilagid ko grabe kayo.

Kaya mahal ko kayo eh.

Kilig kayo? Hehe. Gwapo ko talaga.

Pumunta kami sa pintuan pero katulad ng inaasahan namin, nakalock. Yung bintana nalang ang tangi naming naisip. Swerte nalang namin at walang lock ang mga bintana.

"Sure ka na aalis tayo? Umuulan pa oh. Diba takot ka sa ulan?" Tanong ko.

"Oo nga pero minsan kailangan din natin harapin yung kinakatakutan natin." Sagot niya. Edi shing. Naglabas naman siya bigla ng payong.

Kinuha ko yung chains ko na nakasabit sa leeg ko at nilagay sa bag ko. Kawawa ang beybi ko, baka magkasakit dahil sa ulan.

Sinuot ko ang jacket ko at ako ang unang lumabas at sumunod naman si Hera na nakapayong.

"Nakalock yung gate, ano na?" Tanong niya.

"Doon tayo sa likod ng school."

"O-oy! Anong gagawin natin doon?!"

"Mag-aano, hehe."

"ANO?!"

"Doon tayo lalabas! Ano ba iniisip mo ah?! Ikaw Hera ah!" Sabi ko at binatukan niya ako. Dumiretso naman kami sa likod pagkatapos ng mga bangayan namin.

Kumuha ako ng upuan sa isang classroom at nilagay yun malapit sa pader ng school.

"Tungtong ka diyan sa upuan tapos tumalon ka sa pader."

"Ligtas ba yung nasa kabila ng pader na ito?"

"Malamang. Diyan ako palagi tumatakas para magcutting."

"Gago ka."

"Gwapo ko."

"Ulol."

"Tatalon ka ba o tatalon ka sa pader na yan?!" Tanong ko kaya tumalon na siya at sumunod naman ako.

"Yoongi." Tawag niya kaya tumingin ako sa kanya. "P-pwedeng bang ano..paano ko ba sasabihin ito? Nakakahiya eh. Pwede bang.."

"KABABAE MONG TAO HERA!" Sigaw ko kaya nakatanggap ulit ako ng batok mula sa kanya. "ARAY KO! LAGI MO NALANG AKO BINABATUKAN!"

"HINDI KASI!"

"EDI ANO?!"

"Pwede mo ba akong samahan sa amin?" Sabi niya sabay kamot sa batok niya.

"Ano ka? Chix?"

"Hindi, tao kasi ako kaya samahan mo ako please. Parang awa mo na Yoongi. Kahit anong gusto mo gagawin ko pagkatapos nito."

"Sure ka?"

"Oo kaya please Yoongi."

"Di wow. Pero bakit muna?"

"Lagot ako sa tita ko. Late akong umuwi. Kailangan may kasama ako kundi mabibismod yun. Please. Ibang klase ang tita ko pag nagagalit. Saka umuulan pa rin oh." Pagmamaka-awa niya.

"Tara na, punta tayo sa inyo."

"Sure ka? Di ka hahanapin ng magulang mo?"

"Nasa puso lang naman nila ako eh."

"Thank you, Yoongs!" Masaya niyang sabi at biglang niyakap ako.

Maparaan si Hera. Tularan si Hera.

"Sorry, masaya lang talaga ako." Sabi niya at nagsimula nang maglakad papunta sa bahay niya. Sinundan ko lang siya.

"Saan ba kayo nakatira?" Tanong ko.

"Malapit na tayo doon." Sagot niya. Nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang sa huminto siya. "Yun oh!" Sagot niya at may tinuro na isang bahay.

Kabaligtaran talaga siya ni Jieun. Mas maliit nang konti yung bahay nila kaysa sa bahay namin. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit halos kaugali ko lang ang babaeng kasama ko ngayon.

"Diyan ka lang muna sa labas. Baka mas mabigla si tita kapag nakita na may kasama akong lalaki." Sabi niya at tumango lang ako. Kumuha siya ng susi at binuksan yung pinto

"Ti--"

"TANGINA! SAAN KA GALING?! ANONG ORAS NA AH?! AT SA TINGIN MO ANO ANG GINAGAWA MO?! DIBA ANG SABI KO SAYO UMUWI KA NANG MAAGA! PUTRAGIS NAMAN OH!" Rinig kong sigaw ng tita niya kaya sumilip ako ng konti kung ano ang nangyayari sa loob. Nakita ko nalang na hawak ng tita niya si Hera sa buhok.

Di ko alam kung ano ang nangyari pero pumasok ako sa loob ng bahay nila Hera at pinaghiwalay sila ng tita niya.

"SINO ITO?! BOYPREN MO?! DIBA SABI KO BAWAL KA PA MAGSYOTA?! TIGAS TALAGA NG ULO MO! NAKAKABWISET KANG BATA KA!" Sigaw ulit ng tita niya.

Tita ba talaga niya ito? Anyare sa kanya? Kay Hera lang ba napunta yung magandang lahi sa pamilya na ito?

"Tita! Hindi ko siya boypren!" Sabi ni Hera.

"Wag mo akong tinatarantado Hera ah! Di mo ako maloloko!"

"Tita! Tinulungan ko lang siya sa lesson namin! Yung prof namin ang nag-utos sa akin na tulungan ko siya! Kung gusto niyo kausapin niyo pa!" Sagot ni Hera at kumalma nang konti ang tita niya.

"Pangalan mo?" Tanong sa akin.

"Min Yoongi." Sagot ko.

"Dito ka magpalipas ng gabi. Gabi na at malakas ang ulan, baka mapaano ka pa. Diyan ka sa salas matulog. Umayos kayong dalawa. " Sabi ng tita niya at umakyat sa taas.

"Dito ako matutulog?!" Tanong ko.

"Oo. Ikaw bahala kung ayaw mo. Pag umalis ka bahala ka diyan sa labas mawala at mamatay." Walang ganang sagot ni Hera. "Kumain nalang muna tayo."

Kinuha niya yung kaldero sa may kalan at kumuha ng ulam sa maliit nilang ref.

"Dilis lang ulam namin." Sabi niya at umupo din. Nagsimula naman kaming kumain.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Bakit mo naman natanong?"

"Sinabunutan ka ng tita mo kanina ah."

"Tss. Wala yun. Sanay na ako."

"Sanay ka na? Asan ba magulang mo?" Tinitigan lang muna niya ako at bumalik sa pagkain.

"Sinong magulang tinutukoy mo?"

"Anong ibig mong sabibin?"

"Ampon lang ako sa pamilyang ito, Yoongi. Hindi ko ito totoong pamilya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top