Chapter 7 - Ang Babaeng Olats


"Bes, kalma lang. Hindi na mauubusan."

Inaagaw sa akin ni Mel ang bote ng vodka na nangangalahati na ang laman.

Sumama ako sa bahay nila para uminom.

Kailangan ko maglabas ng sama ng loob.

Dumarami na sila.

Hindi ko na kaya I-contain.

Si Mel ang witness sa mga lowest moments sa buhay ko.

Parang magkapatid na ang turingan namin.

Pakiramdam ko mula nang mabuking si Joshua tapos nagbreak kami ay parang sunod-sunod naman ang kamalasan sa buhay ko.

Lumabas na ang resulta ng interview.

Hindi ako ang napili.

"Isa lang ang ibig sabihin ng nangyari sa'yo."

"Ano iyon?" Namumungay ang mga mata na tanong ko sa kanya.

Kaninang alas-singko pa kami nag-iinuman.

Maga-alas-siyete na ng gabi pero ayoko pa rin tumigil.

"May mas magandang nakalaan para sa'yo," Sumubo siya ng Boy Bawang.

"Naniniwala ka sa ganyan?"

"Oo naman."

"Ako hindi."

"Bakit?"

"May kasabihan di ba? Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Pero ginagawa ko naman ang lahat di ba? Bakit hindi ako ang napili?" Pumiyok ako.

Tinungga ko ang hawak na vodka at naramdaman ang pagbaba ng init mula sa lalamunan hanggang sa dibdib.

"Malay mo di ba? Baka hindi napunta sa'yo ang posisyon dahil sobrang stressful? Ngayon pa nga lang na assistant ka ay hindi kayo magkasundo ni Rick. Paano pa kaya kung manager ka na? Micromanager pa naman siya. Sabi nga ni Deb sa akin dati kahit weekend naghahabol siya kasi tinetext siya ni Rick kahit walang pasok. Gusto mo ba iyon?"

"Sinabi niya iyon sa'yo?"

"Nabanggit niya. Tinanong ko kasi siya kung ano ang gagawin niya noon at iyan ang sagot niya. Di ba sacred sa'yo ang weekends mo? Ayaw mo na ginugulo ka kasi ang sabi mo ay iyon na lang ang time mo para sa sarili mo?"

"Kahit na. Willing naman ako magcompromise para sa trabaho."

"Lasing ka na nga talaga. Hindi mo na alam ang mga sinasabi mo. Ang mabuti pa ay akin na iyan." Hinablot niya ulit ang bote pero lalo ko hinigpitan ang hawak dito.

Natapunan tuloy ako sa blouse dahil sa lakas ng puwersa namin dalawa.

"Ano ba iyan? Nabasa ka tuloy," Tumayo siya at kumuha ng paper towel sa kusina.

"Magwashroom lang ako. Lalabhan ko na rin ang blouse ko," Tinukod ko ang kamay sa dulo ng lamesa at tumayo.

Sa sobrang kalasingan ay na-off balance ako.

Mabuti na lang at nasalo ako ni Mel kundi babagsak ako sa sahig.

"Hay naku," Bumuntong-hininga siya.

"Samahan na kita. Baka mapaano ka pa," Inakbay niya ang kamay ko sa balikat niya at dahan-dahan kami naglakad.

Lasing na talaga ako.

Nanlalabo na ang tingin ko at hindi ko alam kung tumatapak ang mga paa ko sa sahig.

Samantalang si Mel ay matibay talaga pagdating sa inuman.

Hindi siya kaagad nalalasing kahit uminom ng beer, vodka o tequila.

"Dito ka muna. Ikukuha kita ng tuwalya," Pinaupo niya ako sa toilet seat.

"Saglit lang ha?" Sinara niya ang pinto.

Sumandal ako sa water tank pagkaalis niya.

May whole body mirror sa washroom nila at nakita ko ang hitsura ko.

Naglaglagan ang buhok sa namumulang mukha.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

"Olats ka," Dinuro ko ang reflection sa salamin.

"Talo ka na sa love life, talo ka pa rin sa trabaho. Loser," Inangat ko ang mga daliri na hugis-L at tinapat sa ulo.

"Maganda ka naman kaso maliit ang boobs mo," Kinapa ko ang dibdib.

"Masipag ka magtrabaho kaso hindi enough iyon para ipagkatiwala sa'yo ang department," Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.

I felt exhausted all of a sudden.

Ang emotional stress dala ng break up namin ni Joshua pati na rin ang naunsiyaming promotion ay parang malakas na ulan na biglang bumuhos.

Hindi ako handa sa onslaught nila kaya umiyak na lang ako.

Naisip ko ang mga efforts na binigay para sa love life at trabaho.

Kahit pagod ako, kapag nagyaya si Joshua lumabas, go go go.

Ganoon din sa work.

Kahit wala na akong lakas, kapag may absent o nangangailangan sa mga kapwa ko assistant managers ng coverage, yes yes yes.

Gusto ko kasi na maging smooth ang lahat.

Ayokong isipin nila na hindi ako marunong makisama o hindi nila ako maaasahan sa panahon ng pangangailangan.

Inisip ko na kapag dumating ang oras na kailangan ko ng tulong ay ganoon din ang gagawin nila sa akin.

Pero hindi naman totoo iyon.

May kasama ako na magaling humingi ng pabor.

Sa akin siya lagi lumalapit dahil alam niya na madali akong kausap.

Pero kapag ako na ang may kailangan ay laging hindi siya puwede.

Nakakasawang tumulong kung minsan.

Nakakawalang-gana.

Bumukas ang pinto.

Mabilis na pinahid ko ang luha.

"Anong nangyari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Mel.

"Wala."

"Maghilamos ka na nga lang para mahimasmasan ka," Bukod sa tuwalya ay may dala siyang T-shirt na pampalit.

Sinabit niya ito sa hook sa likod ng pinto.

"Kaya mo ba tumayo?"

"Oo naman."

"Akala ko hindi mo kaya eh."

"Kaya ko. Sige na. Lumabas ka na. Ako na ang bahala rito."

"Ipagluluto kita ng ramen para mabawasan ang pagkalasing mo."

"Sige. Thank you."

Pag-alis ni Mel ay hindi ako kaagad naghilamos.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon at tinawagan si Aly.

Hindi pa niya alam ang resulta ng interview.

Nagtext siya kanina pero dahil hindi ko pa natatanggap ang e-mail ay sinabi ko na wala pa.

Matagal bago niya sinagot ang tawag ko.

Ibababa ko na sana pero sakto naman na nagsalita siya.

"Hey, Jane."

"Hi," Matamlay na sagot ko.

"Is everything okay?"

"No," Umiyak na naman ako pagkasabi nito.

Bakit ba parang gripo ang luha ko ngayong gabi?

Wala bang pihitan para tumigil ang pagpatak nito?

"I didn't get it."

"I'm sorry to hear that. Wait. Are you crying?"

"What do you think?"

"You sound different. Are you drunk?"

Telepathic yata ito si Aly.

Kahit sa boses lang ay halata niya na nakainom ako kahit pilit na tinutuwid ko ang dila.

"Where are you?"

"I'm at Mel's."

"Rodriguez?"

"Yes."

"How are you gonna get home?"

"I'll call a taxi or an Uber."

"Why don't you wait for me? I'll pick you up."

"You're kidding, right?"

"I'm serious."

"How are you going to get here? Are you getting on a helicopter or something?"

"No, Janey." Tumawa siya.

"I'm here in Calgary."

"I thought you said you won't be here till the weekend?"

"That was the plan but I have too many unused vacation days that my boss forced me to take time off early. But enough of that. Text me Rodriguez's address. I'll come get you."

"You don't have to. I'm fine. I can always sleep over at Mel's."

"But don't you have work tomorrow?"

"I do."

"It's not a bother really."

"You just want to see me don't you?"

Isang malutong na tawa ang narinig ko sa kabilang linya.

Nabawasan ang page-emo ko kasi parang kinilig siya sa sinabi ko.

"Are you sure it's not a big deal if you pick me up?"

"Yes."

"Okay. I'll text you then."

"Great."

Hinanap ko ang contact information ni Mel at shinare kay Aly.

"See you in a bit," Reply niya pagkatapos mareceive ang text.

***

"O? Bakit ang saya mo? Kanina lang para kang nalugi," Tanong ni Mel pagbalik ko sa kusina.

"Darating si Aly."

"Ha? Di ba nasa BC siya?"

"Nandito siya. Birthday ng mommy niya sa weekend at pinagtulakan siya magbakasyon ng maaga ng boss niya."

"Himala. Nawala bigla ang pagkalasing mo." Natatawang sabi niya habang nilalapag sa lamesa ang seafood ramen na bagong luto.

Nabuhay ang dugo ko nang maamoy ang umami at anghang.

"Bakit ka niya susunduin?"

"Ihahatid niya ako pauwi."

"Puwede ka naman dito matulog. Inabala mo pa siya."

"Naku. Hindi ano.Sinabi ko nga na huwag na pero alam niya na may pasok ako bukas."

"Ano naman? Puwede mo naman hiramin ang damit ko."

"Maluwag ang damit mo tsaka puro hoodies. Alangan naman pumasok ako na pareho tayo ng outfit."

"Gusto mo lang yata makita siya makita."

"Hindi ano? Baka siya gusto niya ako makita?" Sumandok ako ng sabaw at hinipan muna bago ako sumubo.

"Serious question. Paano kung magkaroon kayo ng part two ni Aly? Mag pag-asa na ba siya this time?"

"Malabong mangyari iyon."

"Bakit naman? Single ka naman."

"May girlfriend siya."

"Hindi nga?"

"Oo nga. Siya mismo ang nagsabi."

"Hindi ba magseselos ang girlfriend niya kapag nalaman nito na sinusundo ka ni Aly?"

"Wala naman siyang dapat pagselosan. Sabi nga ni Aly, friends lang kami."

"Iyon lang ba talaga ang meron sa inyo? Araw-araw nagtetext at nag-uusap kayo."

"Oo naman. Hindi ko gagawin ang ginawa sa akin ni Joshua ano? Alam ko ang feeling ng niloko. Hindi ko tataluhin ang kapwa ko babae."

"Ang sa akin lang ay mag-iingat ka. Ang hot pa naman ni Aly. Di ba nga noong high school ang daming lumalapit sa kanya?"

Tumango ako.

Alam ko ang sinasabi niya kasi noong nahuhulog na ang loob ko kay Aly ay asar na asar ako sa mga cheerleaders na laging nagpapacute sa kanya.

May pahawak-hawak pa sa kamay niya.

Puwede naman siya I-congratulate ng hindi hinihipo o hinahawakan.

Pero dahil wala naman label ang relationship namin ay hindi ako makapagreact as girlfriend niya kasi wala ngang label di ba?

***

Katatapos lang namin ni Mel I-load sa dishwasher mga hugasan nang may nagdoorbell.

"Ako na," Pinunasan ko ang mga kamay at pinuntahan para I-check kung sino ang dumating.

Hindi nagtext si Aly kung on the way na ba siya o hindi pero feeling ko siya na ito.

Pagbukas ng pintuan ay ngumiti siya ng makita ako.

Tulad ng naramdaman ko nang makita ko siya sa washroom noong wedding ay natigilan ako.

Hindi siya nakasuit and tie pero ang lakas ng audience impact ng lola mo.

Kasi ba naman?

Ang suot akala mo rock star siya.

Unbuttoned black leather jacket over plain white tees, dark pants at black leather boots.

Messy ang pagkakatali ng buhok niya pero lalo ito nakadagdag sa appeal niya.

"Hi," Bati ko sa kanya.

"Nice shirt."

Natawa ako.

Dragon Ball-Z ang design ng shirt na pinahiram sa akin ni Mel.

"Thank you," Sinakyan ko na lang ang sinabi niya.

"Come in," Tumayo ako sa gilid at pinatuloy siya.

Pagdaan niya sa tapat ko ay naamoy ko ang pabango niya -- light and sweet. Parang pinaghalong honey at tangerines.

Ang sarap niya kagatin.

"Jane?"

"Yes?" Kumurap ako.

Kakaiba ang ngiti ni Aly.

Nahalata niya kaya na nahalina ako sa amoy niya?

Hindi siya nakasagot kasi lumabas ng kusina si Mel.

"St. James," Bigla siyang tumili tapos yumakap kay Aly.

Pero dahil di hamak na mas matangkad siya sa amin ay hanggang bewang lang umabot ang mga braso niya.

"Oh my god. You look so beautiful," Abot hanggang tainga ang smile ni Mel.

Namula ang cheeks ni Aly.

"You haven't change, Rodriguez. How are you doing?"

"I'm good. Why don't you come to the kitchen? We have lots of food and drinks."

"Do you have my favorite lumpia?"

"Of course. What is an inuman without lumpia as pulutan?"

Bukod sa tawag sa mga pagkaing Pinoy ay alam din ni Aly ang inuman, pulutan at karaoke.

"Sit here," Hinila ni Mel ang upuan na nasa tabi ng puwesto ko.

"I'll nuke some food for you."

Hindi na niya hinintay si Aly na magsabi kung ano ang kakainin.

Naglagay siya sa plato ng kanin, pork barbeque at lumpia.

"I'm just going to wash my hands. Where's the washroom?"

"Down the hall to your right."

"I'll be right back."

Sinundan ni Mel ng tingin si Aly.

Nang makaalis na siya ay nagtagalog ulit.

"Si Aly iyon? Shit. Sobrang ganda niya. Parang model. Sure ka na pulis siya?"

"Oo nga."

"Damn. Hindi ako magugulat kung mainlove ka sa kanya. Pati ako crush ko na siya."

"Sira."

"I'm not kidding, Bes. I mean, noong mga bata pa tayo, cute na naman talaga siya di ba? Pero ngayon, nagbloom ang lola mo."

Tumigil siya sa pagsasalita nang marinig ang mga yabag pabalik sa kusina.

Umupo si Aly sa tabi ko.

"What are you guys talking about?"

Nagkatinginan kami ni Mel.

"You," Sagot niya.

"What about me?"

"I was telling Jane how I think I have a crush on you."

"Really?" Ngumiti siya tapos kinuha ang barbecue at kumain.

"Are you sure you're a cop?"

"Yes. You don't believe me?"

"I don't. Where's your badge. I wanna see."

"Sure," Kinuha niya ang wallet at pinakita sa amin ang ebidensiya.

Hindi ko naman kailangan ng proof.

Si Mel lang talaga ang makulit.

"You really are a cop."

"I told you, didn't I?" Sabi ko.

Nagkuwentuhan kaming tatlo habang kumakain si Aly.

Two weeks pala siya sa Calgary.

"What are you planning to do while you're here?" Tanong ni Mel habang nagsasalin ng vodka sa baso.

Inalok niya ako pero tumanggi ako.

Hindi ko na kaya.

Baka bumigay na ang atay ko sa dami ng nainom.

Tumanggi rin si Aly dahil magdadrive siya.

"I don't know. What do you guys think?"

"Jane should take you to the mountains."

"What? Why me?"

"Why not?"

"Don't you like going to the mountains to hike?"

"I do but Aly might be busy."

"I'm not."

"Perfect. You too can go to the mountains, reconnect or whatever."

"Sounds like a good idea to me."

Sinimangutan ko si Aly na ngumiti lang sa reaksiyon ko.

Wala sa plano ko ang maghike.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa ulo ni Mel para I-volunteer ako.

"I think Aly will be fine going by herself."

"Where's the fun in that?" Nakatingin sa akin si Mel.

Hindi naman siya lasing pero bakit hindi siya makahalata na ayoko sumama.

Nasaan na ang sinabi niya kanina na baka magselos ang girlfriend ni Aly kapag nalaman nito na lagi kami magkasama?

"Janey is right. I can go by myself. But it won't be the same without you there. Remember the time when we snuck out to go to Banff?"

Kumunot ang noo ni Mel.

Wala siyang alam tungkol dito dahil hindi ko sinabi sa kanya.

"You went to Banff?" Nanlaki ang mga mata niya na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Yes. We did. It was on a whim. Jane was stressed with school so I took her to Banff to relax. It helped didn't it? You aced all our exams?"

Maaliwalas ang hitsura ni Aly habang nagbabalik-tanaw.

Nagulat naman ako kasi hindi ko akalain na bigla niya na lang babanggitin ang tungkol dito.

"We always had fun when we go to Banff."

Idinugtong pa niya talaga.

"Jane, you should really go with Aly. It sounds like your special place."

Pinanliitan ko ng mga mata si Mel.

Pero mukhang enjoy na enjoy ang bruha sa pang-aasar sa akin lalo na at may mga bagay siya na nalalaman tungkol sa amin ni Aly.

Mga bagay na hindi ko sinabi sa kanya dati dahil alam ko na maeexcite siya kapag nalaman niya.

"Don't you have a vacation coming up?" Sambit ni Mel.

"You have a vacation?"

Nakatingin sa akin si Aly pero hindi ako nakasagot dahil si Mel na ang sumagot.

"Yes. She filed it after she found out that she didn't get the job."

"Are you going somewhere?"

"No. Not really."

"How long is your vacation?"

"Two weeks."

"Perfect. We can vacation together then. Only if you want to. But if you already made plans it's fine."

"Don't you have things to do?"

"Aside from helping Mom around the house and fixing stuff, not really."

"It's settled then. You and Jane should go together. It will be fun."

Kung puwede kurutin si Mel o tapakan ang paa niya, gagawin ko.

Ano ba ang pumasok sa isip niya at siniset-up niya ako?

Did she forget the part that Aly has a girlfriend?

Hindi kami kaagad nakaalis pagkatapos kumain ni Aly dahil inalok siya ni Mel ng dessert na buco pandan.

Favorite niya pa naman iyon.

Ito ang lagi niyang nilalantakan kapag may handaan.

"This is so good. Did you make it?"

"No. Seafood City did," Tumawa si Mel.

"We should go there sometimes. My treat."

"Sure. Since you guys are on vacation, you can pick me up at work and we'll all go together."

Grabe.

Lumelevel up ang planning skill ni Mel.

***

Maga-alas nuwebe na ng gabi kami nakaalis.

Nagtext na rin si Mama at hinahanap ako.

Tumawag ako at sinabi on the way na ako.

"Nagdrive ka?"

"Hindi po."

"Uber?"

"Hindi rin po."

"Hinatid ka ni Mel?"

"Hindi po, Ma."

"Sinong kasama mo?"

"Si Aly po."

"Nandito si Aly? Di ba nasa BC siya?"

"Nandito po siya para sa birthday ng mommy niya."

Tumigil kami sa red light tapos bigla siyang nagsalita.

"Hi, Mrs. Flores."

"Siya ba iyon?"

"Opo, Ma."

"Sabihin mo, hi din. Ipaghahanda ko kayo ng makakain."

"Huwag na po, Ma. Busog pa po kami. May pa-Sharon pa nga si Mel sa inyo."

"Ganoon ba?"

"Opo."

"Sige. Ayusin ko na lang ang bahay para hindi naman nakakahiya sa kanya."

Ano pa kayang ayos ang gagawin ni Mama?

Laging malinis ang bahay.

Si Mama ang number one enemy ng mga alikabok.

Nang makarating sa bahay ay pinarada ni Aly ang SUV sa likod ng van namin.

Inalis ko ang seatbelt pero hindi niya pinatay ang makina.

"Do you want to come inside?"

"Are you sure?"

"Yes. My mom wants to meet you."

"Okay."

Nauna ako bumaba at binuksan ko ang gate.

Nakarating na siya rito pero hindi siya nakapasok sa bahay.

Natatakot kasi ako na baka may masabi siya o di kaya baka mahalata ng mga magulang ko na may something sa amin.

Ngunit ngayong gabi ay hindi ko na naramdaman iyon.

Wala akong dapat ikatakot dahil wala naman namamagitan sa amin.

Pero habang umaakyat sa hagdan ay bakit excited ako na sa wakas ay makikilala na rin ni Mama si Aly?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top