Chapter 5 - Aly


Hey gorgeous!

Kahit unknown number ay alam ko kung kanino galing ang text message.

I saved the contact information under Aly St. James.

Naalala ko na noong una ko siyang makita, iyan ang sinabi niya sa akin.

Nakatayo siya sa gilid ng locker ko.

Nagulat ako kasi first time ko siya makita noon.

Hindi ko alam kung ano at sino ang hinihintay niya.

Nang tawagin niya ako ng ganoon ay naimbiyerna ako sa kanya.

Inisnab ko siya.

Ang presko kasi ng dating niya.

Akala mo kung sino makabati hindi ko naman siya kilala.

Pagkakuha ng mga libro ay binalibag ko ang locker.

Imbes na matarayan sa ginawa ko ay ngumiti lang siya.

Ang akala ko ay tatantanan niya ako.

Nang sumunod na araw ay nandoon na naman siya.

May inabot pa na sulat at maliit na pack ng Hershey's Kisses.

Hindi ko tinanggap ang bigay niya.

Malay ko kung may lason ang chocolate?

Nang malaman ni Mel na may nagkakacrush sa akin ay sinabi niya na kapag nagbigay ulit ng chocolate ay kunin ko.

Siya ang kakain.

Pati ang sulat ay siya na rin ang magbabasa.

Curious siya malaman kung sino ang nanggugulo sa akin kaya sabay kami pumasok kinabukasan.

As usual ay nandoon na naman si Aly.

Magkakilala pala silang dalawa dahil classmates sila sa ilang subjects.

Nagdaldalan pa ang dalawa.

Naitsapuwera ako bigla.

Bago maibigay sa akin ang dalang chocolate ay inagaw na ni Mel.

Pati ang sulat siya na rin ang kumuha.

Si Aly pala ang bagong team captain ng soccer team.

Hindi ko siya kilala dahil transferee siya sa school namin.

Since magkakilala sila ni Mel ay lagi na siya nakabuntot sa amin.

Bukod sa bigay na chocolate at sulat na si Mel ang laging kumakain at nagbabasa ay inimbitahan niya rin kami na manood ng games nila.

Noong una ay lagi akong tumatanggi.

Busy ako hindi lang sa mga homework kundi pati na rin sa mga extracurricular activities.

Kasali ako sa school paper, debate team pati na rin sa Glee Club.

Pero kahit laging no ang sagot ko sa mga invitations niya ay hindi tumigil si Aly.

Kung nasasaktan siya sa constant rejection ay hindi niya pinapahalata.

Ngingiti lang siya tapos sasabihin na okay, next time.

Nang hindi siya pumasok ng isang linggo ay doon ko narealize na nasanay na ako makita siya na nakatayo sa gilid ng locker pagdating ko sa umaga.

Nalaman ko kay Mel na napilayan si Aly noong huling laban nila.

Dinala siya sa ospital at nilagyan ng cast ang paa niya.

Nag-alala ako at niyaya ko si Mel na dumalaw kami.

Naexcite si Mel nang sabihin ko ang gusto kong gawin.

Alam niya kung saan nakatira si Aly kasi hinatid pala niya ito minsan nang pumunta sila sa party.

Hindi ako sumama noon kasi pakipot nga di ba?

Noong time na iyon ay confused ako sa feelings ko.

Lagi ko siya nirereject pero kinikilig naman ako sa mga ginagawa niya.

Naguguluhan ako kasi feeling ko mali at hindi dapat.

Natatakot din ako na baka kapag nalaman sa bahay na may nagkakagusto sa akin na babae ay mapagalitan ako.

Noong time na iyon kasi ay hindi ko alam kung ano ba ang tingin ng parents ko pagdating sa mga ganitong bagay.

Hindi naman kasi napapag-usapan ang tungkol dito.

Pumunta kami sa bahay nina Aly pagkatapos ng klase.

Si Mel ang nagdrive kasi siya lang naman ang may kotse noon.

Sakto na pagdating namin ay palabas naman ng gate ang isang babae.

Maliit lang siya, payat, maiksi ang dark brown na buhok at nakasuot ng maroon scrubs.

Nakasabit ang lanyard sa leeg niya.

Naghello sa kanya si Mel at pinakilala ako.

Siya pala ang mommy ni Aly.

Pinapasok niya kami at nagpaalam na siya dahil malilate na siya sa trabaho.

Nasa sala si Aly at naglalaro ng video game.

Pinause niya ang laro at kinuha kaagad ang box ng pizza na dala namin.

Favorite pala niya iyon.

Nagkuwentuhan kami at naglaro ng Super Mario.

Masaya siya kasi hindi niya inexpect na dadalaw kami lalo na ako.

Pagkatapos ng isang game ay nag-excuse si Mel para magwashroom.

"Did you miss me, Flores?" Pang-aasar niya.

"Of course not," Pakipot na sagot ko.

"Really?"

"I just felt bad when I learned you got injured."

"You didn't have to come all the way here to let me know. You could have ask Mel to text or something."

Nakangisi siya kasi obvious naman na namiss ko nga siya.

Kasalanan niya naman kasi.

Sinanay niya ako na lagi ko siya nakikita sa umaga pagdating sa school.

Kahit lagi ko siya sinusungitan ay matiyaga siyang naghihintay at nakikipag-usap sa akin.

"Admit it, Janey. You like me too."

Natigilan ako.

First time niya ako tawagin ng ganoon.

"Dream on, St. James."

"You are so adorable."

Pinisil niya ang baba ko.

Nagulat ako sa ginawa niya at mukhang ganoon din siya.

Binaba niya ang kamay tapos tumingin siya sa sahig.

Naging awkward bigla ang atmosphere.

First time na hinawakan niya ako.

Hindi naman ako naoffend sa ginawa niya.

The warmth of her fingers lingered on my skin long after she pulled back when she touched me.

Something unspoken happened between Aly and I after that visit.

She still waited for me in the morning with a pack of Hershey's Kisses and a letter.

Unlike before when I didn't dare eat the chocolate, I started sharing it with her.

I read the all her letters.

She didn't ask for a reply so I never wrote her one.

The unspoken thing went on for months.

There was a new feeling that sat comfortably in my chest.

I was happy and I knew the exact reason why.

But I still didn't want to name it afraid that if I did, if I said it out loud, it would change everything between us.

Whereas I was happy with the unspoken, Aly had to say something.

When she asked if I could be her girlfriend and I said no, the comfortable warmth in my chest suddenly turned cold.

I was right about things changing between us.

Aly no longer waited by my locker every morning.

***

"Lagi ka yata masaya ngayon?" Puna ni Mama habang naglilinis ako sa sala.

"Po?" Tumigil ako sa pagpupunas ng TV stand.

Nakangiti ako kaya lalong kumunot ang noo niya.

"Sino ba ang lagi mong kausap sa gabi? Naririnig kita na tumatawa mag-isa. Okay ka lang ba, anak?"

"Kaibigan ko lang po."

"Si Mel?"

"Hindi po. Si Aly."

"Sino iyon?"

"Classmate ko po noong high school."

"Bakit hindi ko siya kilala? Lahat naman ng kaibigan mo noong high school sinama mo rito sa bahay."

"Hindi po siya nakapunta rito."

"Ngayon mo lang siya nabanggit. Saan mo siya nakita? Sa Facebook?"

"Hindi po. Sa hotel kung saan kinasal si Ate Aira. Nagkita po kami sa washroom. Umattend din siya ng wedding."

"Bakit hindi ko siya nakita sa reception?"

"Ibang wedding po, Ma."

"Kaya pala."

"Nagconnect kayo ulit? Ganoon?"

"Opo."

"Mabuti naman at may nagpapasaya sa'yo. Akala ko forever ka na lang malungkot."

"Walang forever, Ma. Kahit ang lungkot, natatapos din."

"Tama iyan. Alam mo, anak. Hindi mo dapat sinasayang ang panahon mo sa mga tao na tulad ng ex mo. Ang Aly na iyan, saan siya nakatira?"

"Sa BC din po, Ma."

"Sa Kelowna?"

"Sa Coquitlam po."

"Anong trabaho niya?"

"Pulis din po siya tulad ni Regi."

"Magkakilala ba sila?"

"Hindi po. Magkaibang lugar po kasi."

Tumigil si Mama sa pagtatanong pero parang may iniisip.

"Interesado ba siya sa'yo, anak?"

"Bakit niyo po naitanong?"

"Kasi napupuyat ka sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi ka naman dati ganyan noong kayo pa ni Joshua. Halos ayaw mo nga makita ang telepono kasi sabi mo, maghapon ka na nasa phone tapos pati ba naman sa bahay, telepono pa rin?"

"Enjoy lang po ako kausap si Aly. Ang tagal na rin kasi namin walang communication."

"Single ba siya?"

"Hindi ko po alam."

"Kung ligawan ka niya, okay lang sa'yo?"

"Dapat ako ang magtanong sa'yo niyan, Ma."

"Wala naman problema sa akin, anak. Ang mahalaga, masaya ka."

Natuwa ako sa sinabi ni Mama.

Kung nalaman ko ito noong high school, baka iba ang naging kuwento namin ni Aly.

***

"What are you doing this weekend?"

Nakavideo call kami ni Aly.

Nasa kuwarto ako at nakaupo sa kama habang kausap siya.

I was looking forward to hearing from her.

Stressful ang work week ko.

Posted na sa website ang hiring para sa managerial position.

Sinubmit ko na ang resume ko.

Naghihintay na lang ako ng invitation ng interview.

"Vegetate."

"What? Why?"

"Why not? I'm tired. It's been a long week."

"I'm coming over."

"Where?"

"To Calgary, silly. It's my mom's birthday on Sunday. I want to surprise her. Do you want to come with?"

"You're inviting me to your mom's birthday party?"

"Why not? She knows who you are."

"It's been years since she last saw me. She probably doesn't remember me."

"Trust me. She does."

"How?"

"Just say yes, please? It will be fun."

"But I don't have a gift."

"Don't worry. We'll get one when I pick you up. She likes wine. Lots and lots of wine."

Kung susunduin niya ako ibig sabihin ay makikilala niya sina Mama at Daddy.

Kinabahan ako bigla.

Pero bakit naman ako kakabahan?

Magkaibigan lang naman kami ni Aly di ba?

Kung anuman ang meron sa amin noong high school ay hindi naman natuloy kasi nga binasted ko siya.

Kaso hindi ko maidedeny na once upon a time in my life ay nagkagusto rin ako sa kanya.

Inamin ko na lang iyon nang hindi na siya nagpakita sa akin.

"Do you still live in the same house?"

"Huh?"

"Jane, what are you afraid of? I'm just inviting you to my mother's birthday."

"Why don't we do it this way? Tell me where you live and I'll meet you there."

Bumuntong-hininga si Aly.

Kahit nasa screen lang siya ay halata ang pagtataka sa hitsura niya.

"Are you still thinking that I have feelings for you like I did back in high school?"

Kahit kailan prangka talaga siya.

"No. I'm not thinking that," Pagkakaila ko.

"Tell me why you look bothered when I said I was going to pick you up at your place?"

"I'm not afraid."

"Jane, I know it's the elephant in the room. We haven't really talk about what happened but if it clears the air between us, I moved on from it. Besides, I have a girlfriend."

"Oh."

Big revelation ito.

Ilang linggo na kami nag-uusap pero ngayon niya lang ito nasabi.

Wala naman kasing nagtatanong sa amin tungkol sa lovelife o relationship status.

"I'm sorry I stopped talking to you back then. But you could understand why, right?"

"I do."

"I was hurt when you said no but I respected your decision. Even then I knew that if I keep hanging around, it would only hurt me more."

"You don't have to explain, Aly. I broke your heart. I should be the one apologizing."

"Can we put all this behind us?"

"Okay."

"Well, if you don't want me to pick you up then you can just come over to my mom's house. I'll text the address."

Kinuha niya ang cellphone at magtatype na sana pero nagsalita ako.

"It's okay. You can come over."

"Are you sure?"

"Yes."

"Okay. Same place?"

"Do you still remember how to get here?"

"I do."

"Really?"

"I have a photographic memory."

"I didn't know that."

"Didn't I tell you?"

"No."

"Now you know."

Nagtawanan kami at nawala ang tensiyon na namagitan sa amin.

***

Nang gabing iyon, habang nakahiga at nagpapaantok ay inisip ko ang mga nangyari mula nang kinasal si Ate Aira.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami ulit ni Aly.

Minanifest yata ni Mel ang nangyari nang sinabi niya na baka magkita kami sa wedding.

Tama naman siya.

Hindi sinasadyang nagkita kami ulit sa kasal pero magkaibang kasalan.

May isang bagay na gumugulo sa isip ko at ito ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

I should be glad that Aly has a girlfriend.

Except, why do I feel like I missed an opportunity?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top