bH0cxZ 1

"Bayad!" Sigaw ko sabay abot ng bente ko pero walang kumuha. "Wag kayong papeymus, i-abot niyo! Wala kayong sweg." Sigaw ko kaya kinuha nila yung bente ko at pinasa sa driver.

"Saan ang baba ng bente?" Tanong nung driver.

"Ay shet! Naglalakad ang bente?!" Sigaw ko.

"Saan kasi ang baba neto?!"

"Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo."

"Aba! Bastos kang bata ka ah!"

"ANONG BATA?! PORKET MALIIT AKO, pero di kasing liit ni Jimin huehue, BATA KAAGAD?! MATANDA NA AKO UY! NAKIKITA MO TONG CHAINS KO? 3 DOLLARS LANG YAN SA DIVISORIA! PAKYEEEWWW!"

"BUMABA KA NA NGA!"

"BABABA NA TALAGA AKO, NANDITO NA RIN NAMAN AKO EH! SALAMAT!" Sigaw ko pabalik at umalis na.

"SUKLI MO!"

"DI KO KAILANGAN NG PERA NA YAN! I'M RICH! VERY EXPENSIVE GLASSES!" Sigaw ko ulit sabay tayo ng dalawang gitnang daliri ko at pagkatapos ay dumiretso na ako sa school ko.

"Kamusta?" Bati ko sa tropa.

"Tuloy ka pare wag kang mahiyang pumasok." Sabi ni Namjoon.

"Pasensya ka na sa bahay ko medyo madumi at nakakasulasok." Sabi naman ni Hoseok.

"May alak ka bang dala wa--ARAY HYUNG!" Binatukan ko naman si Jimin.

Parang mga gago ito. Nangamusta lang ako, kinanta bigla yung Kriminal.

"Hyung! Gwapong umaga!" Bati ni Kookoy sabay igop sign. Naks, laki ng ilong.

"Tropang Hotlogs, nakita niyo ba ang sweg sweg baby ko?" Bungad ko.

"Bakit hindi ikaw ang maghanap? Wala ka bang mata ah?!" Sermon ni nanay Jin.

"Sabi ko nga!" Sagot ko. Si Jin hyung lang talaga ang hindi ko masagot ng pabalang. Babae kasi eh, hindi ako nanakit ng babae. Kinuha ko naman ang cellphone kong Nokia at tinext si Ms. BOOTYful.

To: Ms. BOOTYful
9üd M0rN1N9 pH03z. k4$1N9 q4Nd@ m0 4N9 üM49@ ü707. 73z m1+ üP l83r. c ü.
-9üw4p0Nq $w39

(Trans: Gud morning phoez. Kasing ganda mo ang umaga ulol. Lez mit up later. See you.)

Siguro nagtataka kayo kung bakit 'Hotlogs' pangalan namin. 'Hot', kasi ang hot namin. 'Log', kasi paLOGi kaming pogi. At may 'S' sa dulo dahil madami kami. At may isa pang dahilan, muehehe.

Lahat kasi kami, paborito ang hotdog at itlog. Kapag pinagsama mo yun, magiging 'hotlog'. Yung letter 's' sa dulo, ibig sabihin nun ay 'seven' since pito kaming magkakaibigan.

Bilib naman kayo? Hulaan niyo sino nag-isip nun.

Ako? HAHAHAHAHAHAHHAHA syempre hindi ako yun. Si otor kasi. Ganda nga niya eh. Kras ko na yata.

(Enebe Yeenge kenekeleg eke hihi)

Ulol. t(-_-)t

Yung tropa namin, hindi lang yan purong kalokohan. Varsity kami sa basketball. Ewan ko lang kung paano nakasali doon si Jimin. Pakitanong sa height niya.

Saka, maniwala man kayo o hindi. We are very smartest. You knows, we are topping in us class.

Di rin nagtagal, at narinig na naming magring yung bell. Humilera naman kaming pito at nagsimula maglakad. Lahat nanaman ng tao, nasa amin ang tingin.

Pagpasok namin ng classroom, napatingin nanaman sila sa amin.

"Bakit ba tingin nang tingin sila sa atin?" Tanong ni Taehyung bigla.

"Nandito kasi ako, sweg." Sabi ko at umupo na sa upuan ko sa likuran. Pagdating ng teacher natulog kaagad ako at nagising nalang nung break time na.

To: Ms. BOOTYful
h41 b3¥b. k1+4 +4¥0 l83r 4h! m1$$ ü N4
-bH0cxZ ¥00N91

(Trans: Hi beyb. Kita tayo later ah! Miss you na
-Bhocxz Yoongi)

Kanina pa ako nagtetext sa sweg sweg baby ko pero di pa rin nagrereply. Ikaw nalang kaya katext ko, penge digits mo huehue.

"Hyung! Kuha kayo ng itlog ko!" Sigaw ni Jungkook sabay labas ng isang tupperware.

"Itlog mo? Gusto ko yan Kookie hihihi. Dalawa nga hihi." Sabi ni Jimin.

"Fact off hyung!" Sigaw ni Jungkook sa kanya.

"KOOKIE ANO TO?! KULANGOT BA ITO?!" Sigaw naman ni Hoseok na isusubo sana ang itlog ni Jungkook.

"Hindi ah! Topping yan ng itlog ko!"

"Akin nalang hehehe." Sabi ni Taehyung sabay kuha nung kulangot ni Jumgkook at kinain. "Eng sherep Kookie huehuehue."

Ang bababoy ng mga kaibigan ko. Ako lang yata ang gwapo este normal dito eh!

Bigla ko nalang nagvibrate ang phone ko. Baka yung sweg sweg baby ko na yun!

From: bH0cxZ-N4mjüN
dTi hNd1 koh alam pürpos ng bühay koh! HaNggNg sa tum1NgN akoh sa salm1N. kaya pla akoh Nsa müNdoNg itoh pra pakiligiN 4ng büoNg müNdo!
.
.
.
.
#e0w
#güdaftie
#txttaü
#gm

Muntikan ko na mahagis ang cellphone ko nang mabasa ko ang text ni Namjoon. "NAMJOON! GUSTO MO BANG BUMALIK NG MINDANAO?! ITATAPON TALAGA KITA DOON!" Sigaw ko at umalis.

"Anong problema nun?" Narinig kong tanong ni Jin hyung.

"Natatae yata kaya pupunta sa bakanteng lote ng school." Sagot ni Taehyung.

"Baka naman maglalagay ng gluta sa gilagid niya." Sabi naman ni Jimin.

Di ko nalang sila pinansin at umalis ako ng school. Pumunta ako sa lugar kung saan ko nakita yung sweg sweg baby ko. Habang nag-aantay bigla nalang may nagbigay sa akin ng pera.

"Bakit mo ako binigyan ng pera?!"

"Aba nagrereklamo ka pa! Ikaw na nga itong nanlilimos!"

"NANLILIMOS?! SA KAGWAPUHAN KONG ITO?! ABA! SUNTUKAN NALANG OH!"

"SUNTUKAN?! SIGE BA!"

"De joke lang. Salamat sa pera huehue. Pagpalain ka sana ng Maykapal."

"Ah ganun ba? Sige sige. Nga pala, gusto ko yang chains mo." Sabi niya.

"You like this chain? 3 dollars." Sabi ko sabay baba ng konti ng glasses ko.

"Pakyu." Sabi niya at umalis. Sino ba kasi yun?

Di rin nagtagal at dumating na rin ang kanina ko pang inaantay.

"SWEG SWEG BABY KO!"

"You again? Ugh!"

"ANONG UGH?! Excited ka ah huehue."

"Pwede bang layuan mo ako please?" Pagkasabi niya nun bigla nalang may humablot ng bag niya.

"OY TUMIGIL KA!" Sigaw ko doon sa magnanakaw at hinabol. Nang mahabol ko, hinampas ko kaagad sa pagmumukha niya yung $3 dollars chain ko. "YOU GOT NO SWEG! PAKYEW!" sigaw ko sa kanya at kinuha yung bag nung sweg sweg baby ko.

"Thank you." Sabi niya nang iabot ko sa kanya ang bag niya. "I'm Jieun by the way. Choi Jieun."

"Teka lang puta, kinikilig yung junior ko! Min Yoongi nga pala, ang nag-iisang magpapatibok ng suso este puso mo." Sabi ko at nagshake hands kami.

"Hahaha you're funny!" Sabi niya. "I need to go, thanks again. Let's meet again sometime, okay? Bye!" Dagdag niya.

Ano raw? Wala akong naintindihan. Ano isasagot ko? Pakshet bahala na!

"Oh yeah? Hiphop! Sweg! 3 dollars! I is very hensem!" Sagot ko pero bigla nalang siyang umalis. ANONG MALI SA SINABI KO?! ANO BA KASI SINABI NIYA?! DI KO MAINTINDIHAN!

Sumakay siya sa isang mamahaling sasakyan at umalis na. Rich kid amputa. Next time iba na ang masasakyan niya huehue.

Tricycle kasi! Papasubukin ko siyang sumakay sa tricycle! Kayo ah! Dumi ng utak! Buti pa ako, konti lang huehue.

To: tRü3f4N9 h0+709$
m49191N9 N1N0N9 n4 k4¥0 hü3hü3
-$w39

(Trans: To: Truefang Hotlogs
Magiging ninong na kayo huehue
-Sweg)

Masaya akong nagpara ng jeep at sumakay. Nang iaabot ko ang bayad, napatingin ako sa babaeng kumuha ng bayad ko.

Bakit siya nandito? Diba sa isang mamahaling sasakyan siya sumakay? At bakit nag-iba ang damit niya?

"Jieun, bakit ka nandito? Sinusundan mo ako? Grabe ka ah! Stalker!" Sabi ko pero di niya ako pinansin. "Bhocxz Jieun beybi ko!" sabi ko at kinalabit ko siya.

"Sino ka?"

"Wow naman, Jieun!" Sabi ko. Baka naman nagkaroon ito ng amnesia. Huehue, may naisip ako. "Ako ang boypren mo."

"Ulol! Di ako si Jieun!" Sabi niya at inirapan ako. Ano nangyari sa kanya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top