Chapter 6 - Zed
Wednesday, 2 pm - Wildrose Conference Room.
Diyan ako nanggaling pagkatapos ang halos isang oras na interview kasama si Rick na director ng call centre at dalawang personnel ng HR.
Kilala ko silang lahat at kilala rin nila ako.
Pero hindi maialis na kabahan pa rin ako lalo na at dito nakasalalay ang katuparan ng pangarap ko.
Lunes nang dumating ang e-mail para sa interview.
Umaasa talaga ako pero alam ko rin na hindi porke't matagal na ako sa kumpanya ay ikokonsider nila ang application ko.
Nagulat ako nang padalhan ng invite.
Ang hindi ko inakala ay ang iksi ng panahon para magprepare.
Dalawang araw lang tapos interview na kaagad.
Halatang minamadali nila ang lahat.
Hindi ko maiwasan ang maging bitter.
Kung prinomote na lang nila ako ay hindi na sila magkukumahog ng ganito.
Pero wala eh.
Sinunod nila ang gusto ni Rick kaya hayan.
Mag-effort kayo ng todo.
Nabanggit ko kay Aly ang tungkol sa interview.
Sa sobrang tuwa niya ay tinawagan niya ako.
Nakaduty pala siya nang magtext ako.
Ang akala ko magtetext lang siya kaya nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone.
"We don't have to talk tonight if you need to prepare for this."
"Why won't we talk?"
"Don't you have to do some research or something?"
"I will but what does it have to do with not talking to you?"
"Are you going to miss me, Flores?"
Nagbibiro siya pero hindi ko mapigil ang magblush.
"You know what? I think it's a good idea if we don't talk."
"Seriously?"
Kabado ang tono niya.
"I mean, you have a girlfriend. Won't she be jealous when she finds out you're talking to another girl?"
"You're not just another girl, Janey."
Hindi ko alam kung anong meron si Aly.
May mga sinasabi siya na gusto kong isipin na walang malisya pero hindi ko maiwasan ang kiligin.
Delulu na yata ako.
"Don't worry. We're not doing anything wrong. It's like old friends catching up on lost times."
Ouch.
Old friends zone na pala ang kinalalagyan ko ngayon.
Bakit ko naman kasi naisip na ang isang tulad ni Aly na attractive ay magiging single?
"Do what you need to do. If you want to talk to me, call, text, send a pigeon or whatever."
"Okay."
"You got this, Jane. I believe in you."
"Do you really think so?"
"Why? Don't you believe in yourself?"
"I do but after I didn't get the promotion, my confidence took a nosedive."
"You'll get it back. You're not Jane Flores for nothing."
"Thank you for your faith in me."
"Anytime."
"You know, if you want to change careers, you can be a life coach. You're great at it."
"Now you're pulling my leg."
"I'm not kidding. You've always been good at making me feel better about myself."
"Never doubt yourself for a second, Jane."
"I will try."
"Don't try. Do it."
"Fine."
"That's my girl."
Natigilan ako at ganoon din siya.
May ilang segundong dead air na namagitan sa amin.
Ako ang unang nagsalita.
"I'd better get back to work. You should too."
"Yes, Ma'am."
Kahit hindi ko siya nakikita ay naimagine ko na nagsalute si Aly.
Ako na ang nagdisconnect ng call dahil baka humaba pa ang usapan namin at pareho kami walang matapos.
Ilang minuto na ang lumipas ay nakatitig lang ako sa cellphone.
That's my girl.
Inalog ko ang ulo.
Bawal ang delulu.
***
Sa gabi pagkatapos magdinner at makapagpahinga ng kaunti ay nanonood ako ng mga videos at nagreresearch kung ano ang mga possible interview questions at best answers.
Nang araw ng interview ay hindi lang butterflies ang nasa stomach ko kundi ang buong jungle.
Pakiramdam ko gusto ko magwashroom pero pagdating doon ay wala naman lumalabas.
Nakaupo lang ako sa toilet seat na hindi alam kung ano ang hinihintay ko.
Pati si Mel ay napapagod na sa akin kasi hindi ako mapakali.
Nang oras na ay huminga ako ng malalim bago pumasok sa conference room.
Pagkaupo ay nakaplaster sa mukha ko ang napakagandang ngiti.
Hindi ko pinahalata na nanlalamig ang mga kamay ko pero mainit naman ang likod at pinagpapawisan kahit airconditioned naman ang room.
Mabuti na lang at nakasuot ako ng blazer dahil siguradong babakat sa manipis na button-down white and blue striped shirt ang pawis ko.
Casual ang atmosphere dahil magkakakilala kami.
Friendly din si Rick kasi nandoon ang HR pero ngiting aso kumbaga.
Noong question and answer na ay galing kay Rick ang mga hard hitting questions.
Nagtanong siya kung ano ang qualifications ko bilang manager.
Sinabi ko ang years of experience ko bilang assistant sa company namin.
Paano ko ihahandle ang almost two-hundred employees sa department namin?
Ano ang alam ko sa conflict resolution?
Paano ko ihahandle ang threat ng AI sa industry namin?
Nasagot ko naman ang mga tanong niya.
Tatango-tango ang mga taga-HR at ganoon din si Rick.
Pero dahil matagal ko na siya kasama ay ramdam ko na hindi siya sold sa mga sagot ko lalo na pagdating sa kawalan ng experience sa pagmamanage ng isang malaking call centre.
Nang magpasalamat sila sa akin at pagkatapos magbigay ng instructions kung kailan ko malalaman ang result ay tumayo na ako at lumabas.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Imbes na dumiretso sa opisina ay pumunta ako sa washroom.
Ang stress ay umabot sa pantog ko.
Pagtulak ng pinto ay may sumigaw sa loob.
Ano ba iyan?
Ilang beses ako pinaalalahanan ni Mel na huwag magpipigil kasi by the time na pumunta ako sa banyo ay hindi ko na mapigil kaya lagi kong tinutulak ang pinto sa pagmamadali.
"Sor...," Hindi ko natapos ang sasabihin.
Nakatayo sa harapan ko si Zed.
Para siyang dragon sa galit.
Bukod sa nakakatakot na hitsura niya ay makatawag pansin ang suot na navy blazer, pantsuit at elegant white satin top.
"What are you doing here?"
Hindi ko napigil ang bibig.
"Is this washroom off-limits?
"Whatever," Nilampasan ko siya kasi ihing-ihi na talaga ako.
***
Glass walls ang mga offices namin pati ang conference room.
Dumaan sa office ko si Zed pero hindi siya lumingon.
Pagbalik galing sa washroom ay tinanong ko si Mel kung nakita niya si Zed na pumasok sa conference room.
Hindi niya nga pala ito kilala.
Wala akong naikuwento sa kanya tungkol sa pagkaimbiyerna ko rito noong araw ng kasal.
Kinuha ko ang cellphone.
Pinakita ko ang group picture at tinuro si Zed na nakatayo sa tabi ni Regi.
"Siya ba? Oo. Dumiretso sa conference room. Bakit? Natatakot ka doon?"
"Hindi. Wala," Naiinis na sagot ko.
Tinalikuran ko siya at pagdating sa sariling opisina ay sumalampak sa upuan.
Nag-apply rin ba siya?
Pero sa BC siya nakatira.
Anong ginagawa niya dito?
Sino ba ito si Zed?
Naiintrigang nagtype ako sa browser pero bigla akong natigilan.
Nickname niya lang ang alam ko.
Tanungin ko kaya si Ate Aira?
Magtataka iyon pero bahala na.
Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya rito.Kinuha ko ang cellphone at imbes na magtext ay tinawagan ko siya.
Kaso hindi niya sinasagot.
Ibababa ko na dapat nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.
Pagkatapos ng how are you, I'm fine thank you exchange of pleasantries ay nagtanong siya kung bakit ako tumawag.
"May itatanong ako sa'yo."
"Tungkol saan?"
"Kay Zed."
"Anong gusto mong malaman?"
"Nandito siya, Ate. Nagi-interview right at this moment."
"The same position you applied for?"
"Paano mo nalaman?"
"Nakuwento ni Tito Mario. Sabi niya dapat mapopromote ka pero hindi natuloy."
"Hindi na iyon importante, Ate. Tell me something about Zed."
"What do you want to know? Why didn't you search online? May Connect profile naman siya kung gusto mong malaman ang work experience niya."
"Paano ko siya mahahanap? Hindi ko alam ang real name niya."
"Oo nga pala. You were so annoyed when she said she'll tell you more kapag nagkakilala na kayo."
"Ang yabang kasi. Akala mo naman interesado ako sa kanya on a personal level. Tse."
Tumawa si Ate Aira.
"So, ano na? Sino si Zed and why is she here?"
"Promise huwag mong sasabihin sa kanya na sinabi ko sa'yo ha? Lagot ako doon."
"Promise," Tinaas ko pa ang kanang kamay.
"Zenaida Arista Montemayor ang real name niya."
"Wait lang. Montemayor? Like the rich, old money Montemayor sa Cavite? Di ba tycoons sila? They're into real estate, media and telecommunications pati na rin sa retail?"
"Yup. That's her."
"Anong ginagawa niya rito sa Canada?"
"Exiled."
"Ha? Ano siya? Political asylum?"
"More like lesbian asylum."
"Hindi ko maintindihan. Context please?"
"Ang family kasi nila, bukod sa sobrang yaman ay ultra-conservative. Hindi lang si Zed ang queer sa family nila. Marami sila. Pero tulad ng mga relatives niya ay hindi rin siya nakaligtas sa kapalaran na sinapit ng mga ito. Ang totoo, lumipad siya papunta sa Canada para takasan ang family niya. Ang kuwento niya, kung hindi siya umalis ay baka kung saan lupalop siya ng daigdig ipatapon ng lolo niya."
"Seryoso, Ate?"
"Oo nga. Dito siya tumira kasama si Tita Gloria. Kaso wala na rin si Tita."
"Nasaan na siya?"
"Patay na."
"Ganoon?" Nakadama ako ng awa sa sinapit ni Zed.
Nabawasan ang pagkaimbiyerna ko sa kanya.
"Bakit nandito siya sa Calgary?"
"She and her wife divorced."
"She's married?"
"Was married."
"Anong nangyari?"
"Sobrang curious mo na."
"Sinabi mo na rin lang kaya ituloy mo na."
"Her ex fell out of love."
"Is that a thing?"
"It happens more often than you think."
"Ang lungkot naman. Sure ka na iyan talaga ang reason? Baka naman nagcheat si Zed o di kaya ang dating asawa at hindi niya lang sinasabi sa'yo?"
"Jane, kilala ko iyan. Flirty ang dating niya pero torpe iyan. Kapag nagmahal naman, stick to one lang."
"Anong nangyari sa ex niya?"
"Binigay niya ang gusto ni Moira kesa lagi silang nag-aaway."
"Hindi halata sa kanya na may pinagdaraanan pala siya."
"Palabiro kasi si Zed. Hangga't maaari sasarilinin niya ang problema niya. Kung hindi ko pa siya tinanong hindi ko malalaman na pinaprocess na pala ang divorce nila."
"Pero bakit nandito siya sa Calgary?"
"Gusto niya ng fresh start. Kapag nandito kasi siya ay lagi sila nagkikita ni Moira. Actually ako ang nagsuggest na baka gusto niya lumipat sa ibang lugar."
Si Ate Aira para ang salarin.
"Mabuti nga at pumayag siya. Kung dito kasi ay mahihirapan siya magmove on lalo na at ilang months pa lang after maapprove ang divorce ay may girlfriend na si Moira."
"Ang bilis naman niya nakamove on."
"Iyon na nga. Samantalang si Zed, stuck in love pa rin sa ex niya. Hay naku. Kunsumisyon."
"Paano ba iyan? Kakumpetensiya ko pa siya sa managerial position," Nanlumo ako.
"Basta ihanda mo ang sarili mo sa magiging resulta. May the best woman win."
"Bakit, Ate?"
"Manager si Zed sa isang medical call centre dito sa BC. As a matter of fact, voted as Consumer's Choice ang company nila for six consecutive years. Siya ang manager noong time na iyon.
"Shit. Mabigat na kalaban pala siya."
Naalala ko ang payo ni Aly na magtiwala ako sa sarili ko.
Pero ngayon na may mas qualified sa akin ay naglaho ang pag-asa ko na ako ang mapili.
"May tanong ka pa ba? May yoga class ako in ten minutes."
"Okay na, Ate."
"By the way, can I ask you a favor?"
"Ano iyon?"
"Can you be a friend to her?"
"That's a big ask, Ate."
"I know but she's new to Calgary. Bukod kay Dax at Zed, wala siyang ibang kakilala. Mas madali mag-adjust sa bagong lugar kung may kaibigan di ba?"
"I don't know. Pag-iisipan ko."
"Please? Kapag nakilala mo siya, makakasundo mo iyan kasi mabait tsaka super generous lalo na sa mga friends niya."
Bumuntong-hininga ako.
Ano ba naman itong pinsan ko?
Kinakabahan na nga ako dahil sa posibilidad na hindi ako ang mapili bilang manager tapos humirit pa na maging friends kami ni Zed.
Parang mas concern pa siya rito kesa sa akin na kamag-anak niya.
"Pumasok ka na, Ate. Baka mahuli ka sa klase mo."
"Maasahan ba kita sa favor na hinihingi ko?"
"Pag-iisipan ko nga."
"If you don't want to friends with her, can you at least be nice?"
"Grabe ka naman. Aanhin ko ba siya?"
"Jane, sabi ni Tito Mario, this interview means a lot to you. Pangarap mo maging manager. Zed is very qualified for the position."
"Oo na. Tama na. Kanina mo pa sinabi di ba?" Nayamot na ako.
"Don't be mad. I'm just telling the truth."
Nagpaalam na si Ate Aira.
After our phone call, it felt like a mistake reaching out to my cousin to ask questions.
I got more information than what was necessary.
Humingi pa siya ng pabor na hindi ko alam kung maibibigay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top