Ikaw At Ikaw Parin
"Jopay, kumusta kana?" Umugong ang napaka-lakas na hiyawan at musika sa loob ng stadium kung saan ginaganap ang concert ng Mayonnaise
Halos lahat ay nagkakasiyahan at sumasabay sa bawat liriko habang ang mga kamay ay nakataas sa ere, habang ang iba ay kinukuhanan ng bidyo ang bandang kumakanta sa unahan.
"Jopay, pasensya kana." Sumabay ako sa liriko ng kanta habang ang mga mata'y may hinahanap na isang taong dahilan kung bakit ako nandirito. "Wala rin kasi akong makausap at makasama."
Napanguso ako nang mapagtanto na parang inilarawan ng parte ng liriko na iyon ang sitwasyon ko ngayon. Mag-isa, walang kasama, at walang makausap.
Nasaan na ba kasi siya?
Ang sabi niya ay nandito na siya sa stadium pero hindi ko manlang mahagip kahit hibla lang ng kanyang buhok. O, baka naman nagbago na ang isip niya?
Nakakairita, ang tagal mo naman dumating.
Tinignan ko ulit ang screen ng aking telepono pero walang bagong mensahe na rumerehistro.
Lalong nag-wala ang mga tao nang sa sikat na parte ng kanta na ang liriko at lalong lumakas ang kanilang sigawan na may kasamang pagtalon.
"Wag ka nang mawala!"
"Wag ka nang mawala, ngayon!" Nakisigaw narin ako at nakitalon kasama ng mga hindi ko kilalang mga katabi. Tuluyan ng kinalimutan na may hinihintay ako na dapat kasama sa concert na ito.
"Dadalhin kita saaming bahay. Di tayo mag aaway." Napalingon ako sa kung sino mang kumanta niyon sa mismong tapat pa ng aking tainga. Pag harap ko ay siya ang aking nakita.
Kulay lupang mga mata, mahabang pilikmata, matangos na mga ilong, at namumulang mga labi. "Ang gwapo....." Wala sa sariling sambit ko habang nakatitig sa kanyang mukha habang ang tao saaking paligid ay walang tigil sa pagsasaya at pagsigaw.
Hindi inaasahan na napalakas ang aking pagkakasabi niyon ay natutop ko ang aking bibig ngunit mabilis niyang inalis iyon habang malawak ang ngiting naka paskil sa kanyang mga labi.
"Alam ko." Tugon niyang tila nang-aasar at ngumisi.
Nakaramdam ako ng hiya kaya naman iniba ko na kaagad ang usapan. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nag hihintay, akala ko ay hindi kana darating." Sambit ko sa kanyang tainga dahil sa ingay saaming paligid.
"Hinanap kita, maraming tao pero hinanap kita." Hinaplos niya ang aking buhok at hinawakan ang aking kamay. "Mamaya ka na mag-isip pa, mag-saya muna tayo gayong kasama na kita."
Hindi ako tumanggi at sumabay na muli sa pagtalon ng mga katabi namin habang sumasabay sa kanta.
"Wag ka nang mawala!" Napatingin ako kay Pablo nang kantahin niya iyon malapit saaking tainga.
"Wag ka nang mawala. Ngayon!" Sabay naming pagkanta na parang sinasabi namin iyon sa isa't-isa.
Hindi na, hindi na kita hahayaang mawala.
Napasobra ang pagtalon ng aking katabi kaya napadikit ako ng sobra kay Pablo at napahawak sa maskuladong dibdib niya, kasabay niyon ay ang paghapit niya saaking baywang upung mapanatili ang aking balanse habang sinasambit sa akin ang liriko ng kanta na tunog may laman at may iba pa siyang nais ipahiwatig.
"Dadalhin kita sa aming bahay." Mata sa matang tinginan. "Hindi tayo mag aaway." Ngiting nakakapang hina, "Aalis tayo sa tunay na mundo." Haplos ng palad niya sa aking buhok ang siyang tuluyang tumunaw sa aking puso.
Alam ko ang nais niyang ipahiwatig. Hindi ko na kailangan pang mag dalawang-isip at yumakap sakanya ng mahigpit.
Ako, ako ang pinili. Ako ng pinili niya.
"Kaya kong suwayin ang lahat at iwan ang lahat para sayo." Mahigpit niya rin akong niyakap at naramdaman ko na totoo ang kanyang sinasabi.
"Paano kung iwan ko ang lahat ngunit iwan mo rin ako?" Tanong ko sakanya. Naramdaman ko na kaagad ang nagbabadyang luha sa gilid ng aking mga mata sapagkat hindi mawala-wala ang mga katagang iyon sa aking isipan mula nang mabasa ko ito.
Paano kung hindi niya ako piliin at siya ang kanyang piliin? Tutal mas gusto siya ng magulang ni Pablo kumpara saakin. Pero sinabi na niya na ako ang pinili niya. Totoo iyon, hindi magsisinungaling saakin si Pablo.
"Pinili na kita, handa akong takasan ang lahat kahit pa ang pilitang pagpapakasal na nais nila makasama lang kita." Kumalas siya sa pagkakayakap saakin at sinikop ang aking magkabilang pisngi gamit ang kanyang kamay. "Alicia makinig ka saakin. Sa oras na ito, ikaw, ako, tayong dalawa lang ang nasa sarili nating mundo. Handa akong lumuhod sa harap mo at sa harap ng mga magulang mo. Handa akong dalhin ka sa aming bahay para patunayan sa lahat na kahit anong mangyari, kahit sino pang dumating na mga babae, sayo at sayo parin ako uuwi. Sayo at sayo parin ako. Ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko."
"Walang duda, Ikaw at ikaw lang din ang nais ko." Masaya Kong sambit at tuluyan na ngang nawala ang mga gumagambala sa aking isipan.
Kung si Jopay hindi hinayaang mawala, ako rin. Pinili pa nga.
Sa kabila ng magulong pangyayari at pagplano na pagpunta sa concert na ito, masaya ako dahil kasama ko na muli ang taong mahal ko. Ang taong handang suwayin at iwanan ang babaeng gusto ng mga magulang niya para sakanya at pumunta sa concert ng Mayonnaise. Mabuti na lamang at hindi niya rin ako hinayaang mawala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top