3 p 1 L 0 9 ü 3 x c h Z
After 1 year
Divorce na sila Hera at Hyungwon pero patuloy pa rin ang pagiging magkaibigan nila. Naging sila Hyungwon at Jieun na rin.
Naging apat na rin ang tumatayong magulang ni Siweo. Ako, Hera, Hyungwon at si Jieun. Pero hindi pa rin pinapabayaan ni Hera yung anak niya.
Ngayon naman ay kasama ko yung buong tropa sa kwarto ko.
Gangbang na ito. Joke lang hehehehehehehehe.
"Seryoso ka ba dito?" Tanong sa akin ni Namjoon habang nakayaas yung kilay niya.
"Oo, dito rin naman kasi kami nagsimula." Sagot ko.
"Kingina, bakit ako naninibago?" Tanong naman ni Hoseok. "Ganyan ka naman dati, mukhang ewan! HAHA!" Dagdag niya.
"Oy ganito ba talaga ako dati?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin.
"Oo nga! Tapos signature mo yang bandana sa buhok mo at yang chains mo. Tapos lagi mong sasabihin 'Like this chain? 3 dollars.' Alam mo bang ang sarap mo nang sipain nun?" Sabi ni Jimin.
"Kilalang-kilala ako, crush mo talaga ako noh? Tanggap naman kita, Jimin. Huwag ka mag-alala." Sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.
"Oy Yoongi, ang layo ng damit mo sa gagawin mo mamaya, palitan mo yan. Mag--" Tinakpan ko naman yung bibig ni Jin hyung bago niya matapos ang sasabihin niya.
"Hyung, shh! Baka malaman ng mga readers." Sabi ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya. "Sige na, magpapalit ulit ako. Lumabas muna kayo ng kwarto ko."
"Parang bakla naman ito, ayaw magpakita ng katawan." Sabi ni Jungkook. "LALAKI KA BA AH?! LALAKI?!" Maangas na tanong niya.
"HINDI, BAKLA YAN!" Sagot naman ni Taehyung.
"Uy walang ganyanan, masasaktan si Jin noona." Sabi ni Hoseok. Binatukan naman siya ni Jin.
"Dalian mo na." Utos ni Jin at tumango naman ako. Lumabas na rin naman sila.
Kumuha ako ng damit na kulay puti at sinuot sabay suot ng isang sumbrero. Tinawag ko rin naman sila ulit.
"May kulang." Sabi ni Taehyung at tumingin sa lamesa na purong mga accessories.
Nilagyan naman niya ako hikaw, kwintas, bracelet at ng singsing. Nilagyan rin niya ako ng eyeliner.
"Oh man holy shit, bhocxz Yoongi mapagmahal bebe ko sixty-nine sweg madafaka. Lakas maka-Just One Day era ah." Sabi ni Jungkook.
"Manahimik ka diyan kung ayaw mong ibalik kita sa ireumeun Jungkook era mo." Sabi ko sa kanya kaya natawa naman siya.
"Okay na yan, Yoongi. Yan ba yung formal attire ng mga jeje?" Tanong ni Hoseok.
"Di nga ako jeje!" Sagot ko. "Sweg yan, sweg. Wala ka nun kaya di mo alam." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.
Sumakay na agad ako sa sasakyan at tinawagan si Hera.
["Saan ka na?"] Tanong niya.
"Teka, papunta na." Sagot ko.
["Kalalaking tao, ang tagal-tagal. Nako. Saka bakit ba dito ah?"]
"Namiss ko na kasi kumain diyan, mag-antay ka nalang." Sagot ko at binaba ang tawag.
Di rin naman ako nagtagal at nakarating sa lugar malapit kung saan ako nakarating dati. Yung lugar kung saan Nokia 6969 pa ang tatak ng cellphone ko. Yung lugar kung saan lagi akong tumatambay dati. Yung lugar kung saan nagdradrawing pa ako ng mga grafitti sa pader.
Tapos may kasama pang drawing ng ano, alam niyo na yun. HAHA, ako talaga pasimuno sa lugar namin nun. Napangiti naman ako.
Pinanood ko naman si Hera kung saan nakapwesto ang sasakyan ko. Sinenyasan ko rin naman yung isang lalaki sa may loob ng karinderya.
[Hera's POV]
Habang inaantay si Yoongi, biglang may isang lalaki ang lumapit sa akin.
"Miss, pwede pahingi ng number mo?" Tanong niya.
"Ah, hehe. Wala po akong number."
"Dali na miss."
"Wala nga!" Galit kong sabi.
"Gusto ko lang naman magsabi ng eow phoecxz sayo eh. Wag na nga lang. Sungit." Sabi niya. Bago siya umalis sa upuan sa harapan ko, bigla siyang nag-iwan ng papel sa lamesa kaya binasa ko yung nakasulat doon.
w4G k4 nG sÜm1mAnG0T, L4l0 k4 74nG pAp4N93T!!
Tangina, magsusulat na nga lang sa papel, jeje pa amp. Saan na ba kasi si Yoongi?!
Tatawag na sana ako sa kanya nang mahulog yung kutsara sa ilalim ng lamesa ko nung lalaki na nasa katabi kong lamesa.
"Miss, paabot." Sabi niya kaya inabot ko naman at binigay ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Miss, kutsara ka ba?"
"Ha?"
"Kasi papalapit ka pa lang, napapanganga na ako." Tiningnan ko naman siya nang masama kaya ngumiti siya. "Salamat."
Di ko nalang siya pinansin at nagulat ako nang paglingon ko ay may nakapatong na box sa lamesa ko. Binuksan ko naman yun at may nakuha akong bandana na panyo na may kasamang sulat.
mag-exchange gift tayo? akin ka at iyo naman aq. jejeje...
Dahil sa nawiwirdohan na ako sa nangyayari, tumayo na ako at pumunta doon sa sasakyan ko. Kumatok naman ako sa bintana ng driver ko.
"Kuya, aalis na po ako." Sabi ko pero napansin ko na tulog siya kaya mas nilakasan ko. Nagising naman siya. "Kuya, sorry po sa distorbo. Pero aalis na ako."
Kinamot lang naman niya ang kanyang mata sabay punas sa laway niya at nag-abot rin ng papel sa akin.
Laway k ba? Kc kahit 2log n aq, ikau pa rin ang lumalabas s bibig q.
"Kuya, pati ba naman ikaw?" Sabi ko pero sinaraduhan niya ako ng bintana. "OY KUYA!" Naglakad naman ako palayo sa sasakyan ko at tinawagan na si Yoongi pero hindi ko siya matawagan.
Tangina, ba't sila ganito? Nakakatakot na.
Napalingon naman ako sa mga bata na taga-doon nang marinig ko na nag-aaway.
"AKIN NA KASI YAN!"
"EH AKIN ITO EH!"
"CRUSH KO YAN EH! CHICKS KO KAYA YAN!"
"ANO NAMAN?! BABE KO NAMAN ITO!" Sabi nung bata na yun sabay tulak doon sa kausap niya. Napaiyak naman yung batang tinulak niya kaya lumapit na ako sa kanila.
"Ba't kayo nag-aaway?" Tanong ko habang tinutulungan yung batang tinulak.
"Eh kasi ate, yung picture na ito, akin ito eh. Inaagaw niya!" Sabi nung batang nagtulak.
"Eh ate, type ko rin yung babae sa picture eh!" Sabi naman nung isa.
"Sino ba kasi yan ah? Patingin nga." Tanong ko. Inabot naman sa akin yung picture na pinag-aagawan nila. Nanlaki naman yung mata ko sa nakita ko.
"Ang ganda po niya diba, ate?" Tanong ng bata.
Picture ko kasi yun nung first year college pa ako. Tapos ang dami pang suot na bracelet. 'Bangchicser 69 <3' naman nakasulat sa damit ko. With matching pose pa na nakalabas dila at peace sign. Ayoko na balikan ang nakaraan, nakakaiyak.
"OY SAAN NIYO ITO NAKUHA?! PAKSHET!" Napatakip naman ako ng bibig sa nasabi ko. "Ay sorry. Saan niyo ito nakuha?" Mas mahinahon ko namang sabi.
Tumawa lang naman sila at tumakbo palayo. Wtf?
"Sabi nila, 'a picture is worth a thousand words.' Pero nang makita ko ang picture mo, tatlong salita lang ang naisip ko, 'I love you.'" Sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran ko. Napalingon naman ako at nakita ko si Yoongi na nakangiti nang sobrang lawak.
"Oy! Ikaw ba nagbigay nun sa kanila?! Saan mo nakuha yun? Itago mo muna yang gilagid mo kung ayaw mong basagin ko yang ngipin mo!" Sabi ko. "Oy teka, yung damit mo! Ano yan?!"
"Bhocxz Yoongi mo 'to." Sagot niya. Ba't siya nakajeje na damit?!
Mas nagulat naman ako nang makita kong dumarami ang tao sa paligid namin. Mas lumapit naman ako kay Yoongi.
"Pucha, ano nangyayari?" Bulong ko sa kanya.
"Siguro kasi ang pogi ko kaya pinagkakaguluhan nila ako?"
"Lul. Dito ka lang, huwag mo ako iiwan dito. Natatakot na talaga ako." Sabi ko sa kanya.
"Paano ba yan? Dalawang beses lang naman kita gustong makasama." Sabi niya bigla.
"Ha? Anong dalawa?!"
"Now and forever."
"Walang forever."
"Ngayon magkakaroon na dahil sa atin." Sabi niya at bigla akong binigyan ako ng isang piraso ng bulaklak.
"Nakaw mo ito noh?"
"Napulot ko lang talaga yan."
"Aba--"
"Manahimik ka muna."
"Paano ako mananahimik kung ang daming nakapaligid sa atin! Ano tayo, artista?! Kung ano-ano na rin ang natatanggap ko! May mga su--"
Hinalikan naman niya ako bigla kaya humiyaw yung mga tao.
"OY!"
"Tahimik kasi muna!" Sigaw naman niya kaya tumahimik ako at natawa naman siya. "Inutusan ko sila na gawin yun sayo." Pag-aamin niya.
"Ba--" Nilagay naman niya yung daliri niya sa tapat ng bibig niya at umiling para tumahimik ulit ako.
"Kasi doon tayo nagsimula at may gusto akong sabihin sayo ngayon." Napatingin lang naman ako sa kanya.
'Wag mong sasabihin na ganito siya magpropropose sa akin kasi--
"Cho Hera. Choi Jihye. Bhocxz mapagmahal ko." Pagtawag niya sa akin at biglang lumuhod.
OY! OY! OY! WAG GANITO KASI KINIKILIG NA AKO HAYOP.
"Pangalan mo palang kinikilig na ako, paano pa kaya kung magka-apelyido na tayo? Will you marry me?" Tanong niya sabay labas ng isang singsing.
Napaluha naman ako.
Kasi pucha, di ko ito ineexpect. Ang alam ko lang naman may meeting pa ako mamaya kaya nagmanadali na rin ako pero ano ito?! Teka, naiiyak pa ako.
"Oy, ano sagot mo? Nakakangalay lumuhod." Sabi niya.
"Bahala ka diyan lumuhod, nag-eemote pa ako dito." Sabi ko sa kanya at umiyak pa lalo.
"YES NA KASI YAN!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki at pagtingin ko nakita ko si Hyungwon. Hayop.
Magkatabi sila ni Jieun at nakita ko namang nakathumbs-up yung kapatid ko.
Nakita ko rin yung Hotlogs na may hawak pang banner. Di naman sila prepared enue?
"Pakyu, ano na?"
"Pakyu rin, syempre oo! Gago ka ba?!" Sagot ko. Ngumiti naman siya at sinuot ang singsing sa akin.
Tumayo naman siya sabay halik sa akin at niyakap ako.
"Matagal ko nang sinabi ito sayo Hera at paulit-ulit ko pang sasabihin. Ikaw lang sapat na, bhocxz Hera ng buhay ko. I love you. Pakyu."
"Ikaw lang rin sapat na, bhocxz Yoongi ng buhay ko. I love you more. Pakmi."
"Bas2s."
At doon nagsimula ang panibagong parte ng buhay ko. Kasama ang magiging asawa kong bhocxz.
***
The end.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top