Ihimlay Mo, Joelle!

"UMAASA KA PA RIN BA TALAGA NA BABALIK YUNG HINAYUPAK NA 'YON?" walang prenong tanong ni Chelle. Kadarating pa lang niya sa meeting place nila ni Joelle at 'yon agad ang unang lumabas sa bibig niya.

Dahan-dahang napalunok si Joelle dahil sa naging tanong ng kaibigan. If she was to answer now, mahahalata at mahahalata pa rin naman ni Chelle kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. They were that close. Kung posible nga lang ang pagkakaroon ng brain cell sharing, malamang ay na-avail na nilang dalawa 'yon dahil halos pareho talaga ang takbo ng utak nila. Hinding-hindi niya magagawang magsinungaling dito kahit na kailan.

"Okay, huwag ka nang sumagot. I know the answer na," sabi ni Chelle na napapailing pa.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Joelle. Gaano na nga ba kasi katagal simula nang biglang naglaho ang boyfriend este ex-boyfriend niya? Ah. One year, six months, 2 weeks, 3 days, and 7 hours. Gano'n na nga pala katagal.

Hindi alam ni Joelle kung ano ang nangyari. They were so happy on the last night that they were together. Nakailang rounds pa nga silang dalawa at halos hindi na niya maigalaw ang katawan sa sobrang kapaguran. She literally felt weak and sore kaya laking gulat niya nang magising siya na hindi ito katabi at nawala na lang na parang bula.

"Sorry na..." mahinang sagot ni Joelle, nahihiya sa karupukang ipinamamalas niya ngayon. She knew that Chelle was judging her big time right now kaya gusto niya na ring kastiguhin ang sarili dahil hindi niya magawang makalimutan ang ex niya.

"Kasi naman... Inararo ka lang magdamag nung huling araw na magkasama kayo, hindi ka na makalimot. Aba, maghanap ka ng ibang kalabaw riyan kung pag-aararo lang naman ang problema mo!"

"Hoy! 'Yang bunganga mo!" hysterical na sigaw ni Joelle sa kaibigan. Ramdam na ramdam niya ang hiya at nag-iinit na rin ang pisngi niya dahil sa sinabi ng kaibigan.

Yes, nahihiya pa rin siya na marinig ang gano'n mula sa ibang tao. She felt like it was too private pero minsan kasi, nagiging TMI rin naman kasi ang mga shine-share niyang kung ano-ano kay Chelle. Buti nga at hindi nito nakukuwento sa iba pa nilang mga kaibigan ang mga kagagahang ginagawa niya sa buhay niya.

Marahang napailing si Chelle dahil sa inaakto ni Joelle. It was pretty obvious na hindi pa kasi talaga nakaka-move on 'tong si Joelle sa ex niya. Sometimes, she would she her looking at their photos kahit na sinasabi niyang na-delete na niya lahat ng 'yon. Well, if nilipat naman niya sa ibang phone ang mga picture, na-delete naman na nga 'yon sa main phone niya.

"I don't get it, really. Ano ba kasing pinakain sa 'yo ng pesteng 'yon at hindi mo malimutan? I mean, he's not that gwapo naman. Sure, matangkad tapos medyo maitsura at may sariling sasakyan pero ugali wise, sobrang bagsak siya, girl. Tuwing darating siya, feeling ko may ipo-ipo or signal number 4 bigla, e." Napangiwi si Joelle dahil sa sinabi ni Chelle. Matagal nang sinasabi sa kanya ng mga kaibigan na may iba talaga sa 'aura' ng ex niya but she was too blind to see it. Mahal niya 'yong tao, e, so she would defend him no matter what. Saka ang tagal na rin naman kasi ng pinagsamahan nila. Sayang din 'yong pinagsamahan nila, ano!

But look where defending him got her? Sa wala rin naman pala.

"Hindi naman sa nanghihimasok ako at nagmamarunong ako tungkol sa feelings mo, pero it's been what? Lagpas one year na nang i-ghost niyang ex mo. Kung tutuusin, matagal na dapat nahihimlay 'yang feelings mo sa kanya. Kung ako 'yan, baka galit at inis ang mararamdaman ko, hindi longing at pag-asang babalik pa siya."

"Mahal ko kasi talaga e..." mahinang sabi ni Joelle but it was loud enough for Chelle to hear.

"Nando'n na tayo. He was your first boyfriend at halos four years din naman ang inabot niyo pero that does not justify the ghosting that he did to you. Hindi mo deserve na mag-ghost. The hell, no one deserves to be ghosted like ever."

"E pa'no kung may valid reason naman pala siya kaya siya biglang nawala?" hindi napigilang itanong ni Joelle. Napabuntonghininga naman si Chelle doon. Alam nitong hindi magpapatalo ang kaibigan at ipagtatanggol pa rin nito ang ex kahit na ano'ng mangyari.

"Valid or not, hindi pa rin tama yung ginawa niya. Hindi na dapat umabot sa ganito katagal yung pagkawala niya if pinahahalagahan niya talaga yung meron kayo. Now, if you're done pretending that you're reading that book, tara na nga. Hinihintay na tayo nina Cassie," Chelle said at saka inayos ang pagkakahawak ni Joelle sa librong kanina pa pala baliktad ang pagkakahawak.

Ay shit. Nakakahiya!

***

Dumeretso sina Joelle sa apartment nina Cassie. Magkakasama sina Cassie, Endee, Loysa, at Sol doon at may usapan silang magro-roadtrip ngayon. Siya ang designated driver nila palagi pero parang wala naman talaga siya sa mood na umalis ngayon. She just couldn't bring herself to tell them dahil matagal nang excited ang mga ito. For her, mas gugustuhin pa sana niyang magmukmok sa isang sulok at alalahanin lahat ng pinagsamahan nila ni Jace.

"Tigilan mo kakaisip sa ghoster na 'yon. Sinasabi ko sa 'yo kukurutin na talaga kita," pagbabanta ni Chelle kaya napalunok bigla si Joelle. Was it really possible that she could read her mind?

"No, hindi ko nababasa laman ng utak mo. Masyado ka lang obvious," dugtong ni Chelle kaya nanlaki na ang mga mata ni Joelle.

"Hala! Hoy! Ang creepy mo na!" sigaw ni Joelle sa loob ng kotse. Imbis naman na sagutin pa siya, Chelle simply rolled her eyes at nag-check na ng social media accounts sa phone niya.

Naging tahimik na ang buong biyahe nila after that. And by the time they reached the apartment of their friends, nakahanda na ang mga ito maliban kay Endee. Ipinark ni Joelle ang sasakyan sa tapat ng apartment at nagtulong na sila ni Chelle sa pag-aayos ng mga gamit ng mga ito.

"Nasaan si Endee?" hindi napigilang itanong ni Joelle. It was very unusual kasi na wala pa ito sa labas samantalang ito ang sobrang excited sa biyahe nila ngayon.

"Hay nako. Ayon. Hindi pa rin tapos mag-ayos. Hindi mapakali sa outfit at sa makeup. Ang usapan naman roadtrip 'to hindi blind date," naiiling na sagot ni Cassie na suot na naman ang paborito nitong Winnie the Pooh outfit na dilaw na crop top.

"Hindi ka na nasanay ro'n. Lagi namang gano'n 'yon with matching rampa pa sa harap ng salamin. Akala mo naman may difference sa outfit niya kapag rumampa siya," singit naman ni Loysa. Pasimpleng natatawa sina Sol at Cassie dahil sa sinabi ni Loys dahil totoo talaga ang sinabi nito. Sa inaraw-araw na magkakasama sila sa iisang bahay, hindi lilipas ang araw na hindi rumarampa si Endee sa harap ng salamin. May kasama pang background music 'yon na akala mo ay nasa fashion show talaga.

"Hindi ba tayo mata-traffic nito?" tanong ni Sol. She wanted to see the sunset sana kasi habang nasa coffee shop sila sa Tagaytay. Pero sa bagal ni Endee, mukhang sunrise na yata ang aabutan nila.

Sobrang tempted na silang pumasok at hatakin palabas ng apartment si Endee dahil sa tagal nito pero buti na lang at bago pa sila sumugod papasok ng bahay, lumabas na ito. Literal na napanganga si Joelle pagkakita sa itsura ng kaibigan habang si Chelle naman, hindi na napigilan ang mapamura.

"Ay tangina. 'Di naman ako informed na magmumukha pala tayong muchacha sa aura-han nito. Huwag niyo itatabi sa akin 'yan nako!" ani Chelle at dali-dali itong sumakay sa front seat para lang makaiwas talaga na makatabi si Endee. Napailing naman si Joelle at sumakay na lang din sa sasakyan para makaalis na sila.

Tahimik lang silang magkakaibigan sa simula ng biyahe. They all wore their own earphones except for Joelle and Chelle dahil sila ang dapat mas focused sa daan. Some random love songs were blasting in the radio at akala nila mananatili ang katahimikang 'yon pero fake news lang pala 'yon. Bigla na lang napasigaw si Endee mula sa likod ng sasakyan at muntik pang mapasobra ang pagkakatapak ni Joelle sa brake dahil doon.

"Hoy! Anyare?!" halos sabay-sabay na tanong ng magkakaibigan kay Endee.

"Yung ex mo nag-post!" sagot ni Endee.

"Ex nino?" tanong naman ni Loysa.

"Malamang hindi kay Chelle. Wala namang ex 'yan," singit ni Sol kaya sinamaan agad siya ng tingin ni Chelle.

"Bibig mo pasmado na naman," ganti ni Chelle at hindi naman na sumagot pa si Sol.

"So kaninong ex nga?" tanong ni Cassie dahil ang tagal madugtungan ng chismis ni Endee. Malapit nang mag-go ulit yung traffic lights at wala pa rin ang pinakaimportanteng parte ng tsaa.

"E di yung nang-ghost kay Joelle!" sagot ni Endee sabay pakita pa ng hawak na cellphone sa mga kaibigan. Pinagpasa-pasahan ng magkakaibigan ang cellphone ni Endee and true enough, may bago ngang post ito twenty-four minutes lang ang nakalilipas. Mukhang nasa coffee shop ito at malamig kung nasaan man siya dahil naka-jacket pa ito. Dahan-dahang tiningnan nang maigi ni Chelle ang picture at nang may ma-realize, agad itong lumingon sa mga kaibigan.

"Baguio na lang kaya tayo? Parang ayaw ko na sa Tagaytay," biglang sabi nito na ipinagtaka naman ng mga kaibigan.

"Baliw. Papunta na tayo ng SLEX. Baguio ka riyan. Sa NLEX 'yon, girl!" hirit ni Cassie na akala mo naman ay best in directions e palagi naman talagang naliligaw.

"Sure na ba talaga kayo sa Tagaytay?" tanong ni Chelle na ipinagtaka na ni Joelle. Hindi naman kasi biglang nag-iiba ang desisyon sa buhay nitong si Chelle but when she does, siguradong may deeper meaning doon.

"Ano ba talagang meron?" tanong ni Joelle, hindi na matahimik dahil sa ikinikilos ng kaibigan.

Huminga nang malalim si Chelle at alanganing tiningnan si Joelle. Sinabihan pa niya si Joelle na itabi muna sa gilid ng kalsada ang sasakyan dahil ayaw pa raw niyang mamatay ngayong araw. Kahit na gulong-gulo na talaga sa nangyayari, sinunod naman ni Joelle ang gusto ni Chelle. Pumarada muna sila sa isang gas station para mapag-usapan kung ano ba talaga ang nangyayari at parang nababalisa na ito.

"Spill. Hindi tayo aalis dito at hindi tayo pupunta sa Tagaytay hangga't hindi mo sinasabi kung ano ba ang problema," Joelle demanded. Akmang aangal na sana si Endee dahil siya talaga ang pinaka-excited sa 'boy hunting' nila sa Tagaytay pero kinurot agad siya ni Cassie kaya itinikom na lang niya ang bibig niya.

"Don't freak out, okay? Kahit na ano'ng mangyari, huwag kang magwawala. Like may driver's license naman ako in case na biglang hindi ka na capable mag-drive pero hindi pa ako nagda-drive sa expressway kaya promise that you won't make rash decisions," mahabang intro ni Chelle na lalo lang nagiging dahilan ng hindi pagkapakali ni Joelle. May hinala naman na siya sa sasabihin nito pero gusto niya pa ring marinig ito mismo mula sa kaibigan.

"Jusko, haba naman ng intro. Video sa TikTok yarn?" hirit ni Endee. Agad naman siyang pinatahimik nina Cassie at Loysa, mga todo abang na sa maaaring pasabog na chika.

"E kasi... 'yong ex mo..."

"Nasa Tagaytay 'yong gago?!" biglang dugtong ni Sol. Napalingon naman ang lahat sa kanya na siyang ipinagtaka niya.

"What? Hula lang naman," tila defensive na sabi ni Sol. "Pero shit, seryoso nga? Nasa Tagaytay 'yong kupal?"

Dahan-dahang tumango si Chelle, hindi malaman kung ano na ang dapat sabihin. Nang tiningnan ng magkakaibigan si Joelle, tulala na ito at parang hindi na naririnig ang mga pinag-uusapan nila sa loob ng sasakyan. Her mind was floating back to the times she has spent with Jace pati na rin lahat ng pinagsamahan at pinagdaanan nila... Mula sa masasayang sandali hanggang sa bigla nitong pagkawala. She was back at it with the what ifs and whys na hanggang ngayon, gusto niya pa ring masagot.

But was she really ready to face him? That she doesn't know.

A part of her was hoping to finally get the explanations she knew she needed to move forward in life but a part of her was also hesitant. Paano nga naman kasi kung mas lalo lang siyang masaktan sa mga maaari niyang marinig mula sa ex niya? Baka imbes na mag-move forward siya e mas lalo lang siyang malugmok.

"Nag-o-overthink na naman yata siya. Gisingin niyo, huy!" ani Cassie.

"Madam, sampalin mo na nang magising!" hirit naman ni Endee kay Chelle.

"E kung ikaw kaya sampalin ko? Kanina pa ako nagtitimpi sa 'yo ha!" pamamatol ni Chelle kay Endee kaya pumagitna naman sa kanila si Loys.

"Kapag hindi kayo tumigil, kakagatin ko na kayo!"

"Ang ingay niyo naman. Pambihira. Kapeng-kape na ako. Ano? Sa Tagaytay pa rin ba o sa mall na lang?" tanong naman ni Sol, tila nauubusan na ng pasensya sa mga kasama.

Hindi na nagsalita pa si Joelle. Bigla na lang nitong ini-start ang sasakyan at nagmaneho agad pabalik sa expressway. Kahit na hindi nito sinagot ang mga kaibigan, alam na nila kung saan sila papunta. Mukhang makaka-witness pa sila ng live teleserye nang wala sa oras.

***

Sa hindi malamang dahilan, para bang pinaburan ng langit si Joelle noong araw na 'yon. Halos hindi sila na-traffic papuntang Tagaytay which was very unusual. Wala nang nagsalita pa ulit sa magkakaibigan kaya sobrang tahimik din ng biyahe nila. Minsan, magpapasahan ang mga ito ng pagkain at inumin pero mas madalas pang tulog ang mga ito o kaya naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana, tila nakikiramdam sa maaaring mangyari sa kanila sa pupuntahan.

Akala ng lahat ay mananatili silang gano'n pero binasag na rin ni Joelle ang katahimikan. Tinanong niya lang kung saang coffee shop ba yung nasa picture ng ex niya. Sinagot naman 'yon ni Chelle pero pagkatapos n'on ay natahimik na ulit sila.

Not until Cassie decided to break the ice.

"Sure ka na ba talaga rito?" tanong nito kay Joelle, halatang nag-aalangan din sa sitwasyon nila.

"Kailangan ko 'to. It's been long overdue na rin naman. Parang ang unfair lang kasi na nagagawa niyang magsaya na parang wala siyang nasaktan no'ng bigla siyang mawala noon," sagot ni Joelle at napabuntonghininga naman si Loysa roon. Bilang dating tatanga-tanga rin sa pag-ibig, she knew what her friend was going through. Gusto niya mang pigilan ito sa maaari nitong gawing kagagahan, alam din niyang kailangan na talaga nito ng closure.

"If all else fails, nandito naman kaming back-up mo. Subukan lang niyang paiyakin ka, itutulak talaga namin siya papuntang Taal!" singit ni Chelle. Joelle knew na may chance talaga na totohanin ni Chelle ang sinabi kaya hindi niya na ito ginatungan pa. Instead, she just smiled at her friends, thankful for the amount of concern and support that they've been giving her ever since.

Nang makarating sila sa coffee shop na nasa picture ni Jace, nagsibabaan na agad ang magkakaibigan to look for the scumbag. Well, except for Sol dahil sa counter agad ito dumeretso dahil kapeng-kape na nga raw ito at kay Endee na na-distract sa isang barkada na mukhang mga gwapo at may kaya. And so it was down to Cassie, Loysa, and Chelle. Silang tatlo ang pasimpleng naghahanap sa taong ang tagal naglaho na parang bula mula sa buhay ni Joelle. As for Joelle, nanatili siya sa loob ng sasakyan niya, nag-iisip ng mga bagay na dapat niyang sabihin o itanong kay Jace... nag-iisip kung tama nga ba ang desisyong ginawa niya at nagpunta pa talaga sila rito para sa komprontasyong hindi naman yata talaga siya handa.

After taking three deep breaths, idinilat ni Joelle ang mga mata at laking gulat na lang niya nang makita bigla sa harapan ng sasakyan ang lalaking nang-ghost sa kanya.

Jace...

Pakiramdam ni Joelle, biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Ramdam naman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya pero para bang wala nang ibang gumagalaw sa paligid niya maliban sa kanilang dalawa ng ex niya. He wasn't exactly looking at her nor her car pero sigurado siyang si Jace nga ang nasa harapan niya. Gamit ang nanginginig na mga kamay, binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas mula roon. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa lalaki na tila ba hindi pa rin aware sa presensya niya.

Wala na nga ba talaga siyang halaga rito? Hindi mapigilang itanong ni Joelle sa isip niya. Dati-rati kasi ay alam na alam agad nito kung papalapit na siya. Kaya kahit na anong attempt niya para gulatin ito ay hindi niya nagagawa. Ang dahilan nito, kabisado na raw nito ang amoy at presensya niya. Pero bakit ngayon, parang wala na?

"J-Jace..." mahinang sabi ni Joelle. Hindi siya sigurado kung narinig nga ba talaga siya ng lalaki kaya tinawag niya ulit ito. "J-Jace..."

Dahan-dahan, lumingon ito sa kanya, bakas ang pagkagulat sa mga mata. Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng gulat ito. Gulat dahil pagkatapos ng matagal na panahon ay nagkita ulit sila o gulat dahil nahuli ito sa akto sa ginawa nitong kalokohan. Either way, hindi ito ang inaasahan niyang ekspresyon na makikita mula rito. She was hoping that he would feel sorry about leaving her o kaya naman ay lungkot dahil sa tagal nilang pagkakahiwalay. O kaya naman ay tuwa dahil nagkita na ulit sila. Kahit na anong emosyon maliban lang talaga sa gulat.

"J-Joelle..." tawag nito sa kanya.

"Can we talk?" deretsong anong ni Joelle. Alanganin tumango si Jace at saka sumunod kay Joelle.

Hindi talaga sigurado si Joelle kung saan siya pupunta. Basta na lang siyang naglakad palayo sa mga tao para makapag-usap sana sila nang mas tahimik at seryoso ni Jace. Kaya nang nakahanap na siya ng okay na lugar, tumigil na siya sa paglalakad at hinarap muli ang ex niya.

"Kumusta?" tanong ni Jace. Gusto sanang matawa ni Joelle dahil sa dami ng pwede nitong itanong sa kanya, 'yon pa talaga. Ang lakas din naman ng loob nito na tanungin kung kumusta siya lalo na't ito naman ang dahilan kung bakit naging miserable siya.

"Bakit? Bakit mo iniwan bigla? Bakit bigla ka na lang nawala? May nagawa ba ako— No. Scrap that. Ano ba ang nangyari, Jace? Bakit biglang naging gano'n?" dere-deretsong sabi ni Joelle. Pinipilit niyang tatagan ang sarili para hindi siya maiyak sa harapan ng ex niya pero naisip niya na ang hirap pala. Ang tagal niya ring kinimkim ang nararamdaman simula nang mawala ito sa buhay niya.

"I'm sor—"

"Hindi ko kailangan ng sorry mo, Jace. Explanations. Paliwanag ang kailangan ko mula sa 'yo. Hindi ko lang kasi maintindihan kung ano'ng nangyari, e. We were so happy that night pero bakit paggising ko, wala ka na lang bigla? Ano? Akala mo ba babaeng tine-table lang ako na pagkatapos mong makaraos, iiwan mo na lang basta?"

"What? No! Of course not!" nanlalaki ang mga mata na sagot ni Jace, halatang nagulat sa huling sinabi ni Joelle.

"Then why? Bakit mo ginawa 'yon? You could have explained in the past one and a half year pero ano'ng ginawa mo? Wala! You left me hanging and questioning myself and my worth as a person. Pakiramdam ko, you merely used me at nang nagsawa ka na, you simply discarded me like a piece of trash," ani Joelle. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Akmang pupunasan sana ito ni Jace pero agad siyang pinigilan ni Joelle.

"Don't you dare touch me again. Sagot. Sagot lang sa mga tanong ang kailangan ko at wala nang iba. If you're thinking na hahabulin pa kita at ipagpipilitan ko ang sarili ko sa 'yo, I promise you that it won't happen. So please answer my questions now while I'm still asking you nicely," matapang na sabi ni Joelle. Ibinaba naman ni Jace ang kanyang kamay at agad itong napayuko, tila nahihiya na sa nangyayari.

"I got scared... Natakot ako kasi akala ko mabubuntis kita. Nabutas yung huling condom na ginamit natin noon. Hindi pa ako handa na maging ama kaya nag-panic ako. Umalis na ako agad at hindi ko na inisip pa kung ano ang posibleng mangyayari sa 'yo," mahinang sagot ni Jace.

Pakiramdam ni Joelle, para siyang sinuntok sa sikmura dahil sa narinig mula sa ex niya.

"Bullshit. Dahil lang do'n bigla mo akong iniwan?"

"Hindi basta lang 'yon, Joelle! Pareho pa tayong nag-aaral no'n! Paano kung may nabuo nga talaga? Saan tayo pupuliting dalawa, ha?"

Isang sampal ang iginawad ni Joelle kay Jace. Napabaling ang ulo nito sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal ni Joelle. Ramdam din ni Joelle ang pananakit ng kamay niya pero mas matindi pa rin ang sakit na nararamdaman ng puso niya.

"Kung hindi ka ba naman isa't kalahating gago, bakit ba kasi ipinilit mo nang ipinilit na gawin natin 'yon kung hindi ka naman pala handa sa responsibilidad na pwede mong makuha kapag pumalpak ka? Ayan ang problema sa 'yo, e. Sarili mo lang ang inisip mo. Ni minsan ba, hindi mo inisip kung ano yung pagdaraanan ko dahil sa pagkawala mo? Ni minsan ba, hindi mo inisip paano kung nagkatotoo nga yung kinatatakutan mo?" buong tapang na tanong ni Joelle.

"I-I did..."

"Tangina. Ano'ng akala mo sa 'kin, bobo?"

"H-hindi..."

"Mas inuna mo yung takot mo kaysa sa pagmamahal mo sa 'kin, Jace. Oh wait. Minahal mo ba talaga ako in the first place? Feeling ko kasi, hindi naman talaga."

"Joelle, please. Makinig ka naman sa akin, o," pakiusap ni Jace kay Joelle pero tila naging bato na ang puso nito dahil sa narinig mula sa dating nobyo.

"No, you listen, Jace. Kung mahal mo pa nga talaga ang buhay mo at ayaw mong mahimlay ka nang maaga sa ilalim ng lupa, ito ang gagawin mo. Huwag na huwag ka nang magpapakita ulit sa akin. Dahil baka sa susunod na makita kita, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hindi lang sampal ang magawa ko sa 'yo," sagot ni Joelle at agad siyang naglakad palayo sa binata.

Malapait na siya sa sasakyan nang maramdaman niya ang patuloy na pag-agos ng luha niya. At nang makita siya ng mga kaibigan, halatang handa nang manugod ang mga ito.

"Nasa'n na 'yong hayop na 'yon?" tanong ni Chelle kay Joelle. Umiling na lamang ito bilang sagot at nagyaya nang umalis sa lugar na 'yon, half-hoping na tuluyan nang mahihimlay ang natitirang pag-ibig na nararamdaman niya sa tarantadong ex niya.

Sana nga makalimutan na niya iyon. Sana nga mahimlay na 'yon. Sana...

***

Waddup! Bitin na naman. As expcted. Sabog din. Katulad ko. Haha.

But comments and thoughts are welcome!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top